Chapter 8 Hospital or Morgue

KIRA POV

Matapos naming maubos yung paninda ni manong este matapos nyang maubos lahat yung paninda ni manong

Hiningi pa nya yung fishball na hindi pa naluluto ni manong.

Hindi ko alam kung saan nya pinanglagay yung mga kinain nya totoo nga talaga sabi ng iba na malakas kumain ang mga lalaki.

Umalis na kami doon at bumalik ng campus ng malapit ng mag 4

Dumiretso agad kami ng room at kinabahan ako sa nakita ko pagdating namin

Nakasandal sa hamba ng pintuan ng room namin si devon habang may kausap sa phone bakit kasi iniwan ko pa yung mga libro ko.

Kinabahan ako ng todo baka ano pa isipin nito

Bw*sit anong ginagawa nya dito?

Kaya naman ang ginawa ko nagpahuli ako ng lakad kay sky at yumuko habang naglalakad para isipin nya na hindi kami magkasama pero lumingon sakin si Sky at nakakunot ang noo nito na napatingin sa akin

"Hey bakit ang bagal mo??"sabi nya at hinatak ako sa tabi

Oh no! what to do?

Papalapit pa lang kami nakikita ko na ang nagbabagang tingin ni devon. Binaba nito ang phone at nakapamulsang humarap sa amin ni Sky.

Napakagat ako ng labi at di alam ang gagawin

"Bakit kayo magkasama?" Kalmadong tanong nya habang pinupukol ng masamang tingin si Sky.

"Ahm hindi naman kam—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumabat agad si Sky.

"Sabay kaming naglunch may problema ba dun." Malamig nitong sagot.

"F*ck you assh*le stay away to my wife." Galit na sabi ni devon at kinwelyuhan si Sky.

Pero hindi man lang ito natinag o napagalaw man lang kitang kita ko ang pagkapikon ni devon kaya sinuntok nito si Sky

Sa puntong to natumba na si sky sa suntok ni Devon.

"Sky!" Nag alala kong sabi at lalapit na sana ako kay Sky nang pigilan ako ni Devon.

"Pag nalaman kong nilalapitan mo pa rin ang asawa ko hindi lang yan ang matatamo mo binabalaan kita." Matalim nitong sabi habang nakatingin ng masama kay Skylar.

Tumayo naman si sky at Sarkastikong napatawa.

"You can’t even punch like a real man and here you are threatening me like a kid." Sky mockingly said while smirking.

“Anong sabi mo!?” Pinigilan ko si Devon na suntukin pa ulit si Sky.

"Kuya?” Napalingon kaming lahat kay Yara na kakarating lang.

Napangisi naman si devon, ngising parang may gagawing kalokohan habang nakatingin ito kay Yara.

Devon pov

"Yes boss makakaasa po kayo." Napangisi ako at binaba na ang phone ko.

Lintek na bw*sit na yun pag patuloy pa syang aaligid kay kira masisira ang plano ko.

"Kaya papatikimin kita ng leksyon para malaman mo kung sinong kinakalaban mo." Nakangisi kong sabi.

Kira Pov

"Sky sorry talaga." Sincere kong hingi ng tawad ng bumalik na sya sa room galing clinic lumapit agad ako sa kanya. Sinamahan sya ni Yara doon na hindi na nagtanong kung anong nangyare.

Napakunot noo ako ng makitang malapitan ang labi ni Sky. Nakakapagtaka lang at parang wala man lang sya sugat. Nakita ko kanina na dumugo yung gilid ng labi nya

Diba dapat magiging pasa yun or masugatan man lang pag natagalan na. Wala man nga lang nakalagay na band aid.

Parang bumalik lang sa dati yung lips nya.

Pano nangyari yun?

Walang band aid yung gilid ng labi nya pumunta ba talaga sila ng clinic kasi dapat may band aid yung sugat nya.

"Im fine. How about you?" Sagot nya at hinaplos yung pisngi ko.

"Okay lang ako wala naman may nangyare sa akin." Mahina kong sabi at napaiwas ng tingin

"Good come here." Ti-nap nya yung tabi nya. Nasa sahig lang kasi ito ng room nakaupo

Tumingin ako rito at nqgda-dalawang isip kung uupo ako.

"Come on." Napakagat ako ng labi at napalingon lingon baka kasi bigla na namang dumaan si Devon malapit pa naman kami sa pintuan.

Dahan dahan akong lumapit at umupo sa tabi nya.

Pinulupot nya yung braso nya sa bewang ko at sinandal yung ulo nya sa balikat ko.

Napayuko ako dahil ramdam kong namumula na ako ngayon.

"Ay l*ntek na buhay oh bakit ba ang daming sweet ngayon." Biglang sabi ni Louise na kakarating lang kasama si Yara.

Napaigtad ako ng biglang marinig ang maingay na boses ni Louise mas lalo akong namula ng makitang nanunudyong nakatingin sa amin si Yara at Louise.

"Tara boy hunting tayo para naman hindi tayo lonely." Sabi ni yara at hinila si Louise.

"Ay sige game ako dyan." sabi ni Louise at napahagikgik.

Napailing na lang ako sa dalawa at napatingin kay Sky na nakapikit ang mga mata at parang nagpapahinga.

LOUISE POV

"Haist! I hate traffic." Inis kong sabi at napahampas sa manibela.

"Count me in." Nakasimangot na sabi ni Yara habang nakadungaw sa labas ng bintana.

Pupunta sana kami ng mall

Hindi na namin inaya si Kira tsk! kasama nya yung boylet nya eh, pero mas okay na rin yun. Masaya akong nagkakamabutihan sila ni Sky dahil mas boto ako kay Sky kaysa sa asawa nyang di tao ang ugali.

"Me too." Biglang sabi ni Yara

"Huh?" Naguguluhang napatingin ako kay Yara ng bigla syang magsalita.

Ngumiti lang sya sa akin na at nagpeace sign kaya napakunot noo ako.

"Ahh teka! May alam akong short cut." Sabi ko bigla ng may naalala ako.

"Tara ayokong mamuti ang buhok ko dito sa kakahintay sa l*tseng traffic na to." Inis na sabi ni Yara kaya napatawa ako

•••••••••••

"Sigurado ka ba sa dinadaanan natin Louise?" Biglang tanong ni Yara

"Oo naman dito kami palagi dumadaan ni Kira pag traffic nakakapagtaka nga lang ngayon eh dati wala namang tao dito." Sabi ko

Malayo pa kasi kami may nakikita na kaming grupo ng mga lalaki na nakatambay sa tabi tabi na mga mukhang adik.

"Gusto mo bang bumalik na lang tayo." Tanong ko ako kasi yung nag da- drive eh.

"Wag na andito na tayo eh" sagot ni Yara

Naihinto ko yung kotse ng bigla silang humarang sa daraanan namin. Nagtinginan kami ni yara at kanya kanyang bukas ng bintana

"Hi mga kuya nagmamadali po kasi kami ng kaibigan ko, pwede po ba kaming dumaan dito?" Nakangiting pakiusap ni Yara.

"Bakit di kaya kayo bumaba miss para mapag-usapan natin yan." Nakangising sabi nung mataba. Bakit pa kami bababa eh dadaan lang naman kami. Ang mga unggoy na to akala naman nila uto uto kami!

"Haha sige po salamat na lang aalis na lang ho kami ng kaibigan ko." Magalang na sabi ni Yara.

"Louise tara na." Mahinang utos ni Yara kaya tumango ako.

Paandarin ko na sana yung sasakyan pero pinalibutan nila kami. Napabuntong hininga kami at bumaba ng sasakyan. Ayaw sana namin pero wala namang mangyayari kung hindi kami bababa

Hindi na rin namin ma-iurong ang sasakyan kasi napalibutan na nila yung sasakyan

Alangan namang sagasaan namin sila pero bago kami bumaba nagtext muna kami kay Kira at Sky

"Mukhang naliligaw ata kayo mga miss." Sabi nung lalaki na may hikaw sa ilong.

"Hindi naman palagi naman kaming dumadaan dito kayo anong kailangan nyu at hinarangan nyu kami gusto nyu bang masagasaan?" Inis kong tanong

Nagkatawanan sila at nagtinginan.

"Mga kuya pwede po bang tumabi po muna kayo gaya po ng sabi ko kanina nagmamadali po kasi kami eh." Magalang na sabi ni yara. Bihira rin ang isa to, ang kalmado pa rin kahit mukhang di kami makaalis dito ng hindi nanlalaban.

Nagbulong-bulongan yung mga gago habang nakatingin kay Yara

"Sya ba?" Rinig kong tanong ng isa.

"Pasensya na teritoryo na namin ito ngayon." Sabi naman nung mataba. Ano naman kung teritoryo nila!? Parang dadaan lang naman kami!

"Ah ganun ba kung ganun pasensya na babalik na lang kami pasensya na ho sa istorbo." Magalang na sabi ni Yara

"Haha wag na muna andito na rin naman kayo kaya sumama na muna kayo samin." Sabi nung may apat na hikaw sa kaliwang tenga. Siraulo ata ang nga to

"Anong akala nyu sa amin papatol sa kagaya nyung mga yagit!" Naiinis kong sigaw ko. Nawala ang mga ngiti nila at nagkatinginan.

Napaatras kami ni Yara ng simula na silang lumapit samin pero na patigil rin kami ng may meron rin pala sa likod.

Yara POV

Sh*t anong gagawin ko? Kapag pinatulan ko ang mga butiking ito malalaman ni Louise kung ano ako.

Kuya saan ka na ba bakit ang tagal nyu ni Kira.

"Miss wag na kayong pakipot alam kong gusto nyu—"

"Tumahimik ka nga ang baho mo! Mukha ka pang unggoy mahiya ka nga!" Panunuya ni Louise. Gosh! She's just worsening the situation.

Pag hindi pa ako kikilos lagot kami ni Louise. Napapikit ako ng mariin ng makapagdesisyon.

Louise Pov

Patuloy ang paglapit nito sa amin

"Hanggang dyan lang kayo. Louise pumasok ka sa kotse." Seryosong utos Yara.

Nanlaki ang mata ko

"What!?" Di makapaniwalang sabi ko. Anak ng! Magpapaka-hero pa ata ang babaeng to

"Ohyy nagpapakabayani si miss beautiful." Sabi nung isa gosh andami kaya nila

"What the h*ll are you saying Yara dont be so stupid." Kinakabahan kong sabi.

"Trust me Louise I can handle this just do what I said." Sabi nito at pinagtulakan ako papasok ng kotse.

Tinignan ko si Yara kung seryoso ba sya pero nakita kong nakangisi lang sya.

"Choose........ hospital or morgue?" Napalunok ako sa nakakatakot nitong boses ng magsalita ito.

"Wala bang heaven miss?" Tanong ng isa saka sila nagtawanan.

"Wala kasi hindi kayo tanggap dun pero impyerno meron." Sabi ni Yara

Nagulat na lang ako ng humaba ang mga kuko ni Yara

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at nanlaki ang nga matang di maalis ang tingin sa mga kamay nito.

Anong nangyayare?

Napakusot kusot ako ng mga mata at napapikit ng paulit ulit habang pinapaniwala ang sarili ko na namamalikmata lamang ako pero hindi ganun pa rin ang mga kuko ni Yara

Hindi normal ang ganun dahil may nakikita akong maliliit na pulang ugat sa kamay nya