Chapter 7 Quality time

Kira pov

"Guys free tayo ngayon. Nasa seminar si Ms. Ally walang sub teacher kasi busy rin yung mga teacher." Announce ng president namin.

Maraming napa-yes at napasigaw

Parang mga bata, well sino ba naman kasi ang may ayaw sa walang klase.

Nanghihinang napasandal ako sa upuan ko at napahikab.

Gosh I hate this pregnancy thing!

Palagi na lang ako pagod at parang puyat palagi, kung hindi ako inaantok palagi akong gutom isabay pa itong pag iinit ng tiyan ko.

"Oh inaantok ka na naman ba bessy yan kasi ang landi landi mo ayan tuloy nagkalaman, pero teka bessy may tanong ako." Sabi bigla ni Louise

Na inayos ang pagkakaupo at humarap sa akin.

"Ano yun?" Curious kong tanong

Kaming dalawa na lang ang nandito

Lumabas yung iba naming classmate yung iba malayo naman sa amin kaya hindi kami nagkakarinigan.

Umalis rin si Yara kakausapin ata si Sky na hindi ko nakita mula kanina, ewan ko ba kung may ganang mag aral ang isang yun ehh palagi namang wala, sinabi ko na kasi sa kanila ang totoo.

Lumapit sya sa tainga ko at bumulong hinihintay ko yung tanong nya nakangisi kasi ang gaga eh.

"Masarap ba si Sky?" Parang nabingi ata ako sa tanong nya.

"Hihihi…" Hagikhik nya

Masama ko syang tinignan at binato ko sya ng plastic bottle na nadampot ko lang sa tabi.

"Aray ko naman beshie "Nakanguso nitong reklamo habang hinihimas nya yung noo nya na natamaan ng plastic bottle na binato ko sa kanya.

"Anong klaseng tanong yan?" Inis kong sabi.

"Asus choosy nito yung totoo masarap ba syang humalik? Malaki ba yung ano nya? Mabilis ba sya bum—" Bw*sit ano bang pinagsasabi nito.

Ngayon binatukan ko na talaga sya

"Aray ko naman nakakadalawa kana ah. Teka ba't parang namum— Ayieee namumula sya ohh ano sagutin mo na kasi." Pang aasar pa nya kaya napaiwas ako ng tingin.

“Pero seryoso bess masaya ako para sayo. Hindi ko alam na may tinatago ka rin palang landi no?” Napahalakhak ito kaya sinamaan ko ito ng tingin.

“Pero seryoso nga talaga bessy, sign na to para makipag-hiwalay kana sa asawa mong di tao. Di mo ba alam na unti unti ka ng nagbabago? Look at you hindi ka na palaging haggard at parang nabibinyagan palagi de-joke baka masapak mo na naman ako.”

“Ngayon alam ko na kung bakit ganun ang mga tingin mo kay Sky ng first day nila may jugjugan na palang nangyari.” Inambahan ko ito ng sapak kaya agad itong lumayo.

"Ewan ko sayo! dyan ka na nga." Inis kong sabi at umalis na ng room.

Wala namang teacher kaya okay lang naman siguro na lumabas, lumabas na din naman ang iba.

"Ayy teka lang bessy wait mo ang magandang si ako." Sabi nya pa at sumunod sa akin.

Hindi ko na sya pinansin at lumabas na ng tuluyan ng room. Nakita kong may humarang na tatlong freshman kay Louise kaya hindi nakasunod sa akin ito.

Asan na kaya si Sky? Naisaisip ko

Hindi ko pa sya nakikita mula kanina ah. Ah baka naman dun sa tambayan nya

"Ang tal—" Napahinto ako sa pagsasalita, teka lang bakit ko naman ata sya hinahanap.

Naman ehh ba't parang gusto ko talaga syang makita. Naglibot libot ako sa buong school

Huhu asan na ba si sky??

Naiiyak na ata ako

Goshh parang ang oa ko naman ata ngayon

Pinaglilihian ko ba sya at parang ang oa ko talaga ngayon parang may kakaibang feeling akong nararamdaman na di ko kayang i-explain parang hinahanap ng katawan ko yung presensya ni sky parang umiinit ng bahagya yung tiyan k

Napaupo na lang ako sa malapit na bench at napasimangot.

"Tsk..! Bahala sya ano nga naman ang kailangan ko sa kanya at hinahanap ko sya." Sabi ko

"Gutom na ko." Sambit ko at napahawak sa tiyan kong nag-iingay.

Tinatamad naman akong pumunta ng cafeteria.

"Para kang tanga dyan." Napapitlag ako ng biglang may nagsalita mula sa likuran ko.

"Ay baklang pating!" Gulat kong sabi at napatingin sa likuran ko.

"Sky!" Di ko alam parang minagnet ng katawan nya ang katawan ko at bigla ko na lang syang niyakap.

"Hehe sorry naman." Sabi ko ng mapansin kong ang tagal ko ng nakayakap sa kanya.

"Miss me?" He ask while smirking obviously to tease me.

"Yes I mean no! Wag kang bingi sabi ko no!" Napangiwi ito sa lakas ng boses ko.

"Here." May nilagay sya sa tabi ko na paper bag na ngayon ko lang nakita na may dala pala sya.

"Ano to?" Parang tanga kong tanong

Tinignan ako nito ng Why-dont-you-open-it-so-you'll-know

Napairap ako at binuksan ko na lang yung paper bag napangiti ako ng todo todo

Pagkain! Saktong sakto gutom na ko.

"Tara rooftop tayo." Sabi ko at hinatak na sya papuntang rooftop.

"Tsk! Pwede namang maglakad, becareful sometimes remember that your pregnant." Sabi nya dahil sa halos tumakbo ako habang hatak hatak sya kasi naman gutom na talaga ako.

Pero hindi ko na sya pinansin at nilabas na yung pagkain mula sa paper bag mukhang take out galing Mc do pagkarating namin sa rooftop agad kong nilantakan yung pagkain.

"Hmm…" Sheeeez ang sarap! Or maybe gutom lang talaga ako kaya ako nasasarapan ng todo.

"Here." Subo nya sakin ng burger na kinakain nya.

Nanlaki ang mga mata ko at iiwas sana ng tingin pero tumikhim ito kaya sinubo ko na rin yung pinapasubo nya baka mangalay pa.

"Water?" Tanong nya

Tumango ako ayoko kasi ng lasa nung coke.

"Hmm… wala na pala tayong klase." Sabi ko ng makita yung text ng isa sa mgq blockmates ko. Niligpit ko na yung pinagkainan namin at tinapun na sa basurahan.

"I still have one." Sabi nito at sumandal sa nag iisang bench doon

Well nakaupo kasi kami sa sahig na nilatagan nya ng tela na dala nya at di ko alam kung bakit may dala dala syang ganun sa bag nya.

"Ganun ba sina Louise kaya meron pa?" Sambit ko dahil wala na akong kasama kung ganun. Ayoko naman umuwi sa bahay ng ganito kaaga at baka nandun na si Devon.

"It’s my last subject but I can skip it." Maikli nyang sabi, napakunot noo ako sa sinabi nito at saka hinampas ito sq balikat.

"That’s bad last time nagskip na tayo eh pumasok ka ngayon.” Nagkibit balikat lang ito.

"Move beside me" Utos nito

Kaya umusod ako palapit dito dahil baka may ibubulong ito.

"I want to ask you I hope you won't mind." Napatingin ako sa kanya. Seryoso lang ang mukha nito.

Napabuntong hininga ako, mukhang alam ko na kung anong itatanong nya.

"Sige" mahina kong sagot.

"Well its about your marriage." Sabi nito at inakbayan ako and he started caressing my hair. Hindi na bago sa akin to kaya ang ginawa ko sinandal ko na lang ang ulo ko ko sa balikat nya.

"You and that asshole how did you end up together?" He ask

Mapait akong napangiti at bumalik ang lahat na nangyari noon.

"Ahm its a force marriage" napakagat labi ako at pinipigilang tumulo ang mga luha ko.

"The truth is Devon is Kara fiance my twin sister. Hindi ko alam kung bakit nila pinilit na ipakasal sa akin si devon kahit na grabe ang pagmamahalan nila noon ni Kara. Well noon hindi ko alam pero ngayon alam ko na." Hindi ko napigilang napaluha.

"Noon tanong ng tanong talaga ako sa sarili ko kung bakit ako pa? Samantalang alam naman nila na nagmamahalan ng todo si kara at devon at boto pa ang mga magulang ko sa relasyon nila." Napatigil ako at nagpunas ng luha.

"What is the reason?" Mahinang tanong ni sky.

"Kara can't bear a child at pinakasal nila ako kay devon para sa akin magkaanak si devon pagkatapos..." Napailing iling ako

"Kukunin nila ang anak ko sky kukunin nila" Natatakot kong sabi. Iisipin ko pa lang di ko na kaya. Kilala ko ang mga magulang ko at kung sakaling gagawin nga nila iyon alam kong wala akong magagawa kahit na magpakamatay pa ako sa harapan nila.

Nakita kong napakuyom ang kamao nito.

"I wont let it happen." Matigas nitong sabi

Niyakap ako nito ng mahigpit at hinalikan sa noo. "Kira tell me honestly do you still love that bastard?" He ask.

Do I love him? Maybe yes…. Of course I love him… I guess

"I do—" Napatigil ako ng marinig kong tumunog na naman ang tiyan ko.

Waaah.... nakakahiya!

Napayuko na lang ako at napasubsob sa tuhod ko.

He chuckled. Inangat nito ang mukha ko and kiss my forehead.

"Hungry again? Kakain mo lang ah.” He ask still chuckling.

"Streetfoods." Bulong ko, parang nagcre-crave ako ng streetfoods ngayon.

"What?" He ask

"I want to eat streetfoods." Sabi ko dito

" Parang gusto ko kasing kumain ng mangga namimiss ko ng kumain ng kwek kwek siguradong masarap yung fishball baka naman may isaw rin sa labas tara na." Tumayo ako at hinila ko yung kamay nya.

Gosh ang bigat bigat ng taong to

"Gosh mahuhulugan ata ako sayo." Pagkasabi ko nun tumayo agad sya.

"Lets go." Napangiti ako papayag rin pala ang mokong.

Pagbaba namin ng rooftop lumabas agad kami ng school hindi man lang kami hinarangan ng tinanong ng guard.

"Hmm sarap nito try mo dali." Sabi ko habang sinusubo yung fishball sa kanya.

Nakakunot lang yung noo nya "Just eat whatever you want don't mind me." Sabi nya.

Ayaw talaga nyang kumain. "Sige na kahit isa lang." Pamimilit ko dito

Kanina pa ako kumakain eh sya ni isang kagat ayaw.

"Is that even safe?" Nakasimangot ako sa sinabi nito

"Oo naman kita mo namang kanina pa ako kumakain wala namang may nangyare"

Napabuntong hininga naman sya at sinubo na yung fishball.

"Yes naman! Ano masarap ba?" Masigla kong tanong.

"Hmm manong samin na to lahat." Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya

Inabutan nya si manong ng 2k na agad naman lumiwanag ang mukha sa perang inabot ni Skylar. Napangiti na lang ako at hindi na nagkomento alam kong di aabot ng 2k ang dapat na babayaran kung sakali pero tulong na rin para kay manong.

"Akala ko ba ayaw mo?" Nakangisi kong tanong.

Tiningnan lang ako nito at saka kumilos para kumuha ng kakainin nya

Si manong tindero kasi nakatulala na kay sky

Baka naman nainlove na sya kay sky' napahagikgik ako sa nasa isip ko

Napatingin sa akin si sky ng nakakunot noo

"Your thinking nonsense." Sabi nito at sumubo ng kikiam.

"Im not." Sabi ko dito at napakunot noong napatingin sa kanya.

"Bakit parang feeling ko alam mo yung nasa isip ko." Tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"Can you read my mind?" Tanong ko pero napailing agad ako

"Nah forget it parang napaka imposible naman yun wala namang tao nakakapagbasa ng isip ng iba unless you’re an alien."sabi ko

"Your thinking too much here just eat." Sabi nito habang nakatingin sa baba hindi man lang ako nito sinulyapan.

Skylar why I have this feeling that you have a big secret' naisaisip ko

"What the h*ll woman!?" He exclaim

Gulat at naguguluhang napatingin ako sa kanya.

"Problema mo hindi ka naman inaano dyan." Naguguluhan kong sabi