Chapter 21 Saving Kira’s Mom
KIRA POV
"Nakakabagot naman kung nandito lang ako sa loob." Sambit ko at napabuntong hininga
"Bessy gising na si Sionna“ Biglang pumasok si Louise sa kwarto parang nabuhayan ako ng loob sa narinig.
"Talaga?" Masaya kong tanong .
Tumango naman ito kaya napangiti ako at tumayo. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kwarto kung saan si Sionna. Tumikhim kami dahil mukhang sobrang lalim ng usapan nila Ashton at sobrang lapit nila sa isa’t isa.
Babangon na sana ito ng mapaigik ito at napahawak sa ulo."Aray sh*t ang sakit ng ulo ko." Mahinang daing nito habang hinihimas yung ulo nya.
"Of course you’ve been sleeping in two days." Walang emosyon na sambit ni Ashton.
"Eh ano bang nangyari huli kong naalala sinalakay tayo ng dark empire eh." Tanong nito.
"Nalason ka sis, buti na lang naagapan ka agad ni doctor Kiel." Napatingin ito kay Yara
Lumapit naman ako dito "Hi sionna okay ka na ba? May masakit ba sayo?" Tanong ko nginitian ako nito at umiling.
"Okay na ako kira medyo nanghihina lang at nauuhaw." Sabi nito
"Oh tubig daw dali." Utos ni Louise agad namang kinuha ni Ashton ng tubig at binigay kay Sionna pero umiling ito. Napatigil naman si Ashton at saka napatingin sa amin ni Louise. Naintindihan ko agad ang ibig nitong sabihin.
“It’s okay. Ilang beses ko na ring nakita si Sky na umiinom ng dugo kaya hindi na bago sa akin at di ako mandidiri.”
“Ay dugo pala ang bet mo girl dali pagbigyan ang bampirang ito.” Napangiti ako sa sinabi ni Louise ganun rin si Yara.
"Nasaan na yung iba?" Tanong ni Sionna pagkatapos uminom ng dugo.
"Niligta— este may inasikaso lang sa palasyo." Yara said
Napakunot naman ang noo ko. "Sa palasyo ba ang punta nila? Bakit hindi na lang sinabi sakin ni Sky para naman may idea ako kung saan sila pumunta." Nakasimangot kong sabi.
"Hehe ewan ko rin." Sabi ni Yara. Ano raw? Sabi nya may aasikasuhin sila sa palasyo tapos sasabihin nya “ewan” ibig sabihin may pinuntahan pa silang iba?
"Ahm… Pwedeng lumabas?" Tanong ko
"HINDI PWEDE!" Yara/Louise/Ashton
Napatakip kami ng tainga ni Sionna sa lakas ng boses nila
"Ayaw nyu kong palabasin? Sige bilhan nyu ko sa labas ng kambal na saging at walong pack ng marshmallow." Nakangiti kong utos.
"Walong pack talaga? Di ka ba ma-uumay sa tamis?" Louise ask
Nginitian ko lang sya
"Sige ako na ang bibili pero saan ko mahahanap yang kambal na saging na yan?" Tanong ni Ashton
"Marami sa market kumag!" Yara yell
"Aba malay ko dyan at kung makasigaw ka di porket prinsesa ka" Inambahan ng suntok ni Ashton si Yara.
“Nagtatanong ng maayos yung tao.” Dagdag pa nito.
“Correction bampira hindi tao.” Sabat ni Louise.
“Umalis ka na nga.” Taboy ni Yara kay Ashton.
"May ipabibili pa kayong iba?" Tanong nito
"Bili ka ng dalawang galon ng ice cream yung maliliit lang ha" Yara excitedly said
"Ok.” Simpleng sagot nito at aalis na sana ng magsalita ang walang hiya kong bestfriend.
"Teka bumili ka na rin ng prutas para kay Sionna tapos bumili ka na rin ng 5 large fries." Sabi ni Louise, patay-gutom talaga.
Tumango lang si Ashton at tumingin muna kay Sionna bago umalis.
Ibang tingin yun ah, may something rin ba sa kanila?
Napaubo si Yara habang nakatingin sa akin. Napasimangot ako dahil mukhang binabasa nito ang isip ko.
Sinamaan ko ito ng tingin pero nagpeace sign lang ang g*ga.
“Wag mo na kasing alamin hayaan mo na lang sila sa lovelife nila.” Bulong nito sa akin.
“Gaya ng lovelife nyu ni Zed?” Nanlaki ang mata nito at magsasalita na sana pero ngumisi lang ako at iniwanan ito.
“What the h*ll Kira!” Rinig kong sigaw nito.
DAVID POV
"Sir napasok po tayo." Anunsyo ng isang tauhan ko na humahangos sa pagod.
Napatayo ako at galit na hinampas ang mesa.
"PUT*NG*NA! Paano nangyari iyon? Nasaan na ang asawa ko ha!?" Galit kong tanong.
"Pasensya na po sir masyadong mabilis ang pangyayari bigla na lang po may nagsidatingan na tatlong lalaki. Nakablack cloak silang lahat. Ang bilis ho nilang kumilos sobrang lakas rin po nila, walang laban po ang mga kasama ko, wala rin pong laban ang baril dahil hindi sila natatamaan sa sobrang bilis nila. Ako lang po ang naiwan sa nagbabantay kay madam." Bakas ang takot sa bawat bigkas nitong salita at nanginginig pa ito.
Napakunot ang noo ko. "Imposible ang iyong sinasabi niloloko mo ba ako?" Galit kong tanong at nandilim ang aking paningin sa galit.
“Hindi ho ako nagsisinungaling Sir, masyadong mabilis ang nangyare, parang segundo lang ho ang lumipas at patay ang lahat kong kasamahan ako lang ho ang nakatakas o mas tamang pinatakas para iparating ho sa inyo ang balita ang mensahe nila.”
“Mensahe?” Nanginginig na binigay nito ang isang nakarolyong papel.
KARYNA!
"Kung ganun nakuha nila ang asawa ko!" galit kong sigaw at nilukumos sa kamay ko ang mensahe.
"Pasensya na—" Hindi ko na ito pinatapos at tinadtad ko na ng bala ang katawan nito.
"Mga walang kwenta!"
"Dad mukhang kailangan na natin ang tulong ng mafia organization" Sabi ni Devon na kanina pa nagmamasid sa tabi.
"No! Mukhang alam ko na kung sino at anong klaseng tao ang tutulong sa atin." Nakangisi kong sabi.
"What do you mean dad?" Tanong nito.
"Dark empire." Nakangisi kong sagot at sumimsim ng alak.
Wag kang mag-alala Karyna hinding hindi ka makakatakas sa akin
Akin ka lang!
Ang tagal kitang nakuha noon sa tangang Kiel na yun kaya hindi ako papayag na mawala ka pa sa akin.
Kira Pov
Nakasimangot kong nilalantakan ang mga marshmallow
Kanina pa ako naghihintay kay Sky ni hindi man lang nya sinasagot ang mga tawag ko
"Bessy nandito na ang hubby mo" Parang tangang kanta ni Louise sa labas
Kaya lumabas agad ako ng nakasimangot. Nakangiting mukha ni Sky ang bumungad sa akin kaya pinagtaasan ko ito ng kilay
"Babe" Nakangiting lumapit ito sa akin at hinalikan nya ko ng matagal sa labi.
"Saan ka galing?" Tanong ko
"May inasikaso lang halika nga dito hmm.... namiss ko ang baby ko." Malambing nitong sabi at niyakap ako ng mahigpit at naglakad papuntang kwarto
"Makangiti ka ah." Sabi ko dito parang ang sigla sigla nito at wagas kung makangiti.
“Yeah It’s so satisfying. Don’t ask too much babe don’t worry Im doing it for you, for your safety. Your dad is so stupid.”
“I don’t have one what are you talking about.” Nakasimangot kong tanong at kinalas ang yakap.
“Yeah, let’s not talk about it.” Lalabas sana ako pero pinigilan ako nito at hinila sa kama.
"Bango naman." Pinigilan ko ito ng akmang hahalik ito sa leeg ko.
“Sky.” Banta ko rito pero ngumisi lang ito at hinalikan ako sa labi.
"Alis kasi…!" Pagsusungit ko
Dala dala ko pa rin yung pack ng marshmallow na isa na lang ang natira
"I miss you…"
"Mukha mo! Magkasama lang tayo kanina eh at kung talagang namiss mo ako edi sana sinagot mo man lang mga tawag ko diba?" Inis kong sabi.
"You know what I mean when I said I miss you babe.” Namula ako ng makuha ang ibig sabihin nito. Napakagat ako ng labi ng magsimulang maglakbay ang mga kamay nito.
“I miss this. Damn I need to fill a blood—” Napatigil ito at napatikhim kaya napakunot noo ako.
“Blood what?” Tanong ko pero di ito sumagot at hinalikan lang ako.
"Babe please" Paos nitong sabi habang gumagala na ang kamay nito sa katawan.
“Please what?” Pang aasar ko rito. Napatigil ito at tinitigan ako sa mga mata habang ang nga kamay naglalakbay na sa ilalim.
Ngumisi ito at habang titig na titig sa akin. "Oh god!" Napaigtad ako ng may pumuslit na kamay sa pagkababae ko. Natawa ito at mabilis akong hinalikan.
"Damn!" hindi ko na pinigilan ito dahil hindi rin naman nya ako tantanan pag hindi pa ako pumayag.
Louise POV
"Pfftt— anak ng kabute ang dalawang to ang sipag sipag sa past time." Sabi ni Yara ng makaupo sya sa sofa pupunta sana sya sa kwarto nila Sky kaya lang napaatras ng may marinig ito.
"Normal lang yan" Bored na sabi ni Ace
“Yeah right, By the way kamusta yung mommy ni Kira?" Tanong ni Yara
“Sa ngayon sa hotel muna sya magste-stay hindi sya pwedeng humarap kay Kira na maraming pasa ang katawan at mukha nya." Paliwanag ni Thunder my loves
"Eh... buti na lang nailigtas nyu si tita grabe hindi ko akalain na kaya syang saktan ni tito Dave." Sabi ko
"Ahm Zed natawagan mo na ba si doc Kiel para puntahan dun si tita sa hotel sabi ni kuya sya daw ang gagamot kay tita." Sabi ni Yara
"Ah oo pupunta daw sya mamayang hapon" Sagot ni Zed
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko
" kyaaaah…! Totoo pupuntahan ni doctor Kiel mamaya si tita Karyna?" Tanong ko
Kinindatan ako ni Yara at ngumisi
"It's kuya idea" Nakangiti nitong sabi
"Kyaaaah...! Magkikita sila after so many years. Oh gosh! Gusto ko sanang makita yung reaksyon nilang dalawa." Kinikilig kong sabi.
“We’re still not sure kung si Doctor Kiel nga ang Dad ni Kira.” Pangongontra ni Yara.
“Ako sis sure na sure na!”