Chapter 20 Chaotic Duo
KIRA POV
Natatawang lumabas ako ng kwarto namin— I mean kwarto ni Sky
"Oh! Anyare sayo bess?" Tanong ni Louise ng makalabas ako ng kwarto
Napatigil ako sa pagtawa at napakunot noo ako ng makita ito. "Hindi ka ba umuwi bessy? Saan ka natulog?" Tanong ko
"Alam mo nakakayamot ka bess ayan kana naman tinanong kita isasagot mo sakin tanong rin galing mo rin eh no." Sabi nito ng nakasimangot.
Nginitian ko na lang sya at dumiretso na ako ng kusina papalapit pa lang ako ng may marinig ako na parang may nag-aaway at nagsisigawan.
Nakita ko doon si Yara na hawak hawak yung sandok na pinapalo kay Zed na todo iwas naman.
"May nabubuo ba?" Tanong ko at napangisi, para silang mga bata na naglalaro.
"Anong nabu-buo?"tanong ni Louise na biglang sumulpot sa gilid ko.
"Oh? Kira nandito na pala kayo kain na at nagutom ako sa panghahampas sa hudas na ito." Aya nito at tinuro ang mesa na may nakahanda ng kanin at sinigang na baboy.
"Nagugutom rin pala ang mga bampira." Bulong ko
"Oo naman no! Porket bampira lang kami hindi na kami nagugutom, may tiyan rin kami na nakakaramdam ng gutom." Biglang sulpot ni Thunder at niyakap si Louise bago ito halikan sa sentido.
"Morning love." Inirapan lang ito ni Louise, kita mo to kay aga aga naglalandian.
"Tsk! Ang ingay nyu ano bang meron?" Biglang sulpot ni Ace.
"Uso ang sulpotan!?" Biglang sabi ni Yara
"Oy prinsesa yung sandok akin na!" Nagpapanic na sabi ni Zed habang nakatingin sa niluluto nila.
"Ay bw*sit! Alis dyan at ako na ang tatapos ng calderetang yan." Sinamaan nito ng tingin si Zed.
Napapansin ko lang sa lalong tumatagal na pagsasama ni Yara kay Louise palagi ko ng naririnig si Yara na sumisigaw at nagmumura haist bad influence si bessy, sweet kayang magsalita si Yara noon pero ngayon ewan!
"Sinabi ko nang ako na diba? Kaya akin na yang sandok." Pamimilit naman ni Zed at pilit na inaagaw kay Yara ang sandok.
Napangiwi ako ng hinataw pa ng isang hampas ni Yara si Zed.
Napa-aray naman si Zed at napahimas sa kanyang balikat at likod na natamaan ni Yara, iba rin naman ang lakas ng isang bampira well, pareho naman silang bampira
"Ano ba yan kanina pa kaya kayo nandito hindi pa yan tapos?" Reklamo ni Louise
"Ikaw kaya dun magluto." Sabat ni Thunder, inis naman na kinalas ni Louise ang yakap nito at sinamaan ito ng tingin.
"Bakit ba sabat ka ng sabat!" Inis na sigaw ni Louise
"Eh bakit kasi reklamo ka ng reklamo!?" Sigaw rin ni Zed
“Bro wag mong sigawan to ako lang ang pwedeng sumigaw dito.” Sinamaan ng tingin ni Louise si Thunder at saka hinarap si Zed.
"Eh sa nagugutom nako kanina pa kayo dito hanggang ngayon di pa kayo tapos!" Sigaw rin ni Louise hindi rin magpapatalo ang g*ga eh
"Oh edi sana ikaw nagluto." Sagot rin ni Yara at inirapan si Louise at nagirapan na ang dalawa. Napahilot ako ng sentido dahil sumasakit ulo ko sa sigawan nila.
"Ang ingay nyung dalawa— hala! prinsesa akin na kasi ang sandok na yan at masusunog na ang cal—" Tinulak ito ni Yara kaya hindi na nito natapos ang sasabihin.
"Sinabing alis dyan at ako na magluluto baka mamaya nyan lasunin mo kaming lahat." Sabi naman ni Yara
"Tabi nga dyan at ako na ang magluluto!" Biglang sigaw ni Ace na kanina pa tahimik katulad ko na nagmamasid sa kanila. Tinulak ni Ace si Zed kaya natumba sya kay Yara na malapit lang sa kanya.
Kaya nadala si Yara at nasagi ng kamay ni Yara yung sinigang na kanina pa luto kaya natapon ito.
"Waaaah…! Natapon yung sinigang!" Sigaw ni Louise. Napatampal ako ng noo at napailing sa mga pinang-gagawa nila.
Ilagay ba naman sa gilid ng table na konting sagi lang mahuhulog agad.
"What's that smell?" Biglang dating ni Sky at inakbayan ako
"YUNG CALDERETA!" Louise/Zed/Thunder/Ace
Oh my god! Pakiremind ako na wag pagsamahin sa kusina sina Zed at Yara lalong lalo na si Thunder at Louise.
Nagmamadaling kinuha ni Yara yung calderata na sobrang pula na may halong itim na yung kulay.
KIRA POV
"Pfft…" I chuckled while looking at them.
Nasa sala kami ngayong lahat. Nakaupo at pinagmamasdan ang calderetang sunog at kanin na kanina pa nakahain yung kawawang sinigang na sahig lang ang nakatikim.
Walang may nagsasalita walang may kumikibo walang may gumagalaw
Nakatingin lang ang lahat sa coffee table na nasa harapan namin.
"Parang adobo." Natatawang bulong ko kay Sky
"Yeah." Sagot nito
"Bro?" Rinig namin mula sa labas.
"Oh may namatay ba?" Tanong ni Ashton na kakarating lang.
"Oo namatay yung caldereta." Sabi ni Louise
"Pfft—" Pinipigilan ko talagang wag matawa, ang gulo kasi nila yan tuloy…
"Oh adobo ba yan? oy fav—" Napaigtad ito ng sumigaw si Yara at Louise
"Caldereta yan!" Louise at Yara
"May caldereta bang kulay itim?" Tanong ni Ashton na nakakunot ang noo
"Tsk! B*bo mo bro nasunog kasi ano ba yang dala mo?" Tanong ni Thunder
"Pizza merienda para mamaya." Sagot ni Ashton
"Yes naman! Dali dalhin mo dito at yan lang ang kakainin natin kanina pa ko nagugutom eh." Sabi ko agad
"Woah! Sarap ng breakfast natin pizza." Sarcastic na sabi ni Louise
"Aish hindi naman tayo mabubusog nito." Nakasimangot na sabi ni Yara
"Bro?" Tawag ni Ashton kay sky
"Bakit nandito pa kayo?" Nagtataka nitong tanong
"Sh*t!" Nagmamadaling tumayo si Sky at humarap sa akin.
"Babalik ako agad wag kang lalabas ng condo okay?" Sabi nya at hinalikan ako at nagmamadaling umalis na.
Ganun rin si Zed, Ace at Thunder
"Oh! Ako ang bantay nyu ngayon kaya hindi kayo makakalabas." Striktong sabi ni Ashton at tinuro pa kami isa isa.
"Sino nagsabing lalabas kami?" Masungit na sabi ni Yara.
"May sinabi ba ko?" Pagmaang maangan ni Ashton.
"Hmp!" Inirapan na lang ni Yara si Ashton.
Dumiretso ako ng guestroom kung saan nandun si Sionna
Bumalik na yung kulay ng balat nya bumalik na rin yung katawan nya, parang natutulog na lang sya ngayon
Grabe ang bilis naman magamot ng mga bampira.
Wait! Hindi ko pa pala natatawagan si Mom.
Kamusta na kaya sya? Sana naman okay lang sya.
Teka yung phone ko pala naiwan ko sa sala kagabi, lumabas ako ng kwarto at pumunta sa living room.
"Bessy yung phone ko pala kagabi naiwan ko sa sala may nakakita ba sa inyo?" Tanong ko. Nagkatinginan silang dalawa nila Yara.
"Ah kinuha na ni sky kaninang umaga hindi ba nya binigay sayo?" Sagot ni bessy
Napakunot noo ako. "Hindi ba tumawag si mommy?" Tanong ko
Naningkit ang mata ko ng magtinginan sila ulit dalawa. "May tinatago ba kayo ha?" Masungit kong sabi at nameywang.
"Sh*t! Nagugutom ako Yara nasaan ba si Ashton at papabili tayo ng pagkain ikaw bessy may ipapabili ka ba?" Nakangiting tanong ni Louise.
Pinaningkitan ko ito ng mata at nilayasan sila. Nakasimangot na pumasok ako ng kwarto ni Sky
Nakita ko ang phone ko sa lamp table.
"Mukhang busy si mommy at hindi man lang sya nakatawag." Sambit ko ng makitang walang miss call si mommy or trace na tumawag sya.
"Di bale ako na lang tatawag mamaya." Saad ko at lalabas na sana ng mapatingin sa full size mirror
"Weird" Sambit ko ng makita ang kabuoan ko.
Sa mga napapanood at nababasa ko na pagbuntis ang isang babae sa isang bampira mangangayat ito mamumutla manghihina unti unting malalagas ang buhok pero ako? Kabaligtaran
Mas lalong tumingkad ang kinis ng balat ko mas lalo akong pumuti parang blooming palagi at mas lalong gumanda nagiging kulay rosas ang labi ko
Napangiti na lang ako atleast mas mabuti ng ganito.
Simula ng tumira ako dito hindi na ako nakakaramdam ng pagod panghihina at inaantok na lang ako minsan.