Chapter 19 What's with the phone call?
KIRA POV
Maganang kumakain ako habang nakatingin sa akin ang lahat.
"Bessy ito gusto mo?" Alok ni Louise sa spaghetting kinakain nito.
"Ayoko nyan." Sagot ko habang nakasimangot bakit ba pinapakialaman nila ang gusto kong kainin.
Okay na kaya sakin ang kinakain kong cake at isda hindi ko na lang sila pinansin at patuloy na lang sa pagkain.
"Ang weird pala ng mga buntis no?" Rinig kong bulong ni Louise kay Yara kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Mas okay na yan Louise kaysa naman magcrave sya ng ibang pagkain tulad ng— Wala pala hehe…" Hindi na natuloy ang sasabihin nito ng mapatingin ito kay sky kaya nagtatakang napatingin rin ako dito.
"Babe bilisan mo na dyan at ng makatulog kana." Utos ni Sky at hinalikan ako sa noo.
Napasimangot na naman ako. "Mamaya na please." Pakiusap ko dito at nagpapaawang ngumiti.
"No its already 9 in the evening." Seryosong sabi nito
Napanguso ako at napasimangot, kinain ko na yung last na subo at dumiretso na ng kusina para maghugas ng kamay.
"Hmm..." Naramdaman kong may yumakap sakin mula sa likod.
"I miss you." Paos at malambing nitong sabi.
Hindi ko sya pinansin at dumiretso na ng kwarto habang nakakapit sya sakin
Dumiretso ako ng banyo para magtoothbrush. Akala ko aalis na sya pero hindi parin nakakapit pa rin ang mokong nato
Nang matapos ako ay hinarap ko sya. "Alis." Sabi ko at sinamaan ito ng tingin.
Tinignan lang nya ko na parang walang narinig at hinalikan ako sa pisngi.
"Alis nga Sky." Ulit ko
"Ayaw." Pagmamatigas nya at patuloy sa paghalik sa akin, nak ng teteng! Parang bata
Napabuntong hininga ako. "Baka maipit mo si baby." Pananakot ko rito.
"Hindi yan." Naman eh! ang kulit
His starting kissing my lips sinusundan nya ito ng kagat
"Sky n-naman." Saway ko sa kanya
"Hmm.... bango ng baby ko." Paos nitong sabi.
"Sky pagod ako at akala ko matutulog na ako—tayo." Inis kong sabi
Tumawa lang ito at binuhat ako papuntang kama. "Sleep tight baby." Sabi nya bago halikan ang noo ko. Ngumiti ako at niyakap ito at saka pumikit na.
Yara POV
"Buti na lang at hindi namamayat si bessy no." Napatingin ako kay Louise
"Bakit naman sya mamayat eh alagang alaga naman sya ni kuya." Nagtatakang sagot ko.
"That’s not what I mean kasi base sa nababasa ko kapag daw yung tao magdala ng halfblood sa sinapupunan nya hindi magiging madali yun? Marami akong nababasa na namamayat talaga sila tapos namumutla eh bakit si bessy dqig pa yung dyosa sa kagandahan mas lalo lang sya nag-blooming habang tumatagal eh, o baka naman lies lahat ng nasa libro at sa tv?” Natawa ako sa sinabi at napailing.
"Well if you want to know ask Kuya, He's doing something about it." Simpleng sagot ko
"Eh ano naman yun?" Curious nitong sabi.
Napangisi naman ako "In order to survive Kira in pregnancy they need to F*ck" Nakangisi kong sabi
Nanlaki ang mga mata nito
"A-anong... ANONG CONNECT SIS!? At saka anong f*ck? Make love yun g*ga!" Napaigtad naman ako ng sumigaw ito
"My god Louise! You don't need to shout" Gulat kong sabi dito pero inirapan lang ako nito.
"Niloloko mo kasi ako."
"I'm not, Louise I’m telling the truth" Sabi ko.
"Ang weird." Bulong nito
Napangiti naman ako
"Well, When they're having sex especially when they're in so much pleasure kuya secretly biting Kira’s neck." Napangiti ako ng nanlaki ang mata ni Louise at tatayo na sana ito ng pigilan ko ito.
"Not to sip Kira’s blood ha but to transfer kuya's blood in Kira’s body." Paliwanag ko
Mas lalong nanlaki ang mga mata nito. “ Hindi kaya magiging bampira na rin si Bessy?” Oa nitong tanong.
“Kung gusto syang gawing bampira ni Kuya matagal na sana nyang ginawa, but he didn’t.” Napatango tango naman ito.
"Alam ba ito ni Kira?" tanong nya
Umiling ako. "No, I trust you Louise that you won't tell this to Kira." Sabi ko dito
"Bessy ko yun eh." sabi nito
Kaya nagkunwari akong malungkot. "And what am i?" Malungkot kong tanong
"Hayss sige na nga." Sabi nito kaya napangiti ako I know Louise, maybe she like's to talk but she know how to zip her mouth especially when it's a secret.
"Ay eto may sasabihin rin ako at wag mo ring sabihin kay Kira ha." Interesadong napatingin ako dito
Tumango lang ako at nagsimula ng magkwento ito. "Talaga ba?" Gulat kong tanong
Kaka-kwento lang ni Louise about dun sa ama daw ni Kira
"Pero paano ka na kakasigurado na ama ni Kira yun." Tanong ko.
"Ano ka ba pag-konektahin mo nga ang pangyayare at yung kinwento Kira about sa family nya isn't it obvious?" Masungit nitong sabi
I just shrugged. Napatingin ako kay kuya ng lumabas sya sa kwarto nya
"Si bessy tulog na ba?" Tanong ni Louise
"Hmm…" Mahinang sagot lang ni kuya
"May narinig ako! Oo may narinig talaga ako! Oo Louise tulog na si Kira." Sarkastikong sabi ni Louise
"Tsk!" Kuya
"Love ingay mo." Reklamo ni Thunder na kakarating lang din at yumakap sa likod ni Louise
Iba rin tong dalawang to. "Aba't!" Sinamaan ito ng tingin ni Louise
Grabe hindi ko akalain na sila na agad kanina ko lang nalaman eh.
Ring...! Ring...!
"Teka phone to ni bessy." Napatingin ako sa hawak na phone ni Louise
"Sino tumatawag?" Tanong ko
"Mommy nya teka lang sasagutin ko." Sabi nito at sinagot ang tawag.
"Hello po tita si Lou—" Napatigil ito sa pagsasalita kaya napalapit kami sa kanya.
Isang mahabang katahimikan bago ibinabang nanginginig na kamay ni louise ang cellphone ni Kira.
KIRA POV
"Sabing ayokong pumasok!" Inis kong sabi kay sky
T*ngina naman kasi! Kay aga aga nya ko ginising para lang pumasok.
Ayan tuloy nasisigawan ko sya, sinra na nya umaga ko kainis!
"Babe kailangan—" Ayaw kong marinig ang sasabihin nito kaya sumabat agad ako.
"Bakit ba pinipilit mo na papasok ako paano na lang kung nandun ang asawa kong demonyo at ang kambal kong malandi." Inis kong sabi sa kanya at umirap.
"Kasama mo sina Yara at Thunder dun." Sagot nito habang hinahaplos ang pisngi ko.
Napakunot noo ako
"Hindi ka papasok?" Tanong ko
"Ahm... may kailangan lang akong gawin." Sagot nito nang nakaiwas ang tingin sakin.
"Sky?" Tawag ko dito, bakit parang may mali? Pinipilit nya akong pumasok sng paaralan kahit na alam nyang makikita ko doon sina Devon at Kara pero parang di iyon pumapasok sa isip nya. Bakit parang gustong gusto nito na umalis ako sa condo.
"I am not forcing you to leave Kira I just know how your studies is important to you, that’s why I am asking you to go to School." Talaga lang ha?
"May problema ba? sabi mo okay na yung palasyo nyu hinihintay nyu na lang na magising si Sionna." Sabi ko rito.
"Yeah its true." Sagot nito
"So saan ka pupunta ngayon...... Hindi kaya… may babae kang pupuntahan no!?" Sigaw ko sa kanya at napaupo
Natahimik naman sya ng mga 30 seconds at bigla na lang natawa
Inis akong tumingin dito. "Hey anong nakakatawa ha?" Inis kong tanong sa kanya.
“Pfft— wait hahaha…"naku! Sarap nyang sabunutan, tinatawanan ba nya ako?
Pinakalma muna nya sarili nya bago sya nagsalita. "Wala akong babae okay? Ikaw lang" Sabi nito na ngi-ngiti ngiti
Napasimangot ako at bumalik ng higa. "So saan ka pupunta ha?" Tanong ko
Biglang sumeryoso yung mukha nya. "Okay, eto na lang hindi ka papasok ngayon pero hindi ka lalabas ng condo ko makakasama mo dito yung kaibigan mo at si Yara maiiwan rin dito si Ashton " Paliwanag nya
"Saan ka muna pupunta?" Tanong ko
"Ang kulit mo rin ha?"
Sabi nito at pinagkikiliti nya ko sa bewang.
"Hahahahahhaha t-tama... hahahah na hahahah S-sky hahaha stop it.” Hiningal ako ng tumigil ito. Natawa naman ito ng makita ang magulo kong sitwasyon, dinampian nito ng halik ang labi ko at inayos ang na-gulo kong buhok
"I love you" Bigla nitong sabi habang nakatingin sa akin.
Napangiti ako. "Should I say I love you too?" Nakangiti kong pang-aasar dito.
Kinurot nya yung tungki ng ilong ko at hinalikan ulit ako
"I love you" Ulit pa nya
"Hmm I…"
"Hmm?" Pag-aantay nito sa sagot ko
"I......... im hungry." Sabi ko at bumaba na ng kama at tumakbong paalis.
"Babe!" Rinig kong pang sigaw nya kaya napatawa ako