Chapter 18 Doctor Kiel

KIRA POV

"Pasensya na Kira kung dinala namin dito si Sionna hindi naman kasi namin alam na pupunta kayo dito naku nakita nyu pa ang sitwasyon nya." Pagpapaumanhin ni Yara

Nandito pa rin kami sa loob ng kwarto ni Sky.

"Okay lang Yara baka nga nakakaistorbo pa kami dito kaya lang kasi wala na talaga akong mapupuntahan." Nahihiyang sabi ko at napayuko.

"Ano ka ba naman Kira hindi kayo nakakaistorbo no! Kung hindi lang talaga kasi magulo sa palasyo doon na lang namin ipapagamot si Sionna “sabi ni Yara

"Ok lang, naiintindihan ko." Nakangiti kong sabi.

"Ano nga pala ang nangyari sayo at nagtatago ka ngayon?" Tanong nito

Napayuko naman ako at nagsimulang magkwento.

"WHAT!? Sh*t! kung hawak ko lang kasi ang phone ko—" Napahinto ito ng pumasok si Sky

"Yara get out." Nanigas ako ng marinig ko na naman ang malamig nyang boses

"K-kuya?" Dahil sa gulat nautal si Yara

Tinignan lang nya ng masama si Yara kaya walang nagawa si Yara at napalabas ng wala sa oras.

Pumikit ako at hinanda ko na ang tainga ko sa bulyaw nya sakin.

Alam kong pagagalitan nya ako dahil pinagbawalan nya akong umuwi kahapon sa bahay pero nagpumilit ako pero nabigla ako ng yakapin nya ko mula sa likod.

"Sorry." Malambing nitong sabi malayong malayo sa malamig nitong boses kanina.

Napaharap ako sa kanya

"Sorry dahil wala ako mas inuna ko pa—" Napailing ako at hinarap at niyakap pabalik.

"Wag kang magsorry Sky naiintindihan ko naman kayo." Sabi ko at sumiksik dito

"Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanila ang totoo." Sabi nito habang hinahaplos ang buhok ko. Napaisip naman ako dun, Oo nga no ang stupid ko talaga

I heard him chuckled, Napapout naman ako mukhang binasa na naman nito ang isipan ko.

He kiss me while hugging me

"Hmm... how’s my baby?" Tanong nito at hinaplos ang tyan ko.

Napatawa naman ako. "Syempre naman okay lang sila." Sabi ko

Napatigil ako ng kumalam yung tiyan ko sa gutom, nahihiyang ngumiti ako at tumingin kay Sky na masama ang tingin sa akin.

“You didn’t eat breakfast? Pinapabayaan mo ba sarili mo? Please, remember that you’re pregnant Kira–“

“Sorry na wag mo na akong pagalitan, pakainin mo na lang ako.” Nakanguso kong pakiusap dito. Nginitian ko ito ng matamis at nagbeautiful eyes.

Natawa ito at dinampian ako ng halik sa labi. “Cute.” Sambit nito at pinisil ang tungki ng ilong ko kaya napasimangot ako.

“Im not cute maganda ako no.” Pagbibiro ko.

“Yeah, agree.” Sabi nito at inakay na ako palabas ng kwarto.

"Kamusta na si Sionna?" Tanong ko habang papalabas ng kwarto.

"She’s okay according to the doctor, konting pahinga na lang and maybe we will just wait days at unti unting mawawala ang lason sa katawan nya." Paliwanang nito habang nakaakbay sa akin.

Napatango naman ako pero napatigil ng makita kong lumabas yung doctor sa isang kwarto.

Sakto namang paglingon nito ay napatingin ito sa amin parang may kung anong connection at nagkatitigan kaming dalawa ito rin yung doctor na tumingin sa akin nung buntis ako

"Sky babalik na lang ako mamaya." Sabi nito pero sa akin ito nakatingin nang nakakunot ang noo.

Kaya naman tumikhim si Sky at tinanguan yung doctor. Tumingin pa muli ito sa akin bago tumalikod at tuluyan ng umalis.

"Yieeee... bessy sobrang ganda mo na ata at may kamukha kang bampira." Biglang sabi ni Louise.

W-what?

LOUISE POV

"OMG bessy baka sya na yung hinayupak mong tatay na iniwan ang dyosa mong nanay sa demonyo mong tatay-tatayan." Bigla kong sabi ng makaalis na yung doctor.

"Alam mo gutom lang yan." Sabi nito

"May niluto daw si Yara kaya kumain ka dun kung ano ano yang lumalabas sa bibig mo." Nakasimangot nitong sabi at lumapit kay Sky na nakaupo sa sofa.

Napasimangot na ako dahil nakaramdam na nga ako ng gutom

Dumiretso na ako ng sala

Kyaaaah…! Nandito si Drix my loves!

"Dont shout here eat this." Sabi nito at pinaupo ako saka kinuhanan ng plato

Ano raw? Hindi naman ako sumigaw ah sa isip ko lang naman yun.

"Kilala mo ba yung doctor na pumunta dito" Tanong ko. Tumango ito at nilagyan ako ng kanin at adobo sa plato ko.

"Isa sya sa nga doctor ng mga royalties." Sagot nito at umupo sa tabi ko.

"You mean pamilya ni Sky?" Tanong ko kasi sa pagkakaalam ko Hari yung ama nila, bonggacious diba?

"Hindi lang pamilya ni Sky ang royalties. There’s a lot of royalties around the world nagkataon lang na nandito sila ngayon" Sagot nito

"You mean hindi lang kayo yung mga bampira? Marami pa sa ibang bansa?" Tanong ko at sumubo ng adobo.

“Of course.”

“Eh ikaw?”

"I'm not. Our families are the one who’s supporting the royalties. Zed, Ashton, Me and Ace family are supporting Sky’s Clan." Paliwanag nito.

"Oh! Back to the topic! Kilala mo ba ang doctor na yun? I mean may pamilya ba sya?" Curious kong tanong

"Well as I remember he don’t have a family." sabi nito

"Matagal na ba syang doctor? At nanilbihan sa mga royalties? May narinig ka bang may nabuntis sya na isang tao?" Sunod sunod kong tanong

Naningkit naman ang mga mata nito. "Bakit parang interesado ka? May gusto ka ba dun!?" Galit nitong tanong

Napairap naman ako. "Wala no at excuse me lang ha ang tanda na nun sagutin mo na lang kasi yung tanong ko." Inis kong sabi

"Yes matagal na syang nanilbihan sa hari simula ng mailigtas ito ng hari and no I didn't ever hear that he—"

"Wait you mean niligtas!?" gulat kong Tanong.

"Yes, sya yung nakita ng kamahalan sa bangin nag aagaw buhay nagmakaawa syang buhayin pa sya dahil may kailangan pa syang balikan. We were doing some investigation that time kasi may nakawalang half-demon na vampire and we need—"

"Hep! sinabi ko bang ikwento mo rin kung anong ginagawa nyu dun?"

"Tsk!" Inis nitong umismid at inirapan ako

"Ta*na naman bakla ka ba!?"

"Of course not! Gusto mo bang anakan na kita ngayon!" Inis nitong sabi.

"Ul*l! para paraan ka rin eh no." Sabi ko at binatukan sya

"D*mn!”

"Ta*na naman hindi mo ba nakikita kumakain ako mura ka ng mura!" Inis kong sigaw sa kanya.

"Nahiya naman ako sayo" sarcastic nitong sabi. Inirapan ko na lang sya at nagpatuloy sa pagkain.

"Oh ano na ang nangyare bakit pa nabuhay yung doctor?" Tanong ko ulit.

"Akala ko ba ayaw mong marinig yung kwento?" Tanong nya

"May sinabi ba ko! may sinabi ba ako!?" Galit kong sigaw

"Lakas mo mainis ah may pms ka ba ngayon?" Inis rin nyang tanong

"Ul*l wala no ikwento mo na lang kasi daldal ka pa ng daldal eh." Sabi ko

"Yun nga—"

"Anong yun nga!? Anong nangyare?" Du makapaghintay na tanong ko.

"Patapusin mo muna ako." Inis nitong sabi at mukhang nagtitimpi na wag akong batukan.

"Sorry naman hindi ka nagsasabi eh." Sabi ko

"Tsk! Yun nga walang magawa ang kamahalan kundi ang kagatin ito at gawing bampira dahil iyon lang ang tanging paraan para mabuhay ito." Kwento nito

"Woah! Dali kagatin mo rin ako—"

"Tapusin mo na yang pagkain mo." Biglang sabi nito at umalis na pero bumalik agad ito

"Oh may kaila—" Nanlaki ang mata ko ng bigla na lang ako nitong hinalikan ng mapusok na halos mawalan na ako ng hininga.

Pilit na tinulak ko ito pero hindi man lang natitinag ang g*go

"Hmm... Sarap lasang adobo." Nakangisi nitong sabi at bigla na lang nawala.

"Manyak!" Gigil kong sigaw.