Chapter 15 Locked up
YARA POV
Naweweirduhang napatingin ako sa taong pumasok na sumasayaw na parang baliw at may malaking ngisi sa mukha.
"Anong meron? Nanalo ka ba sa lotto?" Tanong ko kay Thunder na syang pumasok sa palasyo na nakangisi ng todo.
Tinignan lang nya ako at mas lumapad pa yung ngiti nya at nilagpasan lang ako.
"Anak ng! Isnobero hmp!" Masungit kong sabi at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Hey!" Tinaasan ko ng kilay si Zed ng makasalubong ko ito.
"Kailangan mo?" Masungit kong tanong
"Para sayo mahal na Prinsesa."nakangiti nitong inabot sa akin ang pulang rosas na mukhang pinitas lang nya sa labas.
"Anong trip mo ngayon?" Tanong ko at kinuha ang rosas at lihim na napangiti. Bigla naman syang sumeryoso at napakamot ng batok.
"Tsk! Ikaw na nga binibigyan eh." Sabi nito at nahihiyang napatalikod at aalis na sana ng...
"Sus arte nito—Ayy!" Nagulat ako sa malaking pagsabog na nagmumula sa labas ng palasyo.
"Ahh…!" Sigawan sa labas at nagkagulo na nga ang lahat.
"MASTER Z SINALAKAY PO TAYO NG MGA DARK EMPIRE!" Anunsyo ng isang kawal na humahangos papunta sa amin. Nakikita ko na rin ang ibang kawal na papunta sa labas ng palasyo. Mukhang nagsisimula na sila but why us? Sa pagkakaalam ko hindi lang kami ang natitirang clan na mga bampira.
Bigla akong hinila ni Zed sa gilid. "Yara puntahan mo si Sky sa kwarto nya at sabihin mo ang nangyayare at manatili ka dun wag kang lalabas." Utos nito.
"WHAT!?" Inis kong sigaw.
"JUST FOLLOW ME!" Sigaw rin nito at nagmamadaling lumabas.
Ayos ah parang tauhan lang ako kung sigawan nya, mamaya ka sakin Zed.
Excuse me! Im a princess and i'm a vampire too.
Wala na akong nagawa at pumunta na lang sa kwarto ni Kuya.
"Kuya—" Napahinto ako ng makita na hawak hawak ni kuya ang espada nito.
"Yara guide all the servants and lead them to the secret room." Malamig nitong sabi at saka ako iniwan sa kwarto.
"Wow naman utosan na talaga ako ngayon wow! Just wow!" Inis kong reklamo at nagdadabog na lumabas ng kwarto ni kuya
"Ama!" Masaya kong tawag ng makita ko ito.
"Yara princess please go get your mother she's sleeping right now tell her that you two will just stay at our secret room." Utos ni dad at umalis na rin. Nawala ang ngiti ko at napapadyak sa inis.
"Kainis pati ba naman si ama!" Inis kong sabi at pumunta na sa silid nila dahil kailangan ko pang puntahan si Ina.
"Ina gising po." Pang-gigising ko kay ina
"Yara my princess what are you doing here?" Inaantok nitong tanong. Grabe rin si Ina ang lakas ng pagsabog pero di man lang ito nagising.
"Mom get up inaatake po tayo ng dark empire." Sabi ko dito kaya napabalikwas ito ng bangon.
"P-paanong? Matagal ng nanahimik ang dark empire ano't sumalakay sila?" Naguguluhang tanong ni ina.
"Ina sabi ni ama—" Napahinto ako sa pagsasalita ng biglang bumukas ang pinto kaya bigla akong naging alerto.
"Paumanhin kamahalan sa biglaang ito ngunit ang lady sionna ay nag-aagaw buhay nalason ito ng nagkukunwaring katulong na isa palang tao." Nanlaki ang mata ko
"Isang tao!?" Gulat na saad ni ina
"Opo at nalaman namin na nagaaral po ito sa paaralan ninyo prinsesa."
Oh gosh! naisambit ko sa isip
KIRA POV
"Argh! Asan kana ba!?" Inis kong sigaw sa nawawalang cellphone ko.
Nilabas ko na lahat ng gamit sa bag ko pero hindi ko talaga makita gulong gulo na rin ang kwarto ko sa kakahanap lang ng cellphone ko.
"Sh*t naman bakit ngayon pa?" Iritado kong sambit.
Teka baka naman andun lang sa labas naiwan ko baka naman umalis na sila ni dad.
Nagmamadali akong pumunta ng pintuan para lang malaman na NAKALOCK ITO!
"DAD!! DEVON!! KARA!! MOM!" Sigaw ko sa labas.
"Sh*t naman oh! buksan nyu to." Parang maiiyak na ako sa pumasok na ideya sa isipan ko na kinulong nila ako dito.
“Buksan nyu to please…" Nanlulumong napaupo at napaiyak.
"Gosh! plano ba nila lahat ng to." Umiiyak kong sambit
Si mommy baka naman tulungan nya ako. She never treated me like a dog but i know she's like dad, they never cared about my feelings.
"Someone Help me please! please unlock the door." Pagmamakaawa ko at nagbabasakaling may makarinig.
"Honey?" Parang nabuhayan ako ng loob at napatayo agad.
"Mom! mom! Please buksan nyu to." Pagmamakaawa ko
"Honey stay still okay? Mom will help you just wait." Sabi ni mom sa labas.
"Hihintayin kita mom" Umiiyak kong sabi at napangiti.
Narinig ko ang yabag nito na pa-paalis nanghihinang napaupo ako totoo ba to?
Sana mommy totoo to makaramdam lang ako na may nag-mamahal sa akin sa pamilya ko masaya na ako kahit si mommy lang.
"Honey" Napaharap agad ako sa pinto ng marinig ang boses ni mommy
"Here honey nakita ko to sa sofa na inuupuan mo kanina mabuti na lang walang may nakapansin." Binigay ni mom sa akin ang phone ko na ikinasya lang nya sa ilalim ng pintuan.
"Mom anong ibig sabihin lahat ng to." Naguguluhan kong tanong
"Just stay still honey, mommy will help you wait for me honey I love you baby." Hindi ako makapaniwala sa narinig ko at napahagulgol na lang.
"I will explain everything later just wait for me." Sabi nya kaya napatango tango ako kahit na alam kong hindi nito nakikita.
KAINIS ano bang ginagawa nila at hindi nila ma-sagot sagot ang tawag ko.
Ring..... Ring.....
Sa inis ko tinapon ko na yung phone ko. Nakakainis ka sky! Nakakainis kayong lahat!
Gosh ni-isa man lang sa kanila hindi ko matawagan.
Naiitindihan ko naman si Louise kasi yung tito nya nahospital hindi ko sya matawagan naka-off ata phone nya.
Pero si Yara at Sky hindi pa sinasagot tawag ko. Anong oras na ba?
Seriously 1:38 na at hanggang ngayon gising pa rin ako umaasa na babalikan ako ni mommy. Umaasa lang ba ako sa wala?
"Honey??" Nabuhayan ako ng loob at dali dali akong napatakbo sa pintuan.
"Mom! mom!" Masaya kong tawag dito ng marinig ang mahina nitong boses.
"Shh... honey listen wag kang maingay baka magising yung asawa mo at dad mo." Saway ni mom sa akin.
Napatango ako at napaiyak ng mahina.
Dahan dahang binuksan ni mom yung pintuan hanggang sa bumukas ito napayakap agad ako sa kanya.
"Mom thank you thank you po." Humihikbi kong sabi at walang humpay na pasasalamat
"Shh... mamaya kana magpasalamat okay? Dun ka muna magstay sa dati kong bahay." Napatango na lang ako habang umiiyak
"Hush now honey makakasama yan sa batang dinadala mo." Niyakap ko ng mahigpit si mom.
Ang sarap sa feeling na niyayakap ka ng ina mo na puno ng pagmamahal
"Go get the important things honey and we will go just becareful don't make a noise." Utos nito kaya kahit na ayaw kong kumalas ng yakap kay mom ay ginawa ko at dali daling bumalii ng kwarto ng kinuha ang lahat na kailangan ko.
Thanks god at nakaalis kami ng bahay na walang problema.