Chapter 13 Altercation
KIRA POV Twin Sister
"Hey there im Zaka—" Napahinto ito ng may nagtaas ng kamay sa kaklase ko.
"Kambal ba kayo ni Kira?" tanong ni Barbie isa sa galamay ni Trixie.
"Ah yeah we are twins but Im prettier and always the best than her by the way I'm Zakara Mendez " Mahinhin nitong sabi na todo ngiti pa.
Tsk! B*tch
"Wow! Ang kapal!" Bulalas ni Louise
"Hindi na nahiya sana dinugtungan na rin ng QUEEN OF B*TCHES!" Parinig ni Louise kaya sinamaan ito ng tingin ni Kara.
Napatingin ako kay Sky para malaman ang reaction nito. Hindi kaya magkamali sya sa aming dalawa baka mapagkamalan nya si Kara na ako lalo na pag hindi kami magkasama.
Kilala ko si Kara reyna yan ng malalandi.
"Kahit na kamukha mo pa ang lahat ng babae sa mundo iisa lang ang kilala ko yun ang babaeng mahal ko." Napatulala ako sa sinabi nya.
"Eh enebeyen Yara tulungan mo nga akong damputin yung hair ni Kira sa sahig ang haba eh." Sabi ni Louise.
Hindi naman ako natulala sa sinabi nyang ewan natulala ako kasi ano daw? As in what mahal daw nya kom
Pinagsasabi nito? He just chuckled and rest his arm around my shoulder
"Mamaya kana kiligin babe." Sabi nito at kinindatan pa ako.
Ay l*tsugas nga naman oh sa lahat ba naman ng malilimutan ko yun pa ang nababasa nya pala ang isip ko. Inirapan ko ito at iningusan.
Pagkatapos nilang magpakilala lahat pinaupo na sila ni prof at nagsimula na itong magturo.
Yung apat na lalaki tumabi kay Sky yung isa namang babae tumabi kay Yara
Si Kara naman andun kina Levia. Tsk! Bagay lang sya dyan mga bitches. Ano kaya ang dahilan at hindi na makakaanak si Kara.
"Dont think about it just focus your mind in our baby." Napatingin ako kay Sky sa sinabi nito.
Sinuklay nito ang buhok ko gamit ang kamay nya at hinalikan ako sa pisngi.
"Sky pwede bang wag mong basahin yung isip ko nakakainis kasi parang wala akong privacy." Sabi ko at nag-pout.
Ngumiti lang ito at nilapit ang mukha nya sa akin.
Nagulat ako ng hinalikan nya ko pero smack lang napatingin ako sa harap mabuti na lang nakatalikod si ma’am nagsusulat sa board.
Pinandilatan ko ito at hinampas sa balikat. "Pasaway " inis kong sabi dito narinig kong nagtawanan ng mahina yung mga lalaki.
"Ikaw na talaga tol." Sabi nung matangkad.
"Ayos rin kahit sa klase naglalandian kayo dyan." Sermon ni Louise
Naghagikgikan naman si Yara at yung bagong babae na Siona ata ang pangalan.
Napabuntong hininga ako buti na lang hindi kami dito naririnig ni ma’am may pagkabingi kasi yung prof namin.
Napatingin ako kay Kara nakita kong nakakunoot yung noo nya
Napaiwas na lang ako ng tingin baka nagtataka siya kung bakit ako hinalikan ni Sky kung gayong may asawa na ako
Siguradong isusumbong nya ako kina mama pasipsip kasi ang g*ga. Speaking of parents saan kaya sila tumutuloy ngayon?
Dadalawin ko ba sila? Ano naman gagawin ko dun eh wala naman silang pakialam sa akin
NANG oras na ng break time sabay kaming pumunta ni Sky sa cafeteria dahil hinintay ako nito sa last subject ko. Nang makarating kami doon magkakasama na silang lahat lati na yung apat na lalaki at yung isang babae.
Well nalaman kong pinsan nila Yara si Siona at yung apat kaibigan ni Sky. Ang weird lang ng biglaan nilang pag-transfer.
Napansin ko lang mula kanina pa tahimik na si Louise dahil ba to sa banta ni Sky?
Ehh sinaway na nga kami nya kanina eh
Problema kaya nito?
"Bessy?" Tawag ko kay Louise pero hindi man lang ako nito pinansin.
Napasimangot ako. Ano bang nangyayare dito at nakatulala ito.
"Louise Arlaine Venedict!" Inis kong sigaw ko sa pangalan nya.
"Ayanakkangpitongkalabaw!" Gulat nitong sabi.
Kaya napabaling sakanya ang attention ng lahat
"Hehehe…"napa-peace sign lang sya habang nakatingin sa amin.
Pero ng dumako yung tingin nya kay Thunder napaiwas sya ng tingin.
"I smell something fishy." Yara said while smirking.
Wew hindi lang pala ako ang nakahalata tinaasan naman sya ng kilay ni Louise
"Problema mo?" Tanong ni Louise
Nagkibit balikat lang si Yara na may ngisi ang mukha. Inirapan lang sya ni Louise at bumalik na sa pagkain.
"The devil is here." Louise whisper
Napalingon ako sa likod. Hindi na ko nagulat na magkasama sila.
Devon and Kara, well mukhang tapos na ito sa pagpapanggap.
"Wife Lets talk!" Galit nitong sabi. Nakaramdam ako ng inis dito
"Kumakain pa ko eh hindi mo ba nakikita?" Inis kong sabi sa kanya
"Kira dont be so hard! Mag uusap daw kayo ng ASAWA mo." Pinagdiinan pa talaga nya ang word na asawa.
Kaya narinig ko ang bulungan ng mga student.
"Bilisan mo na lang kasi kumain bess at mag usap daw kayo ng asawa mo kuno sabi ng sisterit mong nakalingkis sa asawa mo daw kapal ng mukha akala naman siguro magseselos ka." Sarkastikong sabi ni Louise
"Duh! close lang kami ni Devon kaya nakakapit ako sa kanya wag kang ngang mean!" Maarteng sabi nito.
“Excuse me we’re not stupid para ibigay mo sa amin ang ganyang reason.” Sabat ni Yara.
“And who are you?” Masungit nitong tanong.
“Sister in law ni Kira.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Yara pero kinindatan lang ako nito at sumenyas na wag akong ko-kontra.
Napatawa naman ng sarkastiko si Kara at nanunuyang tinignan ako nito.
“You really have an audacity to have a lover while having a husband.”
Natawa ako ng pagak pero pinigilan ko ang sarili kong itapon sa kanya ang juice na hawak hawak ko.
"Pwede ba Kara wag kayong manggulo dito at ikaw Von kakausapin kita mamaya kaya alis na." Sabi ko na lang para matapos na at baka magkagulo pa kami dito kung patuloy namin silang patulan.
Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang katapangan ko ngayon sa pagsagot sagot kay Devon dala siguro to ng pagbubuntis ko or maybe Im confident kasi nasa tabi ko lang si Sky.
Oh inis lang talaga ako sa dalawang bulldog na to na nasa harapan.
Narinig kong natawa si Sky kaya napatingin ako dito. Napairap ako mukhang binabasa na naman nito ang isipan ko.
"No! Come—" Hihigitin na sana nya ko ng maunahan sya ni Sky. Pinigilan nito ang kamay ni Devon at tinulak na lang ng basta. Muntik ng masalampak si Devon sa sahig kaya agad na umaksyon ang mga kaibigan nitong nasa likod lang nila Kara.
Napatayo ako dahil mukhang magkakagulo na.
"Ayaw nyang sumama sayo wag mo ng pilitin." Kalmadong sabi ni Sky
"T*ngina sino ka para makialam sa problema naming mag asawa at wala akong pakialam kung anong desisyon nya dahil ako ang masusunod kaya kahit ayaw nya sasama wala syang magagawa sasama at sasama talaga sya sakin." Nanlilisik na mata na sabi ni Devon.
"Von sabi ko na—" Napahinto ako ng sumabat agad si Kara.
"Shut up b*tch." Kara interrupt
"Are you reffering to your self Kara." I mock her
"Correction bess hindi lang sya b*tch she's also a sl*t and wh*re" Louise said
"Wow! All in one instant warmer in bed." Siona mock too
Napatawa lang si Yara
Napatingin ako kay Kara at pulang pula na ang mukha nito sa galit at bigla na lang itong nag walk-out.
"Love!" Sigaw ni Devon.
Napalingon si Devon sa amin nanlilisik ang mga mata nito na napatingin sa akin.
"You will pay for insulting my love" Galit nitong sabi.
Siguro kung noon pa ito nangyare baka naglupasay na ako sa sahig dahil sa sakit pero ngayon balewala na lang ito sa akin.
Napatingin ako sa likuran ni Devon at pinakiramdaman ang puso ko.
Why I can’t feel it anymore? The love the I felt for him. Why it’s so easy to forget maybe because it’s not that deep. Mukhang tama si Louise I don’t love him in a romantic way.
Napatingin ako kay Sky ng hawakan nito ang kamay ko. How about Sky? Am I falling for him now?
“You will be and I’ll make sure of it.”