Chapter 12 Transferee’s
KIRA POV
Tahimik lang ako buong byahe ng pauwi na kami. Napahawak ako sa tyan ko at napabuntong hininga. Hindi pa sya halata dahil mago-one month pa lang ito
"Bessy?" Tawag ni Louise kaya napatingin ako dito.
Nag-alalang nakatingin ito sa akin kaya ngumiti na lang ako ng pilit. Iniisip ko pa lang na nandito si Kara sa pilipinas kinakabahan na ako at natatakot.
"Kira dont worry hindi hahayaan ni kuya na mawala ang baby nyu." Hinawakan ni Yara ang kamay ko at nginitian na para bang sinasabi nya wag akong magalala.
Nasabi ko na kasi sakanila ang narinig kong pag usapan ni Devon sa telepono ng magtanong kanina si Yara dahil sa pagtahimik namin kanina ni Louise.
"Bessy wag ka ngang mamroblema dyan wala silang karapatan na kunin ang bata dahil anak mo yan." Sabi ni Louise.
"Anak nila kuya." Dagdag ni Yara
“Right! Sila nga ang dapat na kabahan dahil isang bampira ang makakalaban nila once na gumawa sila ng di kanais nais sayo at sa baby nyu ni Sky.” Napangiti ako tumango.
Kung nandito na si Kara sa pilipinas ibig sabihin nandito na rin sina mama at papa.
Kamusta na kaya sila? Naalala pa kaya nila ako?
Haist Kira tama na nga pinapaasa mo lang sarili mo eh kahit nga tumawag o magpadala lang man na sulat wala eh kay wag ka ng umasa na naalala ka pa nila.
Kaya pala hindi ko nakita si Devon buong araw ngayon pala ang dating nila Kara hindi man lang ako sinabihan.
''Andito na tayo." Sabi ni Louise na syang nagmamaneho.
Nakita ko na si Sky na nakatayo sa harap ng coffee shop na malapit sa condominium nya.
"Salamat sa paghatid guys." Sabi ko. Ngumiti lang sila at nagsitanguan
"Basta nandito lang kami para sayo bessy." Sabi ni Louise ngumiti ako at bumaba ng kotse
Pagkababa ko lumapit agad si Sky sa akin at hinalikan ako sa noo at niyakap.
"How's your shopping babe?" He ask while caressing my hair. Grabe ganito kami kaagad kasweet kahit ilang days palang kami magka-kilala. Ako naman walang reklamo maybe because I’ve been craving this kind of treatment and care.
"Its fine." Naisambit ko at napahikab
"Hmm you look tired." Sabi nito hindi ako sumagot at sumandal na lang dito. It feels so normal and comfortable in his arms.
"Lets go para makapagpahinga kana." Sabi nito at inalalayan ako papasok ng building.
"Rest your mind Kira dont think too much." sabi nito
"I can't help it nandito na sina mom and dad." Kinakabahan kong sabi.
"Wag mo muna silang isipin." Sabi nito kaya tumango na lang ako.
KIRA POV
"Babe tapos kana ba!?" Sigaw ni sky mula sa labas ng kwarto.
"Teka lang eto na." Sagot ko at nagmamadaling inayos ang sarili ko.
Pagkatapos kong maayos ang buhok ko kinuha ko na yung bag ko at lumabas na.
"Hmm always pretty." He said and kiss my lips.
"Ang aga aga ang landi mo tara na nga." Sabi ko dito at hinila na sya palabas.
"Ohh ayan na pala ang lovebirds." Sabi ni Louise na naghihintay sa labas ng kotse.
Bipolar ata tong babaeng to hindi ata sya ngayon galit kay Sky
"Hi morning." Napangiti ako ng makita si Yara na lumabas ng kotse
"Good morning din" bati ko
"Teka anong ginagawa nyu dito at talagang magkasama pa talaga kayo ha" Sabi ko
"Well tinawagan ko si kuya at tinanong kung nakaalis na ba kayo ang sabi nya wala pa daw kaya tinawagan ko si Louise na sasabay na kami sa inyo." Nakangiting sagot ni Yara
Ang ganda talaga nya palagi syang nakangiti
"Tara na bessy gora na tayo at baka malate pa tayo." Sabi ni Louise at pumasok na sa kotse.
"Hoy Sky ikaw magdrive ha!" Sigaw nito mula sa loob.
"Ang lakas talaga ng bunganga." Sambit ko
Napatawa lang si Yara at Sky pumasok na kami sa kotse sa passenger seat ako sumakay si Yara sa likod kasama si Louise at si Sky naman ang nag-drive.
"Sky daan tayo sa Mcdonald gutom ako." Sabi ko at napahawak sa tiyan ko.
"Oh gosh hindi mo ba pinakain ang bessy ko—” Napalingon ako kay Louise at pinandilatan ito ng tingin kaya napatigil ito sa kaka-dada.
"Louise naman nasa iisang kotse lang tayo hinaan mo naman yang bunganga mo" Saway ni Yara dito
Napairap lang ito at nagmake-face. Geez so childish
"Pinakain ako ni Sky Louise kaya lang alam mo naman." Napanguso ako sa tiyan ko.
"Gutom na naman ako." sabi ko dito
"Yara do you have a contact to aunt Azul?" Sky ask
"Why kuya?" Tanong ni Yara
"Sino naman yan!?" Malditang tanong ni Louise
"Ninang ni kuya, aunt lang yung tawag nya she is a witch." sagot ni Yara
"I will ask her to lock Louise mouth." Sky said while grinning.
Nanlaki naman ang mga mata ni Louise
"T-teka anong pinagsasabi mo dyan Sky wala namang ganyanan." Sabi ni Louise na minsan nauutal pa namumutla na rin ito.
Napatawa na lang ako alam ko namang nagbibiro lang si Sky
"Totoo ba Sky may ninang kang witch?" Curious kong tanong
"Yeah, oh! Here's your McDonald" napatingin ako sa labas at napangiti ako ng makita ang McDonald.
"Yes! order me a large fries and Mc flurry please…" Sabi ko dito
Parang nanunubig ang bagang ko sa fries.
"How about you two?" tanong ni sky
"Ah b-burger na lang" sagot ni louise na namumutla pa rin. Napailing na lang ako dahil parang umurong na ang dila nito.
"Coke lang yung akin kuya" sabi ni Yara
Kaya binaba na ni Sky yung bintana at umorder na.
PAGPASOK namin ng room wala pa yung prof pero mga ilang segundo lang dumating na yung prof may kasama syang apat na lalaki at dalawang babae
Nanigas ako ng makita ko kung sino yung isang babae
Narinig ko na nagbulungan yung mga chismosa kong mga classmates.
"Gosh guys look kamukha nya si Kira." Rinig king sabi ni Levia.
"Yeah tama ka baka naman twin nya yan" Sagot naman ni Hellie. It’s obvious namam siguro no.
"Bess relax." Sabi ni Louise
"Class quiet may bago tayong transferees ngayon kindly introduce yourselve's." Sabi ng prof.
"Hi Im Siona Yssabelle Winston." Pakilala nung cute na babae.
"Ashton Blake Smith here." Sabi naman nung chinitong guy.
"Zed Cleiton." Sabi naman nung may dark red na kulay yung hair.
"Ace Ryder Stanford." Sabi naman nung walang emosyon.
"Drix Thunder Drillon." Sabi nung huling guy na pinakamatangkad.
Naramdaman kong nanigas si Louise kaya napatingin ako dito. Hindi ito gumagalaw at nakatingin lang sa gilid problema nito?
"Hello there my name is Zaka—"