Chapter 11 Bond

Kira POV

"Nooo...! Please ibigay mo sakin ang anak ko." Nagmamakaawa kong pakiusap sa babaeng may hawak ng anak ko.

Kakapanganak ko pa lang ng may pumasok na babae sa kwarto ko at kinuha ang anak ko

"HINDI! Simula ngayon anak ko na sya diba baby? Tahan kana ha andito na si Mommy." Parang baliw nitong kausap sa anak ko na todo iyak.

"Maawa ka sakin ibigay mo sakin ang anak ko." Walang akong lakas para makatayo dahil nanghihina pa ako dahil nga kakapapanganak ko pa lang

Nagpanic ako ng sobra ng magsimula  syang maglakad palabas ng pinto.

"No... yung anak ko!"

"Kira!"

"Kira!! Baby wake up!" Napabalikwas ako ng bangon. Panaginip! isang panaginip!

Napahagulgol ako ng iyak dahil sa takot na naramdaman ko. Naramdaman kong may yumakap sa akin

Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Sky.

"Sky kukunin nila ang anak ko." Natatakot kong sumbong dito.

"Shh... tahan na babe its just a dream okay?" Pang aalo nito sa akin pero umiling iling ako.

"No kukunin talaga nila ang anak ko." Natatakot kong sabi.

Naalala ko yung narinig kong usapan ni Devon sa kausap nito sa telepono.

"Sky si Devon kukunin nya ang anak ko."

"They won’t and they can’t." Sabi nito at hinalikan ako sa noo at niyakap ng mahigpit.

Napatigil ako sa pag iyak ng may maalala ako. Bigla ko itong tinulak at lumayo agad sa kanya.

Napakunot noo ito at nagtatakang napatingin ito sa akin.

"What's wrong?" Naguguluhan nitong tanong. Lumapit ako dito at hinawakan ko yung panga nya.

"Buksan mo yung bibig mo." Utos ko

Napanganga naman sya at hindi nagreklamo.

"Eh asan na yung pangil mo?" Tanong ko

"Lalabas lang iyan pag gu-gustuhin ko" Sagot nito.

"Is it really true that you’re a vampire? O panaginip lang din—"

“It’s true and please don’t be scared at me Kira. I won’t harm you.” Napatitig ako dito at napabuntong hininga.

“I can’t believe this sa storya lang nage-exist ang mga bampira.” Bulong ko.

“We are existing Baby, You don’t know that we’re just roaming around everyday maybe you already bump into someone—”

“And it’s you.” Ngumiti lang ito at nilapit ang mukha sa akin.

“Our meeting is not an Accident.” Bulong nito sa tainga ko at masuyong hinalikan ang sentido ko.

It means isang bampira ang nakasiping ng gabing iyon? It’s scary and weird? I mean… Hindi naman na talaga ako natatakot Im still shock of course. Who wouldn’t be?

What should I do now? He will be the father of my child. Yes, sigurado na ako na si Sky ang ama ng dinadala ko.

Pumunta ako ng hospital nung nakaraan linggo ng walang nakakaalam at nalaman kong buntis na ako bago pa may mangyare samin ni Devon.

"Really?" Bigla nitong tanong.

Napatingin ako dito at sobrang saya ang nakikita ko sa mga mata nito.

"Ha?" Taka kong tanong

"I can read your mind babe." Sabi nito. Naningkit naman ang mata ko at inis na tinignan ito.

"Eh kung ganon sa lahat ng magkasama tayo binabasa mo yung isip ko ansama mo! Kaya naman pala ang weird weird mo noon." Binato ko sya ng unan na nahawakan ko lang sa tabi.

Teka Unan?

Asan na naman ako?

Nilibot ko yung paningin ko sa buong kwarto. "Nasa condo mo ba tayo?" Tanong ko

"Hmm." Sagot lang nito at hinatak ako pahiga.

"Damn I miss you baby." Gigil nitong sabi at pinaulanan ako ng halik sa mukha.

"Sandali Sky tigilan mo nga yan." Utos ko dito.

Hindi ito nakinig sa akin at bumaba pa ang halik nito sa leeg ko.

"Sky this pas—ohh... Sky ano ba!" Pinigilan ko ito at lumayo sa kanya

"Damn!" Mura nito at talagang nakuha pa nyang mainis?

"Magtigil ka Sky at may sasabihin ako" Sabi ko dito

Hindi ito sumagot lumapit lang ito sa akin at niyakap ako.

"Sky this past few days palaging nag-iinit ang tiyan ko lalo na pag iniisip kita palagi rin akong nanghihina may kinalaman ba to sa pagiging bampira mo Sky kaya ba palagi akong pagod dahil sa hindi karaniwang nilalang ang dinadala kong ito." Tanong ko

"Im sorry." Paos ang boses nitong sagot.

"That child of yours is a half-blood hindi pwedeng mapalayo ako sa kanya dahil sa bond na namamagitan sa amin." Sagot nito

Parang may bumara sa lalamunan ko sa narinig ko.

"B-bond? Sky sa mga nababasa ko lahat ng mga bampira may mate diba?" Mahina kong tanong.

"Yeah" Sagot nito

"Kung ganun nasaan na yung mate mo?" Tanong ko

"Beside me." Tumulo yung luha ko dahil sa alam ko naman niloloko lang ako nito.

"Im not Kira and what do you think why I am here and sticking with you?" Napaiyak ako

"H-hindi mo naman kailangang magsinungaling Sky at wag mo kong pinagloloko hindi nagkaka-mate ang mga bampira sa tao." Umiiyak kong sabi dito.

Inis itong bumangon at hinarap ako

"Look at me Kira and listen." Seryoso nitong sabi

"Do you think it's an accident what happened to us at that night Kira? No! I plan it I planned everything. You didn’t heard me earlier baby. I told you our meeting is not an accident. Im just waiting for the right time and you’re vulnerable that night and I took advantage at you. You we’re drunk no I mean I was the who made you drunk that night." Hindi ako makapaniwalang napatingin dito.

KIRA POV

"Oh!" Bungad ko ng makita ko si Louise na nasa harapan ko.

Kakarating lang namin ni Sky sa school napa-skip na naman ako ng isang class sa kakasama kay Sky.

Napatingin ako kay Louise at nakangiti pa ang g*ga

"Bessy tara shopping tayo." Masigla nitong yaya sa akin pero tinaasan ko lang ito ng kilay.

"Diba sabi ko wag kang lalap—" Napahinto ako sa pagsasalita ng bigkang sumulpot si Yara.

"Oh Louise nasabihan m— oh Kira tara gala tayo." Ang hilig talaga nitong sumulpot.

"Ay bati na ang mga g*ga." Sabi ko at napairap.

"Well kahit natakot kinausap ko pa rin ang babaeng to kasi alam kong nandito ako sa school at impossibleng ipakita nya yung sungay nya dito." Maldita nitong sabi.

“Seriously Louise we do have a fangs and red eyes but we don’t have a sungay okay?” Napaismid naman si Louise at nagsalita ulit.

“Basta nag usap na kami at pinaliwanag nya sa akin yung nangyare. Of course di ako naniwala nung una kasi alam ko talagang kampon sya ng demonyo— joke lang po baka bigla akong sakmalin ni Sky.”

“So ayun nga di ako naniwala pero bigla nagpakita ng proof ang g*gang to buti na lang na-shook lang ako at di nahimatay.” Napanguso ako at napatingin kay Sky na hinalikan lang ako sa noo.

“So ayun okay na okay na kami.” Sabi nito at ngumiti ng bongga.

Napatingin ako kay Yara ng nagtatanong ang mukha at baka may sasabihin rin sya pero nagkibit balikat lang ito.

"Ano tara na?" Pang aaya ni Yara

"Hindi sya sasama." Nawala naman yung ngiti ni Louise sa sinabi ni Sky.

"Hoy maputlang malaking tao a. k. a vampire guy ipahiram mo naman samin si Kira hoy hindi lang sya sayo no!" Sigaw ni Louise

Mabuti na lang walang tao dito sa pinagtatambayan namin.

Naku naman ang lakas talaga ng boses ng babae to nakalunok ata to ng megaphone.

"Tsk she's pregn—" Sky

"Ehh ano naman kung buntis si bessy iingatan po namin sya mr. maputlang lalaki a. k. a mr. vampire guy" sabi nito at inirapan pa si Sky

Napatawa na lang ako, akala ko ba okay sya kay Sky ba’t nagsusungit sya ngayon?

"Sige na kuya kahit ngayon lang tsaka kasama naman nya ko eh kaya walang problema." Sabi ni Yara

"Oh narinig mo! Si Yara na bahala samin kaya tsupi na at magsasaya pa kami!" Malakas na sabi ni Louise

"Fine." Napipilitan nitong sabi at binalingan ako.

"Take care baby okay? Wag masyadong magdala ng marami ha ipabitbit mo sa mother hen mong kaibigan ang bibilhin mo okay?" Bilin nito at hinalikan ng paulit ulit ang noo ko at saka tungki ng ilong ko at sa pisngi ko and lastly hinalikan nya ko sa lips pero smack lang

"Yung promise mo na sa condo ka na uuwi." Sabi pa nya at hinalikan ulit ako.

"Opo boss." Sagot ko ng nakapout

"Hmm take care babe." Malambing nitong paalam at hinalikan ulit ang noo ko bago sya umalis.

Paglingon ko sa dalawa nakatalikod sila

"Hoy bakit kayo nakatalikod?" Tawag ko sa dalawa.

"Oh tapos na kayo maglambingan eh hindi man lang nahiya ang kumag mong boylet na tinawag pa kong mother hen na halikan ka sa harap namin kami na ang nahiya at kami na ang tumalikod." Sagot nito.

"Hayaan muna sila Louise, tara na nga gora na tayo." Excited na yaya ni Yara.

KIRA POV

"Tara boutique naman tayo." Yaya ni Louise na ikinasimangot ko at napairap naman si Yara.

"Pwede ba Louise kumain muna tayo nagugutom na ko eh." Reklamo ko

"Ah hehe nagugutom kana pala hindi ka nagsasabi eh tara Jollibee tayo baka magsumbong ka sa boylet mo na di ka namin pinapakain." Iningusan ko lang ito at hindi na nagsalita.

Hindi naman sa napapagod na ko dahil wala naman akong dala yung pinamili ko si Yara ang may hawak parang wala lang naman sa kanya yun si Louise naman ang may hawak sa kanya.

At ayun pumasok na kami sa loob at naghanap ng table. "Ako na mag o-order " Volunter ni Yara kaya ngumiti at tinanguan ko ito.

"Ay sama ako gusto kong ako mamili ng kakainin ko, okay ka lang naman dito Kira diba?" Tanong ni Louise

"Oo naman anong akala mo sa akin bata?" Sagot ko

“Hindi ka nga bata be pero may bata sa tiyan mo.” Hirit pa nito bago sila umalis.

Ilang minuto lang ang hinintay ko at agad naman silang bumalio dala dala ang mga pagkain. Infairness ang tahaimik ng table namin kasi busy ang lahat sa pagkain. Di nagrereklamo kanina pero gutom na gutom rin naman pala.

“Ah Yara is it okay kung mag-ask ako tungkol sa pagiging you know.” Ngumiti naman ito at nag thumbs up.

“Kasi curious lang ako hindi kasi kayo halata na hindi tao I mean except sa balat nyu but you’re just living like a normal people. Walking in the daylight, eating a normal food. Hindi ba kayo nasusuka? Kasi alam kong iba ang pagkain nyu eh.” Napatigil naman sa pagkain si Louise at lumapit na todo sa amin na para bang g na g sa chismis.

“Kira we’ve been living like this for like a hundred years na. About the sun we have a medicine na iniinom namin para di kami tablan and sa pagkain naman, sinanay kami ni Ama sa ganito but of course umiinom pa rin kami ng blood para di mawala ang lakas namin as a vampire.” Paliwanag nito. Napatango naman ako.

Magsasalita pa sana ito ng biglang nagring ang phone nito.

"Excuse me sasagutin ko lang." Sabi nito at lumayo ng konti sa amin.

“Grabe bessy di ko alam kung anong iisipin ko. Swerte ba tayo o malas dahil nakatagpo tayo ng mga ganoong nilalang. Ikaw abnormal na yang life mo dahil sa asawa mo pero mas naging abnormal pa nang nakipaglandian ka sa kung sino sino doon sa bar, hindi mo alam hindi na pala tao ang nagahasa mo.” Mahinang hinila ko ang buhok nito at binigyan ng masamang tingin.

“What!? Totoo naman kita mo na nadadamay na ako sa ka-abnormalan mo.”

“You know what dahil ito sa bibig mo, panay kasi sabi mo ng demonyo kay Devon ayan tuloy nakatagpo tayo ng kalahi nila.”

“G*ga isusumbong kita sa boylet mo, hindi naman lahat ng bampira demonyo meron rin namang mababait tulad na lang sa kaibigan natin ngayon.” Sabi nito.

“Talaga lang ha, naalala ko nung isang araw lang kung makapanghusga ka kay Yara wagas eh. Sinabi mo pa ngang kakainin nila baby ko, ikaw ang abnormal.” Napasimangot ito at di na nagsalota dahil papalapit na si Yara.

Nagkatinginan kami ni Louise dahil ang seryoso ng mukha ni Yara ng makabalik ito.

"Ahm bilisan nyu na guys sabi ni kuya ihatid daw natin si Kira sa condo nya ng maaga.” Sabi ni Yara

"Sus epal talaga ang Sky na yan." Sabi ni Louise. Ngumiti lang si Yara at may tinignan ulit sa phone nito. Ano kaya ang pinag usapan nila at biglang sumeryoso si Yara.

"Cr lang ako." Paalam nito at agad na umalis.

Yara Pov

"Sh*t naman oh! bakit ba kailangan nyu pang bumalik?" Bulong ko

Nanganganib ang buhay ni Kira at ang baby nya.

"Ano kaya ang plano ni kuya?" Matapos kong mag-cr eh lumabas na ako ng may mabangga ako.

"Ahy naku sorry Ms— Kira? Eh magc-cr ka rin?" Tanong ko, tinaasan lang ako nito ng kilay at hindi pinansin.

"Anong problema? Bakit nagsusungit ka naman nag away ba kayo ni Louise or—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ng binangga lang nito ang balikat ko at nilampasan ako na parang di kilala.

"Ah sige mauna na ako" Paalam ko na lang habang nasa loob sya baka wala na naman sa mood yun.

Uupo na sana ako ng makita ko si Kira

"Kira!?" Gulat kong sabi

"Oh anyare sayo sis bakit gulat ka ata na nandito si Kira eh alam mo namang kasama natin sya mula kanina." Sabi ni Louise. Napakunot noo ako at napatingin sa daanan papuntang comfort room.

"Eh kasi nakita ko sya sa lady's room eh ang bilis mo naman makarating dito." Sabi ko

"Hindi kaya ako nag cr nandito lang ako." Sabi nito na may pagtataka ang mukha.

"Eh sino yung nakita ko?" Nagkatinginan silang dalawa at nanlaki ang mata.

Sino yun?