Chapter 27: Sir
Jin POV
Lunch Break na namin at himala dahil hindi ako pinuntahan ng magaling na si Zeus. Baka nag bago na ang isip.
Nag pasya na lang ako na mag isang kumain. Inayos ko muna ang mga papel na naka kalat sa mesa ko bago lumabas.
Ang ganda ng kasama ni Sir no...
Sino ba iyon...
Mukang porenger ate...
Gwapo na nga si Sir tapos maganda pa si Girlfriend, perfect combination..
Girlfriend??
Kumakain ako sa cafeteria ng marinig ko ang mga pinag sasabi ng mga empleyado. Hindi ko alam kung bakit pero, nalungkot ako sa mga narinig ko. Nag sawa na ba sya? Ayaw na ba nya akong kasama? Bakit meroon na agad iba?
Nawalan na ako ng gana sa mga narinig ko. Nag lalakad na ako papunta sa elevator. Kinamalasmalasan ko. Ayon sila naka lingkis ang babae sa braso nya mukang kakatapos lang nila mag lunch. Hundi nga sana ako tutuloy pang mag elevator, mag hahagdan nalang ako. Yun ang plano ko. Pero saktong bumukaa na ang elevator ay syang pag lingon ni Zeus sa akin.
Mukang naramdamn nya ang presensya ko.
"Lara"bulong nii sa aking pangalan.
Hinagod ako mula paa hanggang ulo ng maarteng mata ng babaeng tuko.... Aba kung maka dikit kay Zeus. Parang naka shoe glue.. Hindi maalis.
Nag bow ako, kahit papaano naman kasi emokeyado ako at boss ko sya.
"Good afternon Sir. "
Ipinag diinan ko talaga ang Sir para damang dama nya. Ka embyerna sya!!
Pumasok na sila sa loob ng elevator. Nanatili ako sa aking pag kakatayo. Mukang napansin nila na wala akong balak na sumabay.
"Lara, what are you doing? "
Tanong nya sa akin.
Obvious ba? Syempre ayaw kitang makasama!! Ka irita ka!! Nung nakaraang araw lang ako sinusuyo mo, ako kasama mo mag lunch. Tapos ngayon may tuko ka ng kasama!!
"Hindi ata sya sasakay honey, let's go"maarteng sabat ng tuki na nag katawang tao.
Teka nga?! Bakit ba itong elevator na ito ang gamit nya... May private elevator naman sya ah...
"Sumabay ka na Lara, Tapos na ang Lunch Break... "
Gusto kong mapa irap sa ere mga bakla!!!
No choice... Oo no choice... Time na. Marami akong trabahong naghihintay sa akin kaya naman sumakay na ako. Hindi na ako nakapag abala pa sa pagpindot ng buton kung saang floor ako. Nagawa na iyon ni Zeus para sa akin.
Nasa likurang sulok ako pumwesto. Habang nasa gitna naman sila. Kitang kita ng dalawa kong mata kung paano haplos haplosin nung babae ang braso ni Zeus.
Walang pakundangan talaga nilang ginagawa yan sa harapan ko!! Mga imoral..
"Honey, masyado ka ba talagang busy sa work mo. Hindi na tayo nag kakaroon ng quality time e. "
Nag panting ang tenga ko sa sinabi ng babae. Anong ibig nyang sabihin sa qality time.
Ang babata pa ng mga anak ko para masundan kaagad. At sa babaeng yan pa! Ito bang quality time na sinasabi nya ay yung---Ano ba Lara!! Ano bang pake mo sa kanila!!! Life nila yan... Kung gusto nyang sundan ang kambal at sa ibang babae manggagaling. Edi Go!! Wa-pake ka Lara..
"My place or yours? Mmh? " malanding bulong nya.
Bakit ba bawat kilos ng babae na ito, nakakairita!! Ang landi!!!
"Mine"naka ngising sagot naman ng magaling.
Ano yon? Bakit sya pumayag!!! Ano bang place place na yan!!
Saan ba nakatira si Zeus don parin ba sa dati, o baka naman lumipat na sya. Hindi, baka naman nag sasama na sila sa iisang bahay. O My Goddd!!!!! Natataranta na ako. Ang gaga mo Lara. Paano sila mag li-live in e, nag tanungan nga kung kaninong place. Bakit may ganon. Samantalang nung ginawa namin iyon walang tanong tanong... Deretsyo agad sa hotel... Dapat talaga pinag uusapan yan sa harapan ko!!!
Kung pag untugin ko kaya silang dalawa. Maglalandian nalang sa harapan ko pa, pinaparinig pa ang ka imoralan nilang usapan.
Teka?
Bakit kaba nagagalit Lara? Wala namang kayo bakit kung mag reklamo ka dyan parang may relasyon kayo.
Kalma.. Inhale.. Exhale.. Inhale.. Exhale.
Tama walang kami kaya wala akong karapatan na mag reklamo. Dahil walang kami.
Agad akong lumabas ng elevator, walang lingon lingon sa dalawang taong laman nito. Ni hindi nga ako nag thank you o babye man lang. Para saan pa? Meroon naman syang tuko na kakapit sa kanya. Hindi na nya ako kailangan. Mabubuhay ko ang kambal ng ako lang.
"Mommy"
Napalingon naman ako sa anak kong lalaki. Maaga akong umuwi. Valak ko pa naman sanang mag ovee time pero naisip kong wag nalang pala.
"Yes baby, gabi na bakit gising ka pa? "
Agad naman itong umupo aa aking tabi.
"I can't sleep po. Tulog na po si Zandra"
"Ipag titimpla kita ng gatas para makatulog ka. "
"Uminom na po ako kanina, Mommy. Ikaw po bakit di ka pa sleep. "
"Tatapusin lang ni Mommy itong paper works ko thenag sleep na din ako"
Nginitian nnan ako nito. Nagulat ako ng bigla nalang akong halikan ng anak ko sa pisngi.
"Mommy, i love you "
Gusto kong maiyak. Minsan lang mag i love you itong lalaki ko. Iniisip kasi nya binata na sya. Ganon naman ang mga bata sa ngayon. Nahihiya ng mag i love you sa mga magulang.
"I love you too, sige na sleep kana. Tabihan mo si Zandra. "
Agad naman nitong sinunod ang sinabi ko. Hindi man kami kumpleto. Wala mang daddy sila meroon nnan silang Mommy na mahal na mahal sila
Maaga akong pumasok sa opisina. Pero hindi ako sa office ko pumunta. Agas kasi akong sinabihan ng receptionist na pinapapunta ako ng Boss namin. Kaya naman imbes na sa office ko ako pumunta ako dito sa office nya.
"Pinatawag mo po ako Sir. "
Itinuro nito ang upuan sa harapan nya. Umupo naman ako doon.
"Tayong dalawa lang dito para mag paka formal"
Mapapairap ako ng wala sa oras, sa nakakairitang ngisi nya.
"Empleyado po ako at boss ko kayo, dapat formal diba po"
Nginitian nya ako kaya naman nginitian ko rin sya ng alanganin.
"Yah. By the way---"
Naputol ang dapat nyang sasabihin ng biglang bumukaa ang pinto at tinawag sya.
"Cousin!--opps, may bisita ka pala. Teka, totoo ba ito. Lara? "
Anong ginagawa ng lalaki na ito dito. Kita sa muka ni Zeus ang gulat kahit din naman ako ay nabigla.
"Wow!! Ayos to huh!.. Ano mag kakabalikan na ba kayo.. kaya pala nakakarinig ako sa labas ng wedding bells. "
Namula naman ako sa sinabi nya. Ako at si Zeus ikakasal. Baka nga yung tuko pa ang pakasalan nyan e.
"Maganda yan. Para naman hindi mag mukang kawawa ang mga pamangkin ko. Hahaha! "
Agad akong napatingin sa kanya. Lintek! Na lalaki na ito!! Talaga bang ginagalit nya ako.
"What?! "
Natigil naman sa kanyang tawa ang pinsan kuno ni Zeus
"May nasabi ba akong mali--opps.. Hehehe.. Alis na ako"
Kumaripas ito ng takbo palabas. Ano na ang gagawin ko.
Zane's Short POV
Hihihi ikaw ng bahala insan, ginawa k na ang parte ko.. Hahaha.. Pambihira!!
Pwede na akong mag artista.. Nagamit ko nanaman ang acting skills ko. Hahaha!!