CHAPTER 9:
Umiiyak na umupo ako sa gilid ng kalsada. I'm not crying because she slapped me. Umiiyak ako dahil sa sinabi niya na kaya ako iniwan ni mommy dahil sa ugali ko. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko saka kinuha ang cellphone ko, buti nalang nadala ko ito.
Ayoko na sa bahay na iyon! Wala akong kakampi, walang gustong kumampi sa'kin.
Tinawagan ko si mama, naka tatlong ulit pa akong tinawagan siya bago sinagot.
"What's wrong, Nikkola?"
Hindi ko alam pero mas lalo akong naiyak when i heard her voice. I miss her!
"Mommy!" I cried.
"Nikkol, why are you crying?"
"Kaya ba nag abroad ka dahil nahihirapan kana sa akin? Kasi pasaway ako at hindi mo na kaya ang ugali ko. Is that the reason mommy?"
"Who said that, Nikkola? I left because I wanted to give you a good future. Hindi ako umalis dahil sa ugali mo. Because Nikkola, no matter how bad you are, how spoiled you are, I still love you, I will always love you, baby. Remember that okay. Stop crying bunso!" She said.
Parang batang umiyak ako.
"Mommy! Mommy!" Pinunasan ko ang mata ko. I'm so lucky to have her.
"Shh, Nikkola stop baka umuwi ako ng biglaan niyan."
"I love you! I'm sorry! Napaka-pasaway ko at maldita I'm sorry." I cried loudly.
"Hay naku! Parang bata. By the way who said that to you huh Nikkol? Si Zack ba?"
"Hindi po! Yung katulong niya. Si Sarah sinabi niya kaya ka umalis papuntang abroad kasi hindi mo na kayang tiisin yung ugali ko."
"That's not true. Huwag kang maniwala sa kaniya. Hayaan mo I'll tell Zack about this later."
"She slapped me, mommy. And worst hindi man lang ako nakaganti." Mahinang natawa siya sa sinabi ko.
"Alam ba yon ng tito mo?" Kahit hindi niya nakikita tumango ako.
"Hmm."
"Anong ginawa niya?"
"He shouted at me. Hindi niya ako kinampihan nagalit pa siya sa'kin. He didn't even give me a chance to explain."
"Okay, I'll talk him later. I'm pretty sure na naglayas ka. I want you to go back, Nikkol huwag mo akong pag alalahanin."
"No, never! I will never go back!"
"Huwag matigas ang ulo Nikkol. Bumalik kana at kailangan ko ng umalis."
"Mommy, mag cocondo nalang ako."
"No."
"I love you."
"I love you too."
Namatay na ang tawag, pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at tinignan ang itsura ko sa screen ng phone. Ang panget ng itsura ko.
Tumayo ako at pinagpagan ang pang upo ko. Malapit na ako sa gate ng Village palabas.
Nagdadalawang isip ako kung maglalayas ba ako o hindi. I really want to leave pero hindi ko pa nasasampal si Sarah. Sasampalin ko muna siya bago ako umalis.
Huminga ako ng malalim, babalik ako sa bahay hindi ako mapagtatalo sa bruhang iyon.
Pabalik na sana ako sa bahay ng makita ang pamilyar na sasakyan. Kay tito iyon, tinawagan na kaya siya ni mommy.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad pabalik sa bahay.
"Nikkola!" Napahinto ako nang hawakan niya ako braso ko at pwersahang hinarap sa kaniya.
Nang magtama ang mata naming dalawa masama ko lang siyang tinignan. He held my cheek, nagulat ako.
"Does it hurts? Who did that to you." He asked while looking at me.
Namumungay ang mga mata nito. Katanga!
Inis na hinawi ko ang kamay niya sa pisngi ko, inirapan siya. Anong kaartehan 'yan ang ginawa niya.
"Stop acting like you care tito. You're so fake!" Tinalikuran ko siya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Humarap siya sa harap ko at hinarang dadaanan ko. Dahil matangkad siya kailangan ko pang mag angat ng tingin.
"I'm sorry, Nikkola, tell me what happened between you and Sarah."
"Ayoko! Bakit ko sasabihin nakita mo naman diba? Naniwala kana kay Sarah diba? kaya bakit pa ako mag papaliwanag." Tumuloy na ako sa paglalakad.
"I also want to hear your side."
Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Ang hapdi parin ng pisngi ko hanggang ngayon.
"Nikkola I have a car you don't have to walk back home. Get in." Hindi ko parin siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagalalakad.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Sinasabayan naman niya habang nagkasakaya siya sa sasakyan niya.
Umarte akong hindi siya nakikita at naririnig kahit na kanina pa siya salita ng salita.
Pakiramdam ko nag iisa nalang ako ngayon. Wala akong kakampi sa bahay na iyon. Kahit na ako na ang nasaktan ako parin ang mali.
Pagdating sa bahay naabutan ko si Sarah na nag didilig ng halaman sa garden. Nag init ang dugo ko habang tinitignan siyang nakangiti at mukhang enjoy na enjoy sa ginagawa niya.
Dahan dahan akong lumapit sa kaniya, tumingin naman siya sa akin kasabay ng paglapag niya ng hose sa lupa.
"Bakit bumalik kapa?" Naka arko ang kilay niya habang naiinsultong mukhang nakatingin sa akin.
"I can't leave yet, i still have unfinished business here." I grinned. Hindi ko na hinayaan na sumagot siya.
Malakas ko siyang sinampal sa kaliwang pisngi niya. Tumagilid ang ulo niya at umawang bibig niya sa ginawa ko, sinampal ko pa siya sa kabila.
"Aalis ba ako ng hindi nakakaganti sa'yo, oh dear no way!" I said then i slapped her again on the other side.
Kinuha ko ang hose na hawak niya at tinapat sa mukha niya saka iyon binuksan. Tumalsik sa mukha niya ang tubig.
"Now you can say to tito that I slapped you. And this time that's true!" Peke akong ngumiti. "You're welcome Sarah." Sabi ko at tinalikuran siya.
Nang makapasok sa bahay. Hinipan ko ang palad ko na pinangsampal sa kaniya. Ang sakit tigas kasi ng mukha niya.
Nang makapasok ay dumiretsyo na ako sa kuwarto ko para maligo at maghanda sa pagpasok.
Tinignan ko ang sarili sa salamin. Bakas parin ang mga daliri ni Sarah sa pisngi ko.
Kinuha ko ang cream sa drawer at nilagay ito sa mukha ko para matakpan ang bakas. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kuwarto.
Pababa na sana ako ng makita si Sarah na kakalabas lang galing sa kwarto ni tito. Namamaga ang mata nito na para bang kakatapos lang sa pag iyak.
Siguradong nag paawa na naman siya kay tito. Tsk anong kayang sinabi niya?
Siguro sinabi niyang sinampal ko siya which is true. Pero I'm sure na may dagdag na iyon. Baka sinabi niyang hinampas ko siya ng bato sa ulo or sinugutan ko siya like sa mga tv dramas. Mga ginagawa ng mga kontrabida sa bida.
But in our case, hindi ako magpapa-api sa kontrabidang yon. Baka ako pa ang umapi sa kaniya but I am still the lead actress, it suits on me because I'm pretty. No I'm beautiful.
I'm the main character here.
If she is an actress, she will be a good actress. But sad to say she's not. And she will never be. Never! Duh? She's not even pretty.
Oo siguro maganda siya sa paningin ni tito because they're in a relationship. Pero sa mata ng iba at sa mata ko hindi siya maganda. Wala pa nga siya sa kalingkingan ko.
Alam ko bastos ako dahil sinasagot sagot ko siya, but she deserve it dahil bastos din naman siya. So patas lang.
Narinig kong suminghot siya at naglakad na papunta sa kuwarto niya. Hindi nagtagal lumabas si tito at agad na tumingin siya sa pwesto ko.
Masamang tinignan ko siya sandali at nag iwas din ng tingin.
"Let's go Nikkola Ihahatid kita." He said while looking at me.
Hindi ko siya pinansin at naglakad nalang. Nilampasan ko siya ng madaan siya.
"Nikkola, I'm sorry about what happened earlier. I'm really sorry."
Hindi ko parin siya pinansin at nagpatuloy na sa paglakakad hanggang sa makarating sa hagdan.
Nagulat ako ng hawakan niya ang braso. Naiinis na nilingon ko siya.
"If you are mad, hit me or shout at me. Hindi yung ganyan na parang wala kang naririnig at nakikita."
Umirap ako at huminga ng malalim. Hinawakan ko ang kamay niya sa braso ko at pwersahan yong tinanggal.
Hindi ako sumagot at pinagpatuloy nalang ang paglalakad. Umarteng hindi siya nakikita or naririnig.
Alam kong naiinis na siya dahil salubong na ang kilay niya at matalim din ang tingin niya. So? I dont care, siya ba may paki sa akin.
"Nikkola." Tawag niya sa pangalan ko.
Naglakad ako papunta sa kusina para uminom ng tubig at pagkatapos ay lumabas na.
Sa labas nakita kong nakasandal si tito sa itim niyang kotse. Nauna pa siya sa akin? Sabagay pumunta pa pala ako sa kusina.
Ang plano ay hindi ko siya papansinin. Aarte akong hindi siya nakikita at o naririnig. Nice plan right? Maybe I'm not good in school pero magaling ako pagdating sa ganito.
Don't touch me I'm genius and beautiful. Thank you.
Binuksan ko ang gate at lumabas na, nag angat siya ng tingin sa akin kasabay ng pag tapon niya ng sigarilyo niya sa lupa at inaapakan ito.
Naninigarilyo pala siya. Nag kunwaring hindi ko siya nakita at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa tawagin niya ako.
"Nikkola."
Hindi ko siya nilingon, bakit ko siya lilingunin duh? bati ba kami.
"Nikkola, Where are you going? Ihahatid kita diba!" Hinawakan niya ang kamay ko kaya nilingon ko siya.
Hindi ako sumagot at tinignan lang siya saka tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
"Please, Nikkola. Talk to me please. Just say something." Nagmamakaawa ang boses niya. Bipolar tsk.
Hindi parin ako sumagot sakto naman huminto ang isang pulang kotse sa gilid namin. That is Keeyon's car, tinawagan ko siya kanina kung pwede niya ako sunduin.
"Babe, get in." Sabi niya, masamang tinignan siya si ni tito.
I saw how his jaw clenched. Umirap ako at tinignan si Keeyon.
"Okay."
Maglalakad na sana ako papunta sa sasakyan nang hawakan niya ang kamay ko. Damn! Anong problema niya.
"You're going with me, Nikkola."
"I'm not going with you. Let me go." Sabi ko at pilit na tinanggal ang kamay niya sa kamay ko.
"D*mn!"
Hindi ko siya pinansin at sumakay nalang sa sasakyan ni Keeyon. Nang makasakay ay ka agad niya iyon pinandar.
"Who's that? Manliligaw mo?" Tanong niya, nilingon ko siya at pekeng natawa.
"He's my uncle."
"Oh, i thought may karibal na naman ako."
"Why? Kinabahan kaba? You see him right, he is more handsome than you." Peke akong tumawa.
"Oh, my Nikkola baby, I'm more handsome than him. Pinagsasabi mo." He laughed.
Assuming wala ka nga sa kalingkingan ni tito.
"Stop joking, Kee. Kung pagtatabihin kayong dalawa mag mumukha ka lang alalay niya." Tumawa ako.
"Stop it! Not funny."
Nanahimik nalang ako. Pagdating sa parking lot ng university bumaba na ako agad.
"Hold this." Hinagis ko ang bag ko sa kaniya nang makababa siya.
"So bossy, Nik."
Hindi ko siya pinansin. Naglakad na ako hanggang sa biglang umalingawngaw ang boses ni Cain.
"Maria Nikkolania Espiritu!" Agad kong hinapnap kung saan nanggaling ang boses na yon hanggang sa makita siya mula sa malayo.
Inaasar niya talaga ako. Nang makalapit sa kaniya at hinampas ko siya.
"Nakakainis ka Cain! Tara may ikikwento ako." Humawak ako sa braso niya pagkatapos ay nilingon si Keeyon sa likod.
"Kee, my bag." Lumapit siya sa'kin at inabot ang bag ko, then he kissed me on the cheek.
"See you later." Sabi niya at umalis na.
"Anong ikikwento mo?" Tanong ni Cain.
"Later, kain muna tayo nagugutom ako." Sabi ko.
-Emotionalangels