CHAPTER 8:
Pigil na pigil ang pagtawa ko habang pinagmamasdan si Sarah na nakasimangot na naglalakad paakyat sa taas. Salubong ang kilay nito at halata ang galit sa mukha niya.
Poor Sarah, hindi kinampihan.
Nang mawala siya sa paningin hindi ko na napigilan at malakas akong natawa. Naupo ulit sa couch dahil pakiramdam nanghihina ang tuhod ko. Halos mamatay na ako sa kakatawa habang niyayakap ang unan.
Sobrang nakakatawa kasi si Sarah, akala niya siguro kakampihan siya ni Zack. Pero hindi siya kinampihan pahiya!
"Nikkola!" Baritonong tawag sa akin ni tito.
Nakatayo siya sa harapan habang kunot noong nakatingin sa akin.
"What?" Umayos ako ng upo at tinignan siya.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan muli ang pagtawa.
"Sinasadya mo yon, tama?"
"No! I didn't mean that." Muli akong natawa kaya mas lalong kumunot ang noo niya.
"What is your problem, Nikkola?" He said.
Wala ako problema nangaasar lang naman ako.
Nagagalit siya dahil sa ginawa ko? Pero bakit hindi niya kinampihan si Sarah.
"Wala! Bakit masamang tumawa? Eh sa natatawa ako, kung gusto tumawa ka din."
Nagpatay malisya ako pero sa ka loob looban ko gusto ko ulit tumawa ng malakas.
"No. Why you're acting like that?"
"Acting like what? I said Hindi ko iyon sinasadya natawa lang talaga ako at kapag tumatawa ako ginagawa ko talagan 'yon."
Tumayo ako at humarap sa kaniya. Pero nanliit lang ako dahil tangkad niya at laki ng katawan niya.
Kung maiinis siya siguro sa akin ngayon at saktan niya ako baka mapatay niya ako.
"D*mn! Mababaliw ako sa'yo." Hinilot niya ang sintido niya at mariing pumikit.
Edi mabaliw ka? The hell I care? Gusto ko nga 'yon, Sige Zackarias Ian Mendeval mabaliw ka sa akin.
Malakas na tumawa ako kaya muli siyang tumingin sa akin. Hindi talaga mawala sa isip ko ang itsura ni Sarah kanina mukha siyang batang naagawan ng candy.
Nag mura siya at mariiing pumikit.
"Don't stress yourself, Tito. Paalisin mo nalang ako at ibili ng condo para tahimik ang buhay niyo ni Sarah."
Kunot noo'ng tinignan niya ako.
Kailangan ko pang tumingala para salubungin ang tingin niya bakit naman kasi ang tangkad niya.
"Not really. Try harder, Nikkola." Sagot niya, ang laki ng boses niya!
Naramdaman kong nangangalay ang leeg ko dahil nakatingala ako sa Kaniya. Tumingin ako gilid at humakbang paakyat sa couch kaya tumangkad ako. Mas matangkad na ako sa kaniya.
"Careful Nikkola." Lumapit siya sa akin.
Nagulat ako nang hawakan niya ang bewang ko gamit ang dalawang kamay niya.
Nag iwas ako ng tingin at kinagat ang labi ko. What the heck? Bakit pakiramdam ko namumula ang pisngi mo. Huminga ako ng malalim at lumunok at tumingin ulit sa kaniya.
"Kung ayaw mong inaapi ko si Sarah paalisin mo na ako. Willing akong umalis. Ano? What do you think? That's good a idea right? Thank me later tito." Pinilit kong huwag mautal.
Tumingin ako sa kaniya nahuli kong naka titig lang siya sa akin.
D*mn it! Bakit ganyan siya tumingin?
"That's not good idea. I can't do that, nag promise ako kay ate."
Umirap ako. Nanatili ang kamay niya sa bewang ko. Hindi naman ako malalaglag kaya bakit niya pa ako hinawakan.
"Tignan natin kung gaano kahaba ang pasensya mo." Matalim ko siyang tinignan.
"Keep doing that. Nag eenjoy ako sa ginagawa mo." He grinned while staring at me. Nakaramdam ko ang pag init ng pisngi ko sa paninitig niya.
Nag iwas ako tingin ng tingin. Nakahinga ako ng maluwag nang tanggalin niya ang kamay niya sa bewang ko at umupo ulit.
Nag eenjoy sa ginagawa ko? Hindi ko gets.
Dahan dahan akong bumaba sa couch. Nawalan ako bigla ng sasabihin. Huminga ako ng malalim natahimik si tito habang nakaupo at nakatingin sa akin.
Inikot ko ang mata ko at nag iisip ng sasabihin.
"It's getting late. Matulog kana."
"Hm! Oo nga! Goodnight!" Sabi ko at nagmadaling umakyat sa taas.
Ang awkward sa feeling bakit ganon?
"Yeah, goodnight."
Nang makarating sa kuwarto ka agad akong humiga sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko na naka charge sa gilid ko at tinignan kung may mga message ba.
May iilang text galing kay Keeyon at Cain. Binuksan ko ang text sa akin ni Keeyon at binasa.
Walang kwenta ang text niya kaya hindi ko nalang nireplayan. Ewan ko bigla akong nawalan ng gana kay Keeyon.
Ang boring na niya para sa'kin. Hindi na masaya, hindi na ako nag eenjoy.
Mas nag eenjoy pa ako sa pang aasar kay Sarah. Ano kayang susunod kong gagawin bukas?
Kinabukasan maaga akong nagising para mag jogging. Inayos ko ang pagkakasintas ng sapatos ko. Medyo madilim dahil ala singko palang ng umaga. Napansin ko kasing tumataba na ako kaya kailangan ko ng mag bawas ng timbang.
"Goodmorning." Si tito nasa likod ko siya.
Tumayo ako ng maayos na ang pag sisintas ng sapatos ko at saka Tumingin sa kaniya.
I am wearing a fit Spaghetti strap black sando and leggings. And he's wearing black sweat pants and blacktshirt. D*mn! He's so freaking handsome and hot! Omg! Nikkola anong pinagsasabi mo.
Hindi ko siya pinansin at lumabas nalang ng gate. Naramdaman ko naman naka sunod siya sa akin.
"At least respond to my goodmorning, my brat niece?" He grinned. I rolled my eyes. Umagang umaga nang aasar siya.
Calm down Nikkola! Huwag mong sirain ang araw mo dahil sa gurang na yan.
"Gm!" Sabi ko nang hindi siya tinignan at nagsimula ng maglakad.
Sumunod naman siya.
"Gm? What is that mean?" He asked.
Syempre hindi mo yon alam gurang kana kasi. Umirap ako.
"Goodmorning! Hirap talagang makipag sabayan sa mga millennials hindi ba tito?" Tinignan ko siya at pekeng ngumiti. Kumunot ang noo niya.
"Tsk, ang ikli nalang pinaikli pa." Inirapan niya ako.
Ang cute niyang umirap!
"Bakit ba nangingialam ka!" Mabagal na akong tumakbo. Ang malas ngayon pa kami nag kasabay, kainis! Damn it!
"Maria Nikkolania." Naginit ang ulo sa tinawag niya sa akin. Kunot noong nilingon ko siya.
"Stop! Its Nikkola! Nikkola! Stop calling me by my full name tito!" Galit na galit na ako pero siya ay natatawa lang. Inaasar niya talaga ako.
"Why? Your name is good, it's suits on you. What's wrong with that?" Painosenteng sabi niya.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko habang masama siyang tinitignan.
D*mn you Zackarias Ian!
"Inaasar mo ba ako?" Matalim ko siyang tiningnan. Ngumisi siya at Inosenteng umiling.
"No. Why, Maria Nikkolania. are you annoyed?"
Lumapit siya sa Amin. Matalim ko siyang tinignan. Nakakainis na helos sumabog na ako sa galit tapos siya pangiti ngiti lang.
"D*mn you!" Tumawa lang siya. Binabawian niya ba ako sa ginawa ko kay Sarah?
"Calmdown my brat niece. Baka sumabog kana niyan." Sabi niya at nagsimula ng tumakbo.
Mariin akong pumikit, at ilang beses huminga ng malalim. Hindi ko inaasahan na babawian niy Ako! Nakaka asar naman kasi ang pangalan ko! Bwiset.
Dahil sa inis ko sa kaniya hindi nalang tumuloy sa pag jojogging. Bumalik ako sa bahay at dumiretsyo sa kusina para kumain. Mamayang alas diyes pa ang pasok ko at mag aalala sais palang.
Binuksan ko ang ref saka kinuha ang gatas at cerial. Dinala ko iyon sa mesa at nilagay na ang cerial sa bowl at ang gatas.
Nagsimula na akong kumain pero hindi pa nga nakakadalawang subo nawalan na ako ng gana ng pumasok si Sarah.
Nang magtama ang mata naming dalawa, inirapan niya ako at dumiretsyo sa ref para kumuha din gatas.
Pagkatapos maglagay ng gatas sa baso niya at naglakad ito palapit sa akin at umupo sa harap ko. Nanatili ang masamang tingin ko sa kaniya.
"Sinong nagsabing pwede kang sumabay sa akin." Inirapan ko siya.
She smiled sweetly, gosh! Ang creepy.
"Mag usap nga tayo, Nikkola." Kapal maka tawag sa pangalan ko. Tsk!
"Hindi pa ba tayo nag uusap? Stupid." I said sarcastically. Sige nga ngayon ka magmaldita para masampal kita ng hard.
"Bastos ka talagang bata ka!"
Bastos agad bakit anong bang ginagawa ko. Nag hubad ba ako sa harap niya.
"Naghubad ba ako sa harap mo? Paano ako naging bastos." Malakas na tumawa ako. Nanginig ang labi niya habang naka tingin sa akin.
"Anong problema mo sa'kin ha! Nikkola!" Sigaw niya at tumayo saka lumapit sa akin. Tumayo na din ako at sinalubong siya.
"Ikaw! Hindi kita gusto. Ang ugali mo. At lahat lahat sayo!" Tumaas na ang boses ko.
"Ayaw mo sa akin? Pwes patas lang! Dahil ayoko din sayo masyado kang mapagmataas akala mo kung sino ka! Eh lalamunin ka lang naman dito!" Sigaw niya.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko sa biglang pag kirot ng dibdib ko.
"Come on, Sarah. Eh ikaw ano ka? Isa kang malanding katulong. At least ako kamag anak, bisita. I'm his responsibility!"
"Masyadong kang papansin Nikkola. Uhaw na uhaw ka sa atensyon ni Zack hindi ba kaya mo to ginagawa? Palibhasa walang nagmamahal sa'yo dahil sa ugali mo! Kaya nga pati ang mama mo iniwan ka dito dahil hindi niya matiis yang basura mong ugali. Wala talagang magtatagal sayo dahil sa ugali mo. Lahat ng tao ng iiwan ka. Dahil hindi ka kamahal mahal." Bulong niya mismo sa tainga ko.
Naramdaman ko ang pag init ng mata ko at nagbabadyang luha gustong pumatak.
Kaya ba ako iniwan ni mommy dahil hindi niya matiis ang ugali ko? Ganon ba iyon?
Sasampalin ko sana siya nang maunahan niya ako. Tumagilid ang ulo ko sa lakas ng sampal niya, pakiramdam ko namanhid ang pisngi ko.
D*mn it Nikkola! Nasaan ang tapang mo!
"Masakit ba?" Pekeng siyang tumawa.
"How dare you! Anong karapatan mong sabihin sa'kin yon!"Galit sigaw ko. Humarap ako sa kaniya at sasampalin sana siya.
"Nikkola!" Si Zack.
Nasa ere ang kamay ko at sasampalin na sana si Sarah. Tumakbo si Sarah palapit kay Tito at agad na nag tago sa likod nito. Artista!
"What's going on here?" Tumingin siya kay Sarah."What happened?" Tanong niya kay Sarah.
Umirap ako at tumalikod at pasimple pinunasan ang mata ko. Ang sakit ng pisngi ko namanhid yata.
Narinig ko ang mahinang pagiyak ni Sarah. Okay! So ako na naman ang masama. Sana pala nag artista siya galing umarter.
Maganda lang ako artista siya anong laban mo Nikkola.
"Nakita mo naman Zack kung anong nangyari." Umiiyak na sabi niya.
Lumunok ako habang nag uumpisa na naman tumulo ang luha ko. Ano ba Nikkola huwag kang umiyak nakaka awa kang tignan.
"Yeah, Stop crying. Nikkola!" Tawag niya sa akin. Hindi ako lumingon.
"Nikkola! What did you do! What's wrong with you huh?" Sigaw niya.
Ako nga nasampal! Hindi pa nga ako nakakaganti.
"Zack, hayaan mo nalang." Tang ina mo Sarah! Galing mong umarte.
"No, this is too much, Nikkola! Apologize to her." Hinarap niya ako sa kaniya.
Matalim ko siya tinignan habang umiiyak. Natahimik ito habang nakatingin sa akin.
"Hindi ako mag so-sorry! Wala akong kasalanan kaya bakit ako hihingi ng tawad!" Sigaw ko at pinunasan ang luha ko. "Alam ko naman na hindi ka maniniwala sa'kin kaya hindi ako mag eexplain! Bwiset kayo!" Sigaw ko sa kaniya bago siya lagpasan.
Kaagad akong lumabas ng bahay at tumakbo! Lalayas na ako!
Emotionalangels-