Kabanata 71
"Vianna May..."
Mama ni Romeo ang nagsalita na hindi ko magawang tingnan. Hindi ko magawang batiin. Yuko-ulo
akong napahagulgol. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila. Lalo't rinig ko ang paghikbi nila.
Bakit ba sila nagpunta? Gayo'ng sariwa pa sa akin ang lahat. Sana hinayaan na muna nilang maghilum
kahit man lang ang mga sugat sa aming katawan. Doble-dobleng sakit kasi ang nararamdaman ko.
Dahil alam kong nasasaktan din sila, lalo't nakita nila ang mga pasa at sugat sa katawan ko na gawa ng
demonyo nilang anak.
Akmang tatalikod na ako para lumabas, pero pinigil ako ng asawa ko kasabay ang paghaplos sa balikat.
Nangungusap ang mga mata niya na nagpakalma sa pag-iyak ko.
Giniya niya ako palapit sa kinaroronan ng mga magulang ni Romeo. Napabuntong-hininga ako. Ang hirap
makita ang mga taong tinuring ko na rin na mga magulang noon.
"Vianna May," pumipiyok ang boses ni Mommy Edna, nang bigkasin nito ang pangalan ko.
Muli akong yumuko at tiniim ang mga mata. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya. Ang titig niya
na puno ng sakit at panghihinayang. Titig na nagsasabing patawarin ko sila.
Naramdaman ko na lang ang yakap niya na lalong nagpalakas ng iyak ko pero hindi ko magawang suklian
ang yakap niya.
"Vianna May, Anak, sorry... sorry dahil sa nagawa ng Anak ko." Lumapat ang mga palad niya sa pisngi ko.
"Sorry... hindi kami naging mabuting mga magulang. Naging pabaya kaming mga magulang.
Yoko-ulo akong umiling. Gusto kong sabihin na nawala silang kasalanan. Mali ang iniisip nila. Hindi sila
pabaya. Mabuti silang mga magulang sa mga anak nila at sa akin.
"Naintindahan namin kong galit ka, Anak. Karapatan mong magalit," hagulgol ang tumapos sa sinabi
niya.
Muli akong umiling." Hindi po ako, galit sa inyo. Wala po kayong kasalanan. Kagagawan ni Romeo ang
lahat."
"Anak, Vianna May... sorry," sabi ni Daddy. Sabay niya kaming niyakap ng asawa niya. Sabay din ang
pagyugyog ng mga balikat namin.
Ako ang unang kumalas mula sa yakap nila. Ayoko nang pahabain ang usapan. Wala na rin namang
magagawa ang sorry. Kahit ilang sorry pa kasi ang gawin nila, hindi na mababago ang mga nangyari.
Kakalungkot lang makita na ang pamilyang kinaiingitan at ginusto kong maging parte noon dahil puro
saya at lambingan lang ang nakikita ko ay tuluyang nasira.
"Diego... sorry sa nagawa ng Anak ko. Sa'yo... sa inyo ni Vianna May. Alam ko, alam namin na hindi sapat
ang sorry lamang, bilang kabayaran sa lahat ng ginawa ng anak namin."
Matiim na tingin lang ang naging tugon ng asawa ko sa Daddy ni Romeo..
"Nakakulong na ang anak namin, masakit sa amin bilang mga magulang pero alam namin na iyon ang
nararapat. Nagkasala siya at dapat niya iyong pagbayaran."
"Violy, alis na kami," malungkot na paalam ng dalawa kay Mama.
Mahigpit na yakap ang tugon ni Mama sa paalam nila. Pati ang Mama, hindi magawa ang magdamdam
sa kanila.
"Vianna May, Diego... alagaan ninyo ang isa't-isa. Hangad namin na maging masaya kayo." Muli pa silang
lumingon at mapait na ngumiti bago tuluyang lumabas.
Kaagad akong yumakap sa asawa ko nang makalabas ang mga magulang ni Romeo. Mahabang hagulgol
ang ginawa ko. Haplos niya ang buhok ko habang ang labi nakalapat sa noo ko. Tapik at haplos naman sa
likod ang ginagawa ni Mama.
Hinayaan lang nila ako. Walang salita, walang pampalubag-loob. Pinaramdam lang nila na nandito
lamang sila sa tabi ko. Hanggang unti-unting humupa ang hagulgol ko.
Ang kaninang malakas na iyak, malakas na hagulgol naging paghikbi na lang.
"Vi..." Kinulong ng asawa ko, ang pisngi ko sa mga palad niya saka inangat iyon para magtama ang aming
paningin.
Tipid na ngiti ang sumilay sa kan'yang mga labi bago iyon lumapat sa mga labi ko.
"Tahan na, Vi... " bulong niya, matapos ang mabilis na halik na 'yon. Pinahid niya rin ang mga luha ko
pero tuloy pa rin iyon sa pagpatak.
"Tahan na..." muli niyang sabi.
Kanina ko pa gustong tumigil sa pag-iyak. Nakakapagod na kasi, nakakapanghina pero ayaw naman
paawat ang mga luha ko. Ayaw mawala ang sakit. Hindi maalis sa isipan ko ang mga hitsura ng mga
magulang ni Romeo.
"Anak... tama na ang iyak." Haplos pa rin ni Mama ang likod ko.
"Ma... " halos pabulong na tawag ko sa ka'nya. Pinahid niya rin ang mga luha ko.
" 'Wag ka nang mag-isip ng kung anu-ano pa, Anak... pagpahinga ka na ha," Mapait siyang ngumiti.
Tahimik akong sumunod at humiga na nga pero ang mga luha ko, hindi pa rin maubos. Ayaw pa rin
tumigil sa pagtulo. Pinilit kong ipikit ang mga mata. Sinubukang matulog. Pero ayaw talaga.
Kanina pa nakapikit ang mga mata ko, diwa ko naman ay hindi maperme. Kung ano-ano na lamang ang
naiisip.
Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagtabi ng asawa ko. Dumilat ako at hinarap siya. Lumapat
ang palad niya sa pisngi ko, kasabay no'n ang paglapat ng labi niya sa akin.
Mapait akong ngumiti at nilapat din ang palad ko sa pisngi niya. Walang salita na tumitig ako sa
malungkot niyang mga mata.
Hinawakan niya ang kamay ko at dinala iyon sa labi niya. Paulit-ulit niya iyong hinagkan kasabay ang
malagkit na tingin. Narinig na lamang namin ang pagbukas at pagsara ng pinto.
Alam kong si Mama iyon. Pinili na lang ang lumabas kay sa makita kami ng asawa kong kanina pa nagdadrama.
"Tahan na, asawa ko... " pabulong niyang sabi.
Pinahid niya ang mga luha ko saka ngumiti ng pagkatamis-tamis na nagpagalaw sa mga mumunting
paruparo sa loob ng tiyan ko. Kinilig.
Kusa kong inangat ang ulo ko at pinatong sa braso niya. Na miss ko kasi ang pakiramdam na 'to. 'Yong
parang may kumikiliti lagi sa tiyan ko. Akala ko puro sakit at lungkot na lang ang mararamdaman ko. Mali
pala ako.
"Tigilan mo na nga 'yang kakatitig mo," saway ko. Pero hindi naman maawat ang kilig.
Umiling siya. "Ayoko..." tugon niya kasabay ang paglapat ng palad sa pisngi ko at muling lumapat ang
labi sa akin.
Banayad na halik ang ginawa niya na tinugon ko naman ng buong puso. "I miss you, Vi..." bigkas niya
habang magkalapat ang aming mga labi.
"I miss you too..." tugon ko. Ramdam ko ang pagngiti niya. Kasunod no'n ang dahan-dahang pagbaba ng
halik niya sa leeg ko.
"T-teka.... Di, nasa ospital tayo..." pigil ko sa kan'ya. Pumatong ba naman.
Tumigil siya sa paghalik. Kunot-noo na tumingin sa akin.
"Sabi mo, miss mo ako," nakalabi niyang tanong. Tampo-tampohan ang drama.
"Oo... miss kita pero, hindi pwde iyang gusto mo." Tinampal ko ang noo niya.
"Paano kung may makakita sa atin? Paano kung biglang pumasok sila Dok. Jessa, si Mama?" Hindi na siya
tumugon, lumingon lamang siya sa pinto.
Nasa tapat nga kami ng pinto. Kaya kapag may pumasok kita agad kami. Kahit sabik na rin ako sa kan'ya.
Pero talagang hindi pwede.
Pero imbes na tumugon, itong asawa ko. Lumikot ba naman ang kamay. Ayaw paawat.
"Di..." pigil ko. Hawak ko na ang ulo niya.
"Hmmm..." tugon niya. Abala na kasi siya sa pagsipsip. Kahit may damit pa ako, talagang gumawa ng
paraan.
"Wala ka dapat ikabahala, ni-lock ni Mama ang pinto. Sagot niya kalaunan at pilyong ngumiti.
Umawang ang bibig ko. Lamas naman niya ang umbok ko sa dibdib.
Umiling ako. Tanda na ayoko nga ng gustong niyang mangyari. Hindi pwede, baka maiskandalo kami.
Lumabi siya at tumango. Muli naman akong umiling. Pero 'yong kamay niya. Ayaw paawat. Dinakma ko
na lamang iyon. Unti-unti na kasing gumapang pababa.
"Hindi pa nga pwede. Hindi pa tayo magaling. Masakit pa mga katawan natin. Hindi pa natin kakayanin
ang isa pang pagbabakan," mahaba kong pagtanggi.
Pero pilyong ngiti lamang ang tugon niya. "Katawan ko lang naman ang masakit, hindi 'yong..."
Tampal sa noo niya ang dugtong ko sa sasabihin niya sana.
"Ikaw! Puro ka kalokohan!" madain kong sabi.
"Miss na nga kita, buong-buo!" Mapupungay na mga tingin ang pinukol niya sa akin. May pakagat labi
pa, na muling nagpagalaw ng mga paruparo sa tiyan ko.
Mapapa-oo na yata ako nang wala sa oras. Akitin ka ba naman ng asawa mong nakapakagwapo pa rin
kahit walang ligo.
"Di... bago ka lumandi... maligo ka muna ha," sabi ko. Na ikinabusangot ng mukha niya.
Sabay kaming lumingon nang may kumatok sa pinto. Talaga pala na ni-lock ni Mama ang pinto. Ano
magkakampi na talaga sila?
"Buksan mo," utos ko sa asawa kong napapangiwi pa, kasabay ng pagtayo. "Ayan... kunting galaw nga
lang napapangiwi ka na. Tapos gustong pumatong."
Busangot na mukha lang ang tugon niya bago niya ako tinalikuran at tinungo ang pinto.
"Diego..." ngawa ng babae ang narinig ko, kasabay ang pagyakap nito sa asawa ko. Kamay lamang niya
ang nakikita ako.
"K-kumusta ang pakiramdam mo... ano pa ang masakit sa'yo?" nag-aalalang tanong ng babae. Na halos
paghikbi lang ang naririnig ko.
Bumusangot ang mukha ko pero nakuha ko pa naman ang umupo sa kama. Kasabay na rin ang pigil
pasensya. Kung makahimas kasi sa mukha ng asawa ko itong babae ay parang pag-aari niya.
Iniwas ko na lamang ang tingin. Ayoko nang makita at hintayin kung kilan matatapos ang himasan nila.
"A-no ba ang nangyari sa inyo?! Humikbing tanong nito. "Alam mo ba na sobrang nag-alala ko no'ng
malaman ang nangyari," maktol pa nito.
Nilingon pa ako ng asawa ko at ngumiti. Irap ang naging tugon ko. Wala yata siyang balak na ipakilala sa
akin ang babaeng buwesita na 'yan!
"Nasaan si...." rinig kong sabi ng babae.
"Mia!" atungal ang narinig ko kasabay ang pagtakbo at mahigpit na yumakap sa akin.
Bumilog ang mga mata. Hindi agad ako nakapagsalita habang nakatingin sa asawa kong nakangisi at
umiiling-iling. Nang-aasar.
Alam niya selos na selos ako kanina.
"Dorry..." pahikbi kong sabi.