Kabanata 64

Ang sikip ng dibdib ko habang minamasdan si Aling Violy na abala sa pag-asikaso ng mga costumer niya.

Tanaw ko lang siya mula rito sa loob ng sasakyan. Kating-kati na nga ang mga paa ko. Gusto ko na siyang

lapitan at magpakilala bilang manugang niya. Pero hindi kasi ganoon ka dali.

Naisip ko pa nga kung magkakaroon pa ba ako ng pagkakataon na matawag siyang Mama. Baka kasi

kamuhian niya ako dahil sa nangyari kay Vianna May.

"Handa ka ba, P're, buo na ba talaga ang desisyon mo na kausapin si Aling Voily?" Sumulyap ako sandali

sa kaibigan ko saka mapait na ngumiti habang tanaw na naman si Aling Violy.

Bumuntong-hininga ako at sumandal sa backrest. Tinatantya ang sarili kung talaga ba'ng kaya ko nang

harapin si Aling Violy. Halos dalawang linggo na rin kasi kaming pabalik-balik dito. Pero sa tuwing makita

siya, umuurong ang buntot ko. Nagbabago ang isip ko.

"P're, nagbago na naman ba ang isip mo? Bukas na ang huling therapy mo. Malakas ka na, sigurado ako

na kakayanin na ng puso mo, ano man ang isumbat sa'yo ng biyenan mo." Ibang klase talaga magpalakas

ng loob itong kaibigan.

Mapait akong napangiti. "Biyenan... hindi ko pa nga alam kung tanggap ba niya ako bilang manugang.

Wala kasi akong silbing asawa sa anak niya."

"Masyado kang nega, P're!" dismayang tugon nito.

"Nega... kakalandi mo sa mga nurse, nahawa na pati salita mo!" iiling-iling kong sabi.

"Tsss... nega ka nga! 'Di porket nakikipagharutan ako sa mga 'yon, nilalandi ko na, kinakaibigan ko lang

naman ang mga 'yon. Malay mo, isa pala sa kanila ang forever ko!"

"Forever mo mukha mo. Hanggang ngayon nga hindi mo pa rin alam kung sino ba talaga sa dalawa ang

gusto mo!"

Umayos ako ng upo nang matuon ang paningin ni Aling Violy sa kotse namin. Kahit tented naman ang

salamin nito. Pakiramdam ko tumatagos ang paningin niya sa loob.

"P're..." pukaw ko kay Nelson, na animo nangangarap ng gising. Nasa malayo kasi ang tingin at abot

tainga ang ngiti.

"Bakit ba?!" irita niyang tanong.

"Si Aling Violy, nakatingin dito," kabado kong sabi habang hindi nilubayan ng tingin si Aling Violy.

"Malamang nagtataka na 'yan. Ilang araw na rin tayong tumatambay dito. Baka nga iniisip na naman

niya, mga tauhan tayo no'ng hayop na Romeo."

Bigla kong nakuyom ang kamao ko. Hindi na ako makapaghintay na muli kaming magharap at mabawi

mula sa kan'ya ang asawa ko.

"Ano na, P're, kakausapin mo ba si Aling Violy o hindi?"

Bumuntong-hininga ako saka sandaling sumulyap sa kaibigan kong na kay Aling Violy na rin ang tingin.

"Bahala na!" tugon ko. Sandali kong timiin ang mga mata bago binuksan ang pinto. Sumabay na rin sa

akin si Nelson na lumabas ng kotse.

Mabagal kaming humakbang palapit kay Aling Violy na kasalukuyang abala sa costumer niya.

"P're, wala na talaga itong atrasan!" pabulong na sabi ni Nelson na bakas din ang kaba sa tinig. Syempre,

hindi lang naman ako ang naglihim. Siya rin.

Kaya bahala na talaga kung ano ang ibabato sa amin ni Aling Violy. Tumingin pa ako sa hawak sa brown

envelop na naglalaman ng mga larawan at marriage certificate namin ng asawa ko.

Kung sakaling ayaw maniwala ni Aling Violy, may katibayan akong ipapakita sa kan'ya.

"O, Nelson!" masiglang tawag nito sa kaibigan ko. Pero napako naman ang paningin niya sa akin.

Biglang bumigat ang mga paa ko, bakas sa mukha niya ang pagtataka. Napasulyap pa siya ulit kay Nelson

saka naman bumaling ang tingin sa akin.

"Diego?" patanong na sambit niya sa pangalan ko.

"Aling Violy," tugon ko at nagbaba ng tingin.

"Magkakilala kayo, Nelson?" Nagpalipat-lipat ang daliri niya sa amin.

"Opo, Aling Violy..." halos pabulong na tugon ni Nelson.

"Bibili ba kayo ng rosas?!" nakangiting tanong niya na hindi ko magawang suklian.

"Hindi po..." si Nelson ang sumagot. "Gusto po namin kayong makausap, Aling Violy." Sumulyap sa akin

si Nelson.

"Makausap... tungkol saan? 'Tsaka, bakit ba ganyan ang mga hitsura n'yo?" tanong niya pa na lalong

nagpakaba sa puso ko.

"Ahmm..."

"Tara sa loob," pag-aya niya na pumutol sa sasabihin ko.

Nagpatiuna siyang pumasok. Kami ni Nelson, kapwa tahimik habang nakatingin lamang sa likod niya,

sabay pa kaming bumuntong-hininga at sumulyap sa isa't-isa kalaunan.

Ayoko na hawakan ang kamay ko nitong kaibigan ko, pero ngayon gustong-gusto ko itong hawakan,

baka sakaling lumakas ang loob ko.

"Upo kayo," wika ni Aling Violy nang makapasok na kami. "Kukuha lang ako ng maiinum."

Walang imik na umupo kami. Nabaling pa ang paningin ko sa ikalawang palapag saka mapait akong

napangiti.

Naalala ang unang punta ko rito, iyong gabing hinatid ko ang asawa ko na walang malay. Inakyat ko pa

siya sa kwarto niya, pero kaagad din akong umalis. Paano kasi iyon ang mga panahon na wala siyang

ibang nakikita kun'di ang hayop na si Romeo!

"Ano ba talaga ang sadya n'yo?" tanong ni Aling Violy, kasabay ng paglapag ng baso at juice sa lamesa.

Umupo na rin siya.

"Aling Violy..." simula ko.

Mapait siyang ngumiti. "Diego... sa tingin ko, alam ko na ang pakay mo. Ang anak ko, hindi ba?"

seryosong saad niya, kasunod no'n ang pagbuntong hininga at pagpatak ng mga luha.

Awtomatikong lumipat ako sa tabi niya at kaagad siyang niyakap.

"Sorry... po... sorry," paulit-ulit kong paghingi ng paumanhin.

"Teka, Diego... bakit ka ba nag-sorry? Wala ka namang kasalanan," sabi niya at tinapik pa ako sa likod.

"Gusto ko lang naman sabihin na wala rito ang anak ko," patuloy niya at pinahid ang mga luha at

ngumiti.

Kumawala ako sa pagyakap sa kan'ya at hinawakan ang kamay niya. Bakas na sa mga mata niya ang

pagtataka. Nasa kamay ko na rin ang tingin niya. Ang kaninang ngiti sa labi niya, unti-unting napalis.

"Sorry po... sorry dahil hindi ko nagawang protektahan si Vianna May." garalgal ang boses ko.

Hinablot nito ang kamay niya mula sa mahigpit kong hawak. Hindi na ako nagulat. Ito talaga ang

inaasahan kong magiging reaksyon niya.

"A-anong ibig mong sabihin?!" Kaagad bumakas ang luha sa mga mata niya. "Alam mo kung nasaan ang

anak ko?!"

Hindi ko na rin mapigil ang pagpatak ng mga luha.

"Diego, anong nangyari sa kan'ya?! Anong nangyari sa anak ko?!" hagulgol niyang sigaw, kasabay ang

paghampas sa akin.

"Aling Violy... huminahon po kayo," alo na siya ni Nelson.

"Diego... nasaan ang anak ko?!" uli niya. Ayaw na niya akong lubayan ng tingin.

Napahagulgol ako habang nakatingin sa kan'ya, na kinakapos ng paghinga sa kasisigaw at kaiiyak.

"Sumagot ka! Dalhin mo sa akin ang anak ko, Diego!"

"Pangako po, ibabalik ko siya sa'yo, Pangako!" sa dami ng gusto kung sabihin. Iyon na lang ang nagawa

kong ibigkas.

"Diego... nasaan ang anak?!" nanghihina niyang tanong. Muli kong hinawakan ang kamay niya. Pero

ayaw niyang hawakan ko siya. Pakiramdam ko wala na naman akong silbi. Hindi ko magawa kahit ang

mapakalma man lang siya.

"Uminum ka po muna, Aling Violy." Inalalayan siyang uminum ni Nelson. Pero tinampal niya lang ang

basong hawak nito.

"Aling Violy, ipapaliwanag namin sa lahat inyo pero kailangan n'yo po munang huminahon," alo ni

Nelson sa kan'ya.

"Heto, uminum ka muna," malumanay na sabi ni Nelson. Habang nasa akin ang tingin.

Sinubukan kong muling lumapit at niyakap siya.

"Diego..." sambit niya sa pangalan ko kasabay ang mahinang suntok sa likod.

"Ang anak ko... si Vianna May, nasaan?!" hapo na hapo niyang tanong.

Pinahid ko ang mga luha ko. Bumitiw sa pagyakap sa kan'ya at sinalubong ang mga mata niyang hilam sa

luha at puno ng katanungan. Puno ng hinanakit.

Pinahid ko ang mga luhang 'yon at muling hinawakan ang mga kamay niya.

"Sinaktan siya ni Romeo no'ng gabing nawala siya kaya napilitan siyang umalis at magtago," simula ko sa

mahaba na namang salaysay na nagpahagulgol pa lalo kay Aling Violy.

Pili lamang ang mga salitang sinabi ko sa kan'ya. "Anak..." katagang paulit-ulit niyang bigkas kasabay pa

rin ang paghahagulgol.

Kung kanina ay tampal at suntok ang tumatama sa akin, ngayon ay mahigpit na hawak sa kamay, ang

ginawa niya. Bakas sa mga mata niya ang kagustuhang muling makita ang anak.

"Gagawin po namin ang lahat, mahanap lang siya at mapagbayad si Romeo sa kasalanan niya." Hawak

na niya ang sariling dibdib, hinahampas niya pa paminsan-minsan.

"Aling Violy, huminahon po kayo. Baka ikaw naman ang magkasakit. Tatagan n'yo po, ang loob n'yo."

Kasabay ng mga salitang 'yon ang paghaplos ni Nelson sa likod niya.

"Diego... alam ko noon mo pa gusto ang anak ko. Malaki na ang utang na loob ko sa'yo noon pa! Ikaw

ang dahilan kung bakit buhay ang anak ko. Kahit hindi mo obligasyon pero ginawa mo." Hirap na hirap

siyang ibigkas ng mga salitang 'yon.

"Aling Violy, obligasyon ko na alagaan at protektahan siya," sabi ko, kasabay ang pag-abot sa kan'ya ng

sobre.

Nanginginig ang mga kamay pero kaagad niya iyong binuksan. Kunot ang noo habang nakapako ang

tingin sa mga larawang kuha noong kasal namin ni Vianna May. Hindi matigil ang pagpatak ng mga luha

niya.

"P-paano nangyari?" Sandali siyang sumulyap sa akin.

"Tadhana ang nagtagpo sa aming dalawa sa islang pinagtaguan niya. Si Nelson at bestfriend kong si

Dorry, ang naging karamay niya noong mga panahong lugmok siya hanggang sa dumating ako," kwento

ko.

Iyak, ngiti at hagugol ang tanging ginawa niya habang ako, tuloy din sa pagkwento.

"Aling Violy, patawad po. Nilihim namin sa inyo lahat. Ayaw ni Vianna May na mag-alala ka."

"Ang sakit para sa akin bilang ina niya na wala ako sa tabi niya nang masaktan siya, nang gumuho ang

mundo niya!" Hagulgol niya habang yakap ang larawan ng anak. "Wala rin ako sa pinakamasayang araw

sa buhay niya! Anong klaseng ina ako!"

"Aling Violy, tahan na po, baka ma pa'no pa kayo." Walang tigil sa pagtapik si Nelson sa likod niya, haplos

ko naman ang kamay niya.

"Patawad, anak... patawad. Pabaya akong ina!"

"Aling Violy!" taranta kong tawag sa pangalan niya nang mawalan siya ng malay. Kaagad ko siyang

kinarga at dinala sa kotse.

Walang tigil ang pagbuhos ng luha ko habang yakap siya. Si Nelson naman mabilis ang pagpapatakbo at

walang tigil sa pagbusina. Hanggang sa makarating kami ng ospital.

Si Nelson na rin ang kumausap sa mga nurse at sumagot sa mga katanungan nila.

Tayo, upo, lakad ang ginawa ko. Hindi ako pakali habang nasa loob ng ER si Aling Violy. Nando'n ang

pagsisisi. Sana hindi ko na lang pinagtapat sa kan'ya ang totoo, hindi sana nangyari 'to! Hindi sana

nalagay sa alanganin ang buhay niya.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko, kung sakaling may mangyaring masama sa kan'ya. Hindi ko na nga

nagawang protektahan ang asawa ko.

"P're, kumalma ka," si Nelson, na nakaupo lamang at sinundan ng tingin ang bawat galaw ko. Gustuhin

ko mang kumalma hindi ko magawa.

"Diego..." tawag ni Danica sa pangalan ko. Kaagad niya akong niyakap. Tinapik naman ni Anthony ang

balikat.

"Bro... umupo ka muna. Kumalma ka!" sabi ni Anthony. Hinila niya ako paupo.

Tahimik kaming lahat habang nakaupo sa link chairs.

"Anong balita sa mga pulis," pikit-mata kong tanong, matapos ang mahaba-habang katahimikan.

"Nakausap ng mga pulis ang mga magulang ni Romeo, ngunit walang maibigay na impormasyon ang mga

ito, tungkol sa kinaroroonan ng anak. Ilang buwan na rin na hindi nagpapakita sa kanila si Romeo,"

mahabang tugon ni Anthony.

"Sino ang kamag-anak ni Mrs. Meranda?" bungad na tanong ng doktora na kalalabas lamang ng ER.

"Doktora," wika ko kasabay ang paglapit sa kan'ya. "Kumusta na po ang biyenan ko?" kabado kong

tanong.

Pero nanatiling nakatingin lamang sa akin ang doktora at halos hindi na kumurap. Kumumot ang noo ko.

"D-doktora... kumusta po, ang lagay ng biyenan ko?" hindi ko na napigil ang magtaas ng boses ko.

"Sorry..." paghingi niya ng paumanhin at tumikhim pa.

"Maayos na po ang lagay niya. What she experienced earlier was cardiac pain. Sabi nga ng kaibigan mo."

Tumingin siya kay Nelson.

"Umiyak siya ng husto. Kaya iyon ang naging dahilan. I advise, na iwasan ninyo na malungkot siya para

hindi na maulit ang nangyari. We conducted some tests, para masiguro na wala nang ibang

complications," mahabang paliwanag ng doktora, pero wala naman sa akin ang tingin kun'di sa mga

katabi ko.

Tahimik lamang kaming nakikinig sa kan'ya. Kung siya parang iniiwasan na magtama ang mga mata

namin, ako hindi. Hinuhuli ko ang paningin niya. Siya kasi 'yong doktara na pumasok sa silid ko noong

naka-confine pa ako rito sa hospital. Nararamdaman kong may iba sa kinikilos niya.

"Dok, Jessa..." tawag sa kan'ya ng isang nurse. Pasimple pang sumulyap kay Nelson. Kumaway naman

agad itong kaibigan ko na pinapungay pa ang mga mata.

"Hi, Jane..." Malanding bigkas niya sa pangalan ng nurse na kaagad namang namula. Maya maya iniwan

na nila kami.

Nakapa ko ang dibdib pagkaalis ng doktora at malamang maayos na ang kalagayan ni Aling Violy. Ang

hindi mawala sa isip ko ay ang kinikilos ng doktora.

"Doktora Jessa." pabulong kong sambit sa pangalan niya.

Kung noon, ipinagkibit-balikat ko lang ang pagpasok niya sa silid ko at pagtatanong ng wala namang

kinalaman sa kondisyon ko. Ngayon ay mas lumalim ang pagdududa ko.

Nagkunwari siyang doktor ko at nagpanggap pa na sinusulat ang mga sagot ko sa tanong niya, hindi

naman pala.

Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon noon na tanungin siya dahil bigla na lang siyang umalis, at hindi na

lumingon kahit tinawag ko pa.

"P're, ayos ka lang? Ang lalim ng iniisip mo! Ayon na si Aling Violy."

Likod na lamang ng mga hospital porters ang nakita ko habang tulak ang stretcher kung saan nakahiga si

Aling Violy.

Sinundan ko na lamang si Nelson na nagpatiuna nang maglakad. Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko ang

inaasta ng doktora.

Alam ko, ramdam kong may ibang dahilan kung bakit siya pumasok sa silid ko at nagpanggap na doktor

ko. 'Yon ang aalamin ko!