Kabanata 65
Panay ang paghinga ko ng malalim habang nakatingin kay Aling Violy na mahimbing pa rin na natutulog.
Hawak ko ang kamay niya at bahagyang minamasahe iyon.
Sobrang pagsisisi ang nararamdaman ko. Ako ang may kasalanan kung bakit nandito siya. Sa tuwing
maisip ko ang reaksyon niya no'ng sinabi ko sa kan'ya ang dapat nitong malaman. Parang kinuyumos ang
puso ko.
"Aling Violy, sorry..." Mahigpit ang hawak ko sa kamay niya. Kung nagawa ko lang sanang protektahan
ang asawa ko, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Hindi nawalay sa akin ang asawa ko at lalong hindi
nakataray ngayon si Aling Violy dito.
Paulit-ulit ang pahingi ko ng tawad sa kan'ya. Pauli-ulit ang pangakong hahanapin ang asawa ko. Kung
dumating man ang panahong 'yon, sisiguraduhin kong hinding-hindi na ulit kami maghihiwalay. Gagawin
ko ang lahat maging masaya lang kami.
"P're.... magpahinga ka naman muna. Kanina ka pa nakatunganga d'yan. Alalahin mong masama pa rin
ang loob ni Aling Violy sa'yo. Paano kung magising siya at mukha mo naman ang makita. Baka masampal
ka pa o 'di kaya mahimatay na naman siya dahil sa galit." Biglang putak ng kaibigan ko na kanina pa yata
ako tahimik na minamasdan.
Naipikit ko ang mga mata ko. Tama kasi ang sinabi niya, galit sa akin si Aling Violy. Hindi niya gugustuhin
na makita ang pagmumukha ko sakaling magising siya.
Pero kahit naman anong iwas ko. Makita niya man ang pagmumukha ko o hindi. 'Yong galit, 'yong sama
ng loob ay hindi basta-basta mawawala. Kaya mabuti nang harapin ko na lang. Tanggap ko naman kung
ano ang sasabihin niya. Kahit masakit, hindi ako magrereklamo.
"Ano... bingi-bingihan?!" sabi pa ng kaibigan kong nagbabalat ng mansanas at umiling-iling pa.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi nag-abalang sagutin ang sermon niya.
"Ano... hindi pa ba sapat 'yong mga sigaw, tampal at suntok niya sa'yo? Gusto mo pa ba na matanggal
ang mga ngipin mo, kapag nasuntok ka niya sa bibig!" putak niya pa.
"Oo, na. Magpapahinga na, kung makaputak ka daig mo po ang inahing manok!" Sumunod na lamang
ako sa gusto niya. Ang sakit na kasi sa tainga ang mga putak niya, lagi na lang siyang gan'yan. Hindi siya
titigil hangga't hindi masusunod ang sasabihin niya. Naintindihan ko naman siya, ayaw niya lang na
magkasakit ako.
Hinaplos ko na lamang ang kamay ni Aling Violy, at pinatong iyon sa tiyan n'ya. Saka ako tumayo. Sandali
pa akong sumulyap sa kaibigan kong naghihiwa na ng mansanas.
"Kainin mo 'to." Taas ang dalawang kilay na tinanggap ko ang platitong may slice na mansanas. "Ubusin
mo 'yan nang lalo ka pang lumakas," sabi niya pa at nagbalat na naman ng isa pa.
"Salamat, P're, ang sweet mo talaga!" asar ko sa kan'ya, na ikinangiti naman niya.
"Naman! Mas sweet pa nga ako d'yan sa mansanas na hawak mo!" pilyong tugon n'ya.
"Gusto mong tikman?!
"Sira-ulo ka talaga!" naduro ko siya. Lalo lamang niyang ikinangiti.
Kahit kilan, wala talaga akong panama sa kalokohan nitong kaibigan ko.
"Siya nga pala, P're..."
"Magandang umaga." Naputol ang itatanong ko sana kay Nelson dahil sa pagdating ni Doktora Jessa,
kasama ang dalawang nurse na kalandian nitong kaibigan ko na, sina Jane at Gema.
"Magandang umaga, Doktora," sabay naming bati ni Nelson pero gaya ng lagi niyang ginagawa. Umiiwas
pa rin siya ng tingin.
Ako ang manugang, ako dapat ang derekta niyang kinakausap tungkol sa kondisyon ng biyenan ko. Pero
itong kaibigan kong malandi ang kinakausap niya.
Gusto pa yata nitong kaibigan ko na isali sa harutan nila itong kaduda-dudang doktora.
"Ano ang resulta sa ginawa ninyong test para sa biyenan ko po, Dok?" tanong ko. Pumagitna pa ako sa
kanilang dalawa ni Nelson. Para tingnan man lang niya ako. Pero hindi!
Gaya ng inaasahan ko, ayaw niya talaga akong tingnan na ikinangisi ko. Gusto ko na siyang
komprontahin ngayon din. Pero ayoko namang maging bastos.
Oras ng trabaho niya. Alam kong kapakanan ng pasyente ang prayoridad niya. Matyempuhan ko rin ang
doktora na ito. Maski kasi sa labas kapag nakasalubong ko, bigla na lang siyang umiiwas.
"Ahh... maliban sa hypertension, wala nang dapat ikabahala sa kondisyon ng pasyente. Kaya bukas
maaari na siyang umuwi," sagot nito na nasa chart lamang ang tingin.
"Nurse Gema, iyong gamot at bitamina," baling niya sa nurse na agad namang lumapit. Inabot nito sa
kan'ya ang gamot.
"Ipainum niyo na lamang ito, before dinner, beta blocker ito at bitamina niya," paliwanang niya saka ito
inabot sa akin. Sinadya kong mahagip ang kamay niya at sadali iyong hinawakan.
Sa wakas tumingin siya. Pinako ko sa kan'ya ang mga tingin ko. Pero hindi maperme ang mga mata niya,
bakas ang pagkabalisa. Maya maya nagawa niyang hablutin ang kamay niya at dali-daling lumabas
kasunod ang dalawang nurse.
"Ano 'yon, P're!" bulyaw ni Nelson, paglabas nila.
"Wala..." sagot ko kasabay ang pag-iwas at umupo sa pang-isahang sofa.
"Wala?! Hinawakan mo ang kamay ni Doktora!" pabulong nitong singhal. Nilingon niya pa si Aling Violy
na hanggang ngayon tulog pa rin.
"Inabot niya 'yong gamot. Tinanggap ko lang," palusot ko at nagkibit-balikat pa.
" 'Wag ako, P're!" madiin niyang sabi.
" 'Wag ako ka d'yan?" lito kong tanong. Minsan hindi ko na maintindihan itong mga salita ng kaibigan ko.
Tuluyan na yata siyang nahawa sa kakasama do'n sa dalawang nurse. Ang dalawang 'yon kasi ang lagi
niyang kasama habang nag-therapy ako.
" 'Wag mo akong pinagloloko! Matagal na akong loko-loko at sinasabi ko sa'yo hindi uubra sa akin iyang
palusot mo!" Makahulugan ang mga tingin niya. Alam kong iba ang nasa isip niya!
Alam kong iniisip niya na gusto ko ang doktora.
"Tigilan mo nga 'yang mga tingin mo na 'yan!" Duro ko pa siya. " 'Wag mo akong itulad sa'yo!" Binato ko
sa kan'ya ang platito na maagap naman niyang na salo.
Talagang ang bilis ng reflexes niya. Hindi lang 'yon sanay siyang bumaril at sa self-defense. Siya kasi
mismo ang nagtuturo sa akin.
Nagtanong pa nga ako kung bakit maalam siya sa pakikipaglaban at barilan. Sagot niya lang mahilig siya
sa nerf war! Akala naman niya naniwala ako. Iba ang nerf gun sa totoong baril.
Ilang beses ko nang sinubukang magtanong tungkol sa buhay niya. Pero iniiba niya ang usapan at
madalas umiiwas siya. Pa misteryoso ang loko.
May mga tauhan pa siyang loyal na loyal sa kan'ya na handang ibigay ang serbesyo nila kahit walang
bayad at higit sa lahat. Ang tagal kong na-confine sa ospital na 'to. Imposible namang ang isang
bangkero sa isla, kayang tustusan ang gastusin ko sa araw-araw na pananatili ko rito.
Pero sige lang. Maghihintay lamang ako kung hanggang kilan niya sasabihin ang lihim niya. Ang
importante naman, alam kong mabuti siyang tao.
"Hoy, P're! Baka naman, na mi-miss mo 'yong mainit na lungga!" duro niya sa akin! " 'Wag ka talagang
magkakamali dahil ako mismo ang babasag niyang mga itlog mo para kay Mia!" gigil niyang sabi, duro
niya pa ang harapan ko.
"Loko! Hindi ko magagawa 'yon! Para lang 'to sa asawa ko!" Humiga ako at pinikit ang mga mata. Loko
talaga. Sa dami ng pwedeng maisip lungga pa.
" 'Wag mo akong tulugan, P're, kung ayaw mong patungan kita!"
"Sira-ulo! Lumayo ka nga sa akin!" Panay tadyak ko sa loko, para hindi makapatong! 'Di naman maawat
ang tawa niya habang hawak na ang dalawang paa ko.
"Nelson..." sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Pero dali-dali nang umalis si Nurse
Jane.
"Buti nga sa'yo. Pilitin mong itayo ang dangal mo na ikaw mismo ang nagpalugmok!" Pang-aasar ko sa
kan'ya. Kamot sa ulo ang tugon niya.
"Anong ginawa n'yo kay Nurse, Jane?" Bungad ni Danica, turo niya pa ang pinto.
"D'yan na nga muna kayo!" padabog pa itong lumabas. Pero matalim na tingin ang iniwan sa akin.
"Hindi mo kasama si Anthony?" baling ko kay Danica. Nilapitan niya si Aling Violy at inayos ang kumot
nito.
"Pumunta siya sa presento. Hindi raw kasi kikilos ang mga pulis, kung hindi aaraw-arawin!"
Napabuntong-hininga ako. Sobrang pasalamat ko talaga, kahit nandito ako sa ospital. May mga tao pa
rin na ginagawa ang lahat mahanap lang ang asawa ko.
Tumabi ako kay Danica. Banayad ko na namang hinaplos ang kamay ni Aling Violy.
"Magiging maayos din ang lahat, Diego!" Haplos ni Danica ang likod ko. Pasimple namang punas sa luha
ang ginawa ko at mapaklang ngumiti.
"Aling Violy," agad kong hinawakan ang kamay niya nang magdilat siya. Wala akong paki' kong tampalin
niya man ito o hindi. Gusto ko lang iparamdam sa kan'ya na nandito lang ako at hindi siya iiwan. Hindi
siya nag-iisa.
"Diego..."mahina niyang sambit kasabay ang pangingilid ng mga luha.
Pinahid ko iyon. "Aling Violy, 'wag na po kayong umiyak. Makasasama sa inyo," mahinahon kong sabi.
Hinawakan niya ang kamay kong nakalapat sa pisngi niya at tipid na ngumiti. Hindi ko naman mapigil ang
mga luha kong muling naglandas sa mga mata ko.
Kita ko kasi sa mga mata niya ang pagtanggap sa akin at pasalamat pero hindi niya magawang sabihin.
Hindi niya magawang bigkasin. Pero ramdam na ramdam ko.
"Aling Violy, tahan na po, ha. Ginagawa po namin ang lahat, mahanap lang siya Vianna May. Pangako po,
hindi kami titigil sa paghahanap." Nilingon ko pa ang pinsan kong tahimik lang na nakatayo sa tabi ko.
"Pinsan ko po pala, si Danica." Kaagad namang humalik sa pisngi niya si Danica.
" 'Aling Violy, ginagawa po namin ang lahat, kaya ipanatag mo po, ang kalooban mo," malumanay na
saad ng pinsan ko. Tipid na pagngiti at paghawak sa kamay ang tugon niya Danica.
"Magpahinga po muna ulit kayo, Aling Violy. Bibili lang ako ng makakain ninyo," mahinahon kong sabi at
akmang tatalikod na.
"Diego..." tawag niya sa pangalan ko. Kaagad akong lumingon at lumapit sa kanya.
"Bakit po?" tanong ko.
"Tigilan mo na ang katatawag sa akin na Aling Violy. Asawa ka na ng anak ko, kaya anak na rin kita."
Kasunod ng sinabi niyang iyon ay matamis na ngiti.
Ang sarap sa pandinig, ang sarap sa pakiramdam. Parang may humaplos sa puso ko na nagpagaan sa
bigat na nararamdaman ko.
"Opo... 'Ma," nahihiya kong bigkas na may kasama pang pagkamot sa ulo. Pero hindi ko naman maitago
ang saya ko. "Alis na po, ako 'Ma," muli kong paalam.
Ngiti at tango lamang ang tugon niya. "Danica, ikaw muna ang bahala rito," bilin ko sa pinsan ko na
tumango lang din at ngumiti.
Masaya akong lumabas ng silid. Feeling ko nga nakalutang ako sa ere. Ang gaan ng pakiramdam ko. Pero
panay naman ang lingon ko, baka sakaling nasa tabi-tabi lang si Nelson.
Pero narating ko na lamang ang park wala siya. Alam kong hinabol niya si Jane. Puro kasi kalokohan,
akala siguro no'ng Jane naglampungan kami.
"Gema," tawag ko sa kaibigan ni Jane na kaagad namang lumingon. Pinapungay pa ang mga mata nito at
inipit sa tainga ang ilang hibla ng buhok. Parang nagpipigil maihi ang tingin ko sa kan'ya.
"Yes... po..." landing tugon niya. Gusto kung maubo dahil sa inaakto niya. Alam naman niya na may
asawa na ako.
"Nakita mo ba si Nelson?" tanong ko.
"Kanina nakita ko sila na nag-uusap sa may hallway. Mukhang may LQ," naiiling na sabi ni Gema.
"Subukan n'yo na lang po sa rooftop," wika niya pa.
"Ahh... sige maraming salamat." Kumaway pa ako sa kan'ya, bago tumalikod.
"Sir Diego..." tawag niya na agad ko namang nilingon. "Gusto n'yo, samahan ko na po kayo?" tanong
niya.
"Salamat na lang, hindi na kailangan." Agad na akong umalis at iniwan siya. Buhay guwapo talaga. Ang
hirap!
Sinubukan kong tawagan si Nelson nang nasa elevator na ako. Pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.
Ilang tawag pa ang ginawa ko. Hanggang sa sinagot niya. Kasabay naman ang pagbukas ng elevator.
"Nasaan ka?" tanong ko.
"Busy pa ako," sagot niya at agad na pinutol ang tawag. Talagang loko-loko ang lalaking 'yon.
"God! Tulungan n'yo po ako. Hindi ko na po talaga alam kung ano ba dapat ang gawin ko!"
Muli na sana akong papasok sa elavator. Pero naagaw ang atensyon ko sa narinig.
"Hindi ko alam kong hanggang kilan ko matitiis na makita silang halos mabaliw-baliw na sa kakahanap
kay Vianna May!"
"Doktora Jessa?"