Chapter 104

Sue's Pov

Nagising ako at nakita agad si Hyun Woo at ang tatlong kaibigan ko.

"Gwaenchanha?" (Are you okay?) Tanong ng nag aalalang mukha ni Hyun Woo sakin.

"Bakla okay ka lang? Kumusta pakiramdam mo?" Tanong naman ng nag aalalang si Lorraine sakin

"Ano masakit sayo? Walanghiya sila pinagtulungan ka!" Gigil na sabi naman ni Myca pero makikita mo sa mukha niya ang pag aalala

"Sorry hindi ka man lang namin natulungan" umiiyak na sabi naman ni Claire habang hawak ang kamay kong may suwero

Napapikit ako ng maalala ang nangyari.

"Si Cent? Nasaan si Cent? Kumusta siya?" Tanong ko at biglang napaupo

"Nasa kabilang room lang siya natutulog pa" sagot ni Myca sakin

"Kumusta siya? Anong lagay niya?" Tanong ko ulit

"Ayos lang siya pero napilayan siya" sagot naman ni Lorraine

"Samahan niyo ako gusto ko siyang makita" sabi ko na binaba ang dalawang paa sa kama

"Sue! Nasa kabilang kwarto lang ang boyfriend mo! Pwede bang isipin mo muna sarili mo? Tignan mo nga itsura mo!" Malakas na sabi ni Hyun Woo sakin

"Tinignan ko naman ang kamay kong may swero at nakita ang ilang pasa at mga kalmot na naroon.

"Ayos lang ako. Ayos lang talaga ako" umiiyak na sabi ko kay Hyun Woo. Lumuhod naman si Hyun Woo sa harapan ko at hinawakan ang dalawang kamay ko

"Mauulit at mauulit ulit ang nangyari ngayon at hindi nila kayo titigilan ni Cent hanggang magkasama kayo. Isa sa inyo ni Cent ang magdudusa dahil sa pagmamahalan niyong dalawa" sabi ni Hyu Woo na ikinailing ko

"Hindi. Hindi totoo yan. Kaya namin lampasan ni Cent to na magkasama kami" sagot ko sa kanya habang umiiyak

"Hundi mo paba naiintindihan? Hindi ka matanggap ng mga tao dahil sa cosmetic surgery na pinagawa mo. Galit sila sayo dahil nilamon sila ng inggit at hindi mawawala ang inggit nila sayo hanggat nakikita ka nila na masaya. Pagbubuntunan ng galit si Cent dahil kahit alam niya na nagpa surgery ka hindi ka niya iniiwan. Tignan mo ang ginawa nila sa kanya kahapon at kanina. Makaya mo kayang makita si Cent sa itsura niya ngayon?. Alam ko mahal niyo ang isa't isa pero hindi sapat ang mahal niyo lang ang isa't isa. Naiintindihan mo naman ako diba?" Paliwanag ni Hyun Woo sakin

"Hindi ko kayang wala si Cent sa tabi ko" umiiyak na sabi ko

"Nakaya mo naman noon na wala siya diba? Nakayanan mo naman dati na kami lang kasama mo. Bago palang naman kayo ni Cent alam ko makakayanan mo ulit. Umalis na tayo dito at bumalik nalang sa Korea" sabi pa ni Hyun Woo pero umiling lang ako

"Hindi ko iiwan si Cent" sabi ko na ikinatango ni Hyun Woo

"Gusto mong makita siya diba? Sasamahan kita" sabi nito habang tumatango

"Hyun Woo" pigil ni Claire sa kamay ni Hyun Woo

"B-bakit?" Kinabahan tanong ko

"Claire I need to do this" sabi ni Hyun Woo kay Claire tsaka siya tumingin pa kina Myca at Lorraine "I'm sorry girls I know we've talked about this but please understand me" sabi pa ni Hyun Woo. Nakita ko naman pagtango ng mga kaibigan ko

Inalalayan ako ni Hyun Woo at nasa likod naman namin ang tatlo kong kaibigan na umiiyak. Hindi ako makapagsalita at lalong kinakabahan dahil sa kanila.

"Akala ko ba sa kabilang kwarto lang? Bakit kailangan pa natin bumaba?" Kinakabahang tanong ko. Walang sumagot ni isa sa kanila hanggang sa makarating kami sa 2nd floor ng hospital.

Parang ayaw ko ng humakbang ng makita kung saan kami papunta. Kumatok si Hyun Woo sa nakasarang pinto na may nakalagay na malaking letra na ICU sa taas nito. Lumabas ang isang nurse at sandaling kinausap niya si Hyun Woo. Pagkatapos nilang mag usap ay lumapit si Hyun Woo sakin.

"Isa lang daw pwedeng pumasok. Pakalmahin mo muna sarili mo bago ka pumasok sa loob" sabi ni Hyun Woo sakin

Lumapit ako sa nurse at pumasok kami sa ICU room. Binigyan ako ng gown ng nurse at pinasuot sakin yon. Hinatid ako ng nurse hanggang makarating sa kinaroroonan ni Cent. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak ng makita si Cent na nakahiga at maraming nakalagay na tubo sa katawan niya. Agad akong lumapit sa kanya at nanginginig na hinawakan ang kamay niya na puno ng sugat at mga pasa.

"Babe" tawag ko sa kanya pero tanging mechanical ventilator lang ang tanging naririnig ko "I'm sorry" umiiyak na sabi ko.

Wala akong ginawa sa loob ng ICU kundi umiyak at mag sorry kay Cent. Inabutan ako ng 15 minutes sa loob kaya pinalabas na ako ng nurse.

Para akong Zombie ng lumabas ng ICU. Agad naman akong inalalayan ni Hyun Woo at ng mga kaibigan ko. Sa kinse minutos na paglagi ko sa kwartong yon ay tila naubusan ako ng lakas. Kung pwede lang na ibigay ko ang natitirang lakas ko kay Cent, kung pwede lang na magpalit kami ng kalagayan ay hindi ako magdadalawang isip na makipag palit sa kanya.

Gusto ko sanang maghintay sa labas ng ICU at hintayin magising si Cent pero pinayuhan ako ng doctor na bumalik ako sa sariling kwarto ko at sasabihin nalang nila sakin kapag nagising siya.

****************