Chapter 103

Sue's Pov

Pagtanggal ni Cent sa car cover ng kotse niya ay tumambad sa mga mata ko ang isang Mercedes-Benz E Coupe. Alam ko mayaman pamilya niya pero hindi ko naisip na meron siyang luxury car tapos di naman niya ginagamit. Oo nga mamahalin din ang motor niya at agaw pansin din pero hindi ko maiwasan ang hindi mamangha sa kotse niya.

"Babe isara mo bibig mo papasukan ng langaw" natawang sabi pa niya tsaka nito hinawakan ang baba ko at tinaas.

"Sayo yan?" Hindi makapaniwalang tanong ko

"Nasa akin ang susi oh! Ibig sabihin akin" sagot nito sakin na pinakita at pinatunog pa ang magarang kotse "pasok na" aya pa niya sakin matapos niyang buksan ang pinto nito

"Yung driver namin siya din may hawak ng susi ng kotse namin, ibig sabihin sa kanya yung kotse?" Mahinang sabi ko pero mukhang narinig naman niya kaya pinisil nito ang pisngi ko

Pagsakay ko sa loob ng kotse ay amoy ni Cent ang unang napansin ko. Umupo ako ng komportable at tinignan ang kabuuan ng kotse. Iba talaga kapag mamahalin ang sasakyan.

******

Tulad ng inaasahan ko naging takaw pansin ang kotse ni Cent dito sa school. Lahat nalang naka abang kung sino ang bababa mula sa kotse, natakot tuloy ako. Naunang bumaba si Cent at pinagbuksan niya ulit ako ng pinto. Parang ayokong bumaba at umuwi nalang.

"Na mimiss ko yung motor mo" wala sa loob na sambit ko. Sa motor kasi niya kahit papaano sanay na ako

"Akala ko ba natatakot ka sa motor? Binawalan mo pa nga akong gamitin yon diba?" Sagot niya sakin

"Oo nga pero tignan mo mga tao nakatingin lahat sila satin, akala yata nila artista yung sakay tapos na disappoint lang sila ng makita nilang ako yung bumaba" nahihiyang sabi ko. Niyakap naman ni Cent ang isang kamay niya sa bewang ko.

"Kung ano ano iniisip mo, tara na ihahatid na kita" saad nito. Tumango nalang ako

"Huwaw! Ang ganda ng oto mo ah! Akala ko wala ng gaganda sa sinunog naming motor mo kagabi pero may mas gaganda pa pala? Hahaha!!!" Napatingin ako kay Cent na matalim na nakatingin sa lalaki at sa mga kasama nito

"Anong ginagawa niyo dito?" Tinanggal ni Cent ang kamay niya sa bewang ko at dinala ako sa likod niya

"Yan ba yung syota mo na nagpa plastic surgery? Maganda ah!" Silip pa sakin nung lalaki. Napahawak naman ako sa dulo ng tshirt ni Cent at tinago ang mukha sa likod niya

"Nakita mo ba yung dating itsura ng syota niya nung hindi pa nagpa retoke? Tangina! Mapapa mura ka sa sobrang pangit!" Sabi naman nung isang lalaki.

"Cent tara na" mahinang sabi ko at hinila ang dulo ng damit niya. Nakita ko naman ang nakasiklop na kamao niya. "Babe" tawag ko sa kanya at hinawakan ang kamao niya.

"Babe kaya mo bang pumasok mag isa? Baka malate ka kung ihahatid kita" sagot nito na hindi nakatingin sakin

"Hindi ako aalis dito na hindi ka kasama" kinakabahang sabi ko tsaka tumingin sa grupo ng mga lalaki na nakatingin samin at parang demonyo kung tumawa

"Kuya!" Napatingin ako sa tumatakbong sina Joaquin at Rocco at lumapit samin

"Paki hatid si Sue sa classroom niya, siguraduhin niyong kasama niya sina Lorraine bago niyo siya iwan" sabi ni Cent sa bagong dalawang dating

"Ihahatid ko lang si Sue huwag mong iiwan si Kuya dito" bilin ni Joaquin kay Rocco

"Sige Kuya" sagot naman ni Rocco

"Kayong dalawa maghatid sa kanya ako na bahala dito" sabi ni Cent na tumingin muna kay Rocco bago tumingin sakin "babe sila muna maghahatid sayo, magkita nalang tayo mamaya" sabi nito sakin. Hindi ko naman mapigilan ang mapaluha. Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari.

"Tara na Sue hindi mapapalagay si Kuya kapag nandito ka" sabi ni Joaquin sakin kaya tumango nalang ako

"Papunta na ang ibang mga Kuya babalik agad kami pagkahatid namin kay Sue" rinig kong sabi naman ni Rocco kay Cent

Napatingin ang lahat sa dalawang mabilis na sasakyan na paparating. Huminto ang mga ito sa di kalayuan samin at isa isang bumaba na may hawak pang baseball bat. Napaurong naman sina Cent at tinago akong muli sa may likuran niya ng lumapit ang mga ito samin.

"Woah! Akala mo ba ganon ganon nalang? Nasa hospital pa ngayon kapatid ko at nabalian ng mga buto dahil sa ginawa mo" sabi nung lalaking mukhang leader ng mga lalaki

"Tirahin na natin yan bossing!" Sabi naman nung isang kasama ng mga lalaki

"Huwag mokong pangunahan baka ikaw unang tirahin ko!" Malakas na sabi nung tinawag niyang bossing

"Babe sino sila?" Tanong ko kay Cent

"Natatandaan mo yung tinatawag na bossing sa Hills? Siya ang leader nila at kapatid niyan" sagot niya sakin.

"Mga Sir estudyante ba kayo dito? Patingin ng id niyo" lapit ng isang guard

"Mukha ba kaming estudyante?! Kupal na to!" Sabi nung pinaka bossing tsaka binatukan ang security guard

"Ako kailangan niyo diba? Huwag na kayong mandamay ng mga inosente dito" sabi ni Cent na humakbang palapit dun sa leader. Pipigilan ko sana siya kaso pinigilan ako ni Joaquin at umiling

"Matapang ka tignan natin kung hanggang saan aabot yang tapang mo" pigil ang gigil na sabi ng leader na kinuwelyuhan si Cent

"Matapang ka lang din naman dahil sa mga kasama mo" sagot naman ni Cent dito.

Binitiwan niya pagkakahawak kay Cent at tinulak ito. Nagsilapitan at pinalibutan pa ng kasama ng leader si Cent at nagtawanan.

"Yun ba yung babaeng retokada na pinag awayan niyo ng bata ko? Tangina! Pinaretoke mo nalang sana katulong niyo ng hindi kayo nag aagawan sa pangit!" Turo sakin ng leader

"Ang pangit na nga niya ang landi pa" sabi ng bagong dating na si Chanel kasama yung tatlong alipores niya na laging nasa likod niya

"Babe ako na bahala dito huwag ka ng sumali pa" sabi nung leader kay Chanel na umakbay pa sa kanya

"Nakakainis lang kasi makita pagmumukha niya! Mula high school hanggang ngayon nanggigigil ako sa shreak na yan!" Sagot ni Chanel dun sa leader

"Ano bang ginawa ko sayo Chanel? Bakit mo ginagawa samin to" hindi mapigilang sabi ko. Lumapit naman sakin si Chanel kasama yung tatlong alipores niya at sinampal ako

Mabilis naman ang kilos nila Joaquin at Rocco at humarang sila. Kaso nga lang hindi na maibabalik ang katotohanan na nasampal na ako ni Chanel.

"Saan ka pupunta? Girlfriend sa girlfriend ang labanan dito. Bakit hindi ka nalang manood at mag enjoy" napatingin ako kina Cent habang hawak siya sa leeg ng leader.

"Tinatanong mo pa talaga kung ano ang ginawa mo? Tanga kaba? Masyado kang papansin. Lahat nalang ng lalaki dito gusto ka kahit nalaman nila na retokada ka gusto ka parin nila. Tama talaga yung kasabihan na talo ng malandi ang maganda" sabi nito sakin. Hinawi ko naman sina Joaquin at Rocco sa harapan ko at humakbang pa para mas lumapit kay Chanel

"Tanga nga siguro ako pero mas tanga ka. Magtatanong ba ako kung alam ko? Sino kaya ang papansin sating dalawa? Ikaw na gumagawa ng eksena dito o ako na ineeskandalo mo? Malandi nga siguro ako pero si Cent lang ang nilalandi ko. Hindi ko kasalanan kung may nagkakagusto sakin at kung sino man sila salamat. Totoo din naman ang kasabihan ng sinabi mo kaya tatapatan ko rin yan ng kasabihan Ang babaeng inggit pumapangit. Ang ganda nga ng mukha mo pero dahil sa inggit mo nakikita ang pagiging pangit mo" harapan na sabi ko.

"How dare you!" Malakas na sabi niya at inangat ang isang kamay para sampalin ako pero agad kong nahawakan ang kamay niya at ang isang kamay ko naman ang dumapo sa pisngi niya.

"Don't you dare me dahil hinding hindi mo magugustuhan" sabi ko habang nakatingin ng masama sa kanya

"Matapang kana ngayon dahil ba may boyfriend kang gangster?" Nakangising tanong nito habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sakin

"Ha? Hindi ko boyfriend ang boyfriend mo" sagot ko sa kanya at tumingin sa kinaroroonan nila Cent. "Kung may gangster dito yun ay yung boyfriend mong duwag na nagsama pa ng sangkatutak na tauhan para lang saktan ang boyfriend ko. Sabagay, bagay nga kayo ng boyfriend mo. Pareho kayong inggit kaya nagiging magkamukha na kayo, pumapangit kayo sa sobrang inggit" sagot ko sa kanya

"Gaga pala ang syota mo eh!" Rinig kong sabi nung leader tsaka sinuntok si Cent. Napahawak ako sa bibig ko ng makitang dumugo agad ang gilid ng labi ni Cent.

"Wala na bang ilalakas yan?" Tanong pa ni Cent kaya naman muling sumuntok yung lalaki pero sa ngayon ay naiwasan naman ni Cent.

Hinuli ni Cent ang kamay ng lalaki tsaka niya ito hinila at siniko ang likuran nito na agad nagpabagsak sa lalaki. Sabay sabay namang sumugod kay Cent yung mga lalaking kasama nung leader at maging sina Joaquin at Rocco ay tumulong na din kay Cent.

"Kakalbuhin kitang babae ka!" Sigaw naman ni Chanel sakin kaya nawala ang paningin ko kina Cent

Hinatak ni Chanel ang buhok ko at sinabunutan din siya. Tumulong naman ang mga kasama niya na sinabunutan din ako at pinag sisipa at hinahampas. Kahit sobrang sakit na ng ulo at katawan ko ay hindi ako bumitaw sa buhok ni Chanel na kanina pa sumisigaw na bitawan ko daw siya.

************