Chapter 2: Mnemosyne Academy

TRIGGER WARNING:

This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.

°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*

JAMMY

Kinabukasan,

“So you're leaving?” Tila cool na nakapamulsa at nakasandal sa dingding malapit sa pinto itong si Andy habang ang isa nitong kamay ay hawak ang isang mug na may laman na kape.

Nairita lang ako nang makita siya. Alas-dyis na ng umaga pero naisipan niya paring magkape? Ano ba sa tingin niya ang lugar na 'to? North pole?

I mentally rolled my eyes. “You must celebrate, the cat is leaving.” But he just laughed at what have heard.

He's playing cards with me, huh? You can't bluff me, Andy, I know you are eager to assault me by any moment, nagpipigil ka lang.

Nagpaalam na si Yaya Lorena sa'kin at si mang Nestor naman, ipinasok na ang mga gamit ko sa trunk ng kotse, pati na rin yung kahon na idiniliver ng Mnemosyne kahapon. Sabi ni yaya Lorena, mga gamit ko raw iyon sa school, nandoon na rin daw yung susuotin kong uniforms. Mabuti naman at 'di ko na kailangan pang dumaan sa mall para lang maghanap ng ganoong klase ng uniform.

“What kind of school naman kaya ang lilipatan ko?” saad ko sa sarili. Napabuntong hininga na lamang ako sa naisip. Narito ako upang kalimutan ang kahindik-hindik na pangyayari sa nagdaan kong school, and this new one, must be the more peaceful and normal university.

After a long, long trip, tumigil ang sasakyan sa harap ng mataas na luntiang gate na may mga nakakabit na mga letra sa ibabaw nito.

“Mnemosyne Academy,” bulong ko sa sarili.

Bumaba na 'ko't nagpasalamat sa driver matapos nitong ilapag sa tabi ng gate ang mga gamit ko. Lumapit ako roon saka tumingala't tinignan ang pinakatuktok ng gate. Wow, galit na galit siguro ang school na 'to sa mga class ditchers. Talagang hindi maaakyat ang ganitong klase ng taas ng gate at dingding only by your bare hands. You need at least a rope or whatever to help your self to pass such height.

“Ms? Are you Jammy Akira Fernsby?” Isang makisig at bilugang guwardiya ang tumawag ng atensiyon ko.

“Yes.”

Lumapad ang ngiti nito sa akin bago may kung ano itong pinindot mula sa loob bago kusang bumukas ang malaking gate. Napansin ko ring nahati sa tig-isang salita ang mga letra na nasa ibabaw ng gate nang magbukas ito. Wow! Automated!

Unang hakbang ko papasok ay may red thick light na nanggagaling sa poste ng gate na dinaanan ako pataas at pababa na tila nag-i-scan. Sumenyas pa nga si manong guard na tumigil muna sa paghakbang at manatili sa kinatatayuan ko. Matapos niyon ay muli itong sumenyas na kailangan ko nang pumasok. Nang makalagpas na 'ko ay iniabot nito sa'kin ang isang tablet at isang susi.

“Yan po ang kakailanganin niyo upang makapunta sa designated room niyo,” magalang nitong sabi. Ngumiti naman ako sa kanya at bahagyang yumuko bilang pasasalamat.

“Dala niyo po ba ang ID niyo, ma'am?” pahabol nitong tanong.

“ID?” pag-uulit ko. Teka, wala naman akong natatandaan na nagpapicture ako for an ID.

Tsinek ko ang laman ng box na dala-dala ko, at nakita ko roon ang isang ID. ID ko nga 'to! Pero, pa'nong….

Kahit na nagtataka ay ipinakita ko na lamang ang ID ko kay manong guard.

“Kindly tap it on that lectern-shaped device na nakapwesto sa ibabang parte, sa tapat ng monitor na iyon, ma'am.” Itinuro ng guard ang kinaroroonan ng tinutukoy nitong device.

Nasa gilid lang 'to ng guardhouse. May lectern-shaped device nga roon at sa ibabaw niyon, sa may wall ng guardhouse, naka-install ang isang 15-inch monitor.

Nilapitan ko ito.

Sa harap ng monitor ay nakita ko ang sarili ko na ginagawa ang bawat galaw ko. Para akong nagsasalamin dahil walang time gap sa actions ko at actions ng sarili ko sa monitor.

Para naman akong baliw na napangiti na lang sa sarili dahil sa labis na pagkamangha. I know how far did the technology have reached, pero ang makakita at makagamit ng mga ganitong devices sa isang simpleng unibersidad ang siyang nagpapamangha sa akin. Mukha siguro akong timang na tumatawa rito mag-isa sa kinatatayuan ko. Sana lang ay hindi ako pansinin ng ibang estudyanteng naglalakad sa paligid, at baka isipin nilang takas ako sa mental hospital.

Agad kong itinap sa lectern-shaped device ang aking ID. Meron din palang screen sa ibabaw ng device na ito kung saan may naka-flash na blank 2D rectangular shape kung saan eksakto ang length at width nito sa ID na aking hawak. It's just, woah!

Matapos nun ay nag-flash sa monitor ang sarili kong imahe. Pareho ang imaheng inilalabas nito sa kung ano ang picture na ginamit sa'king ID. Pagkatapos ay sumunod na iflinash ng monitor ang salitang “Identification confirmed.”

Nilingon kong muli ang kinaroroonan ni manong guard. Nginitian ko ito sa huling pagkakataon bago kinuha ang ID at ibinalik sa kahon at nagsimulang maglakad papasok.

While walking around, I noticed the stone plates implanted on the ground. Ang ganda ng pagkakapwesto nito sa daan kahit random lang ang pagkakalagay sa kanila. Whoever architectured this kind of pathway, I will give him a fair credit.

Kapansin-pansin rin ang luntiang kulay na may mangilan-ngilang silver na bumabalot sa kada pathway at mangilan-ngilang building na nahahagip ng paningin ko. It really resembles the color of the titaness god, Mnemosyne. However, some of the structures are modern designed, the whole campus gives you the feels of being in Olympus.

Sa bandang gitna ng campus ay may mga naglalakihang building na may sari-sariling color coding at simbolo ng Olympian god na ipinangalan rito. Tulad ng Hades' building na pula at itim ang kulay, Zeus' building na puti at ginto, Athena's building na ginto at asul, Vulcan na may dilaw, pula, at kahel, at iba pang mga building na ipinangalan sa iba pang Olympian gods.

I opened the tablet and clicked the map application installed in it. Wow, naka-save pala ang profile ko rito. Mukhang ibinigay ni lolo ang mga personal informations ko sa academy kaya nag-pop-up ang mukha ko sa tablet na siyang ginamit na avatar ng map. It's like a waze application na kung magmu-move ako from one place to another, ay magmu-move din ang avatar kung saang direksiyon ako pupunta.

Teka, may naka-implant bang GPS chip sa batok ko o sa ngipin ko kaya't sumusunod ang avatar sa location ko? Argh! You're so dumb Jammy! Of course it's in the tablet. Why you are imagining way too much? Wala ka sa Marvel Cinematic Universe! Duh!

Sinundan ko ang thick green line na kailangan ko raw tahakin upang makarating sa dorm ayon sa app. Sa kadahilanang busy ako sa pagte-trace, ay may nakabungguan ako sa daan. Hindi ko ito agad napansin kaya't nabagsak ang tablet sa lapag. For the second time, argh!

“What the—!” mabilis kong pinulot ang tablet at sinuri kung may sira ba ito. “Hay… thank God hindi nasira!”

Napatigil ako nang makita kung sino ang nakabunggo ko.

He was a man with a bit of shaggy hair; it was messy yet perfectly suited to his facial features. His eyes were almond-shaped, complemented by thick, rectangular eyebrows. His nose was pointy and his lips were painted in a darkened pink color. He was tall and, apparently, one foot taller than I am. He possesses an enormous masculinity, as seen in his veiny arms and hands. I must describe him as a man with godly-given features.

The T-shirt he was wearing was very casual. It doesn't look fashionable nor formal, but it doesn't successfully hide this unique charm of his, which makes him more attractive to my eyes.

Silently, he was looking at me intently. It seems like he scanned his gaze to my whole physical features. I am aware how pretty and gorgeous I am and my physical appearance is way different to Asian people, but, the way he looked at me, I felt like he's planning to peel my skin off.

“Ba't natameme ka?!” I gulped.

“Blonde hair, brown eyes, average height — European girl, one hundred percent.”

“Huh? Ano?”

“But literate and fluent in speaking the Filipino language.”

“At ano naman ngayon?”

“Currently the month is in September — one month before the first semester ends. The day is currently on Sunday, yet she's transferring on her own. No chaperone, nor escort to assist her to her new school, and perhaps, her new environment. The skin hasn't darkened yet, given the season these past days was strikingly hot and sunny. Possibly a day or two when she arrived in the country. Looks sophisticated, fashionable, and the accent… was very British. Maybe a royal blood? No, no, no, not that far, she does not resemble Queen Elizabeth even an inch. Perhaps came from a wealthy family in England. But why did she transfer to an Asian private academy? Escaping a huge scandal from her previous country possibly, that's one of many possibilities. Not to mention, a week ago, I heard a news from national television about a psycopath professor murdering two male students in Birmingham university and a female survivor who was allegedly the grandchild of the top class furniture company owner. You must be the grandchild of Mr. William Fernsby.”

Napanganga ako sa mga pinagsasabi ng lalaking ito. Did he just examined my physical appearance to come up on a conclusion like that? Where did he get those confidential informations of mine?

Bigla na lamang nag-pop-up sa utak ko ang mga imahe noong maganap ang insidenteng iyon.

No, no, no! Erase, erase. Kaya mo to, Jammy. Huminga ka lang nang malalim, inhale, exhale.

Ibinalik ko ang matalim kong titig sa lalaking kaharap.

“Who the hell are you?”

“Call me Mystique Prince.”

Oh really? A prince again.

“How did you…”

“I'm sorry but I have loads of work to finish. Maiwan na kita, I guess naiintindihan mo naman iyon.”

He waved his hand bago ito maglakad palayo. Ako nama'y natulala lang at tila na-estatwa sa kinatatayuan ko.

“H-he resembles my late friend, Samuel.”

Nang matauhan ako ay muli kong pinulot ang mga gamit na nahulog ko kanina. Hindi ako nagkaroon pa ng pagkakataon na pagtarayan ang lalaking iyon dahil sa mga sinabi niya . Where on earth he came from? Paano niya nalaman ang lahat ng mga iyon? I can't seem to understand.

°°°°°

HEART

Pirmeng nakatutok ang atensiyon ko sa litrato ni Zero. Several years had passed, nagtiis akong siya lagi ang inaatupag ng Queen imbes na ang nakababata kong kapatid.

Palibhasa, sipsip at bida-bida. Gagawin ko ang lahat upang mapunta ang atensiyon ng Queen sa karapatdapat, at iyon ay ang aking kapatid.

“Hindi kaya't matunaw na ang lalaking yan at kanina mo pa tinititigan?” wika ni Faith.

“Keep your mouth shut, Faith!” bulyaw kong tugon sa winika nito.

Napataas ang kamay ni Faith nang humarap ako sa kaniya.“Okay, okay. Easy.”

“Darating din ang araw na magiging higit sa'yo ang tingin sa'kin ng Queen. Maghintay ka lang.” Ibinalik ko ang tingin sa litrato ni Zero.

“Bat di mo na lang siya patayin? Kung walang nakakahigit, walang problema, hindi ba?” mapanlokong tunog na sambit ni Faith.

Ibinato ko ang tasang hawak ko sa gawi ni Faith dahil sa matinding inis.“Sabing manahimik ka!”

Bigla namang bumukas ang pinto at gulat na gulat ang lalaking pumasok habang titig sa mga piraso ng basag na tasa na nakakalat sa sahig.

“Ayos lang po ba kayo madame?” nagugulumihanang tanong nito.

I heave and tried to calm myself. “Anong kailangan mo, Lennon?”

“Madame, may bago pong estudyante na darating. Nais niyo po bang matyagan ko siya?”

“Profile?”

“Jammy Akira Fernsby, madame. Galing siyang Birmingham University sa England.”

“At bakit raw siya lumipat.”

“Unknown, madame. More likely, may tinatakasan siyang embarrassment sa previous school niya.”

“Let her,” tugon ko naman saka pinalabas na si Lennon. Tumango naman ang huli at lumabas na ng silid.

“Hmmm. Bagong salta. Bakit hindi mo ipakita sa kanya ang kaya mong gawin?” ani muli ni Faith.

“Just shut your f*ck*n mouth, Faith!”