Chapter 1: The Prince of the House

TRIGGER WARNING:

This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.

°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*

JAMMY

18 YEARS LATER

MIGUEL WILLIAM FERNSBY, my grandfather, advised me to relocate and return to this country in order to avoid the scandalous tales my former classmates had spread after the incident. Therefore, I decided to return to my motherland, Philippines, one week after that tragic catastrophe occurred, which claimed the lives of my closest friends.

Buntong hininga kong kinuha ang mga gamit ko sa luggage compartment ng eroplano matapos nitong makapag-take off nang maayos dito sa NAIA Terminal one. Labag man sa kalooban ko, kailangan ko itong gawin para sa aking kapakanan at ngalan ng M&A International — ang umuwi ng bansa at takasan ang naganap na trahedya sa aming magkakaibigan.

Lolo had successfully brought our company on top tier businesses globally, kung kaya naman ang masangkot sa isang iskandalosong insidente ay isang banta sa pagbagsak ng katanyagan ng aming kumpanya.

Nang makaapak ako sa sementadong sahig ng paliparan ay humugot muli ako ng isang malalim na paghinga. “The breeze of air that this country has — I missed it so much,” sambit ko sa sarili habang ninanamnam ang simoy ng hangin.

Habang namamayani ang galimgim sa aking sistema at naglilibot naman ang aking paningin sa kabuoan ng paliparan ay 'di ko namalayan ang isang lalaking tila sumali sa marathon kung maglakad. Kaginsa-ginsa, ay nakabunggo ko ito na nagdulot ng biglaang pagkawala ng aking balanse at nagpaupo sa akin sa sahig.

Sa kabilang banda, ang lalaking nakabunggo ko ay tila walang pakialam na bumagsak ako sa harapan niya — iniwan na lamang niya ako sa aking kinauupuan. Ni hindi man lang niya ako nagawang lingunin upang alamin ang kalagayan ko.

The intimidating aura of this towered man was evident. Napalunok na lamang ako ng laway nang magpanagpo ang tingin namin sa isa't-isa. Ang tila nagbabaga niyang mata ay nakakatakot at ang kanang bahagi nito ay may pilat na tila nahiwa ito nang malalim noon.

Sopistikado itong manamit, pormal, at disente na tila makikita mo lamang ang mga gaya niya sa mafia movies. Ang kanyang malalim na mata ay mas lalong nagbigay buhay sa villain-like figure nito.

However, the nerve of this man was overwhelming. Walang manners, at 'di marunong humingi ng paumanhin!

Balak ko sana siyang sigawan, habulin, at paghingiin ng dispensa, subalit, naisip ko, wala ring kahahantungan kapag ginawa ko iyon. Ang mga taong tulad niya ay hinding-hindi hihingi ng dispensa, lalo na ang mga tulad niyang mukhang sopistikado at mataas ang pinag-aralan.

Ibinalik ko na lamang ang atensiyon sa paglalakad matapos akong makatayo. I wonder who's this Lorena who will be fetching my arrival.

Ilang minuto pa ang lumipas, habang patuloy na tinatahak ang daan patungong arrivals, ay sinalubong ako ng isang babae. Sa tingin ko'y nasa mid-40s na ito. Mayroon itong lulan-lulang card board at nakasulat rito ang buo kong pangalan.

“Hi, Jammy!” Masiglang ngiti ang isinalubong nito sa'kin nang malapitan ko siya. “Anlaki-laki mo na! Alam mo ba, napakaliit at nakapa-CUTE mo pa noon?” saad nito nang may buong galak. Binigyang diin pa niya ang salitang “cute” sa kanyang mga kataga.

Why is she acting as if she knows me very well? My former nanny, yaya Shiela, had also moved with us to Manchester. Way, way back when I was eight years old — five years after mom and dad died.

Subalit umuwi siya ng Pilipinas at piniling alagaan ang kanyang anak na may sakit kaya't sigurado akong walang alam ang Lorena na 'to sa kung ano ang ugali at itsura ko noon.

There's only one thing which will explain her quaint behaviour:

She looked and researched my personal information, maybe she wants me to get along with her as if we have known each other for years.

“Hello, you must be my nanny that lolo had sent,” I remarked. Pinaskilan ko ng pekeng ngiti ang aking mukha.

“Yeah, yeah. It's me, it's me. My name is Lorena Berroga,” masigla nitong tugon. Her energy was persistent. I wonder where she got that much energy.

Matapos niyon ay sinamahan na ako nitong magtungo sa nakaabang na pribadong kotse. Dala ang iilan kong mga bagahe ay matiwasay naming nilisan ang paliparan.

Habang nasa loob ng sasakyan ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang manatiling nakamasid sa nadaraanang lugar.

Tumikhim si Yaya Lorena upang tawagin ang atensiyon ko.“Jammy? Ayos ka lang ba?” Napansin siguro nito ang pananahimik ko mula pa kanina.

Instead of answering yes or just simply nod to what she said, I chose to put back my attention to the vicinity. Hanggang ngayon kasi ay 'di parin mawaglit sa isip ko ang mga nangyari sa previous school ko. I tend to see the pictures of events of what happened back then. Tila isa itong sirang plaka na kailangan nang ma-unmount sa utak ko.

“Ahmm, ma'am, ma'am? Gising na po, narito na tayo,” rinig kong sambit ni Yaya Lorena habang marahan nitong niyuyugyog ang aking balikat upang gisingin. Nakatulog pala ako habang nasa biyahe.

Nang makababa ako ng sasakyan ay bumungad sa aking ang pamilyar na malaking mansiyon. The mansion was still the same as what it used to be. It was nostalgic and sentimental.

Bumilis ang kabog ng aking dibdib nang makitang muli ang harapan ng mansion. There was where the two policemen arrived, hesitantly looking at lolo who was very anxious, pacing back and fourth across the living room that night.

The police were here to report the unfortunate incident befell to mom and dad — they died from a car accident during their anniversary date, and they will never going back to life. Ngunit ang aksidenteng iyon, hindi ko magawang paniwalaan. Lalo na't isang detective si dad at sabi niya kay lolo, malapit na niyang masolba ang kaso.

“Bilin ng lolo mo sa'kin na pagdating na pagdating mo pa lang rito, ay ikuwento ko na raw sa'yo ang mga nangyari noon upang hindi ka na raw magtanong nang magtanong pa.” May senyales ng sinseridad at pag-aalala ang mga kataga ni Yaya Lorena.

I was three years old when it happened. I have no idea how to deal with it. I thought it was kind of a joke that my parents had to do something, therefore, that night, they happened not to get home.

Hinawakan ni Yaya Lorena ang mga kamay ko't naging seryoso ang mga sumunod na titig nito sa'kin. “Jammy, ayaw man magkwento ng lolo mo tungkol sa pagkamatay ng mommy at daddy mo, malinaw naman sa kanyang marami kang gustong itanong sa kaniya. Kaya sana, kung may kinikimkim kang sama ng loob sa lolo mo, dahil sa pananahimik nito, sana ipagsawalang-bahala mo na 'yon, at iwasan mo na ring idamay ang sarili mo sa gulo,” dagdag pa nito.

Matapos ang insidenteng iyon, lolo never painted a smile on his face. He kept himself busy, hanggang sa magdesisyon siyang lumipat kami sa Manchester, England.

Tumayo si Yaya Lorena at binuksan ang dala-dala kong maleta. Matapos niyon ay isa-isa nitong ipinasok sa cabinet ang mga damit ko. “Nabalitaan ko ang nangyari sayo sa England. Hindi madaling kalimutan ang mga nangyari,” muli pa nitong turan.

“I was involved to that incident not because I was seeking attention from lolo or from anyone else, Yaya. I was involved because I was,” paliwanag ko naman na bahagyang may diin ang pagkakabigkas.

Why do they keep insisting on the context, as me being a hopeless and pathetic attention seeker?! Tsk!

Tito Rafael and Auntie Lucy was also asked by lolo to leave him, instead go to Japan for a vacation break, which of course was loved to do so by my aunt. To leave lolo alone and travel around the globe. Wala naman siyang pakialam. Buti na lang at nariyan palagi si Tito Melvin.

Tito Melvin is not lolo's son but he's dad's bestfriend. Malapît si lolo sa kanya kaya't sa tingin ko, yun ang dahilan na pinapunta niya si tito Melvin doon: upang makasama niya at upang maging panatag kami nina uncle Rafael at auntie Lucy na iwan muna siya sa England.

“Siya nga pala Jammy, hindi ko na ilalagay lahat ng gamit mo rito sa loob ng cabinet, huh?” Patuloy na inilalagay ni Yaya Lorena ang mga damit ko sa clothespress.

“Why?”

“Diba't papasok ka sa Mnemosyne Academy? Isa iyong boarding school kaya tuwing weekends ka lang makakauwi. Bukas na bukas kailangan mo nang umalis kaya maghanda ka na.”

Matapos ang pag-aayos ng mga gamit ko, nagtungo na kami ni yaya Lorena sa kusina upang mananghalian. Meron pa pala kaming kasama rito sa bahay na sina mang Nestor, manang Rowena, at Maymay — Janitor at Hardinero, cook, at maid sa mansiyon.

Isa-isa silang nagpakilala sa'kin. Nginitian ko lang naman sila nang pilit.

“Sumabay na kayo sa'kin,” pag-aaya ko sa kanila. Hindi kasi ako sanay na walang kasabay kumain sa hapag.

“Ah, eh, ma'am,” ani naman ni mang Nestor na napakamot pa sa ulo. Banaag sa kanyang mukha ang pag-aalinlangan.

Tumikhim ako sa kanila bago magsalita, “just sit and join me,” pag-uutos ko. Naging mariin ang pagkakasabi ko dahilan upang magtinginan sila sa isa't-isa.

“No, no, no! You're not joining her,” said a man whose age was the same as mine based on his physical features. He's a white-skinned teenage boy with a pointed nose. His deep cratered eyes suited the Asian-cute face of his, especially adding these bangs which almost covered his eyes. He's wearing a basketball jersey, sweating, and carrying a ball pinned in between his waist and right arm. He was also accompanied by two men and a girl.

Itinuro ni Maymay ang mga ito't ipinakilala sa'kin. “Ah, Ma'am siya nga pala, siya po si Andy, nag-iisang anak po ni sir Rafael. Tsaka sila naman yung mga kaibigan ni sir Andy.”

“And I am the prince of this house,” ani ng lalaki saka ngumisi. Bahagyang tumaas ang kilay nito sa akin at suot ang isang malamig na titig.

Is he trying to intimidate me using his mere presence and exaggerated stabbing gazes? Nah, bruh, I'm not buying that.

Naglakad ito palapit sa hapag at kumuha ng pirasong mansanas. “So you must be Jammy, right?” mayabang nitong tono. Tinaasan ko lang naman siya ng kilay.

“However, they're not joining us. They have their own schedule 'bout eating according to what dad instructed them before he left last year,” patuloy nito.

Ibig sabihin pala galing dito si uncle Rafael last year at hindi sa Cleveland? How am I not even get surprised? Of course dito siya magpupunta! Tsk!

“Well,” kibit balikat kong sabi. “Maymay, Yaya Lorena, manang Rowena and mang Nestor, I will orient you on what will be the rules and regulations inside this house starting this day.”

Itinaas ko ang aking hintuturo bilang panimula, “first, at exactly 11:30 am, I and the four of you will be joining me to take lunch. While on the other hand, Andy, should take lunch between 1:00 pm to 1:15 pm. Or else, he himself should go outside and look for food by his own. Understood?”

Hindi agad nakasagot sina yaya Lorena kaya't inulit ko pa ang pagtatanong. “UNDERSTOOD?” they all nodded in response aside kay Andy and his company.

“What do you think you are doing?” tanong ni Andy. Nanlilisik ang mga mata nito at bahagyang kumuyom ang kamao. Kitang-kita rin na bahagya ring nagpakita ang ugat nito sa leeg. That's great, I made him mad.

“I guess, I am changing the rules?”

“I will tell to dad this preposterous act of yours, Jammy. Let's see kung makakapagyabang ka pa nang ganyan sa harap niya.”

Imbes na matinag ay nginisihan ko lamang ito na siya namang kanyang ikinagulat. “Then go! Do it!” Pinandilatan ko ito ng mata. “If something bad will happen along my stay because of you or uncle Rafael, paniguradong goodbye na kayo rito sa mansion. I'm telling you, Andy, your feet won't take a single step in to this house anymore.”

Saglit itong nakipagtitigan sa'kin hanggang sa mauna siyang sumuko. Padabog itong lumabas muli ng bahay at sumama naman ang mga alipores nito sa kanya.

Bago sila makalagpas sa pintuan ay muli akong nagsalita. “And by the way, my beloved prince,” ani ko na nagpatigil kay Andy sa paglalakad at tumingin sa gawi ko. “I'm the Empress,” wika ko saka nag-winky face. Mas lalong nanlisik ang mga mata ni Andy sa narinig, at padabog na nilisan ang mansion.

Maging sina yaya Lorena ay nagulat sa pagtatalo naming 'yon ni Andy.

It was all his fault and this greedy uncle of mine. Akala ba nila hindi ko napapansin ang mga ginagawa ni uncle Rafael pag wala si lolo?

They have been warned already… and I will watch their move. Another attempt of greed will turn them down to hell.