Chapter 27: Samantha Montemayor
TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.
°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*
JAMMY
I clicked the call button on my phone as tito Melvin's name flashed on the screen. “Hello, tito? How are you?” pangangamusta ko matapos nitong sagutin ang tawag.
“Oh, Jammy. I'm fine here. How are you too?” masiglang boses nitong tugon. “Siya nga pala, next month, uuwi ang lolo mo riyan. Sabi niya, may mahalaga daw siyang gagawin. Pero hindi niya sinabi kung ano.”
“T-talaga, tito?” nabago ang expresyon sa'king mukha nang sabihin iyon.
Nakakagulat malaman na tila bumabalik na sa dati si lolo. If he will go back here, it must be about his businesses. Especially, it is associated with the M&A International. “Maiba ako, tito, may nabanggit ba sa'yo si lolo tungkol sakin?”
Sandaling tumahimik nang hindi agad sumagot ang nasa kabilang linya.
“W-wala, naman. Tungkol lang naman lagi sa company businesses at partnership ang napag-uusapan namin ng lolo mo. Bat mo nga pala natanong, Jammy?” tugon nito.
“I think, sinusubukan akong protektahan ni lolo mula sa kung ano. I mean… may nabanggit sa'kin si lolo na mas ligtas daw ako 'pag narito ako sa campus kesa manatili sa bahay. That's weird, and I assumed na may alam ka rito. Please, tito, if ever may mabanggit sa'yo si lolo in regards of this matter, let me know. Please?” Paliwanag ko rito.
“Y-yeah! Of course,” sagot naman ng huli sa'kin. After that, nagpaalam na siya at pinatay na ang call.
°°°°°°°
ANDY
Kanina pa 'ko nagpapabalik-balik sa sala, palakad-lakad pero hindi parin sumasagot sa tawag si dad. Kahit kailan talaga ay ang hirap niyang makausap. Lagi na lang si lolo at ang mana ang nasa utak nito. Goodness!
“H-hello, dad!” mabilis kong turan nang sa wakas ay sumagot na 'to sa tawag 'ko. “Finally!” I said before I let out a heavy sigh.
“Anong problema?” tanong nito sa'kin.
“Dad! I need to go back to my previous school! Delikado ang buhay ko rito. There were villains na nakakalat sa campus. Hindi ko pinangarap ipanganak para lang mamatay, noh!” mapagprotesta kong sumbong.
“What villains? Are you crazy? Kung 'di mo ito seseryosohin, Andy, wala kang makukuha mula sa daddy ni Jammy. Maniwala ka sa'kin, wala talaga,” sagot naman sa'kin ni dad.
“But, dad!” protesta kong muli bago lumipat sa may veranda. “Totoo ang sinasabi ko, actually, dinukot si Jammy at wala siya ngayon sa campus. Sabi ng ilan niyang kaklase, it might be Zero the villain who had took her. Ligtas na raw siya ngayon pero hindi parin siya bumabalik sa school, at ayokong sa susunod, ako naman ang dukutin nila. B-baka ibenta nila ang mga internal organs ko, o, o kaya, b-baka ipagbili nila ko sa matandang babae para gawing sex slave! Ayoko ng ganun! Gusto ko nang umuwi!”
“That's total nonsense, Andy. You're unbelievable. After all of these things I had done for you just to make sure of your future, you'll just make a story? Like all of what we're doing was just a joke to you? Unbelievable! Look, marami akong ginagawa ngayon, I'm too busy. I'll talk to you later. Bye.”
Dad ends the call bago pa ko makapagsalitang muli.
No, he is the one who's unbelievable. For the sake of money, he became like this. Tsk!
Of course! That will happen. I predicted it will happen. Bakit ba kasi kailangan ko pang i-monitor ang pinsan kong yun? Wala naman siyang ibang ginagawa kundi bumuntot lang nang bumuntot sa Denver na yun.
If only pretty girls were coming my way, I might stay longer, at least a little longer.
°°°°°°°
JAMMY
Inihatid ako ni yaya Lorena pabalik sa Mnemosyne Academy. Sinubukan akong pilitin ni yaya Lorena na magreport sa pulis ngunit tumanggi ako. Hanggang ngayon ay nakatanim parin sa'king isipan ang mga sinabi sa'kin ni Zero bago ako hinayaang makatakas.
“Lumayo ka na kay Denver, ngayon pa lang. Hindi mo siya kilala at hinding-hindi mo gugustuhing makilala siya.”
“At huwag na huwag mo na ring susubukan pang makialam sa kahit sinong may kinalaman dito, naiintindihan mo?”
Paniguradong ikapapahamak ni Denver kung ipapaalam ko sa mga pulis ang tungkol dito. Ano man ang bagay na hindi ko dapat malaman tungkol sa pagkatao ni Denver, hindi parin iyon sapat upang mas piliin kong mapahamak siya. Paniguradong sinusubaybayan ng Zero na 'yon ang bawat galaw ko hanggang ngayon. Lalong-lalo na at babalik na 'kong muli sa Mnemosyne.
Dito nila 'ko nagawang bihagin. Malamang ay mas marami pa sila sa inaasahan ko.
Hindi lamang siya o si Hyena o si Jewel, marami pang iba at dapat kong malaman ang mga pagkakakilanlan nila. Kailangang mahanap ko, namin ni Denver, kung sino ang puno't dulo nito.
Natigilan naman ako sa naisip.
Hindi na rin ako dapat pang lumapit at makisali sa mga aktibidad ni Denver. Kung totoo ngang sinusubaybayan ako ni Zero, paniguradong malalaman niya kung bumabalik-balik parin ako sa Mystique Club na hindi na dapat mangyari. Kailangan kong mahuli sa sarili ko lamang si Zero.
Gamit si Zero, maaring maituro ako niyon sa pinanggalingan ng lahat ng 'to. At kung bakit napakaraming kakaibang aktibidades sa loob ng campus na 'to. Mula sa illegal drugs na nakapapasok sa loob ng campus, hanggang sa mga nawawalang estudyante sa building Zeus. Maging ang hindi mahanap-hanap na treasure sa Coron. Ano ba ang misteryo sa likod ng misyon ni Hyena sa Coron? Lahat ng 'to ay iisa lang ang puno't-dulo. Iisa lamang.
Nagpaalam at nagpasalamat na 'ko kay yaya Lorena sa paghahatid sa'kin. Hinintay ko muna itong sumakay ng taxi pauwi bago ako pumasok sa—
“Jammy?” wika ng babaeng sa tantiya ko ay kasing tangkad ko lamang. Maputi ito at may mapupungay na mata. Ngumiti ito nang pilit sa'kin habang naglalakad palapit.
Pamilyar ang inosente niyang mukha.
“Yes?” tanong ko rito saka ginantihan din ng ngiti.
Inilahad nito ang kamay nito sa'kin. “I'm Sam Montemayor.” Hindi parin naaalis ang ngiti nito sa mukha.
Samantha Montemayor! Ang ex-partner ni Denver sa Mystique Club! What is she doing here?
“You are Sam?” wika ko na tila 'di makapaniwala.
She's Sam? Oh, my! Hindi ko inaasahang sa ganitong paraan kami magkikita. Pero ano nga bang dahilan at kinausap niya ako ngayon?
“Y-yeah, as what I have thought, Denver had already introduced myself to you,” saad nito saka iniyuko ang ulo. Tila nahihiya sa napagtanto.
“No, you got it wrong, it was Austin who mentioned me your name,” pagtatama ko. “By the way, bakit nga pala—”
Hindi na natapos ang sasabihin ko nang magsalita ito. “We need to talk,” saad nito saka hinawakan ang pulsuhan ko. Hinila ako nito papunta kung saan. Hinayaan ko lang naman ito at nagpadala sa kung saan mang lupalop niya ko dadalhin.
Narito kami ngayon sa isang restaurant malapit sa academy.
“Yeah, we started to run the Mystique club. But then, I decided to turn back because I discovered that my brother is part of the so called Black Jade's organization,” pangungumpirma ni Sam sa tanong ko. I asked all of the thing that Austin had mentioned to me last time.
“Kapatid mo?” pag-uulit ko.
“Yes. I'm pretty sure nakasagupa niyo na si kuya. He has the codename, Zero.”
Mas lalong lumaki't dumilat ang aking mga mata sa rebelasyong sinabi nito.
“Ka-kapatid mo si Zero?!” medyo napalakas ang boses ko sa pagkakataong ito.
Tumango ito sa'kin bilang pagtugon. “Ito rin sana ang ipakikiusap 'ko sayo,” saad nito saka inilipat ang tingin sa paligid. Saglit na nagmasid bago itinuloy ang sasabihin. “Ilang beses ko nang pinakiusapan si Denver na itigil na ang pag-iimbestiga sa disappearances ng mga estudyante sa building Zeus, at iba pang kaso na kaugnay sa kuya ko. Hindi niya alam ang pinapasok niya.” Bahagyang humina ang boses nito habang nagsasalita.
“Ngunit bakit? Kung may nadiskubre ka tungkol sa tinatawag mong Black Jade's Organization, bakit 'di ka magsalita sa kanya? Bakit ayaw mong sabihin,” takha kong tanong. Tumitig ako sa mga mata nito bago muling magsalita. “Are you tolerating your brother?” tanong ko rito.
“No! Kinausap ko na rin ang kapatid ko na umalis na sa grupong iyon, pero hindi na pwede, escaping is equal to death. Hawak na nila ang buhay ng kuya ko.” Nagsimula nang mamugto ang mga mata nito.
“Pero may paraan naman diba? If we could take them down — all of them, including the higher-most-position, posibleng mailigtas pa natin ang kuya mo from this organization, ” pangungumbinsi ko.
“You just don't understand the situation, Jammy,” wika nito saka lumapit pa nang kaunti sa'kin, “this organization is powerful. They have access to everything. We can't assure which of our friends are friends or our foes are foes. We really can't,” bulong nito.
“W-what do you mean?” takha kong tanong.
Bumalik lamang ito sa pagkakaayos ng upo. May kung ano itong kinuha mula sa dala niyang bag.
Brown envelope yun na iniabot niya sa'kin. Kinuha ko agad yun at inalam kung ano ang laman.
“Those are profiles of the so called Allies. They're commonly called as the Queen's pones. Sila ang nagsisilbing tuta ng Queen, they guard and protect their queen at all cost kahit pa kapalit nito ay buhay nila,” panimula nito sa pagpapaliwanag. May kinuha itong muli sa kanyang bag. Iyon naman ay mga pictures ng sunog na bangkay, “sila ay mga pones ng Queen. They were all assassinated while the police were sending them for jail transfer,” saad nito.
“Teka! Ito ba ang grupo nina Bartolome Mahinay mula sa Coron Palawan?” tanong ko rito.
“Yes. Nabalitaan ko ang tungkol sa nangyari sa inyo roon, at nag-alala ako nang husto, at ayoko na sanang maulit pa sa inyo yun,” tugon nito. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at pangamba. “Maswerte kayo dahil 'di kayo ang priority ng grupo sa lugar na 'yon. Isa pa, mga hindi inaasahang bisita kayo kaya't siguro'y pinalagpas lang kayo ng grupong iyon at nag-act normal upang 'di kayo makahalata.”
“Kung ganun, Queen's pone si Bartolome Mahinay?” tanong kong muli.
“Maybe,” Maikli nitong sagot. “Narecover ang mga phone ng bangkay at nakumpirmang nakatanggap sila ng message mula kay Q. And this Q might pertain the Queen. It says that, ‘In order to save the Queen, there must be sacrifices,” dagdag nito.
“Kung ganun, ibig sabihin isa ring pone ang kuya mo? At kapag kailangang mamatay ng kuya mo in order to save the Queen, kailangan niya talagang mamatay?” tanong ko. “Pero kung makukumbinsi mo ang kuya mo na makipagtulungan. I think we could come up for another way. Tolerating crime means committing crime. Mas mabuti nang mamatay tayong may ginawa kaysa hayaan na lang,” dagdag ko rito.
“Naiintindihan mo ba ang gusto kong sabihin, Jammy?” seryoso nitong tanong. Tila babagsak na ang mga luha nito sa mga mata. “You just don't understand it fully. My mom and dad were both dead because of that f*ckin', damn, organization. And they're both police officers. My mom was a lieutenant and dad was colonel. But still, they manage to silent them both leaving no any evidences on track. It's clear that we can't fight back with that organization. Neither of my brother nor Denver,” sagot naman nito na tuluyan nang bumagsak ang mga luha mula sa kanyang mga mata.
“What do you mean?” takha kong tanong. “Do you mean na kaya lang sumali ang kuya mo sa organization ay dahil sa kagustuhan niyang malaman ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng magulang niyo? At upang makaganti?” dagdag ko.
“I don't know. Hindi rin ako sigurado kung alam na niya ang tungkol dito. Sinusubukan ko siyang kausapin pero pilit niya 'kong iniiwasan. Siguro ay dahil ayaw rin niya 'kong madamay sa kung ano man ang pinasok niya,” sagot nito.
“I'm sorry, S-Sam,” saad ko saka hinawakan ang mga kamay nito. Matapos niyon ay tinignan ko siya nang mata sa mata. “I can't promise to step back and leave. Isa pa, nakita ko na ang kuya mo at posibleng sinusubaybayan niya tayo ngayon. He warned me also na wag nang makialam. And he aslo said that I don't know who Denver is. Dahil dun, mas kailangan kong malaman ang katotohanan, lalo na't dinukot at binihag nila ako,” paliwanag ko.
Tumayo na ako't nagpaalam sa kanya. Hindi naman na ito nagsalita at hinayaan na 'kong makaalis.
<<<~*•*~>>>