Chapter 26: Saved by a Lady and a Man

TRIGGER WARNING:

This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.

°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*

JAMMY

“Wag!” sigaw ko nang pwersahan ako nitong halikan sa labi. Hindi ko mapigilang umiyak. Nanginginig at nandidiri ako sa lalaking 'to. Wala siyang kasing sama. Ipinikit ko ang aking mga mata upang hindi na makita ang itsura ng maduming lalaking 'to! Ang demonyong 'to!

Gusto ko mang magpumiglas ngunit limitado ang aking galaw dahil sa pagkakatali sa kamay at paa ko. Damn it! I don't want to die on this way. Mas gusto ko pang malunod sa Coron cave kaysa pagsamantalahan ng ganto ni Thyke.

Stop it please!

Natigil ang marahas na paghalik niya sa'kin nang marinig ang bigla nitong pagbagsak sa harapan ko.

Muli kong iminulat ang aking mga mata and there I saw Thyke na nakabukagta sa harapn ko at nakatihaya. He was excruciating in pain base sa haluyhoy nito at stiffened muscles niya sa halos buong katawan. May needle na nakabaon sa leeg nito. Gulat at nagtataka man ako sa nangyari, pero sana naman, wag na muna siyang maka-recover upang ipagpatuloy ang pagsasamantala nito sa'kin. Ayoko nang may gawin pa siya sa'kin. Nanginginig ang kabuoan ko sa ginawa niya.

May mga yabag na lumapit sa'kin kaya't ibinaling ko ang atensiyon ko roon. Isa itong babae na naka-itim. May takip ang mukha at may hawak na sumpit. Lumapit ito sa'kin at kinalagan ang pagkakatali sa kamay at paa ko. Habang ginagawa ito ay nanatiling titig ang mata ko sa kaniya. Hindi ko man makilala kung sino ito dahil sa takip sa kaniyang mukha, nagpapasalamat pa rin ako dahil pinigilan niyang mangyari ang binabalak sa'kin ni Thyke.

“S-sino k-ka?” tanong ko rito.

Hindi ako nito pinansin, bagkus ay patuloy lang ito sa pinagkakaabalahan niya.

Matapos akong kalagan ay binuksan nito ang takip ng air vent malapit sa kinaroroonan namin. Lumingon ito sa'kin at inilahad ang kamay. Nangungusap ang kaniyang mga mata habang hinihintay na abutin ang kaniyang kamay.

“Kung gusto mo pang mabuhay, halika na.” Ang boses nito'y 'di normal. Tila may ginagamit itong voice changer upang hindi ko makilala ang tunay nitong boses.

Ilang segundo rin akong natulala sa kinatatayuan ko bago abutin ang kamay nito. Gamit ang upuan kung saan ako itinali kanina, pumatong kami roon at tinulungan ako ng babae na makaakyat sa air vent. Inilahad ko rin ang kamay ko sa kanya upang sana'y tulungan rin siyang makatakas ngunit bumaba na ito mula sa upuan.

“P-papano 'ka?” takha kong tanong rito. Hindi ito sumagot, bagkus ay umalis na sa kabilang direksiyon. Ako nama'y nagsimula nang gumapang sa loob ng air vent at sinimulang hanapin ang lagusan palabas. May ilang kwarto akong nadaanan at nakita ang ilang mga lalaki sa baba. Hindi sila mukhang mga estudyante sa Mnemosyne. Kung ganun, nasan ako ngayon? Nasa labas ba 'ko ng campus?

“Patay na si Thyke. Wala na rin doon ang bihag. Lagot tayo kay Jewel nito. Madali, hanapin ang bihag!” utos ng lalaki na may bitbit pang artificial na bungo ng tao.

Kung ganun, hindi si Thyke si Jewel? Nagpulasan ang mga lalaki sa ibaba at madaling nilisan ang kwarto. Naku! Pinaghahanap na 'ko, kailangan ko nang makatakas! Nagpatuloy na 'ko sa paggapang palabas.

Matapos ang mahaba-habang pagtakas ay natunton ko rin ang natural na liwanag galing sa labas.

Wahh! Makakalabas na 'ko!

Pagbukas ko ng takip ay may nakaabang na lalaking nakatalikod sa ibaba. Mukhang narinig ang pagbukas ko ng takip sa air vent kaya't lumingon ito sa'kin.

Kinuha niya ang takip ng vent at inilapag sa sahig. Wala 'kong nagawa kung hindi ang bumaba at tumayo sa harap niya pagkatapos. Nagkatitigan pa kami ng lalaki nang ilang segundo bago ako nito hawakan sa bandang ibaba ng siko.

Pansin ko ang umiigting nitong panga at nanlilisik na mga mata. Madilim iyon na tila kumumpleto sa malalim niyang mga mata at makakapal na kilay. Maputi ito at makinis, may labi na tulad sa balat ng apple. At nakatali naman ang mahaba nitong buhok.

He was chewing a gum when I saw him. Ang mga pagnguya niya lamang ang tangi mong maririnig. Kapansin-pansin rin ang mga buhok nitong nakalaylay sa kaniyang noo na tila pinasadya upang kumpletuhin ang mala-Long haired hair style nito.

He's charismatic yet daunting based on his glares.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong nito at nanlilisik ang mga mata nang ako'y titigan.

Hindi pa 'ko nakakasagot ay nagsimula na namang bumuhos ang luha sa'king mga mata. “Please, pwede bang hayaan mo na 'kong makatakas?” pagmamakaawa ko sa lalaki.

Ibinalik niya sa dati ang takip ng vent. Doo'y napansin ko ang tattoo sa pulsuhan nito. Fonted text: Zero! Pareho sa design ng font sa tattoo ni Bartolome Mahinay! Nanlaki ang mata ko sa nakita. Tila napansin niya kung ano ang nakita ko dahil sa naging reaksiyon ko kaya't lumingon ito sa'kin.

Hinawakan ako nito sa braso. “Ikaw ba? Ikaw ba ang bagong partner ni Denver?!” madiin nitong tanong.

Umiiyak man ay nagawa ko pa ring tumango sa sinasabi nito. Kaharap ko ngayon ang ilang buwan nang hinahanap ni Denver na si Zero. A-anong gagawin ko?

“Naloko na!” Wika nito sa sarili. Binitawan na 'ko nito ngunit ibinalik muli ang matalim na titig nito sa'kin.

“Lumayo ka na kay Denver, ngayon pa lang. Hindi mo siya kilala at hinding-hindi mo gugustuhing makilala siya,” wika nito na bahagyang inilapit ang mukha sa'kin. “At huwag na huwag mo na ring susubukan pang makialam sa kahit anong may kinalaman dito, naiintindihan mo?” patuloy nito. Tila bumalik ang takot na 'king nararamdaman. Ang paraan ng pagtitig sa'kin ni Zero ay pareho sa paraan ng pagtitig sa'kin ni Thyke kanina lang. “Isuot mo to,” utos nito matapos iabot sakin ang itim na tela.

“P-para san 'to?” utal kong turan.

“Piringan mo ang mata mo. Iuuwi kita sa inyo,” saad nito sa walang kasigla-siglang tono.

“Sigurado ka? Hindi ka rapist?” mahinhin kong tugon.

Imbes na sumagot ay naglakad lang ito palapit sa puting kotse. Bago sumakay ay tumingin ito sa gawi ko. Sumakay ka na rito at isuot mo na yan. Sinunod ko na lamang ang sinabi niya. Hindi man ako dapat magtiwala sa lalaking to, pero siya na lang ang last resort ko upang makalabas sa compound na to.

°°°°°°°

DENVER

“It's already quarter to six. Nakita niyo ba si Jammy?” agad kong tanong nang magkita-kita kaming apat muli sa harap ng cafeteria.

“Negative. Wala pa ring signs ni Jammy sa pinuntahan ko,” sagot ni Andy.

“Me too,” si Alex naman ang nagsalita.

Umiling sa'kin si Gabriel at naiintindihan ko agad kung ano ang nais niyang ipahiwatig. May tumawag sa telepono nito kaya kinuha niya iyon at sinagot ang tawag.

“Hello, madame,” bati nito sa kausap. Tumingin ito samin habang nakasalampak ang telepono sa tenga nito. “Really? Thank you for that information, madame.”

Tumingin si Gabriel sa'min at may bahid ng saya ang mukha. “Ligtas na si Jammy.”

Napangiti na rin kami sa narinig na balita.

“That's good,” panimula ko. “Where's Jammy, then?” tanong ko.

Umiling muli si Gabriel. “Hindi 'ko rin alam. Pero kinumpirma ni madame na dinukot si Jammy,” sagot nito.

“Si Zero!” Ito na lamang ang nasabi ko matapos marinig ang sinabi ni Gabriel.

“And who's this Zero?“ tanong naman ni Andy. “Don't tell me may mga villains sa campus na 'to?” tila natatakot na sabi nito.

Hindi ako umimik bagkus ay tumingin lang ako sa gawi ni Andy.

“S-sabi na nga ba! Kaya ayoko rito, eh! Babalik na 'ko sa dati kong school!” sabi nito sa sarili na may pagdabog-dabog pa ng paa na parang batang inagawan ng candy.

Napailing na lang kami sa kabahagan ng buntot nitong si Andy.

“Dalawa lang ang pwedeng puntahan ni Jammy kung sakaling nakatakas na nga siya,” saad ni Alex. Ibinaling namin ang atensiyon sa kanya. “It can be either babalik siya dito sa campus o uuwi siya sa lolo niya,” paliwanag nito.

“So there's nothing we can do but to wait Jammy to comeback,” tugon naman dito ni Gabriel.

Matapos niyon ay nagdesisyon na kaming bumalik sa aming mga dorm.

°°°°°°°

JAMMY

“Oh! Jammy, ba't nandito ka? Hindi ka rin umuwi last weekend, di ka man lang nagsabi sa'min bata ka. Nagtatanong sa'kin ang lolo mo,” bati sa'kin ni yaya Lorena nang makita ako sa gate. “Ano bang nangyari sayong bata ka at bakit ganyan ang itsura mo. Ang gulo ng buhok mo tapos muka ka pang pulubi. Saan ka ba nagsususuot?” sunod-sunod nitong sermon.

Napangiti ako sa pagiging likas na mapag-alala ni yaya Lorena sa'kin. Niyakap ko ito nang mahigpit na paniguradong ipinagtaka nito.

“Oh, anong nangyari sayo, Jammy?” turan nito sa'kin. Hindi na 'ko kumibo bagkus ay sinimulan na ang pag-iyak.

Ngayon ko lamang naiintindihan si lolo. Walang magtatanggol sa'kin bukod sa sarili ko kaya't dapat kong pinag-iingatan ito. No one could save me dahil wala na si dad. Wala na ang pinakahinahangaan kong lalaki bukod kay lolo. Di na niya ko maipagtatanggol. Never again.

“Ano? May dumukot sayo?!” pahiyaw na turan ni yaya Lorena nang sabihin ko sa kanya ang nangyari sa'kin. Narito kami ngayon sa kwarto ko, sinusuklayan ni yaya Lorena.

“Y-yeah, yaya. I was too scared that time. But, yaya, please, don't tell lolo. Wag na wag mong sasabihin kay lolo ang tungkol dito. Paniguradong mag-aalala yun,” pakikiusap ko. Humarap ako sa kanya't hinawakan naman niya ang mga kamay ko.

“Pasensiya ka na, Jammy pero hindi pwede. Isa pa, nasabi ko na sa lolo mo. Tumawag rin dito kanina si Andy habang naliligo ka kanina. Tinatanong kung dumating ka na ba. Sinabi ko, oo,” ani nito habang hinahaplos ang pisngi ko.

Habang nasa hapag kasalo sina yaya Lorena at ang iba pa ay nakatanggap ako ng tawag mula kay lolo. Tumayo muna ako't sinagot ang tawag niya.

“Lolo!” pagkukunwaring masigla kong sabi.

“Jammy, apo. Matigas pa rin talaga ang ulo mo. Hindi ba't sinabi ko na sayo na lumayo ka na sa mga bagay na magpapahamak sayo?” Hindi madiin ang pagkakasabi nito ngunit alam kong may bakas ng pagkabigo sa kaniyang tono.

Kabisado ko na ang ekspresyong iyon ni lolo sa tuwing nahuhuli niya 'kong pinapakelaman ang mga case files ni dad since dating detective ito.

“Lolo, I-I'm sorry. But it wasn't my fault. I-I don't really have an idea na may balak na masama sa'kin ang classmate ko!” sabi ko with a high pitched voice.

“You should be careful, Jammy. Don't worry, I heard that Andy transferred into your school. Sasabihan ko siyang bantayan ka,” he replied.

“B-but, lolo-!” hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko nang mapagtantong 'di papakinggan ni lolo ang sasabihin ko. Hindi maniniwala si lolo pag sinabi kong mas duwag pa si Andy kaysa sa'kin. Who would believe that aside from me at sa ibang nakakakilala sa kanya sa school?

Andy has great angst and cool charisma. He definitely looks so brave. But on the contrary, he isn't.

“You should go back to school, it would be safer if you stay inside, don't worry, I'll send some men to keep an eye on you,” wika nito bago patayin ang tawag.

Nakapagtataka na sa kabila ng nangyari sa'kin ay mas gusto niyang manatili ako sa Mnemosyne. And what does he mean ‘it's safer for me to stay inside the campus?’ Sino namang magtatangka sa'kin? Hindi ko maintindihan. Kailangan kong makausap si tito Melvin about this matter. Alam kong hindi sasagot sa'kin si lolo, but I know, tito Melvin must have an idea about this.

I must talk to him.

<<<~*•*~>>>