Chapter 19: The Deal

TRIGGER WARNING:

This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.

°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*

ANONYMOUS

Huminga ako nang malalim at dinama ang simoy ng hangin na humahampas sa'king balat. Mula sa pagpikit ng mata ay dumilat ako at inilipat ang tingin sa'king target.

Nanatiling nakapako ang mga mata ko sa'king tudlaan. Kasabay ng nakapakong pagsipat ay itinaas ko ang aking hawak at inasinta ito nang mabuti. Nang ibinato ko sa todong pwersa ang hawak ko patungo sa aking inaasinta, ay nasapul ito at tumilapon pa sa ere sa loob ng ilang segundo bago bumagsak sa lupa bunsod ng malakas na impact.

“Mabuti at sunod-sunod ko nang napeperpekto ito. Sandali na lamang ay mawawala na rin sa landas ko ang lalaking yun. Kaunting oras na lamang,” saad ko sa sarili nang mapagtagumpayan ko ang trick sa'king pinaplano.

Nakatanggap ako ng mensahe kay Ivan. Kailangan ko nang magtungo sa room unit nila upang ipagdiwang ang kaarawan nito, maging ng pagkapanalo ng kanilang koponan sa larong baseball.

Ngumiti ako sa naisip. Mapagtatagumpayan ko ito. Naniniwala akong magagawa ko ito nang perpekto.

°°°°°°

JAMMY

Kasama si Austin, sinamahan ako nitong mamili ng mga lulutuing karne at mga pampalasa sa Mnemosyne Market upang ipaghanda ng makakain ang mga ka-roommate namin. Binabalak naming magluto ng adobong manok.

Katatapos lang namin manood ng laban sa pagitan ng Cheetah at Thunder, parehong team ng baseball. Ang tatanghaling kampiyon ang siyang nakatakdang lumaban laban sa iba pang representative sa larangan ng baseball mula sa kalapit na akademya—bitbit ang pangalan at karangalan ng Mnemosyne Academy.

Naging mahigpit ang laban na iyon kanina. Naging dikit ang iskor ng dalawang koponan. Gayunpaman, sa huli ay itinanghal paring kampiyon ang Thunder. Naging malinis naman ang laban na iyon kaya't sa tingin ko'y walang magpoprotesta para sa naging resulta ng nasabing laban.

“Oh, heto na ang order niyo mga boss,” masayang inihanda ni Austin ang niluto namin sa hapag.

Masiglang ngiti ang pumaskil sa mukha ni Sheila habang kumikinang ang mga mata nito sa pagkaing inilalapag ni Austin sa mesa.“Wow! Namiss ko tong luto mo, Austin,” puri niya sa huli.

“Awiee, sino kayang kinikilig ngayon dito?” Nagsimula na naman si Eloise sa panunukso. Naku, kahit kailan talaga.

Napangiti na lamang ako sapagkat nadarama kong masaya nga talang kasama ang mga ka-roommate ko. Sa maliliit na bagay lang ay madali mo nang maipipinta ang ngiti sa kanilang labi. Swerte ko naman at sila ang naging mga kasama ko rito sa Mnemosyne Academy.

Naging matalim ang titig ni Sheila sa kaibigan. The awkward moment began nang ni isa sa'min ay walang umimik. Nakakatawa dahil parang may malalim na alitan sa pagitan ng dalawa dahil sa nangyari. Siguro ay pina-prank lang ni Shiela ang kaibigan.

“Oh, ano pang hinihintay natin? Halina't maghapunan na tayo,” aya ni Austin na agad naman naming sinunod.

Matapos ang salo-salo ay sa veranda ng unit ako nagtungo.

Nagpahangin muna ako saglit at tinanaw ang mga gusali ng Mnemosyne. Huminga ako nang malalim, bago dahan-dahan, ay ibinuga ko rin ito.

Naging makabuluhan ang pananatili ko rito. Katulad sa nagdaang school ko, may mga kaibigan din akong madalas na isangkot ang sarili sa kapahamakan noon, at hindi talaga naging maganda ang mga nangyari, dahil sa pawang mahilig sa misteryo tulad ko ang dalawang iyon. Pero…

“How's your day?” si Austin ang bumasag sa katahimikan. Palapit ito sa'kin at sinamahan ako sa'king pagmumuni-muni. Napansin ko ang hawak nitong binoculars. Tila gagamitin na naman niya ulit ito.

Hindi kaya't may binobosohan itong si Austin mula sa katapat na building? Hmm…

“It's nice. Better than ever,” matipid 'kong sagot sa kaniya. Ngumiti ito sa'kin bago isukbit sa leeg ang binoculars na dala nito saka ipinangkalang ang mga kamay sa ibabaw ng grillages.

“Matagal na rin nang umalis ang occupant sa room mo. Si Samantha.” saad nito't pirme lang na nakadungaw mula sa veranda. “Walang nakakaalam kung bakit, maliban siguro kay Denver.”

“Hindi nabanggit ni minsan nila Eloise ang dahilan kung bakit nag-drop out si Samantha.”

“Dahil hindi pa nila kayang ikwento. Sobrang close ng tatlong yun sa isa't-isa. And Sam? Katulad na katulad mo siya,” gumuhit ang mapait na ngiti nito sa labi. “Lagi niyang isinasangkot ang sarili sa kapahamakan, kaya halos maging knight in shining armor na niya yang si Denver. They started to run a detective club back then, it was named, Mystique Club, doon galing ang alias kay Denver na Mystique Prince. However, nang makasagupa namin si Zero along the way, biglang nagbago si Sam. Palagi na lang nagkukulong sa room niya, hindi makausap nang maayos. Hanggang sa she decided to stay away from us.”

“But now? Do you have any idea where she is,” usisa ko. Umiling ito bilang sagot.

“Mula nang umalis si Sam, itinigil na rin ni Denver ang pagpapatakbo sa club. Pero pinagpapatuloy niya parin ang pag-iimbestiga tungkol kay Zero, about his true identity, at kung ano ang ginagawa niya sa academy,” sagot nito.

“Tingin mo ba may kinalaman yung Zero na yun sa biglang pagbabago ni Sam?”

Inilipat nito ang tingin sa'kin. “Definitely, yes. May mga sinabi si Sam kay Denver before she left,” saad nito saka muling ibinaling ang tingin sa dating direksiyon na tinitignan nito. “She said, ‘lumayo ka na sa'kin, Dever, at tigilan mo na si Zero,’ yun daw ang magpapahamak sa'ming lahat.”

“Does it mean kilala na ni Sam si Zero? Kung sino ang tao sa likod ng codename na yun?” He nodded in response to my question.

“Uy, napakaseryoso niyo diyan, ah,” bati ni Eloise sa'min na nasa tabi ng sliding door papasok sa loob. Lumapit ito sa'min at pumwesto naman sa kaliwa ko. “Anong pinag-uusapan niyo?”

“Nothing,” tipid na sagot ni Austin. “Where's Denver by the way?”

“Kausap ang pinakamamahal niyang laptop,” she shortly replied.

Tumikhim muna si Eloise bago muling magtanong sa aking katabi.“Siya nga pala, Austin, wala ka bang balak kay Sheila? I mean, I know you are aware that she likes you a lot.”

“I don't know.” Umiling ang huli. “There's someone that I admire and it's not Sheila.”Naging seryoso ang titig namin ni Eloise kay Austin habang nagsasalita ito.

“What?” kibit balikat nitong tanong.

“And who's that girl you are talking about?” may pagtaas ng tono na pagkakatanong naman dito ni Eloise.

“Nevermind.” Ibinalik niya ang atensiyon sa malayo. “You don't know her,” tipid niyang sagot,“isa pa, I'm not into clingy thingy para mag-make move sa kaniya. Lalo na't alam kong may iba siyang gusto and it's definitely not me,” pagpapatuloy nito.

Muli ay naging seryoso ang pagtitig namin sa kanya. Tila hinihintay ang mga susunod pa niyang sasabihin. “She likes, Denver,” saad nito.

Bumilog ang mata at labi naming pareho ni Eloise sa narinig. She likes Denver? And who's that girl?

Hindi kaya si Samantha? He admires Samantha?!

“Is she Jammy?” tanong dito ni Eloise. Nabaling ang tingin ko sa kaliwa ko.

“Hey, it's definitely not me! I don't like Denver unlike what he said,” pagtatanggi ko.

“Then who is she?” tanong muli ni Eloise kay Austin.

“I can't tell,” maikli nitong sagot. “You might know it soon, but this isn't yet the right time.”

Matapos niyon ay bumalik na kami sa loob. Lumalamig na ang ihip ng hangin sa veranda at masyado nang malalim ang gabi. May klase pa kami bukas.

Repetitive knocks rang behind my room's door. It's again, Denver waking me up. May kailangan daw kaming puntahan.

“At saan naman yun? Hindi ba pwedeng mamaya na lang yan? May klase na tayo maya-maya and I don't like the way you're waking me up early this time in the morning because of some nonsense business of yours!” I continuously shouted na halos magkandapiyok-piyok na ko sa pagsasalita. Argh! I hate my mood every morning. Indeed, I don't.

“Idiot! You have a phone call from your grandpa. O baka gusto mong sabihin ko na ayaw mo siyang makausap?” Para akong nakuryente sa narinig at ginising nito ang diwa ko.

Dali-dali akong tumayo at agad na nagtungo sa pinto.

Pagbukas ko nito ay…

“Ahh! Denver!” hiyaw ko sa sobrang pagkagulat. Mas lalong nagising ang sistema ko nang mabuhusan ako ng napakalamig na tubig. “What are you doing, you dumbass!” patuloy kong sigaw.

Walang tigil ito sa pagtawa matapos ako nitong makitang basang-basa sa harap ng pinto ko.

“You're the one who's dumb. You really fell into this kind of prank? I'm just trying to test you if you are suited to be my club member. You really thought na tatawag ang lolo mo nang gan'to kaaga at hindi sa phone mo? Bilisan mo na't maligo, we're going 'to our club. Kailangan ulit iyon dahil sa dumarami na naman ang mysteries sa academy,” saad nito saka umalis na. Nanatili namang nakapako ang nanlilisik kong mga mata sa kaniya.

Argh! I hate you, Denver!

Maya-maya pa'y lumabas sina Sheila, Eloise, at Austin mula sa kani-kanilang mga kwarto. Mga walang kaalam-alam sa kung ano na naman ang pinagtalunan namin ni Denver. Nagpupunas pa nga si Sheila ng mata niya saka humikab nang napakalalim bago isinuot ang hawak-hawak nitong nerdy glass.

“Oh, great! Nabinyagan na pala si Jammy. Congrats. You're now officially a member of the Owl Family,” nakangisi't natatawang wika ni Austin saka ito pumasok muli sa kwarto nito.

“Good morning, Jammy,” bati nina Sheila at Eloise sa'kin bago rin pumasok sa kani-kanilang kwarto.

“Jammy! Go, quick! Maghanda ka na,” sigaw naman ni Denver na nasa sala ngayon at kaharap na naman ang pinakamamahal nitong laptop.

I really hate Denver! Why is my life gets doomed?

“You, Denver! May araw ka rin sa'kin. Maniwala ka. Makakaganti rin ako sa'yo,” I murmured as my teeth gritted in extreme annoyance.

It's quarter to five in the morning when we came in to an old vacant room.

“Ito na yun?” sabi ko nang makita ang isa sa mga kwarto ng Athena's Building. Maliit ang espasyo nito at talagang magulo dahil sa mga nagkalat na papel sa sahig at kung saan-saan.

“Yeah?”

Napataas akobng kilay sa narinig.

“Tulungan mo 'kong magligpit at ayusin ito,” pag-uutos ng ulupong.

“Wait. Ano nga ulit ang sinabi mo?” wika ko saka akmang inilalapit ang tenga sa kanya na parang hindi narinig ang mga sinabi nito. “Inuutusan mo ba 'ko Mr. Denver Ramirez?!” mapagbanta kong tono.

“It isn't obvious?” tugon nito. Nanlisik muli ang mga mata ko sa sinabi niya.

“Baka nakakalimutan mo, Denver. I said, pag-iisipan ko kung sasali ba 'ko sa club mo. And still, I haven't accepted your invitation, tapos ngayon paglilinisin mo 'ko ng club room mo? No way!” pagpoprotesta ko rito.

“And why are you here this early in the morning? I doubt na nagpunta ka rito for nothing,” he said in his poker tone.

Arghh! Nanggagago ba siya? Siya ang nagsabing magpunta ako rito! I hate it! I hate it! He's making me fool!

“What if I owe you a favor, then owe me this one as your payment? Trade service.”

Napataas ang kilay ko sa kanya dahil sa sinabi. “Any kind of favor?” tanong ko rito. He nodded in response kaya nagsalita akong muli. “Great! I want you 'to talk with Alex. Magbati na kayo. Kayong dalawa na nga lang magkamuka, 'di pa kayo magkasundo.”

I beamed a smile to what did I just asked to him.

Napatigil naman si Denver sa narinig. Nanatili itong nakahawak sa baba nito na parang pinag-iisipang mabuti ang panukala ko.

“Your request is a bit complicated,” saad nito saka sumingkit ang mga mata. “Mind if you change it?”

Umiling ako bilang sagot. “Nah, if you don't do it, then the deal will never be possible. ”

“Brave you are!” saad nito't ipinagpatuloy ang paghimas sa kanyang baba. He's kinda annoying watching him doing that.

“Okay, deal. Sige na, maglampaso ka na riyan.”

“Wait, wait! Saan ka naman pupunta?”

“It's already five. May kailangan pa 'kong gawin,” said he. Ni di man lang ito lumingon sa gawi ko. “Iwan muna kita riyan, babalik ako rito ng lunch time, dapat malinis at maayos na ang room, okay? Gracias.”

Argh! Nakakaasar! Nagsasalubong talaga ang kilay ko sa tuwing binibwisit ako ng Denver na 'yon.

Ginawa ba naman akong tagalinis ng club room niya. Argh! Kainis!