Chapter 17. Tense

Literal na tense na tense ako habang lumalakad ang oras. Heto at isa isa ng nagpapaalam ang mga kasama namin dahil pasado alas kwatro na ng hapon si Tibo ay umuna na rin sinabi ko naman sa bata na gagabihin ako ng uwe at isang makahulugang tingin ang binigay sa akin bago nag iwan ng paalala.

“Ate, umakto ayon sa level ng relasyon at gumawa ng move ayon na rin kung may label ba kayo. Hindi daw po masama mag explore basta alam ang limitation at bantay ang sarili para walang sakitan at iyakan. At kung tinatanong mo san ko nakuha ang mga ‘yan sa libro po ng Romance Novel ni Aling Onyang. Gusto ko happy ka lagi Ate uuwi na po ako”sabi ng bata sa akin hindi pa rin ako sanay sa ugali nito. Sa di kalayuan kita ko na dumaan pa ito kay Logan at parang may sinasabi sa lalaki napaka caring ng batang ito pero ang kin akatawa ko lagi n’yang ginagawa ‘yung mustra ng daliri sa mata n’ya tapos ituturo kay Logan.

Huling nagpaalam si Mang Gimo kanina ay sumlip dito si Tay Pilo may mga dala hindi ko naman na inusisa pa ‘yun dahil nag busy-busihan ako para hindi na mapona pa nito. Nahihiya kasi ako sa hindi ko mawari ang dahilan para bang s’ya talaga magulang ni Logan tapos ako ang jowa na bago pa lang gano’n ang feels ko k’ya heto hiyang hiya ako. Hindi ko namalayan na wala na pala ang lahat pinasok ko kasi ang ibang mga gamit dito sa kubo para naman hindi na nila dala dala pauwi at pag parine bukas.

Nagitla ako ng bigla may umagaw ng hawak ko na pisi ng lingunin ko ay halos maduling ako sa lapit ng mukha namin ni Logan at konti na lang mahahalikan ko na s’ya at ang dibdib ko ay grabe ang lagabog para bang binabayo iyon. Sa isip ko ay baka naririnig ni Logan ang tibok nito nakakahiya nanginit ang pisngi ko alam kong pulang pula na ‘yun titig na titig naman ang lalaki sa akin iba s pakiramdam ito lalot ngumiti sa akin si Logan halos makalaglag panty pa. Ramdam na ramdam ko ang mas pangangapal ng mukha ko para na akong lechon for sure ang lutong nito mukhang nahalata ng lalaki kaya ito na ang unang nagsalita.

“Babe ako na tatapos nito maupo ka na muna tapos mamaya punta na tayo doon sa spot na sinabi ni mang Esmar at mang Jaime na magandang pwesto kung saan kitang kita ang paglubog ng araw. Doon daw iyon sa may baldyong lupa malapit sa palayan”sabi ng lalaki sa akin, ‘yun lang ang sinabi n’ya pero parang umuulan ng puso sa paligid.

May sakit na kaya ako ba’t ganito. Isang tango na lang ang ginawa ko at nagmamadaling umiwas pero natisod ako sa paa ng papag na malapit lang hinanda ko na ang mukha ko na hahalik sa lupa pero ilang saglit ay hindi ko naramdaman. Dama ko ang higpit ng bisig na nakapalibot sa aking bewang kaya agad ako lumingon doon ko nakita ang mata ni Logan na may bahid ng pag aalala habang ma bahagyang ngiti sa labi. Bakit gano’n sa kahit anong angulo ay gwapo ito.

“S-sa-salamat akala ko mahuhulog ako una pa ang mukha”utal na sabi ko kay Logan habng malang humpay ang kalabog na naman ng dibdib ko mas doble pa kanina. Isang napaka lawak na ngiti ang binigay nito sa akin parang may mahika ‘yun at talagang abot abot ang kilig at kabog ng dibdib ko pag nakikita ang mga ngiti n’ya, ngiti na gusto ko sa akin n’ya lang ibigay hindi sa iba maramot na kung maramot pero gusto kung ipagdamot ang isang Logan Yu gusto ko akin lang s’ya.

“Hindi kita papayagan na mahulog basta, ang kaya ko lang payagan ay sa akin ka mahulog at mapunta. Sa akin at sa akin lang babe”buong tamis na sabi nito kasama ang ngiti sa labi at mga tingin na puno ng sinceridad.

Pakiramdam ko ‘di na ako makahinga d’yos ko ganito pa ang pakiramdam ng pumapag-ibig para akong nakalutang, masaya, masarap sa pakiramdam at parang hindi makahinga dahil sobrang punong puno ka sa kaloob looban mo. Inakay na ako nito sa labas ng kubo at pinaupo sa kawayan na upuan na gawa rin nila.

Nagtagal pa ang lalaki sa loob mukhang inayos pang mabuti ako naman kung anu-ano na ang iniisip ko habang naka upo syempre first time ko parang date na rin ito k’ya excited ako nagdadalaga ang feeling ko kahit nasa tamang edad naman na ako. Hindi ko alam na kanina pa pala nakatanghod sa akin si Logankaya gulat na gulat ako ng malingunan ko s’ya doon n’ya ako inaya na pumunta nasa Lugar mag set up pa daw s’ya ‘di ko alam kung anong setup ‘yun. Nagsimula na kaming maglakad marami s’yang dala pero ayaw naman akong patulungin ng marating ang lugar ay natigilan ako dahil may alaala ako rito kasama si Ate mula ng bumalik ako hindi ko pa ito na puntahan ‘di ko namn akalain na ito pala ang sinasabi ni Logan na spot.

FLASHBACK…

“Ate anong ginagawa po natin dito?”tanong ng batang Cristine habang palingalinga sa paligid.

“Dinala kita dito Tinay paka ipakita ang paglubog ng araw. Alam mo ba ang pagsikat at paglubog ng araw ang isa sa mga paborito ni Ate?. Dahil naniniwala ako na sa t’wing lulubog ang araw may bagong simula kada sisikat ito at kada sisikat ang araw may bagong pag-asa na naka abang hindi na tatapos ang pag inog ng mundo kaya walang dahilan para sumuko, ang ibig sabihin subok lang ng subok gano’n iyon”mahabang sabi nito pero dahil bata pa ako ay naguguluhan ako pero tumawa lang si Ate at may sinabi pa.

“Paglaki mo mauunawaan mo ang lahat ng sinabi ko hayaan mong manahan sa puso mo ang mga salitang binitawan ko mawala man si Ate isa ‘yan sa magiging guide mo”paliwanag muli nito kahit ‘di naunawaan ay tumango na lang ang batang ako.

“Babe okay ka lang? Masama ba ang pakiramdam mo” Gusto mo na ba umuwi?”sunud-sunod na tanong Logan na waring alalang-alala agad. Ngumiti ako rito sabay sabi ko .

“Okay lang ako naalala ko lang ang pinaka espesyal na tao sa buhay ko at sa puso ko”sab ko sa lalaki na bahagya nagbago ang mukha akala ata ay nobyo ko o lalaki ang sinasabi ko.

“Si Ate, s’ya lang kasi ang pamilya ko na nakagisnan walang Nanay at Tatay s’ya ang lahat sa akin Logan ang lugar na ito ang huling lugar na nakama ko s’ya dahil ng sumunod na araw iniwan n’ya na ako. Iniwan na ako ng kaisa isang tao na nag aruga, nagmahal at pumuno ng pagkukulang sa buhay ko noong bata ako. Matapos n’yang nawala Logan mag isa na lang ako mula rin ng mawala s’ya at umalis ako dito ito hanggang makabalik ito ang unang beses na aapak ako muli sa bahaging ito ng lupain namin”hindi ko na napigilan ang luha ko namalisbid ito at talagang dinama ko ang pait at sakit ng nakaraan. Bahagya akong natigilan ng pumaloob ako sa bisig pagdantay pa lamang ng aming mga balat ibayong init ng pagmamahal ang aking nararamdaman masaya ako na natatakot paano kung kailan sanay na ako kay Logan ay saka rin ako nito iiwan.

“I’m sorry babe, nag isip pa ako ng iba kung sino ang special na ‘yun. Ako man babe longing for something buo ang pamilya ko but I never felt na meron akong Ama at Ina. Your so lucky sa katauhan ng Ate mo may nagmamahal sayo. Ganito na lang isip babe isipin mo na maswerte ka pa rin dahil makakahanap ka pa ng magmamahal sa’yo ay ‘wag na pala babe narito ako at ang swerte ko ‘din dito ako dinala ng mga paa ko papunta sayo. Ally totoo ako sa lahat ng pinapakita ko sa’yo hindi na ako mag papatumpik-tumpik pa inaya kita rito for saying sorry for what I did. Gusto ko ‘din na malaman mo na kahit ayaw mo liligawan kita kasi sa tingin ko hindi na kita gusto. Mahal na kita Ally”mahabang sabi nito bakas sa bawat salita na binubulalas nito ang sinceridad at katotohanan dama ko ang bawat hagod sa puso ko ng mga salita nito. Akmang sasagot na ako pero nagsalita ito ulit.

“I’m sorry mabilis ako ata. But wala naman sa oras, araw, buwan o taon ang haba ng pagsasama bilang requirements para mag mahal babe. Ako basta nararamdaman ko na paulit ulit kitang hinahanap, hindi ako mapakali kapag-alam kung galit ka sa akin. Paulit ulit akong nag toothbrush kasi baka mabahuan ka sa hinga nga. Halos ipaligo ko ang pabango para paglapit ko sa’yo wala kang rason na layuan ako at nagagalit ako pag may umaaligid sa’yo na iba selos na selos ako kahit wala akong karapatan. Kaya Ally babe ko bigyan mo na ko ng karapatan para akin ka na at wala ng makaepal pa” mahabang banat ni Logan napanganga ako sa mga sinabi n’ya akalain ko ba na sa gwapo n’yang ‘yan na praning ‘din pala s’ya at halos matawa ako ng bongga ng sabihin nito na bigyan ko na s’ya ng karapatan hanggang ngayon naman ay yakap n’ya pa ako at dahil doon wala pa man akong sagot ay binigyan ko ito ng isang yakap doon ko patatawirin ang ibang mga salita na hindi ko pa masabi. Inihilig ko ang aking ulo sa dibdib nito.

Peace, Love, Happiness at Contentment lahat ito naramdaman ko sa bisig ni Logan ang mga tanong ko at iba pang gumugulo sa isip ko napawi ng yakap at mga salitang binitiwan nito. Hindi ko akalain na may lalaki pa lang mag pagpaparamdam nito sa akin at masasabi kong tunay na kay sarap pala sa puso ang may magtangi sa’yo higit pa sa inaakala at gusto mo.

“Logan sana nga hanggang dulo may tayo”bulong ko na alam kong ako lang ang nakarinig kasabay ng pagtangay ng hangin sa salita na aking hiling..