Chapter 18. Sunset
Masayang masaya ako na pumayag s Ally sa inalok ko na manood kami ng sunset at makapag-usap na alam ko naman na mali ako kaya gusto ko na itama na ang lahat. Nang mag oo s’ya tumawag ako kina Nay Lita at Tay Pilo para makapaghanda sa mga kakailanganin namin mamaya. I want that moment to be extra special. Ibibigay ko ang lahat ng dahilan para s’ya magtiwala sa akin at papasukin na ako sa mundo n’ya. Magmula kanina na makapag-usap kami ay hindi ko matiis na mawaglit man lang ang tingin sa kanya. Sinusubaybayan ko s’ya sa bawat kilos n’ya hind ko alam pero aliw na aliw ako pagmasdan ang napaka amo at ganda n’yang mukha pero alam ko behind those characteristic may nakatago pa na ibang pagkatao n’ya pero wala akong pakialam.
Nagsimula na mag uwian ang mga kasama namin tuaas ang level ng excitement ko gusto ko na masolo s’ya para magkaroon ng pribadong pag uusap at intindihan. Kani-kanina lang dinala na ni Tay Pilo ang mga kagamitan na gagamitin namin mamaya pati ang mga pagkain na niluto ni Nay Lita na check ko naman at kumpleto na nga iyon. Huling huli na umalis si Mang Gimo at sinabihan pa ako na lakas ang loob ko at sana daw maibalita ko na maayos na kami ni Ally. Ako man gusto ko na angkinin s’ya bilang akin ‘yung may karapatan na ako mag selos, mag-react sa t’wing may aaligid sa kanya at pinaka gusto ko ibahagi n’ya sa akin ang mga iniisip n’ya maging ang nararamdaman kahit saloobin n’ya. Gusto kong maging bahagi ng buhay ng isang Cristine Ally Perez pakiwari ko obligado akong alagaan at mahalin s’ya ng lubusan at tapat and yes tama kaya hindi ko lang basta gusto ang babae na ito mahal ko na s’ya hulog na hulog na ako sa kumunoy hindi na ako makakaahon tanging si Ally lang ang magsasalba sa akin.
Pinagmasdan ko ito na pumasok sa loob ng kubo, masipag talaga ang babe ko mukhang inaayos na naman n’ya ang mga gamit doon. Kaagad akong pumasok mukhang ‘di n’ya ako na mamalayan siguro ay okupado ang isipan n’ya alam ko kasi malakas ang pandama. Reckless ang action na ito baka masapak pa ako pero mabilis kong inagaw ang pisi na hawak nito gamit namin ito sa pagbabalag ng mga gagapangan ng pananim.
Mukhang gulat na gulat nga ito pero ng bumaling ito sa akin halos kapusin ako ng hingi ng halos mag lapat na ang aming mga labi. Nginitian ko ito ng buong puso natutuwa ako sa reaction n’ya alam kong naapektuhan s’ya sa akin alam ko rin naman na pinipigilan n’ya ayaw n’yang ipahalata sa akin pero hindi naman ako pinanganak kahapon alam ko ‘yun ang cute talaga. Nagmamadali naman itong umiwas ngunit napatid ito mabilis ko naman itong sinalo at nagpapasalamat sa akin. But those words na sinabi ko I mean it, hindi ako papayag na sa iba s’ya mahulog o mapunta dapat sa akin lang.
Inakay ko na ito palabas ako naman na ang magtutuloy ng pagsasalansan ng mga gamit sa loob medyo natagalan nga ako. Matapos ko naman gawin ang pag aayos lumabas ako nakita ko ito na malayo ang tanaw gaya kanina ‘di naman ako nito napansin na katabi n’ya na mukhang nadadalas ang pagkagulat n’ya. Nang tingin ko ay okay na siya inaya ko na pumunta kami sa spot kung saan namin papanoorin ang paglubog ng araw. May karamihan ang mga dalahin ko nag offer pa ito ng tulong pero ayoko gusto kong pagsilbihan ang babae na ito na kauna-unahang nag pawala ng tamang sirkulasyon ng puso ko. Narating namin ang lugar kaagd ko binaba ang mga gamit na dala ko pero na pansin ko ang pananahimik ni Ally na bother ako kaya naman nilapitan ko at tinanong.
“Babe okay ka lang? Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo ba umuwi?” Sunud sunod ko na tanong sa babae habang taimtim ko itong minamasdan para bang nagbabalik tanaw ito.
“Okay lang ako na alala ko lang ang pinaka espesyal na tao sa buhay at sa puso ko”sabi ng ng babae na nakatingin sa malawak na espasyo ng lupain. Kaagad ako nakaramdam ng inggit kaya ba siguro ayaw n’ya ako paniwalaan dahil siguro bago s’ya umuwi dito ay meron ng iba sa puso n’ya pero hindi naman ako titigil kukunin ko ang pwesto ng kung sino man na iyon maging akin alng s’ya. humarap sa akin ang babae at nagsalita muli at hindi ko akalain nabubuksan niya ang buhay n’ya para sa akin.
“Si Ate,” ito pa lang ang nasasabi n’ya gusto ko ng suntukin ang sarili ko dahil kung anu-ano agad ang iniisip ko sa kanya. Hindi naman ako kumibo hinayaan na makapagsalita s’ya ng diretso.
“S’ya lang kasi ang pamilya ko na kinagisnan walang Nanay at Tatay s’ya ang lahat sa akin Logan ang lugar na ito ang huling lugar kasama ko s’ya dahil ng sumunod na araw iniwan n’ya na ako. Iniwan na ako ng kaisa isang tao na nag aaruga sa akin, nagmahal at pumuno ng pagkukulang sa buhay ko noong bata ako.”Halos ramdam ko ang bawat kataga na sinasabi ni Ally mali man pero naiinggit pa ako sa kanya sa kanya may nagparamdam sa isa sa kapamilya n’ya ako wala napatuloy ito.
“Matapos n’yang nawala Logan mag isa lang ako mula rin ng mawala s’ya at umalis ako rito at hanggang makabalik ito palang ang unang beses na aapak ako muli sa bahaging ito ng lupain namin” Hindi na itinago ni Ally ang mga luha na kumawala sa kanyang mata hindi ko alam na may ganitong parte ng buhay ang dalaga mas tumatag ang dahilan ko para mas alagaan, protektahan at ariin s’ya gusto ko s’yang maging masaya kasama ko sa piling ko lang. Mabilis ang naging galaw ko parang alam ng katawan at utak ko na dapat kong yakapin s’ya iparamdam na kahit kailan hindi na s’ya mag iisa.
“I’m sorry babe, Nag isip pa ako ng iba kung sino ang special na ‘yun. Ako man babe longing for something buo ang pamilya ko but I never felt na meron akong Ama at Ina”buong tapat nasabi ko sa babae hindi ko ito basta sinabi para makisimpatcha kundi isang paraan ng pagbubukas ko sa akin papunta sa kanya.
“Your so lucky dahil sa katauhan ng Ate mo may nagmamahal sa’yo. Ganito lang isipin mo babe na maswerte ka pa rin dahil makakahanap ka pa magmamahal sa’yo, ay ‘wag na pala babe kasi narito na ako. At alam mo ang swerte ko rin dito kasi ako dinala ng paa ko papunta sa’yo. Ally totoo ang ako sa lahat ng pinapakita ko sa’yo hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa inaya kita rito to say sorry for what I did. Gusto ko din na malaman mo kahit ayaw mo liligawan kita kasi sa tingin ko hindi na kita gusto. Mahal na kasi kita Ally” halos hindi yanigin ako ng kaba habang sinasabi ko ito sa kanya this is first time na umamin. No una ko itong pag ibig ganito pala ng hindi sumagot si Ally nagsalita ako muli pakiramdam ko kulang ang pag kumbinsi ko sa kanya hindi ako susuko.
“I’m sorry mabilis ako ata. But wala naman sa oras, araw, buwan o taon ang haba ng pagsasama bilang requirements para mag mahal babe.” Puno ng pag-kumbinsi ko babae hindi ko nga alam kung s’ya ba ang kinukumbinse ko o sarili ko.
“Ako basta nararamdaman ko na paulit ulit kitang hinahanap, hindi ako mapakali kapag-alam kung galit ka sa akin. Paulit ulit akong nag toothbrush kasi baka mabahuan ka sa hinga nga.” hirrit kon pa sinamahan ko ng biro kasi ‘yung tensyon ko umaapaw na sobra.
“ Alam ba Halos ipaligo ko ang pabango para paglapit ko sa’yo wala kang rason na layuan ako at nagagalit ako pag may umaaligid sa’yo na iba, selos na selos ako kahit wala akong karapatan.” Tapat na pag amin ko wala pa ring imik ang babae pero hindi kami nag bibitaw sa yakap.
“Kaya Ally babe ko bigyan mo na ko ng karapatan para akin ka na at wala ng makaepal pa” makapal na kung makapal pero pakiramdam ko it’s now or never kay Ally ko lang naramdaman na ma conscious, ma insecure mag isip kung may kulang sa akin o kahit pa ganito ako alam ko maraming naghahabol sa akin pero kay Ally pakiramdam ko kulang ako hindi sapat para sa kanya. Halos wala na nga akong masabi pero parang bula na wala ang lahat ng alalahanin ko ng gumanti ito ng yakap sa akin at bahagyang ihilig ang ulo sa dibdib ko parang isang proposal ko sa isang ng pinakasikat na negosyante ang na aprubahan hindi ko akalain na sa ganito lang pala papatak agad ang luha ko.
“I’ll take it as yes babe”bulong ko habang magaan na hinalikan ang buhok nito. Bigla akong na mangha ng makita ko ang anino namin dahil nga sa unti unti ng bumaba ang araw kasabay noon ang pag bulong sa akin ni Ally ng “Subukan natin Logan” Hindi ka agad ako nakapag react dahil sa sobrang gulat at saya parang dream come true. Ganito lang pala kababaw ang isang Logan Lior Yu. Inaya ko na ito maupo sa kumot na dala ko at saka ko sinimulan na ilagay ang mga dala kong pagkain inilabas ko ang portable light gabihin man kami gusto ko rin na mamasdan namin ang mga bituin. Marami pa akong gustong malaman tungkol kay Ally at aalamin k ‘yun habang magkasama kami. Siguro kaya kami pinagtagpo dahil iisa ang dalangin namin.
“Grabe ka Logan ang daming pagkain na dala mo nakakahiya kay Nay Lita mukhang pagod ‘yun sa dami nito na pinahanda mo. Thank you Logan” sabi ni Ally para makabawi sa naging drama moments namin at mukhang nahihiya na naman ngayon ito ang isa sa gusto ko sa kanya nahihiya kahit na sobrang tapang naman talaga.
“Babe ‘yung about sa sunrise at sunset na sinabi ng Ate mo alam ko ‘yun may nagsabi na sa akin ‘di ko lang maalala, pero bibigyan ko ng bagong meaning para naman may originality tayo. Sunset gusto ko ito kasi ang ibig sabihin napagtagumpayan ko, natin ang isang buong araw na puno ng hamon na magkasama tayo at sunrise naman para magsimula ulit tayo na magkasama kahit ano pa ang haharapin natin, hayaan mo sana akong maging bahagi ng bagong buhay at simula mo anb be one of the reason for you to live and continue to go on. and vise versa . Ally ikaw na mag mula ngayon ang lakas at pahinga ko. I will let you be my captain in my shift. Kasama ka na sa byahe ng buhay ko.”Buong puso ko nasabi sa dalaga hindi ako mabulaklak magsalita but those words ay bukal na lumabas sa aking bibig galing sa aking puso. Sa ngayon handa naman ako hintayin si Ally, pero wala na akong hahayaan na makalapit pa sa kanya.
“Are you sure Logan? Baka hanggang salita ka lang iwan mo rin ako?”sabi ni Ally puno ng iba’t ibang emosyon ang mata.
“Sure baby”Simpleng sagot ko lang pero nag ningning ang mata n’ya kasabay ng ng unti unting pagpatak ng luha at pagtango.