NAGULAT pa siya ng makita niya ang mga kalalakihang nakaitim sa loob ng building nila. Nagtataka niya iyong tinitigan, isang kasamahan niya ang hinila na siya papasok sa loob ng elevator, “Dalian mo Claire! Hinahanap ka na sa office, kaya nga inabangan na kita,” sambit ni Letty.
“Bakit ba? Ano bang nangyayari?” naguguluhan rin niyang tanong.
“Hindi ko rin alam, basta bilisan mo na at pumunta ka sa conference room, may naghihintay sa iyo ro’n,” sabi ni Letty.
Nang makarating sa nasabing room, kinakabahan man, pinilit na lang niyang buksan ang pintuan. Nakita niya ang isang tao na nakaupo sa upuang nasa center table kaya lang ay nakatalikod ito.
Ang akala niya ay ang manager nila iyon, kaya naman lumakad siyang palapit, at umupo sa upuang malapit sa lalake. “S-Sir, ipinatawag niyo raw po ako?” deretsong tanong niya kahit na ang totoo ay dinadaganan ng takot at kaba ang dibdib niya.
Pumihit ang swivel chair na inuupuan nito, at nanlaki ang mga mata niya nang makitang ibang tao pala ang nakaupo roon, napatayo siya, “S-sino po kayo?” tanong niya sa lalakeng ng mga oras na iyon ay nakatitig sa kanya ng masama.
“Ang bilis mo namang makalimot!” mahinang bulalas nito sa kanya. Sabay tayo sa pagkakaupo. “Hindi mo ba ako naalala?” tanong nitong muli na bahagyang ngumiti, iyong ngiting nang-uuyam.
Marahan naman siyang napailing sa binata, hindi niya maisip kung saan ba niya ito maaring nakita? “S-Sorry Sir, hindi ko po talaga maalala e, saan nga po ba tayo nagkita?”
“Ako lang naman iyong lalaking sinukahan mo ng mabahong laman ng bituka mo! Iinom-inom ka kasi hindi mo naman pala kaya!” napahamapas ng malakas ang palad nito sa lamesa. Tiningnan na naman siya nito ng tingin na para bang lalamunin siya nito ng buhay.
Napapikit na lang siya ng mariin, alam niyang nasaktan ito sa ginawang paghampas sa lamesa, ngunit hindi na lang nagpahalata. “S-Sorry sir, hindi ko po sinasadya, patawarin mo ako!” nanginginig ang tinig niyang sabi sa lalaki, habang yumuyukod pa.
“Sa tingin mo may magagawa ang sorry mo,” tanong nito.
“Kung ganoon po ano po bang ka-kailangang kong gawin para makabawi po sa kasalanan ko sa iyo?” tanong niya.
Huminga muna ito ng malalim at saka tumitig sa kanya mula ulo hanggang paa. “P’wede ka na, hindi na ako mamimili kasi nagmamadali ako, saka ikaw na ang may sabi, NBSB ka pa, ibig sabihin virgin,” sabi nito na seryoso ang pagkakasabi sa kanya ng salitang virgin.
Kinakabahan siya kaagad, napayakap sa sarili niya at tiningnan ng masama ang lalake. “Ano po bang binabalak mo sa akin? Sisigaw po ako rito!” naibulalas niya. Umatras pa siya, nang humakabang ang isang paa nito.
“Ano namang iniisip mo? Pagsasamantalahan kita rito? Hoy! Ikaw ang may atraso sa akin!” sigaw nito sa kanya, sabay duro.
“Hindi naman dahilan iyon para gawan mo ako ng masama sa mismong opisina pa namin!” nasabi niya kahit na kinakabahan siya lalaking ito.
“Tumigil ka! Ambisyosa, kailangan ko lang naman ng isang babaeng magpapakasal sa akin, iyon ang bilin ng Lolo ko sa testamento niya, kinakailangan makapag pakasal ako sa isang babaeng hindi pa nagka-boyfriend kahit kailan, at ang akala ko walang ganong babae sa mundo!” nasabi nito sa kanya.
“Hoy! Mr, kahit na ganyan ako, hindi ako desperada para magpakasal na lang sa iyo ng basta no!” singhal pa niya. Tinangka na niyang lumabas ng lugar na iyon. Ngunit hindi niya mabuksan ang pintuan.
“Hindi tayo lalabas dito hanggang walang close deal na nagaganap sa ating dalawa,” sabi pa nito na nag-cross arms pa. Bumalik ito sa pagkakaupo sa swivel chair kanina.
“Hoy Mr! Mali itong ginagawa mo, p’wede kitang idemanda.”
“Sige magdemanda ka, pero ang buong kumpanyang ito, ipapasara ko, hindi na mag-i-invest ang kumpanya namin rito, malulugi ang kumpanyang ito at maraming mawawalan ng trabaho, pati pamilya mo p’wedeng madamay,” banta pa ng mayamang lalake.
“Buwiset na buhay to! Kasalanan na pala ngayon ang pagiging NBSB! Sana pala kahit sino na lang ang nanligaw sa akin noon, sinagot ko na lang!” naiinis niyang nasabunutan ang sarili niyang buhok, na hanggang balikat lang.
“Bukod sa pagkikita natin sa resto bar kagabi, wala ka nang natatandaan na nagkita tayo? Sa ibang lugar? O sa lugar kung saan ka nakatira, o nagtatrabaho?” mahinang natanong ng lalake.
“Teka nga muna sino kaba? Sige nga anong pangalan mo baka maalala pa kita?” tanong niya sa binata.
Ngumiwi na lang ang binata sa kanya, at naiiling na pinakatitigan pa siya, “Never mind! Ano deal or no deal?”
“Anong mangyayari kapag hindi ako pumayag?” natanong niya.
“Kagaya ng mga sinabi ko kanina, lahat iyon pwedeng maganap, including your family p’wedeng madamay,” saad ng binata.
“At kung pumayag ako?”
“Ikakasal tayo, pero dadaan ka pa sa masusing check up, para mapatunayan naming virgin ka, NBSB sabi mo nga,” paliwanag pa nito.
“Paano kung ayaw ko,” napapangusong tanong niya.
“Kung lalabas sa mediko legal na ayos ang lahat sa iyo, ikakasal na agad tayo, makakatanggap ang pamilya mo ng twenty million pesos, at ikaw rin, papasok iyan sa sarili mong account, at dadalin mo ang apelidong Villa Cruz ng ilang taon, kapag namatay si Lolo, pwede na tayong maghiwalay, kung hindi naman bigyan mo ako ng anak, makakalaya kana,” paliwanag pa nito.
“Tingin mo iiwan ko ang magiging anak ko sa ’yo, kung sakali man?”
“Nasa iyo ‘yan, kaya lang huwag kang mag-e-expect na maamahalin din kita kung sakaling ma-in love ka sa akin,” mayabang nitong sabi sa kanya.
Tumingin ito sa suot na relo, at muling tinapunan siya ng ngiti. “I think kinakailangan mo nang sumailalim sa mga test bago ka pumayag,” sabi pa nito sa kanya. Sa isang pitik lang ng mga daliri nito, bumukas ang pintuan, at kinuha siya ng ilang kababaihang naka itim din. Pilit siya nitong isinama palabas ng conference room.
Takang-taka naman ang mga kasamahan niya sa opisinang iyon, at ang iba ay nag-aalala pang sinundan siya ng tingin. Ngunit nilinaw naman ng management nila na walang masamang mangyayari sa kanya.
“Huwag na kayong mag-alala, mamaya ay makakauwi rin si Claire sa bahay nila, hindi n’yo na kailngang gumawa ng anomang hakbang.