Chapter 32-Ang totoo
Hindi ako nakatulog ng maayos ng araw na 'yon, kung ano-anong pumapasok sa isipan ko. Bakit ganito ang mga nangyayari? Sana ay masolusyunan kaagad ito. Sana ay ligtas si Paizel. Kakasuhan kaya ako ni Tita Alyza?
Namalayan ko na lang na tumutulo na ang luha ko at basa na ang unan ko, pinunasan ko ito kaagad. Sinakop ng tunog ng cellphone ko ang buong kwarto, may tumatawag dito. Agad ko itong kinuha at sinagot, hindi ko man lang tiningnan kung sino ang tumawag.
"Hello?"
"Yexie?"
Napaupo ako sa kama ng marinig ang nagsalita sa kabilang linya. Si Kavez 'yon!
"Kavez?" hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Nakita namin 'yong footage ng cctv sa condo natin, nalaman namin kung anong totoong nangyari."
Hindi ako sumagot, wala akong makapang salita.
"Are you okay? Hindi ko napansin na nagkaroon ka pala ng sugat."
Napatingin ako sa sugat ko at tinanggal ang telang nakatabing dito. Ngayon ko lang naalala 'yon, hindi ko pa pala ito nagagamot. Naging manhid ata ako at hindi ko na naramdaman ang sakit niyon.
"Okay lang," mahinang sagot ko.
Napabuntong-hininga siya, rinig na rinig ko 'yon.
"I'm really sorry if hindi ko nasabi sa'yo ang totoo. Gusto ko sanang ipaliwanag na kaso mas gusto kong magkausap tayo ng personal, Okay lang ba?" nag-aalinlangan niyang tanong.
"Sige," sagot ko habang tumatango na animo'y nakikita niya 'yon.
Basta na lang pumasok ulit sa isipan ko ang tanong na, kakasuhan kaya ako ni tita Alyza? Kamusta na kaya si Paizel? Hindi ko napigilang itanong iyon kay Kavez.
"Kavez? Kakasuhan niyo ba ako? Kamusta na si Paizel?"
"No, hindi ka namin kakasuhan. Okay na rin si Paizel, gising na siya. After a week she can go back home," paliwanag niya sa akin.
Ako naman ang napabuntong-hininga ngayon.
"Magpahinga ka na muna. Bukas tayo magkita, morning, saan mo gusto? Susunduin kita."
"Sa Lerte's beach na lang, 'wag mo na akong sunduin. May sasakyan na naman ako," sagot ko.
"Okay, bye. 43, 53, 93 Lar"
Hindi ko sinagot ang sinabi niya basta ko na lang binaba ang tawag.
Kinabukasan ay maaga akong gumising para maghanda. Gusto ko ng malaman ang katotoohanan at kung anong paliwanag ang gagawin ni Kavez. Agad akong lumabas matapos mag-ayos. Hindi na ako nagpaalam, wala naman sina mommy at daddy.
Napamaang ako ng makita si Sercide sa labas ng gate namin. Dali-dali akong lumapit sa kaniya. Hindi ko inaasahan ang gagawin niya, niyakap niya ako! Kahit na nagulat ako sa biglaang ginawa niya ay niyakap ko siya pabalik. Ngunit mas hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa! Bigla ko na lang naramdaman ang labi niya sa akin. May narinig akong harurot ng sasakyan pero hindi ko 'yon pinagtuunan ng pansin dahil gulat pa rin ako sa ginawa ni Sercide, hindi agad ako nakakilos ngunit nang matauhan ay agad ko siyang itinulak.
"Sercide?!" tumaas ang boses ko.
"Okay ka lang? Nasaktan ka ba sa nangyari noong isang araw?" tanong niya, hindi pinapansin ang pagsigaw ko.
Dahil sa init ng ulo ko ay mas lalong tumaas ang boses ko sa kaniya, "Sercide, ano bang ginawa mo?! Kung wala ka ring matinong gagawin umalis ka na lang?!" tinuro ko pa ang daan paalis.
"Sorry," 'yon lang at pumasok na siya sa kaniyang sasakyan at umalis.
Malalim akong humugot ng hininga. Sumakay ako sa kotse at pinaandar ito papunta sa tagpuan namin ni Kavez.