Chapter 30: In Love
Cairon noticed Derin’s blush everytime he looked at her and whenever their eyes met. Kasama nila ang mga bisita nitong magkatipan sa agahan, pati na si Tita Este niya. Dahil parehong aktres ang tiyahin at ang kaibigan ni Derin ay magkasundo ang mga ito at maraming napagkukuwentuhan. Si Jace naman ay sumasali sa mga ito at nalaman niyang isa pala itong assistant director.
No wonder how the love birds met.
Napangiti pa siya sa sarili nang simpleng ikiniskis niya ang isang paa sa binti ni Derin sa ilalim ng mesa. Nakatsinelas lang naman kasi siya at naka-shorts ito. Bigla na lang itong parang nanigas sa kinauupuan at pasimpleng tinapunan siya ng isang matalim na tingin bilang babala.
“Derin mentioned a beach somewhere around here.” Si Gretchen ang nagsalita.
Kapwa sila napatingin sa Amerikanang nasa tapat ng dalaga katabi ang mapapangasawa nito na nasa kanang bahagi niya. Sa kaliwang bahagi naman niya ay ang dalaga at ang tiyahin habang nasa kabisera siya nakaupo.
“Uh, yeah. There’s a resort, which is owned by a friend. I’ll show you there,” presinta niya sa Amerikana.
“Great, thanks, Cairon! I think we’ll have the best vacation here. We’re really grateful to you and Estela for being so hospitable… and it’s unplanned to boot!” natutuwang turan ni Gretchen.
Dahil weekend naman ay napilit nila si Derin na magkaroon ng break sa trabaho nito. Sabi kasi ng tiyahin niya ay noong wala siya sa mansion, kahit weekend ay nagtatrabaho ito nang walang pakundangan. Para na ngang gustong ma-guilty ng tiyahin niya. Baka kasi sabihing slave driver ito gayong hindi naman.
“I just want to make the story better, Estela,” ang depensa ni Derin nang nakangiti. “After all, you pay me for it. I should thrive for quality, shouldn’t I?”
Habang busy ang magkatipan sa paggalugad sa beach resort at may planong magpakalunoy dahil sa masarap na temperatura ng tubig-dagat ay isinama naman ni Cairon si Derin sa isa sa mga cottages na nirentahan niya para sa kanilang dalawa.
Taliwas sa kanyang paniniwala noon, napagtanto niyang hindi pa rin nawawala ang pagnanasa niya sa dalaga kahit na naangkin na niya ito. Sa halip ay kabaliktaran ang nangyari. He wanted her even more and more with each passing hour, from the moment he woke up and found her missing. Iyon pala ay tumakas ito sa silid niya para doon na ito sa sariling silid masikatan ng araw. Baka kasi nahihiya itong malaman ng mga kasama nila sa bahay na magkasama sila sa silid niya nang magdamag. At alam na alam niyang hindi panaginip ang nangyari sa pagitan nila nang dahil sa mantsa ng dugong nasa bedsheet niya.
Hinalikan niya ang dalaga sa labi pagkapasok lang nila sa cottage. Bahagya siyang itinulak nito.
“T-teka lang, Cairon. Ano’ng ginagawa mo?” anito sa kanya nang nakasimangot.
Ang kamay nito ay nakatukod sa maskulado niyang dibdib. Ang isang kamay naman niya ay nakatukod sa dingding na gawa sa kahoy at ang isa ay nakapulupot sa maliit nitong baywang at bahagya yaong pinisil-pisil. Idinikit niya pa ang kanyang matigas na harapan sa puson ng dalaga saka ikiniskis doon nang marahan at sobrang erotiko.
Ngumisi siya sa dalaga. “Do you still have to ask, sweet lips?” Hinalikan na naman niya ito sa labi. Subalit itinulak siya nitong muli. “What?”
“Baka hahanapin ako nina Gretch at Jace,” tutol nitong nakasimangot sa kanya. Iniwas pa nito ang mukha.
“They’re busy exploring the resort. You know that. It’s better to leave them alone, and we are going to do something sweet and hot together in the meanwhile,” lambing na tugon niya at hinalikan ang leeg nito. “Gusto ka na talaga ni ‘junior’ ko, eh, o,” sabi niyang idinikit pang lalo ang naninigas na harapan sa puson ng babae.
Napasinghap tuloy ito. He took advantage of it and kissed her right on her sweet lips. His tongue invaded her mouth, sought, and teased her tongue for a deep, wet, hot, and passionate kiss. He really loved her taste. So freaking sweet! And he loved her. Yeah, he was so freaking in love with her. Now, it was clear, and he admitted it.
“Cairon…” her sigh in surrender.
His hands roamed all over her soft, silky body. Agad niya itong hinubaran at sumunod na rin siya. Lumuhod siya sa harap nito at ikinawit ang isang binti nito sa kanyang balikat saka sinimulan ang pagsamba rito.
Nilanghap niya ang mabini nitong bango bago hinalikan at dinilaan ang maliit nitong talukbong. Pinaikot-ikot niya ang kanyang dila. Pagkatapos ay dinilaan niya ang siwang nito mula sa ibaba papunta sa itaas.
Paulit-ulit.
Ilang saglit pa ay sinipsip na naman niya ang namimintog at sensitibong umbok nito. Nilaru-laro ng dulo ng kanyang dila at sinalitan sa pagsupsop.
Hindi magkandaugaga sa pag-ungol ang babae dahil sa sarap na dulot niya. Katulad ng dati ay gustong-gusto niyang marinig ito.
Napasabunot ang babae sa kanyang buhok. Bumaon ang mga daliri nito at ibinulong ang kanyang pangalan sa pagitan ng mga halinghing. Halos hindi na ito makatayo nang mabuti dahil sa isa lang ang paa nitong nakasuporta. Ang isang kamay nito ay napakapit sa seradura ng pinto at maya-maya ay napapaliyad at napapasabunot din sa kanya.
Dumaloy ang katas nito nang maabot ang tugatog ng kasiyahan. Sinimsim at dinilaan niya ito. Nilunok niya ang lahat na alay nitong nektar sa kanya. Bumuka ang bibig niya upang supsupin ang bunganga ng lagusan nito, pati na ang mapintog na talukbong. Nanginig ang katawan nito at batid niyang nanghihina ang mga tuhod nito ngayon.
Dinilaan niyang muli ang masarap nitong kaselanan at tumayo siya. Ibinaba niya ang zipper ng kanyang pantalon, pati na ang kanyang underwear hanggang sa kalahati ng kanyang hita. Kumawala ang kanyang kahandaan na agad niyang itinutok sa entrada ng dalaga. Katulad niya ay abot-abot ang hininga nito at kita niya ang pamumula ng mukha.
“I love your taste, babe,” bulong niya.
Habang magkahinang ang kanilang mga mata ay kapwa nakaawang ang kanilang mga labi. Mabigat ang kanilang hininga at saglit yaong tumigil nang umpisahan niyang pag-isahin ang kanilang katawan. Ibinaon niya ang kanyang matigas na kahabaan. Kasabay nito ay sinakop ng kanyang bibig ang bibig ng babae. Kapwa sila napaigik sa sarap at bumaon pa siya nang napakalalim. Sumagad nang maigi.
Nakakawit ang isang binti nito sa kanya at ang dalawang braso ay nakalingkis sa kanyang leeg. Siya naman ay nakahawak sa balakang ng dalaga. Pinisil-pisil niya ito habang naglabas-masok sa katawan nito.
Inikot-ikot niya ang kanyang sariling balakang at mas bumaon pang lalo sa pagkababae nito. Dahil dito ay muling napaungol ang dalaga. Nagbawi siya at saka bumulusok muli.
Paulit-ulit. Marahan. Malalim.
“Ohh… sh*t!” mura ng dalaga dahil sa sarap at napadaing na naman nang paimpit.
“You love it, huh, sweet lips?” mahinang aniya at binawi ang pagkalalaki saka nilaliman ang paghalik sa dalagang napaungol na naman nang bumaon siya sa kaibuturan nito.
Hinawakan niya ang isa nitong hita at saka pinakawit ang isa pa nitong binti sa kanya. Ngayon ay dalawang binti na nito ang nakayakap sa kanyang baywang at siya naman ay baon na baon sa katawan nito. Hawak niya ang pang-upo ng dalaga. Maya’t maya ay pinipisil niya ito kapag pumapasok sa masarap at masikip na lagusan nito.
Patuloy ang kanyang pagbayo nang malakas at pabilis nang pabilis. Umingit ang sahig na gawa sa kawayan sa bawat galaw niya. Dikit na dikit naman ang likod ng dalaga sa dahon ng pinto.
Hinalikan niya ang baba at leeg nito at pabalik sa labi. Binanatan niya ang pag-ulos nang mabilis hanggang sa inangkin niyang muli ang mga labi ng dalaga at napasigaw ito nang kapwa sila sumabog sa kaligayahan.
Alam na alam niyang hindi na naman sila gumamit ng condom, bagay na gawain naman niya sana. Subalit pagdating kay Derin ay gusto niyang walang sapin na nakahiwalay sa kanilang katawan. He wanted her raw, without a rubber.
‘Paano kung mabuntis ko siya?’ bulong ng isip niya, malakas ang pintig ng kanyang puso.
Inignora na lang niya iyon. He would cross the bridge when he would get there. He just wanted to enjoy her body and their encounters for now.
***
Sa mga nakalipas na linggo at buwan ay palaging umuuwi sa Sta. Ignacia si Cairon kapag weekend. Siyempre binibisita niya ang kanyang mahal na si Derin. Palagi niya itong pinapasalubungan ng kung anu-ano na lang tulad ng sangkatutak na bulaklak, hamper, seksing damit, alahas, sapatos, libro, at kung anu-ano pa.
Masaya naman siyang tinanggap ng dalaga ang mga iyon na may ngiti. Para na siyang lumilipad sa alapaap sa tuwing nakikita ito.
Naniwala at napaisip si Cairon na lahat ay perpekto sa pagitan nilang dalawa. Naisip niya ring bago ito aalis sa weekend ay sasabihin na niya ang totoo rito. Kukumpisal na siya sa tunay niyang nararamdaman⸺na mahal niya ito. Ayaw na kasi niyang walang label ang relasyon nilang dalawa. Alam niyang karapat-dapat lang iyon para sa babae. Pero bakit nga ba pinatagal niya nang ganito? Dapat kasi sinabi na niya sa simula pa lang.
Paano naman kasi dinadaga siya kapag gusto niyang umamin. Sa loob-loob niya ay natatakot siya sa maaari nitong sagot o reaksyon man lang kaya naman ipinapakita na lang niya sa pamamagitan ng mga regalo at sa kung paano niya ito minamahal lalo na’t habang kaniig ito. Mas gusto niyang ipadama sa dalaga ang kanyang damdamin kaysa sabihin niya. Gago lang siguro siya.
“Yes, Cammy?” Sinagot niya ang tawag nito nang kunot-noo.
Narinig niyang umiiyak ang babae sa kabilang linya. “Help me, Cairon. I don’t know what to do. I’m pregnant!”
“What? You’re pregnant?”