Chapter 22: Akyat

Hindi makapaniwala si Cairon sa narinig mula sa dalaga. Marahas niyang tinanggal ang kanyang sunglasses habang lumalaki ang butas ng kanyang ilong.

“What the hell are you saying?” Hinagod niya ito ng tingin to make his point. Sana naman ay makuha nito ang kakulangan ng suot ng babae. “Sa ayos mong ganyan? Gusto mo bang magpaboso sa mga tauhan ko rito, ha?”

Napansin man niyang nagpipigil sa pagtawa si Mang Tacio ay hindi niya ito nilingon. Nakipagtagisan naman ng tingin sa kanya ang dalaga.

“What? Hindi, ah! Ba’t ‘yan ang iniisip mo? Ah, dahil iyan ang gawain mo, ‘di ba?” Nakapamaywang ang babae.

“That’s beside the point!”

“Eh, kung manghihiram ako ng maisusuot ko, hindi pa rin ba puwede?” pakli ng dalaga. Itinaas nito ang isang kilay. Halatang hinahamon talaga siya nito sa harap pa mismo ng mga trabahador niya.

“Eh, kung mahulog ka kaya? Ang taas ng puno, o!” Itinuro pa niya ang matatayog at matataas na puno ng papaya. Iisipin lang niyang mahuhulog ang dalaga ay hindi niya kaya. Ayaw niyang masaktan si Derin.

Ikinuros ng babae ang mga braso, magkadikit din ang mga kilay. “Marunong akong umakyat ng puno, ano? Hindi mo lang alam ‘yon!”

“When was the last time you climbed, huh? Was it even like a papaya tree?”

Umawang ang mga labi nito, hindi agad nakapagsalita. “It doesn’t matter! Pag-akyat ko ang pinag-uusapan natin dito!”

“Hell! Eh, kung ako na lang kaya ang akyatin mo? Mas safe ka pa!” Lumabas na iyon sa bibig niya at narinig niya ang bungisngisan ng mga tauhan pero wala siyang pakialam. Nakita niyang pinamulahan ng mukha ang dalagang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya.

“Ah, ang bastos mo talaga!” anitong itinulak siya palayo. Kulang na lang ay sampalin siya nito at natulig sana siya sa lakas.

Sinundan niya ng tingin ang nagmartsang babae, nilisan siya.

Agad rin siyang sumunod kay Derin.

“Hoy, bumalik na kayo sa trabaho. Tapos na ang palabas!” sigaw niya sa mga tauhang nagbubulungan at nagbubungisngisan.

Kilala na siya sa pagiging bastos ang bibig kaya natatawa na lang ang mga ito sa kanya. Pero mali nga yata talaga ang nasabi niya dahil hindi sanay ang dalaga. Dapat mag-sorry siya.

Natigil naman ang mga trabahador niya nang sumigaw siya at ganoon na rin ang ginawa ni Mang Tacio sa mga tauhan para bumalik na sa kani-kanyang trabaho ang mga ito. Sinenyasan ng matanda ang mga taong nandoon at tumalima naman na ang mga ito.

Sinundan ni Cairon ang dalaga. Halos magpapadyak itong naglalakad. Malamang dahil naiinis din ito sa kanyang sinabi. Lalo na sa kanya. Para siyang matawa. Para itong isang brat na hindi pinagbigyan ng ama kaya nagta-tantrum.

“Sorry na, Derin. Uwi na lang tayo,” himok niya sa babae.

Hindi ito umimik. Basta binigyan lang siya nito ng isang matalim na tingin. Ipinagbukas niya ito ng pinto at inirapan siya bago sumakay. Isinara na niya ang pinto at pumuwesto na sa driver seat.

Humugot muna siya ng hangin para ipasok sa kanyang baga. Naaamoy na naman niya ang bango ni Derin. It was really driving him crazy. Gusto na naman niya itong yakapin at halikan, ayaw pakawalan. Iyon nga lang ay hindi puwede. Alam niyang sa mood nito ngayon ay malamang bugbog ang aabutin niya.

Kahit paano ay alam niyang iyon ang mangyayari kung gagawin niya ang tulak ng laman. Kailangan niyang kontrolin ang sarili, bagay na hindi niya magawa bago pa niya nakilala ang dalaga. Noon, kapag may nagustuhan siya ay agad niyang ikinakama ang babae. Wala namang reklamo dahil mas gusto naman siya.

Kaya lang, iba si Derin. And he could not afford to screw this up.

“I’m leaving for Manila at dawn,” mahinang pagpaalam niya.

“So?” anitong hindi man lang siya sinulyapan. Nakatuon lang ang paningin nito sa harap nila.

“I’ll… miss you, sweet lips,” mahina pa ring wika niya.

Hindi ito nakapagsalita, nakaawang lang ang labi na napatunghay sa kanya. Ilang segundo lang ay napaiwas na ito ng tingin mula sa kanya.

Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. May sasabihin pa sana siya pero nagbago ang isip niya. Pinaandar na lang niya ang sasakyan at kumaway kay Mang Tacio na nagtaas ng kamay bilang sagot.

Pero imbes na umuwi sila sa bahay ay binaybay niya ang daan patungo sa kabihasnan. May maliit na restoran doon at naisip niyang dalhin doon ang dalaga para naman kahit paano ay makagala ito roon. Sigurado siyang hindi pa ito nakapunta roon kundi ay nilagpasan lang papunta sa mansion.

Napansin man ng dalaga na hindi sila pauwi ay hindi ito nagsalita. Mukha namang interesado ito sa mga nakikita.

***

Mga alas sais na iyon ng gabi nang mag-order si Cairon ng pagkain para sa kanila. Kilala siya sa restoran kaya naman maraming mga taong nakatingin sa kanila. Alam niyang pag-uusapan siya ng mga ito na may kasamang magandang babae. At siguro naman ay hanggang dito ay kumalat na ring nobya niya ito ayon sa ipinagkakalat niya.

“This place is nice. Thank you for bringing me here,” mabining sabi ng dalaga na ngumiti sa kanya nang matipid.

Mukhang nahimasmasan na ito sa pagtatampo sa kanya, sa tingin niya. Kaya naman ay napaangat ang isang sulok ng labi niya.

“D-dinala mo ba rito noon si Cammy?” kuryusong tanong nito at agad na nag-iwas ng paningin para kunwari ay tingnan ang nakabitin na mga ilaw. “Maganda kasi ang lugar. Tahimik.”

Ngumisi siya. “No.”

“Bakit?” kuryusong pa ring anito na hindi nakatingin sa kanya.

Lumapad ang ngiti niya. “Cammy thinks this place is cheap.”

Noon na ito napatingin sa kanya nang namimilog na mata. “Cheap?”

“Ahuh. She said so.”

“So, bakit ikaw…?”

“I don’t think this place is cheap. It’s just what it is. Besides, masarap magluto ang chef dito na siyang may-ari din.”

Tumango ito. “Ah. So, naglalagi ka rito?”