Chapter 2
Janelle's Point of View
Nagising ako dahil sa sikat nang araw.
'Err.. Ba't ang sakit ata nang katawan ko? Lalo na yung ano ko. Ano bang nangyari? '
Aalis na sana ako sa kama nang mapansin kong.... WALA AKONG DAMIT! AT MAY KATABI AKONG LALAKI NA GWAPO!
Errrrr! Gwapo mo mukha mo Janelle! Tignan mo nga ang nangyari sa'yo!
Oh no! I lost by V-card! Huhuhuhu! Ano ba kasing nangyari! Ang huling na-alala ko ay yung lalaking pervert na dinidilaan yung leeg ko! Hindi kaya...
Napatingin ako sa katabi ko.
Nope! Hindi siya yung pervert pero... Wahhhh! Yung v-card ko! Kailangan ko nang makaalis rito!
Dahan-dahan akong umalis sa kama at sinuot ko yung mga damit ko na nasa sahig. Dahan-dahan rin akong lumabas at pagkalabas ko..... RUN!
Nakalabas na ako at feel ko talaga yung sakit doon sa ano ko. Huhuhu. Yung v-card ko! Anong kagaguhan ba kasi ang ginawa ko! >_<
Bigla namang nag-ring ang cellphone ko kaya kinuha ko yun at sinagot.
"He-"
"Nasaan ka na bang babae ka?! Bakit hindi ka umuwi kagabi?! Lumandi ka na naman ba?! "
Inilayo ko ang cellphone ko sa tenga ko at tinignan kung sino yung caller.
Oh? Si bruha pala.
"Sumagot kang babae ka! "
"Oh? "
"A-ah! Anong oh?! Wala ka talagang respeto sa Mama mo! "
"Tapos? "
"Anong...! Umuwi ka ngayon din at paparusahan kita! Bakit hindi ka gumaya sa ate mo-"
In-end ko kaagad ang tawag ni bruha.
Maging katulad sa ate kong mang-aagaw nang jowa nang may jowa? Sinong pinapatawa mo?!
Agad akong nag-para nang taxi.
Andito na ako ngayon sa bahay at mula palang sa gate, kita ko na sa labas si bruha, papa, si ate at si tang*inang Ethan.
Nakita naman ako ni Ethan at agad siyang tumakbo papalapit sa'kin.
"Janelle! Thank god and you're alright. Saan ka ba nanggaling? Sobra akong nag-alala sa'yo kagabi" bungad niya sa'kin.
Nag-alala? Baka nga naka dalawang rounds kayo eh. Oh di kaya tatlo. Tsk.
"Ah ganoon ba? Sorry ah" pekeng ngiti kong sabi at pi-nat ang balikat niya sabay lampas.
Wala akong panahon para sa inyo! Hmp!
"Good Morning Pa" bati ko kay Papa sabay kiss sa pisngi niya.
Tinanguan naman ako ni Papa kaya bumaling ako kay Bruha at sa kanyang kanang kamay.
Tinignan ko lang sila saka nilampasan. Maliligo muna ako at nanlalagkit ako.
Nang matapos na akong maligo ay nadatnan ko naman sa bed ko si Ethan.
"Babe"
"Pwede bang umalis ka? Sumasakit yung mata ko kapag nakikita kita eh" inis kong sabi at nagulat naman si Ethan.
Well, hindi na ako yung dating Janelle na inlove na inlove sa'yo noh! Never na!
Lumapit naman siya sa'kin.
"Babe, bakit ang cold m-"
Napatigil naman si Ethan sa paglapit sa'kin at gulat na gulat habang nakatingin sa may bandang dibdib ko kaya napatingin naman ako at shit! May kiss mark! Langyang lalaki yun ah!
Nagulat naman ako nang biglang hawakan nang mariin ni Ethan ang balikat ko at sobrang sama nang mukha niya.
"You! You dare to cheat on me?! Hindi pa ba sapat ang pagmamahal na binigay ko?! You're a bitch! " galit na sabi ni Ethan at sinampal ako sa kanang pisngi ko.
Napahawak naman kaagad ako sa pisngi ko at tinignan siya nang masama.
Sinipa ko naman yung ano niya kaya napa-luhod naman siya. Hinawakan ko ang collar niya.
"No. You DARE cheat on me"
Nakita ko namang nagulat siya sa sinabi ko at magsasalita na sana pero inunahan ko na siya.
"What? Akala mo di ko malalaman na may relasyon kayo nung bruha kong kapatid? Na hindi ko malalaman na balak niyang magka-anak kayong dalawa para hindi siya ipakasal sa isang matanda? Ha! Ang tanga mo lang! " sabi ko at sinuntok siya sa mukha na dahilan para mawalan nang malay.
Hmp! Ako pa talaga ang niloko mong lalaki ka?! Hindi mo ba alam na magaling ako sa labanan? Tsk!
Hinawakan ko naman yung isang paa niya at ginuyod ko siya papalabas nang kwarto ko.
Tae! Ang sakit nang ano ko! Kapag nakita ko ulit yung lalaking yun, bubugbugin ko talaga siya! Peste!
Pagkatapos kong magbihis ay pumunta na ako sa sala. Nakita ko naman si Papa, si bruha, si bruha 2. 0 at si Ethan na nakahiga sa couch at wala pa ring malay.
Bagay yan sa'yo! Ahmp.
Nang makita ako ni bruha 2. 0, lumapit siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko.
"Sis, anong nangyari kay Ethan? Nakita siya nang mga maids sa labas nang kwarto mo na walang malay" inosenteng sabi niya.
"Ah? Siguro may ginawa siyang mali kaya inuntog niya yung ulo niya sa pader nang kwarto at nawalan siya nang malay" pabalang na sagot ko sa kanya at nilampasan ko siya.
Tinawag naman ako ni Papa kaya lumapit ako sa kanya.
"Bakit pa? " tanong ko.
"Bibisita dito si Mr. Gutierrez kaya you should be behave" si bruha ang sumagot.
Ikaw ba tinatanong ko? Papa kita? Tsk.
"Bakit ako ang pinagsasabihin mo? Bakit hindi si Ate eh siya naman yung fiancé" taas-kilay kong tanong kay bruha.
Nakita ko namang umiba yung expresyon sa mukha niya.
"Oo nga. Bakit hindi si Janine ang pinagsasabihan mo niyan? " tanong naman ni Papa kay bruha.
"A-ahh ano... May boyfriend na kasi si Janine kaya si Janelle na ang magiging asawa ni Mr. Gutierrez. Oo nga. Yun yun" pagdadahilan ni bruha.
Nako naman! Ang pangit naman nang dahilan niya! *iling*iling*
"Pero may fiancé na si Janelle.. " si papa naman yan.
Mukha namang wala na siyang magawang dahilan kaya I'll save for the embarrassment this once.
"Papa, it's okay. I'll marry him" sabi ko kay Papa.
"But what about Ethan? " tanong ni Papa habang nakaturo sa walang malay na Ethan.
"Ah yan? Hiwalay na kami niyan kahapon pa"
Magtatanong pa sana si Papa pero bigla nalang dumating ang isang maid.
"Sorry to disturb you Sir. Mr. Gutierrez has arrived" sabi nung maid.
Tinawag naman ni Papa yung mga guards namin at pinapa-buhat si Ethan para doon siya sa kwarto.
May bigla namang pumasok na mga lalaki at isang matanda.
Yan na ba si Mr. Gutierrez? Di ko aakalaing sobrang tanda na niya.
Tumayo naman kaming lahat at binati sila.
"Good Morning Mr. Gutierrez. Thank you for visiting us today" bati ni bruha at yumuko naman kami.
"A-ah.. No no.. I'm not Mr. Gutierrez. I'm his butler, Rodolfo" sabi nung matanda na hindi pala si Mr. Gutierrez.
Ho! Kinabahan ako dun ah..
Pumunta naman sa gilid si Mr. Butler at may isang gwapong lalaki na papunta sa direksyon namin.
"He's Mr. Gutierrez. Alijandro Gutierrez " pakilala ni Mr. Rodolfo doon sa gwapong lalaki at ngayon ko lang napansin na...
SIYA YUNG LALAKING KUMUHA NANG V-CARD KO!