Chapter 3
Janelle's Point of View
Oh no! Ganito na ba ako kamalas?!
"O-oh... So you're Mr. Gutierrez. Well, please take a seat" pilit na ngiting sabi ni bruha.
Sad ata si bruha.
Umupo naman si Mr. Gutierrez sa tabi ko! Kinakabahan na ako! Huhuhu!
"H-hi Mr. Gutierrez. I'm Janine Juario. Nice meeting you" ngiting sabi ni bruha 2. 0 at inilahad ang kamay niya pero tinignan lang ito ni Mr. Gutierrez.
Boom! Pahiya kang malandi ka!
"Ahmm.. This is Janelle Jean Juario, my youngest daughter and she's you're fiancé" pakilala sa'kin ni Papa.
Papa, ayaw ko na po. Magba-back-out na po ako. Ayaw ko pong maging asawa nitong lalaking toh! Huhuhu!
"Nice meeting you again, babe" bulong niya sa'kin kaya na-stunned ako.
"A-ah.. Hehehe"
Huhuhu! Gusto ko nalang mawala! Lupa, lamunin mo na ako ngayon din!
"Ahm.. Mr. Gutierrez, here some coffee. I made it just for you" malanding ngiting sabi ni bruha 2. 0 kay Mr. Gutierrez.
Kinuha naman yun ni Mr. Gutierrez.
Hay... Wag kang magpa-uto jan lalaki at baka mataklaw ka niyang ahas na yan.
Nagulat naman ako nang iligay niya yung kape sa mesa.
"I'm more happy if my fiancé will make some for me" sabi niya kaya gulat akong napatingin sa kanya.
"H-huh? "
"Oh well. She can make you some coffee" si Papa yan.
Papa naman eh! Huhuhu!
Tumayo nalang ako at pumunta sa kusina para mag-templa nang kape.
Bakit hindi nalang niya inomin yung ginawa ni bruha 2. 0? Ang choosy niya! Tsk.
"Sis.. "
Napatingin naman ako sa bruhang tumawag sa'kin.
"Bakit ate? " inosente kong tanong sa kanya.
"Ahmm.. I would like to ask you a favor" nakangiti niyang sabi sa'kin sabay lapit.
"Ano yun ate? " inosente ko paring tanong.
"Ahmm... Can you break off your engagement to Mr. Gutierrez? You don't like him, right? "
"You don't like him too, ate"
Tumawa naman siya nang mahinhin.
"Ah well.. It's in the past, sis. I like him now so can you break off your engagement for your ate? Please? "
Nginitian ko naman siya.
"I don't want to, ate" nakangiti kong sagot sa kanya.
Nawala naman yung ngiti sa mukha niya at napabuntong-hininga siya.
Anong akala niya? Na ako pa rin yung dating Janelle na mabait at binibigay sa kanya ang lahat kahit pagmamay-ari ko? Ha! No way!
Hinawakan naman niya nang mahigpit ang kamay ko.
"Sis, break off the engagement. Hindi naman kayo bagay sa isa't-isa"
Kinuha ko naman yung kamay niya na nakahawak sa'kin.
"At kayo bagay? "
"Of course"
"Well, isang gwapong ceo at isang malanding kapatid. I don't think so" sabi ko at umiling-iling pa.
Naging mas masama naman ang mukha niya.
"How dare you say na malandi ako?! " galit niyang sigaw sa kanya at sasampalin na sana niya ako pero nasangga ko naman.
Kinuha ko naman yung kape at pinaligo ko yun sa kanya.
"How is it? " nakangiti kong tanong sa kanya.
Sisigawan na niya sana ako pero biglang naging maamo ang pagmumukha niya.
"I know you don't like this marriage, Sis but you don't have to poison Mr. Gutierrez! " biglang sigaw niya kaya nagtaka ako.
Nababaliw na ba siya? Ano bang pinagsasabi nito!
"Janine! "
Napatingin naman ako sa likuran ko at nakita ko sila Papa, Mr. Gutierrez at si bruha.
Oh no!
Tumakbo naman papalapit sa'min si bruha at bigla niya akong tinulak dahilan nang pagka-bangga ko sa lababo.
"Look what you have done! You're a disgrace! " sigaw ni bruha sa'kin at sinampal ako.
Pinigilan naman kaagad siya ni Papa habang ako naman ay napahawak sa kanang pisngi ko.
Sure ako na namumula na yung pisngi ko. Paano ba naman eh nasampal ako nang ikalawang beses sa isang araw! Tae! Parang namamanhid na nga ako eh!
"Huwag kang humarang, Fredo! Kailangan kong turuan nang leksyon ang babaeng yan! " sigaw ni bruha sa'kin.
Napatingin naman ako sa kanya.
"Bakit hindi mo nalang turuan nang leksyon yan malandi mong anak imbis na sa'kin? " malamig kong tanong sa kanya.
Nanlaki naman ang mata niya.
"Wala ka talagang respetong babae ka! " sigaw niya sa'kin.
Hindi ko nalang siya pinansin at umalis doon sa kusina habang nakahawak pa rin sa pisngi ko.
Ilang minuto ang nakalipas at nakabalik na ulit sila sa sala mula sa kusina.
"We're very sorry, Mr. Gutierrez. Okay lang na hindi mo ituloy ang kasal niyo ni Janelle at si Janine nalang ang maging asawa mo" sabi ni bruha habang hawak-hawak si bruha 2. 0.
Tsk. Like mother, like daughter.
"No worries. I'll still marry her"
Nagulat kami sa naging response ni Mr. Gutierrez.
Seryoso ba siya?! Tsk.
"Mr—"
"No! You can't marry her! "
Napatingin naman kami sa taas at nakita ko si Ethan roon.
Another antagonist...
"You can't marry her! "
"What do you mean, Ethan? " takang tanong ni Papa kay Ethan.
"Someone owned her! She's not virgin anymore! " sigaw niya kaya gulat akong tumingin sa kanya.
Tae naman tong lalaking to!
"Ha! Kagaya ka talaga nang ina mo! Parehas kayong malandi! " biglang sabi ni bruha kaya tinignan ko siya nang masama. "Ano?! Nagsasabi lang ako nang totoo! "
As you read, magka-iba kami nang mama ni ate bruha. Yung mama ko is mistress ni Papa na nabuntis. Tapos pagkatapos akong ipanganak ay bigla nalang siyang naglaho. At kahit kailan ay hindi ko pa siya nakikita pero alam kong magkikita kami. Not now but sooner or later.
"Mr. Gutierrez, as you can see, isa talaga siyang malanding babae kaya si Janine nalang ang pakasalan mo" sabi ni bruha kay Mr. Gutierrez.
Napatayo naman kaagad ako at susugurin na sana siya nang bigla nalang pinulupot ni Mr. Gutierrez yung kamay niya sa bewang ko at hinila papalpit sa kanya.
"I'll still marry her"
"Ha? Narinig mo naman ang sinabi ni Ethan na hindi na siya virgin" singit ni bruha 2. 0.
Ha! Nagsalita ang hindi na virgin! Tsk!
"I don't care because I'm her first and we're already married" sagot ni Mr. Gutierrez.
Pero..
HAAAAA?!?!