Chapter 11
Janelle's Point of View
Pagka-labas naman sa kompanya, agad akong pumasok sa sasakyan ni Ali.
Ho!
"What happened to you? You suddenly called me ba—"
Agad kong tinakpan ang bibig niya.
"No. No. Huwag mong banggitin at nandidiri ako" sabi ko sa kanya at kinuha na yung kamay ko.
Inayos ko naman ang pagkaka-upo ko at mag seat belt.
"What's gettin' onto you? "
"Pinapa-inggit ko lang yung pabida mong employee. Nga pala, anong nang mangyayari sa'kin? "
"What? "
"Syempre! Sinabi ko dun sa pabida mong employee na asawa kita! Duhh! " sabi ko at inirapan siya.
Ini-start naman niya yung sasakyan bago ako sagutin.
"Asawa naman talaga kita"
Toink!
"Alam ko naman pero hindi naman nila alam! —Well, alam na pala nila. Pero kasi yung pabida mong employee, baka kung anong gawin sa'kin nun pagbalik ko sa kompanya"
"What do you want me to do then, babe? "
Ewww....
"Wala... Nga pala, hindi ba nila alam na ikaw si Mr. Gutierrez? They call you Austin" tanong ko sa kanya.
"Nope. They don't know"
Ehh?? So talagang ma-iingit sila sa'kin kasi ako yung sekretarya.
"Ang alam ba nila eh matanda ka't pervert—ayputa! "
Paano ba naman kasi! Bigla nalang tumitigil!
"Ano ba! Problema mo? "
Hindi naman niya ako pinansin at ini-start ulit yung sasakyan.
Problema nitong lalaking to? Ano bang masama sa sinabi ko eh pervert naman talaga siya! Hindi pa nga niya binigay sa'kin yung bra ko! At hindi ko rin alam kung saan niya yun nilagay!
Buong biyahe ay tahimik kami. Siya, seryoso sa pagda-drive habang ako naman ay seryoso sa binabasa kong comics. Kainis nga eh! Wala na akong shells kaya hindi ko ma-unlock yung chapters! (Webcomics 😁)
Ilang minuto pa ay andito na kami sa bahay ni Ali. Namamangha pa rin ako kahit na dito na ako nakatira. Ang ganda lang kasi.
Nagulat naman ako nung bigla akong binuhat ni Ali.
"H-hoy! Ibaba mo nga ako! " sabi ko sa kanya.
"You're hurt babe"
"Gaga! Hindi naman ako pilay kaya ibaba mo ako! " pag-iinarte ko—i mean ahem..
Hindi niya naman ako pinansin at pumasok na sa bahay. Bumati naman yung mga maids sa'kin at tinanguan lang sila ni Ali. Dinala niya ako sa kwarto ko at pinahiga.
"Rest" sabi niya at hinalikan ako. Sa noo.
Tumango nalang ako at ipinikit ang mga mata ko.
***
Nagising ako dahil sa gutom. Napatingin naman ako sa orasa at WTF?! 11:36 p. m?! Seryoso??
Aalis na sana ako nang mapansin kong may katabi na ako!
Sinong gago naman to—!
Ba't andito to sa kwarto ko? Wala ba tong kwarto at nakiki-kwarto sa may kwarto? Pero... Wag ko na nga tong gisingin.. Ang himbing na nang tulog niya eh.
Dahan-dahang akong bumangon para hindi magising si Ali.
****
"Ano kayang pwedeng kainin dito? Sa sobrang dami, parang lahat na ata gusto kong kainin"
Kumuha nalang akong ng kanin at ulam tsaka juice saka pumunta sa dining room at doon kumain.
Langyang Ali yun. Di man lang ako ginising para kumain. Yan tuloy, gabing-gabi na akong kumain.
Nang matapos na akong kumain, nag-stay muna ako sa sala kasi hindi pa ako inaantok eh.
Ano kayang pwedeng gawin? Hayyy... Ang boring tas sobrang gabi na. Pero bawal naman akong mag-ingay kasi nga sobrang gabi na. At habang nagbabasa ako sa webcomics, may bigla akong narinig na tunog sa labas.
Wala naman sigurong multo di ba?
Ayjusko! Tae naman eh! Sino ba yan?! Gabing-gabi na eh!
Tumingin naman ako sa bintana at may nakita akong anino. Tae! May magnanakaw ata eh!
Nakita ko namang pumunta yung magnanakaw sa direksyon ko kaya nagtago ako. Nagulat naman ako nung ma-open niya yung bintana kaya kumuha na ako nang steel at nagtago.
Pumasok naman yung magnanakaw at nagsimulang maglakad kaya nag-ready na ako at nang pamalo ko.
Dahan-dahan Janelle. Dahan-dahan... Isa... Dalawa... Tatlo!
Hinampas ko sa kanya yung pamalo at napa-aray naman yung magnanakaw. Pero in fairness ha, ang arteng magnanakaw nito. 'Ouch' yung sinabi imbis na 'aray'. Pero parang familiar...
Lumapit naman ako doon sa magnanakaw at nagulat ako! Si Caesar pala to!
"Oh my Caesar! I'm so sorry! Akala ko kasi magnanakaw ka eh! " sabi ko kay Caesar at tinulungan siyang makatayo.
"Okay lang ba ang ulo mo? Saan ang masakit? Nako sorry talaga! Ano ba kasing ginagawa mo dito? " tanong ko sa kanya habang hinihimas ang ulo ni Caesar.
"May ibibigay kasi ako kay kuya and I'm here for you, too"
Gabing-gabi na.. Pwede namang bukas niya nalang ibigay pero oh. My. God.
"Ako? B-bakit? " yak Janelle.
"Magpapatulong sana ako"
"Ha? Ano yun? "
"Bukas na kasi ang birthday ni kuya. Gusto ko sana siyang surpresahin"
Eh? Birthday ni Ali bukas?
"Sige ba. Ano bang gagawin natin? "
Sinabi naman niya sa'kin yung plano at keri ko naman yun bukas.
"Sige. Aalis na ako. Parang hihimatayin na ako anytime"
"Ay hala sorry talaga ha! Sige, ihahatid na kita sa labas" sabi ko kay Caesar at inalalayan siya sa labas.
Pagkatapos kong magpaalam kay Caesar ay pumasok na ako sa bahay. Hihinga na sana ako nang malalim nang bigla akong nakaramdam nang masamang espirito sa likuran ko. I mean, sobrang sama yung tingin sa'kin.
Dahan-dahan naman akong napatingin sa likuran ko at lord, may i rest in peace.
"A-ali... "
Jusko! Anong ginawa ko at ang sama nang tingin sa'kin nitong lalaking to??
Lumapit naman sa'kin si Ali kaya napalunok ako. Mga tatlong lunok ata nang laway.
"N-nagising ba kita? " kinakabahan kong tanong sa kanya pero hindi niya ako sinagot. "N-nagutom kasi ako kaya gising pa ako ngayon... "
Kinorneran naman ako ni Ali.
"Who was that? You're other man? " seryoso niyang tanong sa'kin.
"H-ha? H-hindi ah.. S-si Caesar lang yun, m-may pinapabigay... " sagot ko kay Ali habang nakatingin sa mata niya.
"Dapat lang..." seryosong sabi ni Ali at pinalapit niya ako sa kanya.
"You're mine and mine only" sabi niya.
Nagulat naman ako nung dahan-dahan niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko kaya napapikit nalang ako.
Naghintay pa ako nanh ilang segundo pero wala namang dumadampi. Napamulat naman ako at nakita ko naman si Ali na nakangisi kaya medyo nainis ko. Mga 100%.
"Arghh! Nakaka-inis ka naman! Pinapahiya mo ako e—"
Amp! Pinapahiya talaga ko nitong lalaking to eh!
Humiwalay naman kaagad ako sa halik ni Ali kasi I'm out of breath! Papatayin ata ako nito gamit halik eh!
"You're sweet"
"Heh! Manahimik ka nga—"
Jusko naman ehhhh!
Agad kong tinulak si Ali.
"Teka lang naman! Hindi pa nga ako nakaka-recover eh—"
Sinunggaban na naman niya po ako nang halik!
Helllpppppp!!