Chapter 12 - Sir Johnser

THIRD PERSON POV:)

Panay tingin si Clive sa wallclock at hinihintay na mag-alas 5 ng hapon dahil hinhintay niyang umuwi agad si Lady Beth. Kaso alas 10 palang ng umaga at nakaramdam na ng gutom si Clive. Iniwanan na siya ng pagkain nito para sa tanghali kaso wala siya sa mood kumain dahil wala pa si Lady Beth niya. Mas ginaganahan siyang kumain pag kasama niya si Beth.

Nakaupo lang siya sa sofa habang nakatingin sa wall clock habang nakanguso. Kumulo nalang ang tiyan niya na nangangahulugang gutom na gutom na siya. Halos napasapo pa ang kamay niya sa kanyang tiyan na humihingi na ng pagkain.

"Why the time is too slow? I miss my Lady Beth." Turan niya sabay kamot sa ulo.

Tumayo siya sa pagkakaupo at tumungo sa bintana para tanawin kung ano nangyayari sa labas. Nakasimangot na nilagay niya ang mga kamay sa bulsa ng short at napakunot-noo nalang siya nang may nakapa siya sa kabilang bulsa niya.

Nang mailabas niya ang nakapa niya sa kanyang bulsa, nanlaki mata siya nang makita ang isang 1000 na pera.

"Oh! Bossbrad, give me this money after I played." Sabi niya nang maalala niya na naglaro siya ng ROS at binigyan siya ng pera nito bilang bayad sa pagpapanalo niya sa grupo nito.

Tumungo siya sa kabinet kung saan sa kabilang drawer nun ay ang mga damit niya. Tinago niya ang 700 niya para ipunin niya. Nakapag-decide siyang lumabas ng apartment para bumili ulit sa tindahan. Parang gusto niyang uminom ng softdrinks.

Pagkalabas niya, pinagtitinginan na naman siya ng mga kababaihan na nakakasalubungan niya. Di niya alam bakit lagi-lagi nalang siyang tinitingnan nito. Siguro may dumi siya sa kanyang mukha pero alam niyang wala dahil kakaligo lang niya.

Pagkalabas ng apartment ni Clive, tatawid na sana siya nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan. Napalingon naman siya agad.

"Ros!"

Lumabas nalang ang malaking ngiti nito nang makita si Bossbrad kasama ang mga kaibigan nito.

Lumapit ito sa kinaroroonan niya.

"That's where you live?" Tanong agad nito kay Clive sabay turo sa apartment ni Lady Beth.

"Hmm, not really. Actually not. Lady beth allow me to stay on her house. When my memory back, I will leave." Sabi niya dito.

"Lady Beth?" Zabay turan ng tatlo maliban kay Anthony na napakunot-noo.

"Who's Lady Beth?" Takang tanong ni Bossbrad sa kanya.

"Lady Beth, my savior." Nakangiting sagot pa rin ni Clive.

Bahagyang hinila ng tatlo si Bossbrad at nagtipon ito para di marinig ni Clive ang pag-uusapan nila.

"Si crush mo ata yun, Bossbrad." Takang mahinang sabi ni Jake.

"Kung si Elizabeth nga yung tinutukoy ni Ros, ano niya si Ros? Magkasama sila sa iisang kwarto? Syota ata yan ni Elizabeth." Takang pahayag rin ni Jero.

"Siguro pinayagan ni Mama mo na tumira rin si Ros sa apartment nyo?" Pagbibigay ideya ni John na sabi niya kay Bossbrad.

Binatukan naman isa-isa ni Anthony ang tatlo.

"Tang ba kayo? Tatlong Elizabeth ang nakatira sa apartment namin! Baka si Elizabeth Austrio ang tinutukoy niya. Nagsasalita rin ng ng english 'yon di ba? Baka kapatid niya si Austrio." Sabi nito sa tatlo.

Napaisip yung tatlo."Hmm, sabagay. Tama ka, Bossbrad." Sabay turan ng tatlo na halatang pumayag rin sa sinabi niya.

"Di ko alam na nakatira pala siya sa Apartment namin. Di ko kasi siya nakikitang lumalabas. Siguro, palagi siyang kulong?" Palagay ni Bossbrad."Tara! Kausapin na natin at yayain na naman natin maglaro siya." Yaya ni Anthony sa tatlo sabay tinaptaptap mga likod nila.

Lumapit ulit sila kay Ros na nakanguso at takang-taka kung ano pinag-usapan namin.

"Why?" Tanong ni Ros sa apat.

"Paano ko ba ito eenglishin? Hmmm ah! Ros, did you know that this house that front of me, you and all is me. This apartment is me. I own this apartment." Sabi ni Bossbrad kay Ros.

"Woah? Really?! Your the son of our Landlady? Amazing!" Mukhang bata na namangha na agad si Ros.

"So, who's Lady Beth you talking?" Tanong pa rin nito na halatang curious.

"Lady Beth my---"

"What? Your syota? Your..."

"What's syota? Girl friend?" Kunot-noo tanong ni Ros dito. (Mami-misinterpret po si Ros.)

"Girlfriend. Your girlfriend. Boy and Girl who always hmmm always..." Bumaling ito sa kaibigan niya."Ano ang english ng magkasama?" Tanong ni Bossbrad sa tatlo.

"Stick together ata." Sabi ni Jero.

"Yah! They always stick together. Who always together in house, outside, kitchen, etc. Basta! Yung magkasama sila palagi!" Nagtagalog nalang sa huli si Bossbrad dahil nano-nosebleed na siya sa kaka-english.

"Ah, yah! She is my syota. I'm living with my Lady Beth." Nakangiti pa ring sagot ni Ros.

"Who's Lady Beth?" Yung tatlo na ang nagtanong kay Ros.

"Lady Beth? Hmm, my girl friend." sagot pa rin nito.

Napakamot nalang silang apat dahil sa sagot ni Ros. Mukhang di nito nakukuha ang tanong nila.

"No. Who's Beth? Lady Beth?" Ulit na tanong ni Anthony dito halos napakunot noo na siya. Ngayon lang naisip niya na dapat noon pa nag-aral siya ng mabuti at nag-aral ng english. Ee di sana di siya nahihirapan ngayon makipag-usap sa engleshirong si Ros.

"Lady Beth? Hmmm," Nag-isip muna ito. Atat na sila at baka ang crush nga ni Anthony ang tinutukoy ni Ros. May gusto pa naman si Bossbrad kay Elizabeth. Di siya makakapayag na magkaroon ito ng syota imbes siya dapat ang bf nito."... my syota." Sagot maya-maya ni Ros at ngumiti ng napakalapad.

Napabagsak nalang ng balikat ang apat. Halos napasapo sa ulo ang tatlong kaibigan ni Anthony at naituptop nalang ang kamay sa noo.

"Ang hirap kausap itong si Ros." Ani Jero habang nakatalikod at napapasapo pa rin sa may ulo.

"Ang hirap kausap ang mga engleshiro. Nakaka-suicide." Problemadong turan naman ni John.

"Sinabi mo pa." Payag naman ni Jake sa sinabi ni John.

Walang magawa si Bossbrad kaya hinakbayan nalang niya si Ros. Lalo lang siyang mano-nosebleed pag ipag-iintindi palang niya lalo kay Ros ang ibig niyang sabihin.

"Come on! Let's play Ros we share on winning money!" Yaya nalang ni Bossbrad dito.

"Sure!" Parang bata na payag nito. Parang nata na naglakad na sila para tumawid ng kalsada habang akbay siya ni Bossbrad. Panay palakpak si Ros na nagmimistulang isip-bata siya sa ginagawa nito.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Elizabeth!"

Narinig kong tawag ni Aling Doya. Abala ako sa pagpupunas ng bintana nang lingunin ko ito.

"Ano po iyon?" Tanong ko ng tumigil ako sa ginagawa ko.

"Maglinis ka roon sa office ni Sir Johnser. Madumi na naman doon. Nagkalat na naman ang mga gamit dahil nagwala ang anak ni Mr. Sy." Utos nito sakin.

"Ee si Yaen?" Tanong ko. Si Yaen kasi minsan naglilinis doon. Minsan lang ako maglilinis pag absent si Yaen.

"Nag-resign na dahil ayaw na siya patrabahuhin ng asawa niya dahil siya na mag-aalaga sa tatlong anak nila at asawa na niya maghahanap buhay." Sabi ni Aling Doya sakin."Kaya ikaw na ang papalit sa trabaho ni Yaen. Minsan kana maglilinis sa office ni Sir Johnser. Minsan ka naman doon maglinis di ba? Pag absent si Yaen, ikaw naglilinis doon."

"Opo."

"Basta yung bilin ko. Pag nakita mong pumasok sa office ang anak ni Mr. Sy, yumuko ka at wag mo titigan sa mga mata dahil lagot ka. Iba iyon magalit. Lumabas ka agad. Maliwanag ba?"

"Opo, Aling Doya." Magalang na sagot ko parin.

"Sige. Pumunta kana agad. Ako na tatapos nito."

Naglakad na ako para pumunta sa office ni Sir habang dala ang gagamitin kong panlinis na dala kanina ni Aling Doya nang lumapit siya sakin.

JOHNSER SY POV:)

Lahat ng gamit sa mesa ko ay nagkalat sa sahig. Dahil sa sobrang inis na nararamdaman niya ngayon halos lumabas na muna si Ramon dahil baka sa kanya ko ulit bugtungin ang galit.

**Flashbacks**

"Maraming tumututol na ayaw ikaw ang papalit sa Papa mo, Johnser. Pa-sekretong nagpupulong ang mga di sang-ayon na ikaw ang maging tagapagmana ng Uphone. Gumagawa sila ng plano para magpalit ng desisyon ang Papa mo." Pagbabalita ni Tito Andrew sakin nang pumunta ito sa office ko dahil pinapapunta ko siya.

"Ah? Why? Bakit ayaw nila ako maging heir ng Uphone?" Tanong ko pa rin. Ganun ba ako kaayawan ng mundo? Lahat nalang ayaw nila sakin.

"Do everything, my nephew. Don't let them take what yours. Like your brother did to me. Kill all the people that will stop you. Di mo hayaang api-apiin ka ng iba. Maging palaban ka." Sabi ni Tito Andrew sakin. Hinawakan ni Tito ang balikat ko."Patayin mo ang humahadlang sayo."

Bahagyang nagulat na napatingin ako kay Tito Andrew. Di ko inaasahan na sasabihin niya iyon. Hindi ko kayang pumatay.

"Tutulungan kita na mawala sa mundo ang mga kalaban mo tulad ng kapatid mo. Kaya kong gawin sa kanila ang ginawa ko kay Clive." Pagpapaalala at prisinta nito.

Sa totoo, si Tito Andrew ang nagplano ng lahat. Siya ang nagpapatay kay Clive. Wala ako magawa kasi kagustuhan ko rin mawala sa buhay ko ang kapatid ko. Nakakakonsensya rin dahil gumawa rin ako ng masama. Nakayanan kong ipapatay ang kapatid ko alang-alang sa kompanya na nais ko mapasaakin.

Wala akong magawa. Natahimik lang ako habang gulat na gulat sa sinabi ni Tito Andrew.

**End of Flashbacks**

Nang maalala ko ang usapan namin ni Tito Andrew, napaupo nalang ako at napailamos ko nalang ang mukha ko sabay sapo ng ulo ko.

Stress na stress na ako sa nangyayari. All the people around hated me. What's the reason why they are mad on me? Ganun ba ako kasama sa paningin nila?

"Ramon!" Tawag ko sa Secretary ko.

Pumasok naman agad ito at tumatakbong lumapit sakin.

"Yes, Sir Johnser?" Tarantrang saad nito.

"Tumawag ka ng Jannitress. Linisan itong office ko. Bilis!" Utos ko dito.

"Sige po." Sagot nito halos nag-bow pa. Dali-dali naman itong lumabas ng office ko.

Tumayo ako sa pagkakaupo at dumeretsyo sa CR para mag-ayos ng sarili. May sarili akong CR sa office ko at di ko na kailangan lumabas.

Pumasok na nga ako para maghilamos ng mukha at ayusin ang sarili ko.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Pumasok na nga ako ng office ni Sir Johnser. Mangha pa rin sa ganda ng office ni Sir kahit sobrang tatlong beses na ako nakapasok rito para maglinis.

Nakita ko agad ang nagkalat na mga papel at ibang gamit sa sahig. Nag-ayos na nga ako at naglinis. Inayos ko iyon at binalik sa dating ayos sa table ni Sir Johnser.

Kahit ni isa di ko pa nakikita kung sino o ano itsura ni Sir Johnser. Di naman ako updated sa mga isyu sa Uphone. Saka alam ko lang mga cp nilang magaganda at napaka-original. Gusto ko na nga magka-cp kahit yung mumurahin lang basta galing iyon sa Uphone.

Nilagay ko na rin sa lagayan yung mga nabasag na babasagin. Grabe naman kasi magwala yung Sir Johnser na yan. Magwawala nalang di pa ginalingan. Tsk!

Di naman nagtagal, natapos na ako sa ginagawa ko. Tumayo na ako sa kakaluhod sa sahig at inunat ang likod dahil sa sobrang sakit. Halos hinilot ko pa ang batok ko sa sobrang sakit.

Tumungo ako sa bookshelves nito. May binabasa akong libro dito e. Libro na puro translation sa salita ng ibang bansa. Lalo na korean words at thai words. Ang hirap din bigkasin pero parang gusto ko matuto ng salita nila.

Hinanap ko nga yung librong lagi kong binabasa sa bookshelves. Wala naman ata dito siguro yung si Sir Johnser daw kuno. Baka umalis o may meeting. Lagi ko naman ito ginagawa. Di na ito bago sakin.

Nang makuha ko na yung libro, binuklat ko agad iyon at nagbasa.

"Omma. Om-ma" basa ko sa translation ng Mama. "Annyeong. An-nye-ong. Ahjussi. Ah-jus-si." Di ko namamalayan lumabas ng CR si Sir Johnser at palihim na lumapit ito sa kinaroroonan ko."Arraso. Ar-ra-so. Sa-rang-hae. Sarang---" nagulat nalang ako nang marinig ang isang boses.

"What are you doing?!" Isang malaki at makapal na boses na narinig ko.

"Saranghaeyo!" Hulat na sambit ko at napalingon. Nanlalaking mata na yakap ko ang libro habang nakatingin sa lalaking kunot na kunot ang noo.

Pamilyar ang mukha niya siya.

"Siya si Sir Johnser?" Sa loob-loob ko. Kilala ko siya! Natatandaan ko na siya. Siya yung...