Chapter 50

Malalim na ang gabi pero binabagtas pa rin ng kotse ang coastal road pahilaga ng Cebu. Tahimik lang ang biyahe. At may pagkakataong tanging headlight lang ng kotse ang nagbibigay liwanag sa paligid.

Dumaan sila sa Argao, sa Naga, sa Mandaue, at huminto saglit sa Liloan para mag-drive thru sa isang fast food chain na bukas, bago nagpatuloy pahilaga sa Bogo.

"Gusto mo bang kumain?" tanong niya.

Umiling si Gideon. "Just eat."

Sinilip niya ang mukha ni Gideon. Nakapokus ang tingin nito sa harap pero kapansin-pansin ang pagod sa mga mata nito. Lumunok siya. Naawa siya sa asawa.

Umikhim siya saka nagbukas ng topic para maaliw naman ito. "May Bible ka ba? Gusto kong magbasa."

Sumulyap saglit si Gideon sa kaniya. "Sa glove compartment." At binalik ang tingin sa harap.

Binuksan niya ang maliit na hinged door sa dashboard at nakita niya ang isang pocketbook size new testament.

Tumingin siya sa saglit sa asawa bago kinuha at binuklat. Nagbasa siya mula sa Matthew.

Ilang minuto pa siyang nagbabasa nang huminto ang kotse. Nag-angat siya ng tingin. Nakahinto sila sa isang bangin. Napaharap siya kay Gideon. "Where are we?"

Pero wala itong sinabi, bagkus umibis mula sa sasakyan. Bumaba na rin siya at umikot sa harap.

Kita niya sa malayo ang bilog at maliwanag na buwan. Sa ilalim ng bangin ay ang mapayapang dagat. Paminsan-minsan ay humahampas ang alon sa malalaking bato sa gilid ng bangin.

Naramdaman niya ang paglapit ni Gideon sa kaniya. Tumingin siya rito at nakita niyang may hawak itong gitara.

"Wait, kakanta ka ba?" tanong niya.

Ngumiti si Gideon. "Oo."

Napangiti rin siya. Just like what he did at the beach one night? He will sing a moonlight serenade again?

Naghanap ito sa paligid. Maya-maya pa'y umikhim. "Let's sit at the bench." Tinuro nito ang upuan sa ilalim ng puno hindi kalayuan sa puwesto nila.

Nagkibit-balikat siya at sumunod kay Gideon palapit sa tinuro nito. Pinaupo siya nito sa bench, saka naman naupo sa tabi niya.

Tumingala siya ulit sa buwan. Talagang maliwanag ang gabing 'yon. Walang mga bituin dahil sa liwanag ng buwan.

Malamig ang hampas ng hangin sa mukha niya. Nasamyo pa niya ang amoy ng lumot at maalat na simoy ng panggabing hangin na mula sa malawak na karagatang nasa kanilang harapan.

Napangiti si Jewel. Sitting in that place brought some silence to her. Because of the silence, sumagi sa isip niya ang ginawa sa nakalipas na mga taon.

"You know," bulong niya. "What I did in the last nineteen years of my life? I just wasted my time."

"That's okay. Those experiences will be your testimony."

Napatingin siya ulit kay Gideon. "Ano?"

"Your testimony," ngiti ni Gideon. Inayos nito ang gitara at bumaling sa kaniya. "... will change lives the moment people know who you were, when you were still ignorant of Christ's grace."

Nangunot ang noo niya saka napatitig kay Gideon. "You have a testimony too, Gideon?"

"Yes, I was a porn addict before, Jewel. I live my life in hypocrisy. Clean on the outside, but full of dirt on the inside."

Napakurap siya. Knowing Gideon's testimony is... odd. "But you walked as if you're clean."

"That's why I was a hypocrite." Napatingala ito sa langit. "But His love never fails. He pulled me back to His presence, Jewel. That's why I love God because He first loved me... us."

Tumango siya. Walang maisip na salita. Tahimik lang siyang tumingin ulit sa buwan sa malayo at huminga nang malalim.

Kulisap, hampas ng alon, at paminsan-minsang ihip ng hangin ang naririnig niya sa paligid. Pero biglang sumaliw sa paligid ang tunog na nilikha ng gitara ni Gideon.

At ang boses na nagpapabilis ng tibok ng puso niya.

"For by faith, we believe that what is seen has been made by what is unseen," bulong ni Gideon. "Blessed are those who have not seen yet still believe."

Napangiti si Jewel. She hasn't seen Jesus but she felt His presence, an encounter with Him, and now she believes in Him.

Nagsimulang mag-strum si Gideon.

Pumikit siya. Peace. What she felt is peace, unending peace that she couldn't explain. Bumilis ang tibok ng puso niya hindi dahil sa boses ni Gideon, o sa kaalamang nasa tabi niya ito.

There is much deeper than that of emotion. She felt convicted of the fact that she lied.

Nagmulat siya at nakagat ang labi. Because of her madness, Simoen tried to have her. And she put the blame of that almost incident at the face of Simoen, when in the first place, she is the one who urged him to do so.

"I'm sorry. Binigay ko lahat ng hinanakit kay Simoen, pero ang totoo, I was the one who pushed him to do that. I'm sorry."

Sa mahinang simoy ng hangin, sa ilalim ng marahang sinag ng buwan, at habang nakikinig sa kanta ni Gideon, naalala niya ang gabing 'yon. Kung saan muntik na siyang magahasa. Kung saan nagpupumiglas siya sa ilalim ni Simoen.

Pumikit siya nang mariin. Dapat siyang humingi ng tawad sa lahat ng taong ginawan niya ng masama, at sa mga taong sumalo sa pagkakamali niya.

Sina Gabbi, Tiara, at Hazel. Kahit na may ginawa itong masama sa kaniya, dapat pa rin siyang humingi ng tawad dahil may mga bagay siyang ginawa na nakasakit sa tatlo.

Kay Dalya at Pedro, dapat siyang magpasalamat at humingi rin ng tawad. She's been neglecting the help these two gave her for over the years. Ni hindi siya naging grateful sa ginawa ng dalawa bagkus sinusungitan niya.

Bumuntong-hinga siya.

She should reconcile truthfully with her parents. Naintindihan na niya kung bakit pinapangunahan siya ng mga ito.

Mabagal na naglandas ang luha sa pisngi niya. Pumikit siya at huminga nang malalim. And also Simoen. True or not that he still loves her, but she still hurt Simoen. She should call him to say sorry.

Napangiti siya. From now on, she will live her life in holiness. No more erotica. No more lustful desires.

She will strive to live the life that Jesus has given her. Indeed, she was once dead to lust and passion, but now she has been alive in Christ Jesus.

She will fight the good fight. She will finish the race. She will keep the faith.

Tumingala siya sa langit.

Her testimony has been a moonlight serenade to Him and to all who believes in Him. This is a hymn of love, peace, and joy.

A remembrance of forgiveness.

The End.