Chapter 6 Hurt
Time pass by at hindi ko man lang namalayan graduate na ako sa kursong Bachelor of Secondary Education major in Science. Akalain mo 'yon? paano ba naman kasi stress ako kakatapos ng module ko at kakahabol sa deadline gayon din sa lesson plan at thesis na pamatay. At ngayon pa nga lang ay hindi ko makita ang sarili na nag ta-trabaho, sa kadahilanang wala naman akong gaanong natutunan sa module at online class ko.
Laking gulat ko nga ng naging Cum Laude ako, tangina ganito pala ako katalino? Akala ko kasi ay utak ipis lang ako. Ako kasi iyong tipo ng estudyante na gagawa lang kapag deadline na, tamang gala rito, gala roon. Gimik dito, gimik doon.
I'm proud of myself for surviving college. Pero hindi pa talaga ako ready na maging isang guro, siguro kapag na-filter ko na itong palamurang bibig ko saka ako magtuturo.
At hindi ko rin namalayan na mahigit isa't kalahating taon ko na palang hindi nakikita at nakakausap si Zion. Mukhang bumalik na ito sa orihinal nitong pamumuhay at trabaho.
Ang huli naming pag-uusap ay iyong araw na natuklasan ko ang tunay na pagkatao nito at simula noon ay hindi na ito nagparamdam pang muli which is good dahil ayaw ko rin namang makita ang sinungaling na 'yon.
Mukhang ginawa lamang ako nitong laruan at parausan and it's not big deal though, kasi ginusto ko naman ang bagay na iyon at sadyang nag-assume lang talaga ako.
Napangiti na lamang ako ng mapait nang dahil sa aking naisip. Ngunit hindi ko rin ito masisisi sapagkat meron din naman akong pagkakamali. Bumigay ako agad at nagpadala sa tawag at init ng laman.
Sa isa't kalahating taon na iyon ay marami akong na-realize. Marami akong natutunan tungkol sa aking sarili kabilang na roon ang aking mga talento at napagtanto ko rin ang mga bagay na ginawa namin ni Zion ay lubhang hindi talaga nararapat sa relasyon naming dalawa.
Kaming dalawa ay magkaibigan at dapat manatili ito roon. Dapat hindi namin ginawa ang bagay na iyon edi sana hanggang ngayon ay magkasama pa rin kaming dalawa. Kung hindi sana kami nagpadala sa tawag ng laman edi sana walang nasaktan.
Bakit ba kasi hindi ko mapigilang mapabukaka sa tuwing hinahalikan ako ni Zion? Siguro nga'y tama ang iba, isa akong babaeng may tinatagong pokpok sa katawan.
At sino ba naman ang hindi bibigay kung kasing kisig at guwapo ni Zion ang roromansa? At isama mo pa ang katawan nitong nakakapang laway talaga at ang pagkalalaki nitong mataba at mahaba.
I mentally slap myself because of my immoral thoughts.
Nagiging manyak na rin ako at kasalanan 'tong lahat ni Zioni. Ito lang naman kasi ang nagpakilala sa akin ng mga makabuluhang bagay. Which is sex and other things related to it.
Well, I won't deny it. I enjoyed it so much. Kaya nga ako napapa-ungol at nahihibang tuwing may nangyayari sa aming dalawa dahil sa masarap na pamamaraan nito.
Isang katok mula sa pinto ng aking kuwarto ang pumukaw sa aking atensyon.
Agad akong napabaling dito at dagli itong binuksan at doon tumambad sa akin ang akingInang may malawak na ngiti sa labi. And speaking of my mother, noong nakaraang buwan pa ito nandito at kahit ako ay nagulat sa kadahilanang alam kong ayaw na ayaw nito sa maynila at isa pa ay hindi nito magawang iwanan ang aking Ama.
"Ma, kayo lang po pala," ani ko at binuksan ng malaki ang pinto. "Tuloy ka po Ma," dugtong ko labi na agad namang tinalima ng aking Ina.
Ang Ina ko ay isang napakagandang nilalang. At kahit ano pang sabihin ng iba ang mama ko pa rin ang pinakamaganda sa balat ng lupa at kahit ang Ama ko ay paniguradong sasang-ayon sa mga binitawan kong salita. At balita ko nga ay ligawin ito noong kabataan pa.
Edi, sana all na lang sa Mama ko.
Pumalibot ang tingin ng aking Ina sa kabuuan ng aking silid, mabuti na lamang at nakapaglinis ako dahil kung hindi, sandamakmak na sermon na naman ang natamo ko.
"Ano pong sadya mo, Ma?" kalmadong tanong ko rito habang nakatayo sa harapan nito.
Ang aking Ina ay kasalukuyang nakaupo sa dulong bahagi ng aking kama. Mga ala-ala naming dalawa ni Zion ay bigla na lamang rumagasa sa aking isipan kaya naman ay mabilis akong umiling para ito ay maiwaglit.
"Wala naman anak, kinakamusta lang kita. Kahit na magkasama tayo sa iisang bubong feeling ko ang layo mo pa rin sa akin, ika nga sa facebook #hindikitamareach," mahabang wika nito habang may gesture na siyang aking ikinahagikhik.
Ang Ina ako ay nag fe-feeling na millenial na naman. Dapat pala hindi ko na 'to tinuruan mag social media.
"Naku Ma! Saan mo na naman natutunan 'yan? Nagbabad ka na naman ba sa social media? Iyang mata mo ah," sermon ko dito habang nakapamewang pa.
Dahil totoo namang masama ito sa aking Ina lalo na at may katandaan na ito at lumalabo na ang mga mata, at kung malalaman ito ni Papa ay paniguradong parehas kaming makakatanggap ng sermon mula rito dahil ganon din naman ako.
Speaking of my father, I missed him so much. Sana makauwi na ako para ito ay mayakap at mahagkan ko.
Bumalik ako sa aking ginagawa. Inililigpit ko ang aking mga lumang gamit na balak ko ring idonate sa mga nangangailangan dahil ang iba ay hindi na kasya sa akin at saka sayang din naman kung itatapon ko lamang.
Sa kalagitnaan ng aking pag liligpit ay may nahagip ang aking mga mata, isa iyong litrato. Agad ko iyong kinuha at taimtim na pinagmasdan.
Litrato namin iyon ni Zion, kapwa pa kaming bata roon at si Zion ay nakahalik sa aking pisngi. Wala sa loob kong hinaplos ang larawan at maliit na napangiti. Bungi pa ako ro'n pero maganda.
"Miss mo noh?" tudyo ng aking Ina na siyang dahilan para mabitawan ko ang hawak kong larawan at dagling hinarap ito.
"H-hindi k-kaya!" nauutal kong singhal dito. "Huwag mo naman akong gulatin ng ganiyan Ma. Paano na lamang kung may sakit ako sa puso? Edi patay na ako?" dugtong ko pa habang nakahawak sa aking dibdib, umaakto na kinakabahan at natatakot.
Hindi naman ako pinansin ng aking Ina at dagli itong nag-type sa sarili nitong selpon na siyang ikinakunot ng aking noo.
Sino naman kaya ng katext nito? Malabo namang si Papa kasi hindi iyon mahilig sa text, puro tawag lang ang gusto no'n dahil ayon dito, masarap pakinggan ang boses namin.
Napailing na lamang ko at muling ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Baka kasi kumare lamang iyon ni Mama. Mga kumare niyang marites sa kalsada kaya may lahi rin akong chismosa.
Walang kibo kong iniwan ang aking Ina. Agad kong isinuot at aking facemask pagkalabas ko ng aking condo unit. Mahirap na baka ako ay nagka-covid.
Actually, hindi ako gaanong makahinga hindi naman kasi gaanong katangosan ang ilong ko idagdag mo pa ro'n na meron akong asthma kaya naman talagang pahirapan sa akin ang huminga.
Nagmumuni-muni ako habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Kukunti lamang ang mga taong aking nakikita, magkaibang-magkaiba noong wala pang pandemya. Ang dating mataong kalsada ay ghost road na ngayon. Sobrang tahimik na ultimo huni ng lamok ay maaari ng marinig.
Inilabas ko ang aking selpon at agad na kinuhanan ng litrato ang sarili.
"Pretty girl with a mask"
Iyan ang inilagay kong caption sa itaas ng litratong aking inupload sa facebook. I'm kind of famous, I have three hundred thousand followers on it at sila ay dumarami ng dahil na rin sa aking tuktok account.
Wala pang ilang minuto ay inulan na ito ng react at kumento na siyang aking kinangiti. Iba talaga ang kamandag ng isang Acacia.
I flipped her hair mentally and grinned.
Pumasok ako sa isang café at ginawa ang usual kong gawain at iyon ay walang iba kundi ang um-order.
Binabasa ko ang mga kumentong nasa ilalim ng aking litrato habang marahang sinisimsim ang inorder kong kape na mabilis nilang naihanda. Ganito talaga siguro kapag loyal customer, sabagay, tatlo lang naman kaming customer dito ngayon.
I highly recommend the coffee, it tastes heavenly.
Agad na pumukaw sa aking atensyon ang isang kumento ng taong matagal ko ng namimiss.
Zion.
@zionphogi123
Nawa'y nakakahinga ka pa ng mabuti pango!
Ani nito sa kumento na siyang ikinakulo ng aking ulo. Anong karapatan nitong asarin ako sa kabila ng matagal nitong hindi nagparamdam sa akin?
Dagli kong binura ang kumento ni Zion at pinatay ang aking selpon. Akala ko pa naman magiging maayos ang mood ko sa pagbabasa, pero mukhang hindi pala.
Huminga ako ng malalim at itinuon ang pansin sa aking kape.
Sa kalagitnaan ng aking pagsasaya ay may biglang umupo sa upuang nasa harap ko.
Dagli akong nag-angat ng tingin at aking nadatnan ang nakangising Zion sa aking harapan.
"Miss me?" nakangisi nitong tanong sa akin.
Imbes na matuwa ay lalo lamang uminit ang ulo ko. Wala sa sariling lumabas ako sa café at iniwan doon ang walang kwentang si Zion.
Wala akong time makipaglokohan sa lalaking iyon. Umalis ito ng walang paalam at wala na rin akong pake kung dumating man ito at isa pa ay nagsinungaling ito sa akin.
Zion is a stranger now.
He lied to me.
He left me alone.
He let me believe his lies.
He broke me.
So, I hate him.
Fuck him.