Chapter 22
Hatid-sundo si Louise ng kanyang asawa kada araw sa kanyang opisina. At palaging maiinit na pagniniig gabi-gabi ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa.
“Hindi ka pa ba nagsasawa sa ‘kin?” ang tanong niya sa asawa isang gabi pagkatapos nilang magsiping.
“Bakit naman? I can’t get enough of you, tandaan mo ‘yan,” anitong hinalikan siya sa noo.
Napangiti naman siya at yumakap sa baywang ni Calvin habang nakaunan siya sa malapad na dibdib nito at ito ay nakayakap din sa kanyang hubad at pawisang katawan.
“Kahit na uugod-ugod na tayo?” natatawang aniya.
Napatawa sa kanya ang asawa. “Oo naman.”
“Uy, grabe ka! Pero… I love you, Calvin.” Ngumisi siya rito nang maluwag.
“I love you, too, honey,” anitong hinaplos ang kanyang buhok at hinalikan ang kanyang ilong. “Siyanga pala, are you up to going to Vigan? I haven’t been there yet.”
“Oo ba!” aniya rito. “Ano? Pasyal tayo bukas?”
“Why not a mini vacation? You know, just stay there for a few days.”
Halik sa labi nito ang kanyang sagot.
“Maitanong ko nga,” wika niya sa asawa.
“Hmm?”
“Talaga bang wala kang kasalanan sa flat tire ng kotse ko?”
Napatawa ang lalaki bilang tugon sa tanong niya. Pinandilatan niya ito at pumatong siyang nakaupo sa hubad nitong katawan. Magkahiwalay ang kanyang mga hita.
“Ang daya mo talaga!” Hinampas pa niya ito sa dibdib at hinawakan nito ang kanyang kamay.
“I thought it would lead us to where we are now. Don’t you think so, too?” punto nito.
Naramdaman na lang niya ang matigas nitong kahabaan na kumaskas sa pagitan ng kanyang mga hita. Napakagat-labi siya at mahinang napaungol.
“Ride me hard, hon,” ang himok nito sa namamaos na boses.
Siya na ayaw magpahamon ay hindi ito inatrasan. Iginalaw niya ang balakang nang pasulong at paatras habang hinahagod ng kanyang pagkababae ang pagkalalaki nito. Damang-dama niya ang paninigas nito.
Hinawakan niya ang matigas nitong pag-aari at iginiya sa kanyang bukana. Ipinasok na niya ito sa namamasa na niyang kaselanan at napatukod siya sa matigas na dibdib ng asawang nakahawak sa magkabila niyang balakang.
Kapwa sila napaungol nang bumaon ito sa kanya at nagpatuloy siya sa kanyang pagsakay sa asawa.
***
Kinabukasan ay agad silang tumulak papuntang Vigan at mula sa airport ay nag-check-in sila sa isang inn. Naglibot sila roon nang mga ilang araw. It was both their first time visiting the place. Kaya naman tuwang-tuwa silang nag-explore gamit ang isang van-for-hire. Nagtungo sila sa iba’t ibang tourist spots doon, katulad ng Vigan Empanadaan, Syquia Mansion, Baluarte, at Hidden Garden.
Tumambay sila sa isang snackbar sa Hidden Garden at napamasid sa paligid.
“I love the place, and I love it because you’re with me,” ang deklara ng lalaki saka ginagap nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa.
Napangiti siya kay Calvin at sinabihang mahal niya ito nang pabulong dahil na rin sa ibang mga turista sa paligid.
“Ano’ng sabi mo? Hindi ko yata narinig iyon, eh,” ang pabirong anito.
She rolled her eyes. “I love you, sabi ko,” saka natatawa rito.
“Ano nga ulit?” kulit pa nito.
“Loko ka, ah! Ipagsisigawan ko pa ba rito, ha?” aniya ritong mukhang napapahiya na. Ramdam na niya ang mainit na mukha.
Tumango naman itong hinahamon siya.
“I love you, Calvin!” ang aniyang isinigaw iyon.
Napatingin tuloy sa kanilang direksyon ang mga tao at nagsipalakpakan pa ang mga itong natutuwa para sa kanila.
“See, they love to watch a scene like this from time to time,” ang wika ni Calvin at tumayo ito upang yumukod para halikan siya sa labi. Pagkatapos ay kumaway pa ito sa mga tao.
Hinampas niya ito sa braso dahil sa pagkapahiya.
“Pasensiya na po kasi bingi ‘tong asawa ko!” ang sabi naman niya sa mga tao.
Napatawa tuloy ang kanyang asawa sa sinabi niya.
***
Nang sumunod na araw naman ay tumambay sila sa Vigan Beach para panoorin ang sunset dito. Nakahilig ang kanyang ulo sa balikat ng asawa habang nakaupo sila sa buhanginan at magkahawak ang mga kamay.
“I can only wish that we could be like this forever, Louise,” ang marahang sabi ni Calvin sa kanya.
Tiningnan niya ito sa mga mata. “I feel the same, Calvin. And I love you so much!”
Hinalikan siya ng asawa sa labi at napamasid na naman sila sa papalubog na araw. She had never felt secure in his love before. At masaya siyang talaga dahil dito. She could only hope that nothing would spoil their love this time. Kahit pa ang itinuturing niyang multo ng kanilang kahapon.
Hindi niya lubos maisip kung ano ang madarama o ano ang gagawin kung saka-sakaling magkikita silang muli ni Sabrina. Dadaanan niya lang ba ito na tila hindi kilala? Susumbatan at sasaktan kaya niya dahil hindi niya nagawa noon?
Hindi niya alam. Siguro, depende iyon sa sitwasyon.
***
“Kumusta ang honeymoon part three?” ang kulit na naman ni Nicole nang bumalik siya sa opisina sa sumunod na linggo.
“Tse! Tumigil ka na, ha, Nicholas? Panis na ‘yang panunukso mo sa ‘kin,” ang ungot niya sa bakla ngunit may ngiti naman.
“Ay, lady bosing, hindi talaga. Interested kaming lahat sa love life mo, eh. Sinimulan mo kasi sa great secrecy,” ang tugon pa ng bakla. Ipinamukha na naman nito ang pagiging masekreto niya.
Hindi siya nakaimik.
“Oo nga naman, Louise. At saka, gusto naming hindi na papalpak ang second chance ninyong dalawa ni Calvin, ‘no?” ang dagdag ni Marcia. “Gusto nating lahat ang happy ending!”
Ngumiti siya rito nang sobrang sweet. “Hinding-hindi na talaga papalpak! Road to happy ending na ‘to, Marcia.”
“Sure? Mature ka na ba?” ang anitong nakataas ng kilay at nagkuros pa ng mga braso.
Napasulyap naman siya kay Stella na kalalabas lang ng mini kitchen galing sa pagtitimpla ng kape. Hindi pa yata ito nakapag-almusal kanina kaya heto.
“Oy, mature na ako, ano? Kaya nga ako nakipagbalikan sa asawa ko, ‘di ba?” Lumabi pa si Louise.
Umismid naman si Marcia saka isinara ang pinto ng mini kitchen. Napansin naman niyang napasulyap si Nicole kay Stella na tahimik na bumalik sa mesa nito. Nagtaas siya ng kilay sa lihim na pagtatanong sa bakla ngunit nagkibit-balikat lang naman ito dahil may customer na dumating.
Naisip niyang baka may problema si Stella.
‘Ano na naman kaya? Nanay niya? O tungkol kaya ito kay Anthony? Ano kaya ang ginawa ng boyfriend niya sa kanya?’ napadili-dili si Louise.
Concerned siya kay Stella, sa mga tauhan niya, generally speaking. Kung may problema man ang isa sa mga ito, gusto niyang ipakitang may karamay ang mga ito.
Habang nagtatrabaho sila, inoobserbahan niya lang si Stella. So far, nag-focus lang naman ito sa trabaho sa kabila ng problema nito. Kaya naman wala siyang masasabi sa pagiging professional nito. Daig pa sina Marcia at Nicole na halos puro biro ang mga bagay-bagay.
Gayunpaman, hindi niya masasabing masama iyon. Sa katunayan nga, ang dalawang ito ang nagpapangiti sa kanya noong mga taong miserable siya sa buhay dahil sa pagkakahiwalay nila ni Calvin. Kaya naman itinuturing niyang mga kaibigan ang kanyang tatlong empleyado.
They were with her during her worst time. Kahit hindi alam ng mga ito iyon. For that, she would always be grateful. Kahit paminsan-minsan naiirita siya kay Marcia o kay Nicole, hindi niya sinesante ang mga ito. Sabagay, ayos namang magtrabaho ang mga ito. Mabunganga lang talaga ang mga ito at siyang nagbibigay-buhay sa kanilang opisina.
“Hey,” ang sagot niya sa kanyang cell phone nang tumawag ang kanyang asawa. “Napatawag ka.”
“I just miss you, that’s why,” tugon ni Calvin sa kabilang linya.
Napatawa siya. “Busy ka, ano?”
“Medyo. Sorry, can’t eat lunch with you today.”
“Okay lang. Kayo na lang ni Mama riyan sa bahay.”
“Hinatiran niya lang ako ng pagkain sa library para hindi ako maistorbo. I have to do some crazy stuff. At sobrang maalalahanin ni Mama, eh.”
“That’s good then.”
“Nakakahiya yata kay Mama, hon.”
“What? Bakit naman?”
“Just that. I thought she’s just so thoughtful.”
“Ano ka ba? Para ka nang anak niyan. Kita mo ngang ako pa ang mas pinagagalitan nang maghiwalay tayo at wala kang narinig na anuman sa kanya, ‘di ba?”
“Right, right.” Napatawa ito.
Napangiti tuloy siya nang malapad. “Sige, magtrabaho ka na.”
“All right. Tumawag lang talaga ako para hindi ako mababaliw sa problema sa kumpanya.”
“Bakit?” Napakunot siya ng noo. “Ano na naman ang problema n’yo?”
“Don’t worry. It’s nothing I can’t handle. It’s just the usual things. Pero kausap lang kita, malilinawan na ang isip ko.”
“Loko! Petiks-petiks ka lang yata, eh!” tudyo niya sa asawa.
Napatawa ito. “Anong petiks?”
“I-google mo na lang kung hindi mo talaga alam!”
Sa pagiging pagkatubong-Amerika nito ay baka nga hindi nito alam iyon.