Chapter 11

“Kung ganyan ba ang mangyayari sa kotse mo, ‘di ka nagko-commute?” Calvin raised an eyebrow while looking at her, chewing his food.

“Bumili ako ng kotse para hindi mag-commute, okay?” ang tugon naman ni Louise na nagtataray. But of course, he got a point.

He chuckled.

“Ano ka ba, Louise? Kumakain ang tao, huwag mong istorbohin,” ang sabat ng ina na bumalik bago ito umalis palabas ng back door para magtungo sa labahan nila.

Alam niyang kahit nandoon na ang kanilang helper ay gumagawa pa rin sa mga gawaing-bahay ang ina dahil hindi ito mapakali kapag nakaupo lang ito at magmamanda.

Napabuntong-hininga naman siya at napaupo sa tapat ng lalaki. May sasabihin pa sana siya nang tumunog ang kanyang cell phone. Si Nicholas iyon.

“Nicholas, I have something going on. I’ll be there, okay?” Pinatay na niya agad ang cell phone nang hindi man lang nakapagsalita ang bakla. Makukuha na nitong ito na ang magbubukas ng opisina kahit wala pa siya. Siguro rin ay dahil sa tinawag niya ito sa buong pangalan nito at makukuha nitong wala siya sa mood.

Nang maibalik niya sa kanyang bag ang cell phone ay napatingin siya sa asawang kanina pa pala nakatitig sa kanya. Matiim ang ekspresyon ng mukha nito.

“Nicholas?” He raised an eyebrow. “Who’s he? You’re pissed over a flat tire because you were supposed to meet a guy?” Padabog nitong binitiwan ang kutsara at tinidor. Masama ang tingin nito sa kanya.

She snorted. She could not believe it. Now, he was accusing her of having a man? She laughed at him.

‘Why not let him believe it?’ naisip pa niyang bigla.

‘Buti na lang ito at nang hindi niya maisip na nababaliw pa rin ako sa kanya at hindi lang siya ang lalaki sa mundo!’

“That’s none of your business, really. We’re not together, Calvin,” ang ngumiting aniya at kumibit ng balikat. Ipinaalala iyon sa lalaki.

Lalong tumiim ang ekspresyon sa mukha nito. Nagsalubong ang makapal nitong mga kilay.

“Of course, it is! You’re a married woman, Louise, and you’re married to me for God’s sake!” galit na punto ng lalaki.

Napamaang siya rito. “Married to you? Huh! Remind me why we’re not living together anymore, Calvin,” sarkastikang aniya ritong tumayo mula sa kanyang kinauupuan.

At iyon din ang ginawa ng kanyang asawang galit na galit. She heard him curse once more. Pagkatapos ay narinig niyang pumanhik itong muli sa itaas.

She closed her eyes. She did not mean to have another fight with him. Pero hindi niya napigilan ang sarili. She just wanted to make him jealous.

‘Pero kung makipagbalikan talaga siya sa akin, siguro nga ay mahal pa niya akong talaga,’ naisip pa niya.

Naalala pa niya ang mga pasalubong nito sa kanya na inilagay ng ina sa kanyang kuwarto. Dalawang kahon iyon ng iba’t ibang perfume, lotion, shower gel, intimate things, tulad ng underwear, sapatos, ilang magagandang blouses, night dresses, jeans, at summer dresses.

She loved all those. Alam niyang magaganda ang taste ng lalaki at swak din iyon para sa kanya. He always showered her with gifts since they were together na wala na siyang mahihiling pa. He was always thoughtful and sweet like that.

Gayunpaman, hindi niya alam kung ano ang dapat na gawin sa mga regalo nito. Hindi niya alam kung dapat na maa-appreciate niya ang mga iyon. Ayaw mang isipin ay baka ginagamit lang iyon ng asawa para paamuhin siya.

‘Or he could be so sincere about all this,’ anang isang bahagi ng isip niya.

Could it be possible that she had to believe he was innocent that night? Could it be that she was so wrong after all these years? Was she so wrong to not give him any benefit of the doubt? Ni hindi man lang niya kinompronta noon si Sabrina. Naisip niya kasing hindi na iyon mahalaga dahil nagtaksil naman na ang mga ito sa kanya. And she could not handle what Sabrina might say to her.

Yes, she was a coward. She just ran away. She thought it was the only way to cope with her pain.

Naninikip ang kanyang lalamunan. Louise loved him, and she still did. And with that, her trust and faith in him must go hand-in-hand. Perhaps, she was just blinded by jealousy at the time. Kaya hindi niya nakita nang malinaw ang tunay na pangyayari.

Naalala na naman niya ang pagngiti sa kanya ni Sabrina. Isang ngiting matagumpay⸺kung hindi siya nagkakamali.

Napakuyom siya ng mga palad saka narinig niya ang mga yabag ng lalaki na bumabang muli. Ngayon ay nakabihis na ito sa suot nito kahapon.

“Calvin…” She tried to speak to him, but she could not say anything more besides calling his name. And damn her feelings for making her so confused and weak at this very moment!

“I’ll fix your car later. Ihahatid na kita kung saan ka man pupunta,” ang sabi nito at nauna na itong lumabas nang sinulyapan lang siya nang sandali.

Pinagbuksan pa siya nito ng pinto ng kotse nito nang walang imik at saka lumulan na siya. Pansin niyang bago ang sasakyan dahil sa bango at linis nito.

Nang makaupo na ang asawa sa driver’s seat, sinabi na niya kung saan siya pupunta. And they drove in silence, with him following the GPS.

She could sense he was still boiling inside. Gusto man niyang matuwa ay nakonsensiya naman siya para papaniwalain itong may iba siyang lalaki. Wala naman talaga siyang lalaki. Kahit na naisip na niya noong mag-move on pero hindi niya magawa hanggang ngayon.

Napakagat-labi na lang siya at napatingin sa kanilang pamilyar na dinaanan.

“Is that your office?” ang tanong ni Calvin sa kanya at saka huminto ito sa tapat niyon.