CHAPTER 1: BEAUTIFUL
POEKY
Poeky ledesma nag iisang taga pag mana ng ledesma incorporated, my both parents died in the car aaccident last 3 years ago kaya saakin ang bagsak ng lahat ng naiwan nila. Well meron naman si papi/ lolo na nag babantay saakin.
Hindi kami masyadong close pero when it comes to property ang lahat ng naiwan saakin ay napaka niya, gusto niya well detailed ang report sakanya kung saan man napupunta ang pera ng anak niya, sinasabi niya kasi na naiahon lang ang papa ko sa mama ko na anak niya at kung hindi dahil kay mama hindi siya magiging successful.
Kaya ganito na lang siya mangialam dahil pera parin daw ng anak niya at hindi daw niya hahayaan na mapunta lang wala ang pinaghirapan ni mama. Hinahayaan ko na lang si papi kung ano ang sabihin niya, hindi ko naman pinapabayaan ang kompanya at lahat ng mga ari arian na naiwan saakin at alam niya naman iyon.
“ kailan ka pupunta sa baba? Pag tapos na? poeky ikaw ang may ari tapos wala ka doon” napa buga ako ng hangin.
“ papi monthly may party ang kompanya, hindi naman pwedeng monthly andon ako. Sayang ang oras ko, mag tra-trabaho na lang ako kaysa tumayo doon” sagot ko.
“ tradisyon na iyon ng kompanya, hindi ka pa ba nasasanay?? Ang mama mo ang---”
“ okay okay okay, baba ako pero give me 15 minutes to freshen up” tumango siya at nag lakad na paalis, lagi na lang niyang brini bring up si mama lalo na pag di ako pumapayag sa gusto niya.
Matapos kong ma retouch ay bumaba na ako, binati ako ng mga empleyado ko, well gaya nga ng sabi ko tatayo lang ako doon at ngi-ngiti na parang walang tambak na trabahong nag hihintay saakin. Nanatili lang ako doon haggang naisipan kong lumabas at mag pahangin.
“ yow! Pwede bang mag tanong?” kumunot ang noo ko, ngayon lang ako nakakita ng lalaki na naka tuxedo tapos ang salita ‘yow?’
“ yes, what it is?” sagot ko
“ oh yeah—ahm—is where their here the ledesma party??” napataas ang kilay ko, well siguro isa siya sa empleyado ko. Sa laki ba naman ng kompanya ko ay hindi ko naman lahat mamememorya kung sino sino sila.
“ yes, your in the right place” ngumiti siya.
“ buti naman, kanina pa ako paikot ikot, salamat pards ah” naglakad na siya papasok, ano daw? Pards? Ako?? Mukha ba akong lalaki sa tingin niya.
“ ah teka” nilingon ko siya.
“ maganda ka infairness” nanlaki ang mata ko habang naka tingin don sa lalaki na nag lalakad palayo, may pa infairness pa siya?? Imbes na maging maganda ang mood ko naging hindi dahil sa lalaking iyon.
Pumasok na lang ako at naki halubilo sa mga empleyado ko, gusto ko ng matapos ito pero hanggang 8pm pa ito, napa lingon ako ng biglang may nabasag.
“ ang tanga naman ni homer! Tignan mo naman ah ung dinadaanan mo tsaka para ka namang nauubusan diyan sa dala dala mo!” kilala ko ung babaeng nag salita, si marina falcon isa sa HR Team, naka masid lang ako at tinitignan kung ano pang susunod na mangyayare.
“ ma’am para kasing sayo naman ito kung makadamit ka kasi, may palaypay na nga sa taas meronn pa pala sa baba na kasin haba ng belo ng ikakasal” sagot niya.
“ uy homer kunting respeto naman, kabago bago H. R yan baka nakakalimutan mo” singit ng isang babae.
“ okay sige, pasensya na pero sa susunod wag kang mag damit ng ganyan para kang sasagala” nag tawanan ung mga ibang empleyado at kita ko ang pamumula sa mukha ni marina na halatang nahiya sa sinabi ni homer.
“ ikaw----!!!”
“ may problema ba dito??” nag salita na ako at tinignan nila ako, tinignan naman ako ni homer.
“ ah si miss beautiful” sabi ni homer, tinabig siya ng isang empleyaddo.
“ boss yan” bulong sakanya, nagulat siya pero nakarecover agad at ngumiti tsaka nag lakad palayo.
“ pasensya na po kayo sa bagong janitor natin, bago lang po kasi siya” sabi ng H. R na si marina.
“ its okay, just enjoy the party” sabi ko, nag lakad na ako palayo.
Sa wakas ay 8pm na kaya nag si uwian na ang mga empleyado ko, ako naman ay pumunta sa opisina ko at kinuha ung bag ko. Bukas ko na ipagpapatuloy ung trabaho ko, bumaba na ako sa parking ng may napansin akong parang nag sasagutan kaya sinilip ko, si marina at maga ibang empleyado tapos si homer na nakaupo.
“ sa susunod matutu kang rumespeto, janitor ka lang” sabi ni marina, napakunot ako.
“ maski janitor ako atleast hindi ako nanghahamak ng kapwa ko tao, H. R ka nga pero napaka pangit naman ng ugali mo” sagot ni homer pero bigla siyang sinuntok, mukhang bf ni marina ito.
“ akala mo magiging maganda ang pag trabaho mo dito, kala mo ah” sabi ni marina.
“ sasabihin naman kita sa boss” kita ko ang reaksyon ni marina kaya sinenyasan niya ung bf niya na bogbogin si homer, malaki ang katawan pero di man lang lumaban. Tsk! Tsk!
“ sa susunod lumugar ka!” iniwan na nila si homer na bogbog sarado, naka tingin lang ako sakanya na hirap tumayo. Napa buntong ako ng hininga kaya nilapitan ko siya, kinuha ko ung panyo ko at iniabot sakanya.
“ di mo man lang ako tinulungan” sabi niya.
“ why would i?? personal maatters mo na iyan tapos mangingialam ako??” natawa siya, ini abot niya ung panyo ko at tumayo kahit hirap.
“ salamat dito, ibabalik ko na lang” tumango na lang ako at tumalikod na pero huminto ako.
“ bakit di ka lumaban? Kumpara naman sa katawan ay mas lamang ka at mukhang mas malakas ka naman don sa lalaki” pero naka talikod parin ako sakanya.
“ lumaban naman ako, natalo ko nga siya kaya nga ganito ang ginawa saakin. Tsaka kung lalaban ako ng bugbugan ano naman mapapala ko? Mas okay ng mag pabugbug at isumpa na lang sila sa isip ko” hindi na ako umimik at iniwan na siya