CHAPTER 2: WORK

HOMER

Ano ba iyan, minsan na nga lang ako magka trabaho sa mismong kompanya ganito pa ang nangyayari saakin, bwesit! Pasalamat siya mahalaga saakin ang trabaho ko at kailangan ko ng pera kaya tinitiis ko ung mga ginagawa nila saakin.

“ oh! Ano nang nangyare sa mukha mo pards?” si nancy bestpren ko, partners in crime ko iyan at napaka sipag at matulungin niyang anak kaya siguro kami magka vibes.

“ alam mo, kinaya nanaman ako ng may kaya” sagot ko, umupo ako at kumuha ng bbq na benta niya. Madaming raket yan para makatulong sa magulang niya.

“ akala mo talaga kung sino yang mga may kaya na iyan, kung alam lang nila hindi sila aasenso pag wala tayong walang kaya” sagot niya na akala mo siya ung inaway, natawa na lang ako sa reaksyon niya.

“ hayaan mo na, alam mo pag ganito ang nangyayare saating mahihirap mas lalo tayong dapat mag pursige para sa susunod hindi na tayo apiin” tumango siya.

“ tumpak! Kaya nga ganito ako kumayod para narin sa ikakabuti ko” ngumiti ako sakanya, nag aaral kasi siya at pag tapos na klase niya tinda siya ng kung ano ano maski magabihan pa siya. Ang mahalaga kasi sakanya may pang gastos siya at may maibigay din sa magulang niya na pang bili ng ulam.

“ isa pa, sarap ng bbq mo ah” proud na proud naman siya.

“ kaya ung mapapangasawa ko mabubusog dahil sa sarap kong mag luto” nabulunan pa ako.

“ naks! Asawa agad?!! Aral muna!” sumimangot siya pero ngumiti din naman.

“ oy! Nakailan kana!” sumenyas ung kamay ko kasi puno ung bunganga ko.

“ hi bebe homer” kinindatan ako ni mang berta, isa siya na kilalang reketera dito saamin at pag gipit ka sakanya ka lalapit pero malabong lalapit ako sakanya kasi balita ko ung mga rakets nga mga under the sea kombanga, mga kakaibang raket pero malaki ang bayad.

“ gusto ko ng raket?? Madali lang to maglalabas ka lang at limpak na pera na ang hawak mo” sabay pindot sa dibdib ko.

“ oy! Mang berting wag yang si homer, matino yan at wag mo igaya sa mga ibang lalaki diyan” pagsusungit ni nancy.

“ maka mang berting ka naman, berta pag gabi noh” inirapan niya si nancy, napa ngiti na lang ako

“ bigyan mo ako laman na limang piraso at syempre hindi mawawala ang pinaka masarap na ulo na natikman ko” sabay tingin saakin

“ alam kong masarap ang ulo ko, ilang ulo?” singit naman ni nancy.

“ liman din” sagot niya.

“ pero seryoso ayaw mo?? Pasok ka kasi sa requirements na sinabi, anano umiling ako habang sumusubo.

“ hindi na, malaki naman sweldo ko at kayang buhayin ang magulang ko” sagot ko..

“ okay sige, sayang naman pero mag sabi ka baka mag bago isip mo pero hanggang tapos nalang ung palugit ko, naku! Paano ba ito? Saan kaya ako kukuha ng kakaibang lalaki na tulad mo” hindi ko na siya pinansin at inubos ko na lang ung paa na kinakain ko tsaka ako nag bayad at umuwi na.

“ homer andiyan kana pala” nag mano ako kay mama at papa pero bakit naman ganito ang pag hinga ni papa.

“ ano nangyayare sainyo papa?” tanong ko.

“ ay naku! Antigas kasi ng ulo niya sabi kasing wag mag papagod ng sobra kaya hayan inaatake nanaman ng sakit sa baga niya, pinainom ko na siya ng gamot at mamaya at kakalma din yan” tumango si papa at tinapik ang braso ko.

“ ah sige po, mag papalit lang po ako” pumasok na ako sa kwarto ko at nag palit ng damit, lumabas na ako para tumulog sa paghain ng pagkain.

Kinabukasan maaga akong pumasok, day shift kasi ang duty ko. Ilang minuto ay pumasok na unti unti ung mga empleyado at syempre ang H. R na masama ang tingin saakin. Binati ko parin pero inirapan lang ako, nakabawi na nga siya tapos galit parin saakin.

“ goodluck sayo, last day mo na” sabi ng isang empleyado, napa kunot naman ako. Paanong last day eh wala naman akong nilabag na rules ng kompanya at lagi naman akong on time na pumapasok.

Hindi ko na lang pinansin at ginawa ko na lang ang trabaho ko, bilang janitor napaka hirap ng trabaho ko pero dibale na kasi malaki naman ang sweldo. Inuna ko ng I mop ung mga hallway, meron naman akong kasama na janitor pero by floor kasi kami at ako ay nasa unang floor.

“ homer, nag lilinis ka ba talaga?? May putik dito oh” sabi ng iisag H. R, lumapit ako at minop ko ng may pasadyang itinapon na kape.

“ ooopppsss nadulas” hindi ko na pinatulan at agad itong minop dahil baka may madulas pa pero sakto namang naglakad si marina para madulas, hindi siya naka tingin sa daan dahil may binabasa ito.

“ aray!!!!” mabilis akong lumapit at tinulungan si marina pero nagalit siya saakin.

“ diba laging sinasabi sayo na dapat manatiling dry ito lalo pat laging daanan ito!!!” sigaw niya saakin.

“ ah ma’am kasi may natapon----”

“ your fired!” nanlaki ang mata ko, tinignan ko ung isang h. r member na naka ngiti.

“ sisante kana! Bukas pumunta ka dito para kunin ung mga natirang pera mo” tumayo na siya na paika ika, hindi naman na ako naka imik at napa buga na lang ng hangin.

Alam ko namang planado iyon pero naisip ko na din na mas okay ng umalis na din ako kaysa ganun, maghahanap na lang ako ng ibang trabaho pero nasasayangan ako dahil malaki ang sweldo doon. Iba iba talaga ang mga tao, pag di ka gusto gagawa sila ng paraan para maalis ka sa paningin nila.

“ pards!!! Si tito dinala sa hospital” sigaw ni nancy, hindi na ako nagpa tumpik pa at pumara ng jeep para sumunod sa hospital, sabi na eh iba ung pag hinga ni papa kagabi. Kainis! Ngayon pa na wala akong trabaho!!