CHAPTER 9 - JEALOUSY
“Ms. Raven sino 'yan?” lumabas sa kwarto si Thyrone at parehas kaming nagulat na si Kierra ang dumating.
“K-Kierra, what are you doing—”
“Of course I'm worried about you, stupid.” bigla bigla na lang siyang pumasok at tinulak ako, she suddenly hugs Thyrone.
“Hey what are you doing?”
“Pwede ba pag tumatawag ako sagutin mo?”
“Oh, sorry. May lagnat kasi ako so 'di ko nasagot yung tawag mo.”
“Really?” bigla niyang hinawakan ang noo ni Thyrone.
“Oo nga, ang init mo. Let's go to your bed room and rest.”
“But, I just rested. Ms. Raven nursed me.” tumingin siya sa'kin bigla at nakikita ko ang panlilisik ng mata niya.
“Ms. Raven, thank you for taking care of him. I can manage na, you can go.”
“Y-Yes, ma'am.”
“M-Ms. Raven—” hindi ko na pinansin ang pagtawag ni Thyrone at agad na lang akong lumabas, bago ako umalis at tinignan ko sila, halos ayaw niya bitawan si Thyrone.
I'm glad that the rain has stop. Kaya naglakad lakad ako para makapag isip, I can tell it from her actions. She has feelings for him. But grabe huh talagang pinaalis ako? When ako 'tong nag alaga sa lalaking 'yon.
Why did I do it anyway? Bakit lagi akong nag aalala sa kaniya? Why am I doing these kind of things for him? I think.. I'm becoming delusional. I'm here to do something, I'm here to make him experience what I had experienced, since the day that he left me.
Thyrone's POV
Hindi man lang ako nakapag pasalamat kay Ms. Raven, agad na lang siyang umalis. At ito naman si Kierra pilit akong inaalagaan when mababa naman na ang temperature ko.
“Do you want something? Soup or anything? Hmm porridge?”
“I just ate porridge.”
“By whom?”
“Ms. Raven.”
“Hey, Thyrone, can I warn you about something?”
“Hmm?”
“Huwag kang masyadong lumapit sa babaeng 'yon, I think she likes you or baka gold digger siya. Besides hindi tayo nakakasigurado na hindi siya ang Lumina na kilala mo five years ago.”
“I'm sure of it. She's not her.”
“Hindi sapat ang nasa resume niya para mapaniwala ka, everyone can have plastic surgeries. What if.. She's her and she came here to revenge?”
“Revenge? Kung siya talaga 'yon, I know she won't take revenge. Ang Lumina na nakilala ko, she's coward. Hindi siya lumalaban sa bullies at hinahayaan niya lang na gawin nila ang gusto nila. And.. I know na she's not the type that can plot something like that.”
“Hindi ka sigurado d'yan.”
“But, bakit nga ba pilit mong pinapalayo ako kay Ms. Raven? Are you jealous or something dahil ikaw na bestfriend ko ay hindi ko pinapansin and lagi akong kasama niya?”
“N-No.. It's not like that.” napatahimik na lang kami parehas ng bigla siyang..
“I like you, Thyrone.”
“W-What?”
“I like you, no, I love you.”
“W-What are you saying Kierra? W-We're friends right?”
“I know! I know we're friends. I thought na basta nasa tabi mo lang ako, okay na 'ko. But, whenever I see you with other girls and even your secretary, I'm jealous. This jealousy inside me were growing bigger and bigger and it makes me crazy. I want you to be mine, Thyrone.”
“B-But Kierra..” bigla niyang hinawakan ang kamay ko, at halos tumulo na ang luha niya.
“C-Can you just.. marry me? Sundin na lang natin ang gusto ng pamilya natin. W-We know each other since we're kids and I can take care of you.” tinanggal ko ng dahan-dahan ang kamay niya, kasabay nito ang pag tulo ng mga luha niya.
“A-Are you.. rejecting me?”
“I'm sorry Kierra, I can't see you as a woman. I can only see you as a friend and a sister.” tumayo agad siya at kinuha ang bag niya.
“I'll make you mine, no, you will want me. Sinisiguro ko sayo 'yan Thyrone.” agad siyang umalis.
Hindi ko alam na may tinatago pala siya sa'kin na ganito. She loves me as a man and I can only see her as my sister. Hindi ko kaya ibigay ang gusto niya.
—
Pagpasok na pagpasok ko ng office, wala pa si Ms. Raven, at ang nando'n lang, ay ang papa ko.
“Dad, what are you—” bago ko pa man makumpleto ang sasabihin ko, sinalubong niya na ako ng sampal.
“Look at what you have done!” agad niyang pinakita sa'kin ang news paper at nakita ko ang picture ko na nakikipag talik sa isa sa anak ng director.
“Hanggang kailan mo ba ako ipapahiya?! You are really a disgusting person! Sabi ko sayo 'di ba?! You can fool around but don't you ever do something that can wreck our company's image!”
“D-Dad..”
“Look! Many of our clients have declined, nawalan tayo ng partners!” nawala na ko sa sarili ko, kaya nabuksan ko ang bibig ko at nasabi lahat ng tinatago ko all these years.
“Wala pa yan sa ginawa mo sa'kin dad! Wala pa yan! You always care about this company pero buhay ng sarili mong anak na dugo't laman mo wala kang pakialam! Wala pa yan kumpara sa ginawa mo sa'min ni Shaira!”
“Shaira? Oh that stupid girl? She's dead and you can't even move on?”
“F**k that dad! You killed her! You killed her and our child!”
“So? I don't want a girl na hindi natin kalevel, she's trying to be your wife because she wants your money! Be thankful to me na tinanggal ko siya sa landas mo.”
“Be thankful?! Talaga bang nahihibang ka na dad?! Pinatay mo ang kaisa-isang babaeng mahal na mahal ko! You didn't even let me know na may anak kami! You'd came that far for this company! You killed a person dahil lang natatakot kang mawalan ng successor for your position! Ano kaya magagawa mo pag inilabas ko na pumatay ka ng tao?!”
“Are you kidding me?! You will abandon your own father?! Your father that gave you everything?! Power, money?! I gave you life and you should obey me!”
“Sana na nga lang hindi kita magulang, I envy those poor people dahil kahit mahirap sila nakakaramdam sila ng pagmamahal sa magulang nila! Ano ngayon kung nasa akin na lahat?! I can't even have love and my own father controls me!”
Lumina's POV
Bubuksan ko sana ang pinto sa office niya pero narinig ko na nag aaway sila ng papa niya. He was crying.
“If you want to have everything, you have to abandon that worthless love!”
“Ganito din ba ginawa mo kay mom? You controlled her? So that's why she commited suicide!” agad siyang nakatanggap ng sampal.
“Don't you dare talk about that b***h again.”
“You controlled her, and she regretted marrying you! She left me because of you!”
“She left us for another man and dahil she's guilty about what she have done, she killed herself! You don't know anything!”
“No, I know everything! I was there when you slap and abuse her when she won't obey you! I saw everything! She was depressed pero hindi mo pinaniwalaan at sinabi mong nag iinarte lang siya! Sinira mo ang buhay niya at ngayon buhay ko ang sisirain mo?! I won't let you ever again. Hindi ko na hahayaan na controllin mo 'ko dad.”
Agad siyang umalis at nakita niya ako na nasa pinto, napatingin lang siya sa'kin at nilagpasan ako pero sinundan ko siya.
—
He came to a bar, nakita ko siyang umiinom mag isa. He already drank 6 bottles of hard drink kaya agad ko siyang nilapitan at inagaw ang inumin niya.
“Give *hik* that back!”
“No! You're already drunk sir!”
“Give it back! I'm not drunk!” umupo ako sa tabi niya at inagaw niya sa'kin ang shot glass.
“Everyone.. Everyone.. thinks of me as their belonging.” he suddenly cried.
“M-My father *hik* doesn't see me as his own son. He *hik* sees me as someone who will fulfill his dreams. Kierra *hik* likes me and wants me to be her husband. Shaira is *hik* gone. M-Mom killed herself. I don't have anyone. I don't..” while holding the bottle, he's crying while his eyes closed. His cheeks were reddish.
“I'm here sir, you have me. You have this girl in front of you.”
Habang nakatingin ako sa kaniya, maybe I'm wrong for releasing those pictures and binigay sa press. He was suffering too much. Akala ko gagaan ang pakiramdam ko pag naibalik ko ang mga ginawa niya sa'kin, pero lalo lang akong nasasaktan. I thought pag nakita ko siyang umiyak just like how I cried so much back then, magiging maayos ako. But, hindi pala.
I should be doing my revenge, but instead.. I fell with the man that made me suffer 5 years ago.