CHAPTER 10 - REALIZATION
He suddenly leaned on my shoulder.
“Ms. Raven, do you know? I'm a bad person. I played girl's heart, many girls.”
“I know sir.”
“But.. only one girl caught my attention, and *hik* she has the same *hik* name as.. you.” bigla niyang binanggit ang taong pinaglaruan niya, at hindi niya alam na nasa harap niya lang ang babaeng ito.
“But unlike you, she's more simple, more uglier, more plain. She's a nerd. I played bets with my friends, and acted like I like her. And when she confessed her feelings, I took a video of it and *hik* played it to the ceremony.” habang kinekwento niya, it also flasbacks on my mind. how they laughed at me when he did that. the rage has comes up to my head, but he said something.
“I actually don't want to play it on the ceremony. *hik* I-I know na nahihirapan siya because of that bullies. But.. *hik* my friends said na sasabihin nila sa papa ko na nakikipag bet ako sa kanila. *hik* so wala akong nagawa kundi i-play ito.”
Tumahimik na lang ako at pinipigilan ang sarili ko, hindi niya alam na lalo niyang dinagdagan ang paghihirap ko.
“I know na lalo siyang nahirapan after that incident. I'm sure.. she hates me so much, dahil ako ang taong pinagkatiwalaan niya, pero I did something para masira 'yon. Siguro, sinusumpa niya ako sa mga oras na ito.” isa-isa nanaman tumulo ang luha niya.
“I guess, Everyone hates me. And I deserve it.”
I hate you, so much. But.. Hindi ko alam na mas malala pa sa ginawa mo sa'kin ang nararanasan mo ngayon. I hate you dahil nadamay ang pamilya ko after you left.
—FLASHBACK—
“Pa, sabi ng professor namin kailangan ka daw niya makausap para sa scholarship ko sa Harvard University.”
“Anak? May scholarship ka?!”
“Ayy nakalimutan ko pala sabihin sayo pa, opo nakatanggap ako ng scholarship dahil mataas ang grades ko.” agad akong nakatanggap ng yakap mula sa papa ko.
“Anak napakasaya ko, mataas na unibersidad ang mapupuntahan mo!”
Napangiti na lang ako habang nakayakap siya sa'kin, pero agad niya 'tong tinanggal.
“Ayy, pa'no kapatid mo anak? Walang magbabantay kay Luna.”
“Hmm, isama mo na lang 'pa. Kikitain ko kayo sa school.”
“Sige anak.”
I only have my father and my 10 years old little sister, Luna. Sila na lang ang natitira sa'kin, so ayoko na masaktan sila. Natatakot ako na baka pati sila madamay sa pang bubully nila sa'kin, pero.. agad na natupad ang kinakatakutan ko.
Nakita ko na agad sila mula sa room namin, naglalakad at tumitingin-tingin sa paligid. Nasakto naman na break time namin kaya agad ko silang pinuntahan.
“Papa!”
“Oh anak.”
“Ate!”
“Hello bunso.” agad kong binuhat ang kapatid ko.
“Pa, tara na.” maglalakad na sana kami papuntang faculty, ng biglang..
“Oy, tatay ni nerd na malandi oh.”
“HAHAHA parehas na parehas sila ng pamilya niya, madudumi.”
“Oo nga HAHAHAHA.”
“Pst, 'di mo ba alam na malandi ate mo?”
“Feeling yan, akala niya nagkagusto si Sir Thyrone tas pinaglaruan lang pala siya HAHAHA deserve.”
Agad nila kaming pinagtawanan, buong campus ay pinagsalitaan kami ng masama. Okay na sana na ako lang, pero dinamay nila ang pamilya ko. Ang masama pa do'n..
“Bullseye!”
“Bilis batuhin niyo!”
Binato nila kami, ng bato at ng dumi. Nasaktan ang papa ko, at natamaan ang kapatid ko sa ulo dahilan para dumugo ito ng sobra.
“Tama na!” nakipag batuhan din ako sa kanila, buti na lang agad na dumating ang principal para patigilin sila. Pero ang kapatid ko..
“Luna! Luna!” nakahandusay na at puro dugo.
“Tumawag kayo ng ambulance bilis!” agad na sabi ng principal.
—
“Apologize to my daughter!” paninigaw sa'kin ng nanay ng binato ko din kanina.
“What?! Ba't ko kailangang mag sorry?! Look at my sister! Dahil sa ginawa nila at pati sa papa ko, natamaan siya sa ulo!”
“I don't care about insects! Hindi mo ata kilala ang binabangga mo, I heard na pupunta ka ng Harvard right? Baka gusto mong ipacancel ko sa principal ang scholarship mo!”
“But—” bago pa ako makapagsalita, biglang lumuhod ang papa ko sa harap nila.
“Please, pasensya na po kayo. Pasensya na po. Huwag niyo po tanggalan ng scholarship ang anak ko. Pasensya na po.” halos lamunin niya na ang dumi sa kakayuko ng ulo niya, agad ko siyang pinapatayo pero ayaw niya.
“Pa, stop! Wag ka mag sorry sa kanila hindi tayo ang may kasalanan!”
Pumunta ang principal at humingi ng pasensya sa babaeng kaharap namin ngayon.
“Ma'm. I should apologize for what happened. Hindi na po ito mauulit.”
“Dapat lang! May pera na ininvest ang asawa ko sa school niyo, kaya ayusin niyo ang pamamalakad!”
Naiwan kami ng pamilya ko, nagmukhang kawawa. My father, dapat hindi na siya magt-trabaho pero dahil sa kailangan namin ng pambayad sa ospital, nagtrabaho ulit siya. Grabe 'diba? Because mayaman sila kaya nila gawin lahat. They can hurt you physically and verbally. Wala silang pakialam kung may mabawian ng buhay basta magawa nila ang gusto nila.
—END OF FLASHBACK—
Because of that, I promised to myself. I will return the same pain to him. But.. Hindi ko alam na simula pa noon at hanggang ngayon, he was suffering.
“Everyone hates me so much. I deserve that.” umiiyak siya at biglang bumagsak sa counter.
“You gave me pain and I thought mas nahirapan ako, hindi ko alam na grabe pala ang pinagdaanan mo.”
Agad kong tinawagan si Clyde gamit ang phone ni Thyrone dahil hindi ko siya kayang buhatin pero walang sumasagot. Kaya wala akong choice kundi buhatin siya. Buti na lang sumagot ang driver ni Thyrone at hindi ako nahirapan mag buhat.
“Ma'am ba't ba nagpakalasing si sir?”
“Nag away sila ng papa niya.”
“Pero ma'am, ngayon lang nalasing ng ganyan yan. Three years na ko sa trabaho ko pero hindi pa siya nalalasing ng ganyan. Siguro ang laki ng problema niya.”
Pagdating sa bahay ay binuhat namin siya papuntang higaan niya.
“Ma'am hatid ko na din po ba kayo?”
“No, dito na lang muna ako.”
“Sige ma'am, alis na ko.”
Agad siyang umalis.
Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siya, I can hear him murmur something.
“Hmm.. Lumina.. I'm sorry.. Shaira.. I'm sorry..”
He regretted what he did to me. Aalis na sana ako, ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
Dapat sinasaktan ko siya, to take revenge. Pero, I hate it when nasasaktan siya, dahil nasasaktan din ako ng sobra. Hindi ko namalayan, na magkadampi na pala ang labi namin.
I kissed him, when suddenly, his eyes opens at napalayo ako.
“S-Sir.. S-Sorry, I can e-exp—” bigla niya akong hinatak at hinalikan ako, he kissed me deeply, pilit ko siyang tinutulak pero ang lakas niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, and I kissed him back. He pulled me and now I'm under him, he kissed me passionately while his hands are taking off my clothes.
I just let him do what he has to do. In that very moment, I forgot my purpose why I am by his side right now, I forgot the pain that I've been thinking for these past 5 years, I forgot what he did to me. I can only think of him and I, sharing this night passionately.
But.. I'm doing this with risks, it's that.. he doesn't love me, and he will marry someone else. While I'm letting him do this, because I realized something.
I realized that he's important to me, and I have special feelings for him.