Chapter 20:
Matapos nila magpahinga ay tinawag na sila ni Jayvee uoang ipagpatuloy ang photoshoot nila kanina. Umupo na lang kami upang panoorin sila.
"Girls, Relax muna kayo dyan magpo-photoshoot lang kami." Nakangiting sambit ni Yuri. Tsk! Akala mo talaga, eh.
"Tama na ang pagpapacute. Tara na," Matapos sabihin ni Jiro iyon ay hinila niya na si Yuri.
"Hoy! Ako lang panoorin mo, ha? Kung hindi malilitikan ka sa'kin," sambit ni Yuri sa'kin kaya wala sa sariling nahampas ko si Saman dahil sa kilig ko. Alam ko hindi niya talaga nais sabihin iyon pero nadadala ako ng nga sinasabi niya.
"Sus! Kahit hindi mo ko sabihan my eyes only focus on you. Ayiee! Kilig." Ngiting-ngiti na sambit ko at sinundot-sundot ang tagiliran niya. Lumapit kasi siyang muli sa'kin.
“Ang corny niyo, ha! Nakalaklak ba kayo ng asukal kaya ganyan kayo umasta? At higit sa lahat required bang manghampas ng katabi kapag kinikilig?” sambit ni Samantha na nakasimangot.
"Sabi ko sa'yo sa'kin mo lang itutuon ang atensyon mo." sambit ni Yuri kaya napalingon ako sa kanya. Aakalain mong totoo ang sinasabi niya dahil sa ikinikilos niya but I remember what he say earlier. It's all an act.
"Pinanood naman kita, ah?" sambit ko sa kanya.
"Hindi naman ako ang pinapanood mo kung saan-saan ka nga tumitingin, eh." Nakangusong sambit niya. Hindi ko napigilang hindi ngumiti ng malapad dahil ang cute niyang tignan.
"Paano mo naman nasabi?" tanong ko sa kanya.
"Sa'yo kaya ako nakatingin. Tinitignan ko kung pinapanood mo ko." sambit niya at nag-iwas pa ng tingin.
Saglit akong napatigil dahil sa sinabi niya at tumitig sa kanya. I know na nagsisinungaling siya dahil ako ang kanina pa nakatingin sa kanya. Ngumiti nalang ako sa kanya at kumapit sa leeg niya. Akala nila Ren sila lang ang pwede maglandian.
"Uy! Nagseselos..." sambit ko at ginawang doorbell ang ilong niya.
"Why would I? Alam kong patay na patay ka naman sa'kin." Confident na sambit nito.
"Ay! Ang yabang!" sambit ko at inalis ang pagkakapit sa leeg niya
"Kahit na pumunta ka pa sa kanila at makipagharutan. Hindi ako apektado." sambit niya pang muli.
"Ah! Gano'n?" sambit ko sa kanya.
Alam ko naman na hindi kaapektado kahit makipagharutan ako sa iba dahil hindi naman talaga natin gusto ang isa't-isa pero malay mo di ba? Someday apektado ka na?
"Oo.."
"Sige, doon muna ko. Nandoon si Baymin, eh." sambit ko at tumayo na para pumunta sa pwesto nila Baymin.
Nagulat ako ng bigla niya kong hilahin at mapaupo sa lap niya. Napakurap-kurap ako ng marealize ko na halos magkadikit na ang mukha naming dalawa.
"Ang ganda mo pala, Kieseyah?" sambit niya sa'kin na naging dahilan ng mabilis na tibok ng puso ko.
"Ngayon mo lang napansin?" Nakasimangot kong sambit at akmang tatayo na sana kaso mas nilapit niya ako papunta sa kanya.
Jusme! Tulungan niyo ako ang bango ng hininga niya. Hahalikan ko talaga ito! Oh! Mygosh!
Hindi naman ito pagkakasala dahil asawa ko na siya. Malapit ko na atang makalimutan ang salitang paghinga. Unti-unti na ring lumalapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa magdikit na ang noo at ang tungki ng ilong namin. Napalingon kami ni Yuri ng marinig namin ang pag-ehem nila.
"Mukhang nakakalimutan niyo atang may kasama kayo." sambit ni Jiro. Nagkatinginan kami ni Yuri at umupo ako sa tabi niya.
"Maawa kayo sa mga single." sambit naman ni Samantha at tumango naman si Jiro.
Napatingin ako sa kamay namin ni Yuri na magkahawak ngayon. Gulat akong nakatingin sa kanya at nginitian niya lang ako. Wala siyang sinabi na kahit ano basta hawak niya lang ang kamay ko hanggang sa matapos ang araw na ito.
---
Yuri's Point of View:
It's been two months ng ikasal kami ni Kieseyah at maayos naman ang pagsasama namin. Hindi ko masasabing mahal ko na siya pero masaya ko tuwing kasama ko siya at nalilimutan ko ang mga problema ko.
"Yuri, gising na." sambit niya at sinundot ang pisnge ko. Nagpanggap lang ako na tulog dahil tinatamad pa akong tumayo.
"Hoy, Yuri maaga ang pasok mo ngayon, 'di ba? Baka malate ka kaya gumising ka na. May practice kayo for showcase today," sambit niya pero hindi pa rin ako natinag sa pagpapanggap na natutulog ako.
Nakarinig ako ng buntong hininga at naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.
"Why so handsome, Yuri?" Rinig kong sambit niya at hinawakan ang kilay ko ng daliri niya. Sunod ang nunal ko sa mata.
"Ang cute." sambit niya
Sunod naman ay trinace niya ang ilong ko hanggang sa'king mga labi. Tumigil siya sandali at naramdaman ko ang paghinga niya.
Nose-to-nose.
Iyon ang ginawa niya ng lumapit siya.
"Alam kong gising ka na ngumiti ka kanina, eh! Dali na bangon na dyan papagalitan ka nila pagnalate ka, Yuri." sambit niyang muli.
Marahan akong dumilat at nasilayan ko ang kanyang mukha.
"Give me five minutes..." sambit ko at pumikit muli.
Hindi pa rin kami natutulog sa iisang kwarto dahil ayaw niya. Nasanay na daw siya na magkahiwalay kami ng kwarto.
"Pft! Five minutes lang ha?" Nakasimangot na sambit niya sa'kin at nagcross-arms pa.
Tumango ako bilang sagot sa kanya at hindi mapigilang tumawa. Gulo-gulo pa kasi ang buhok niya at halatang bagong gising lang. Tamad talaga magsuklay ng buhok ang babaeng ito but honestly kahit ganyan ang itsura niya ang ganda niya. Unlike Nicole, lagi siyang nakaayos konting gulo lang sa buhok niya ay aayusin niya kaagad.
"Bakit ganyan ka magkatitig?" Kunot-noo tanong ni Kie.
"Nothing." sambit ko at hinila siya pahiga sa tabi ko.
"U-Uy..." sambit niya ng yakapin ko siya.
"Just five minutes.." Naramdaman ko naman na yumakap din siya sa'kin pabalik.
Ngumiti naman ako bago muling pumikit. Sumiksik siya sa leeg ko at niyakap ako ng mahigpit. I don't know why pero gusto ko ang pakiramdam na ito. Gusto ko ang pakiramdam ko na nandito siya sa mga bisig ko. Naramdaman ko na naman na trinace niya ang kilay at ilong ko kaya lumapit ako at ninose-to-nose siya. Dumilat ako at nakita ang maganda niyang ngiti.
"Tapos na ang five minutes bumangon ka na." sambit niya at umupo na.
"Ayoko pa, eh." sambit ko sa kanya.
"But you need to." Matapos niyang sabihin iyon at tumayo na siya at pilit akong pinapabangon sa kama.
"Ayaw dito ka nalang uli sa tabi ko." sambit ko at hinila ulit siya sa paupo sa tabi ko.
"Yuri naman, eh." Naka-pout na sambit niya.
"Don't do that." sambit ko sa kanya at napalunok pa.
"Why? Cute ko kaya! " sambit niya at ngumuso pa ulit kaya napakagat labi ako.
"Tss! Naakit ako huwag kang gumanyan baka iyan ang gawin kong breakfast." sambit ko sa kanya. Ngumisi naman siya at saka ngumuso ulit.
"Ay! Gusto din!" sambit ko sabay tawa.
"Siyempre gusto ko matikman ang lasa ng isang Yuri's lips for breakfast." natatawang sambit niya at hinampas pa ako ng mahina sa braso.
"Naku! Tama na ang bolahan at tumayo ka na riyan." sambit niya at umupo sabay nag-inat ng katawan. Tumayo na rin ako at sabay kaming lumabas ng kwarto ko para kumain.
"Ham and egg for breakfast." sambit niya at inabot ang mga ito sa'kin.
Kumuha naman ako ng ham at tulad ng dati ay maalat pa rin ang lasa ngunit nasasanay na rin naman ako.
"Hmm.. Lasa?" tanong niya.
"Okay naman. Masarap." pagsisinungaling ko.
"Liar! Maalat ang luto ko." nakasimangot na sambit niya. Lumipat naman ako sa tabi niya.
"Ang importante hindi na sunog tulad ng dati." sambit ko sa kanya. Sumimangot lang siya muli at nagpatuloy kumain, "Ngiti na..."
"Ano ba? Kumain ka na nga lang, Yuri. Late ka na sa practice niyo." Asik nito na ikinagulat ko.
Ang hirap pa naman suyuin nito pagnagtatampo. Pangatlong beses na ito at lagi nalang akong nahihirapan makipagbati sa kanya. Masinsinan ko siyang tinitigan hanggang sa makaisip ako ng ideya kung paano siya susuyuin.
"Nagtatampo ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Hindi. Kumain ka nalang dyan." sambit niya at inubos ang pagkain niya saka tumayo at nilagay sa lababo ang kanyang pinagkainan. Huminga ako ng malalim bago siya sinundan sa kusina at niyakap siya mula sa likod.
"Y-Yuri ano ba?" Utal na sambit niya.
"Sorry na." sambit ko at sumiksik sa leeg niya.
I close my eyes habang yakap siya at naamoy ang natural niyanh bago. I find myself giving her neck a small kisses.
"Huwag nga, Yuri. Nawawala ang tampo ko." sambit niya at tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya. Kunot-noo siyang lumingon sa'kin.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" sambit niya at humarap sa'kin. Napalunok ako at saka inilapit ang noo ko sa kanya.
"I want to taste your lips for appetizer?" I said, without her response I kiss her.
I kiss her passionately at kumapit siya sa leeg ko para mapalalim ang halik. Ngayon ko lang narealize na ito ang unang pagkakataon na hinalikan ko siya sa labi.
This time I know that she has a special place here in my heart.
I'm not sure if this will lead to love but we can take it slowly until I learn how to love her.