Chapter 19:

"What are you doing here?" Bungad na tanong ni Yuri pagkalapit sakin. Mukhang mainit pa rin yata ang ulo niya dahil wala siyang matinong makain sa mga niluluto ni Kieseyah.

"Baka mag-o-audition sa Sync Entertainment ng may dalang lunch box?" Sagot ko sa kanya dahil parang ayaw niya akong makita kaya dinaan ko nalang sa biro.

"So, iniisip mo na nakakatawa ka na nyan?" sambit niya at naunang maglakad sa'kin.

"Hindi. Iniisip ko kung magiging gano'n ka din ba ka-sweet tulad ni Jayvee," diretsang sambit ko aa kanya dahil naiinggit ako sa pagiging sweet nila Glyren. Sabagay totoo silang nagmamahalan samantalang kontrata lang ang namamagitan sa relasyon naming dalawa.

"Hoy! Yuri!" Tawag ko sa kanya ngunit hindi siya lumingon. Ayaw mo akong lingunin, ah. Tumakbo ako papalapit sa kanya at kumapit sa kanang braso niya.

"Nasa public tayo remember?" bulong ko at nginisian siya dahil pilit niyang tinatanggal ang kamay ko. Nang sabihin ko iyon ay masamang tingin ang ginawad niya saka tinigilan ang pagtanggal sa pagkapit ko sa kanya.

'Well! I win. Hoho!'

"It's a double kill. Jayvee and Yuri with their girls is too much for now." Rinig kong sambit ng babae na parang naiiyak.

Napa-flip naman ako ng buhok ko dahil sa narinig ko. Mainggit lang kayo. Yiee! Pakiramdam ko I'm the most luckiest and prettiest of them all. Napahinto kami sa paglalakad ng huminto si Jayvee at Glyren sa harap ni Manong guard. Nauuna kasong maglakad ang dalawang ito sa'min ni Yuri.

"Kuya, ito po ang girlfriend ko at siya naman po ang asawa ni Yuri. Sa susunod po ay papasukin mo sila kapag pupunta po sila dito." nakangiting sambit ni Jayvee.

"Yes, Sir!" sambit nito at sumaludo pa.

Tinapik naman ni Jayvee ang balikat niya saka nagpatuloy sa paglalakad. Nang nasa tapat na kami ni Manong guard ay nagflip ako ng buhok sabay wacky face. Kala mo ah! Ayaw mo pa maniwala kanina. Napakamot naman ng ulo si kuya ng makita ako at naiiling-iling nalang.

"Isip bata." Rinig kong sambit ni Yuri at hinila na ako papasok ng building.

Makasabi ito akala mo naman siya hindi. Hmp!

--

Pagkadating namin sa training room ay agad naming ginayak ang mga pagkain. Kinuha ko ang mga paper plates sa bag nadala ko at binigyan sila isa-isa.

"Sakto ang dating niyo dahil gutom na ako," Nakangiting sambit ni Jiro habang inaabutan kami ng juice na nakalagay sa plastic cups.

"Luto 'yan ng Kungju ko. Huwag niyo akong ubusan ako ang nagrequest niyan." sambit ni Jayvee at nakipaggitgitan pa sa'min saka sumandok ng madaming kanin.

"Huwag kang madamot, Jayvee. Pahingi rin naman kami," sambit ko at pilit na kumukuha mula sa tupperware na inilalayo ni Jayvee. Paborito ko pa naman ang fried chicken.

"Hindi ito relief goods pero makakakain ang lahat!” Parang t*ngang sigaw ni Samantha. Relief goods amp.

"Hoy! Jayvee at Glyren. Huwag kayong magsubuan ng pagkain sa harap ko baka itulak ko kayo dyan," Nakangiwing sambit ni Jiro sa kanila.

"Sabi sa inyo nagseselos 'yang si Jiro kay Ren, eh!" Pang-aasar ni Yuri kay Jiro kaya tinignan siya ng masama ni Jiro.

Ikaw kaya Yuri kailan magiging sweet sa'kin kailan kaya magiging totoo lahat?

"May lihim na pagnanasa!" Kunwari gulat na sabi ni Jayvee sabay tawa.

"Ang ingay mo tawa ka ng tawa kumain ka na nga dyan." sambit ni Yuri at bigla akong sinubuan ng kanin.

Amp! Ang laki-laki pa ng kanin na isinubo niya sa bibig ko kaya naman nahirapan akong lunukin, pero kahit na ganoon ay kinilig talaga ako. Uwaah! Mukha na nga ata akong kamatis ngayon.

"Yuri si Kie ang nagluto ng mga pagkaing iyan," wala sa sariling binuga ni Yuri ang kinakain niya matapos marinig ang sinabi ni Glyren. Seriously, Yuri?

"Yuri!" Sigaw ni Jiro dahil sa mukha niya tumama ang ibinuga ni Yuri.

"I’m dead!" Nakangiwing sambit ni Yuri sabay takbo papalayo kay Jiro.

Naghabulan ang dalawa hanggang sa pigilan ni Jayvee si Yuri kaya nahuli siya ni Jiro.

"Waah! Jiro, Tama na! Sorry na! Hahaha..." Mangiyak-ngiyak na sambit ni Yuri sa pagitan ng mga tawa niya. Kinikiliti kasi siya ni Jiro.

"Parusa mo ito sa pagpapaligo mo ng pagkain sa'kin." Sambit ni Jiro at binigyan siya ng sunod-sunod na mahihinang suntok

"Jiro at Yuri, tama na 'yan. Kumain na kayo dito dahil masamang pinaghihintay ang pagkain," Matapos sambit ni Jayvee iyon ay naglubay din ang dalawa at nagpatuloy na sila sa pagkain.

"Hoy! Kainin mo iyong niluto ko para sa'yo." Nakapout na sambit ko dahil kanin lang ang kinakain niya. Pilit kong pinapatikim sa kanya ang carnonara ngunit iniiwasan niya ito.

"Ayoko baka mamatay ako bigla," sambit ni Yuri at inilalayo ang mukha niya sa kutsara.

"Ang harsh!" Natatawang sambit ni Samantha kaya tinignan ko siya ng masama dahilan para mapaiwas siya ng tingin sakin.

"Masarap kaya ang luto ni Kie," sambit naman ni Glyren at sumubo ng pagkain.

"Try mo! Si Glyren nagturo sa kanya kaya paniguradong masarap 'yan," Rinig kong sambit naman ni Jayvee.

"See? Sila nga nasasarapan sa luto ko tapos ikaw ayaw mong kainin? Ang arte mo, ha? Kainin mo na please," sambit ko ngunit hindi niya ako pinansin kaya napasimangoy ako. Kinuha ni Jayvee ang hawak kong baunan kaya lalo akong sumimangot.

"Bakit kinuha mo? Ayaw niya naman, eh!" Reklamo ni Jayvee dahil inilayo ko pa iyon lalo sa kanya.

"No! It's for Yuri," sambit ko at inirapan siya

"Damot!" sambit niya at ngumuso. Nanahimik lang siya ng subuan siya ni Glyren ng spaghetti.

"A-Y-A-W!" sambit ni Yuri ng umiiling- iling pa ng itapat ko sa bibig niya ang kutsarang may spaghetti.

"Please?" sambit ko with matching beautiful face pa.

"Not effective!" sambit niya sabay inom ng tubig.

"Ah, ganun?" sambit ko at nginusuan siya.

"Oo—" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya. Habang nagsasalita siya ay mabilis ko siyang sinubuan ng spaghetti at tinakpan ang bibig niya kaya wala siyang choice kundi lunukin ang isinubi ko sa kanya.

"Walangya! Sapilitan ba?" Reklamo niya at pinunasan ang bibig niya.

"Oo, ang arte mo kasi. Anong lasa? Masarap ba?" tanong ko sa kanya. Saglit siyang nag-isip bago nagsalita.

"Pwede na," sagot niya at nag-iwas ng tingin. Napangiti naman ako dahil doon.

"Kainin mo pa ito." sambit ko kay Yuri at binigay ang baunan sa kanya.

"Ayaw." sabi ni Yuri sa'kin. Kumuha ako ng isang kutsara at sinubo sa kanya. Ang loko-loko naman ay kinain din.

"Arte! Magpapasubo lang naman pala!" sambit ko sa kanya.

"Mommy, ahh~" sambit niya at tumawa pa. Paksheyt! Ang cute niya.

"Oh! Ito na baby damulag!" sambit ko at sinubuan siyang muli.

Mygosh! Gamit namin ay iisang kutsara lang. Waah! Kinikilig ako! Matapos naming kumain ay nagligpit na kami ng pinagkainan. Ang mga boys naman ay nagpahinga dahil mamaya ay magpapatuloy na sila muli sa pagtatrabaho.

"Hello!" sambit ng isang lalaki na pumasok

"Mr. Jung," tawag ni Jiro sa lalaki saka tumayo at lumapit dito.

"Gladly you are here. Nakahanap na ako ng Personal Assisstant mo." sambit nito kay Jiro. Pumunta sila sa gilid ng silid saka nag-usap

Personal assistant? Rinig kong sambit ng lalaki kay Jiro kaya napalingon ako doon.

"Hoi! Chismosa ka din, ano?" sambit ni Yuri kaya napalingon ako sa kanya.

"Bakit selos ka?" Nakangiting sambit ko sa kanya na ikinasimangot niya. Lumapit siya sa'kin kung kaya ay napasandal ako sa pader.

"Asa ka? I just want to inform you that all I did earlier is just an act. Mahirap na baka maniwala ka sa mga ikinilos at sinabi ko kanina." Bulong niya sakin. Agad ko siyang itinulak palayo sa'kin.

"Oo, alam ko." Mahinang sambit ko at umakto na para bang hindi nasasaktan sa mga sinabi niya.

Tumayo na ako at iniwan siya dahil baka hindi ko na magustuhan pa ang mga sinasabi niya. Nang mapadaan ako sa gawi nila Samantha ay aksidente kong narinig na magiging personal assistant siya ni Jiro at magsisimula na siya magtrabaho bukas. Pag-alis ng lalaking kausap niya ay dali-dali akong lumapit sa kanila.

"Hoi! Samantha, gusto ko din maging personal assistant ni Jiro," sambit ko sabay kapit sa kanya. Naramdaman ko naman ang presensiya ni Yuri sa gilid ko ngunit isinawalang bahala ko iyon.

"Sus! Asawa ka na nga ni Yuri nagre-request ka pa maging Personal Assistant ni Jiro? Huwag kang abuso, Kieseyah. Dyan ka kay Yuri mag-apply bilang personal assistant niya." Sabat naman ni Glyren kaya napasimangot ako at tinignan si Yuri na wala namang pakialam.

"Naku! Huwag kang abuso. Maawa ka sa'kin nakakasawang makita ang mukha mo ng 24 hours baka bangungutin na ako pagnangyari iyon,” sambit ni Yuri sa'kin. Nasaktan ako sa sinabi niya ngunit tumawa nalang ako at kinurot siya sa kanyang tagiliran.

Kailangan ba talagang sabihin niya iyon sa harap nila? Mabuti nalang at isinawalang bahala iyon nila Glyren. Hays.

"Ikaw talaga, hahaha." Parang ewan na sambit ko at pilit na tumawa.

Tinignan naman ako ng masama ni Yuri dahil sa ginawa ko at pinigilan ako sa pagkurot sa kanya.

"Aray, ha." sambit niya sa'kin at inirapan ko siya. Deserve mo iyan letse ka.