Chapter 16:
This is it. My wedding day, dapat nga ay kanina pang seven ng umaga kaso nga lang nalasing ako kagabi kaya ayan. In-adjust at ginawang 1 pm. Isang katutak na sermon ang natanggap ko kay mula kay Mom at Yuri dahil sinukahan ko daw siya kagabi.
**Flashback**
"Argh! Ang sakit ng ulo ko!" sambit ko ng bumangon ako mula sa kama at nakahawak pa sa ulo ko.
"Sabi ko na kasi huwag kang magpapakalasing iyan ang napapala mong bata ka," sambit ni Mom sa'kin.
"At talagang hard pa ang pinagtripan mong inumin? Ayan bagsak ka kagabi buti nalang talaga nandyan si Yuri," sambit naman ni Ren sa'kin.
Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko si Jayvee sa labas. Nakasuot siya ng pink na apron ang cute lang.
"What?" sambit ni Jayvee at umiling lang ako bilang sagot.
"How are you?" tanong ni Yohan sa'kin.
"Not fine." sambit ko at umupo sa upuan.
"Tss! Buti nga sa'yo inom pa." sambit ni Yuri at tinignan ako ng masama. Kung alam niya lang na siya ang dahilan kung bakit ako nagpakalasing kagabi.
"Thank you," sambit ko ng abutan ako ng gatas ni Yohan.
"Welcome."
"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko kay Yuri ng mapansin kong kulang nalang ay mamatay ako sa titig niya.
"Because I want to!" sambit niya at sumimsim sa kapeng hawak niya.
"Ginawa mo kasi siyang sink kagabi." sambit ni Baymin at sabay silang tumawa ni Yohan.
"Sige, magsitawa lang kayo. Mga buwiset!" nakabusangot na sambit ni Yuri.
"Did I really do that?" hindi makapaniwalang sambit ko.
"Yes, anak at hindi lang iyon. Kumapit ka pa na parang bata sa leeg ni Yuri kagabi." sambit ni Mom
"Parang unggoy kamo, Tita. Thanks, My Wangja." sambit naman ni Ren at pinag-urong siya ng upuan ni Jayvee.
"Basta ikaw, Kungju." sambit ni Jayvee sabay kindat pa kay Ren.
"Eww! Aga-aga naglalandian kayong dalawa. Makalayas na nga." sambit ni Baymin at umalis
"Corny niyo, ah! Wangja at Kungju ang tawagan." sambit naman ni Yohan.
"Bakit ano ba ang ibig sabihin ng Wangja at Kungju? " tanong ni Jackson.
"Kungju means princess at Prince naman ang Wangja. It’s a Korean word." sambit naman ni Jiro sabay kagat sa pizza na hawak niya.
"Corny nga. I'm out!" sambit ni Jackson sabay alis
"Pft! Huwag kang gagaya sa dalawang iyan Yuri, ha? Sa oras na maikasal kayo ni Kie." sambit ni Mark kay Yuri.
Pabor na ba siyang ikakasal ako kay Yuri? Hala! Omg!
"Yes, Bro. Hinding-hindi!" sambit naman ni Yuri.
"Sus! Baka mas malala pa gawin niyo sa'kin." nakangising sambit ni Jayvee.
"No way! Hindi-hindi ako magiging ganyan!" sabay-sabay na sambit nila Yuri, Mark, Yohan at Jiro.
"Sige, humindi lang kayo. Pagtatawanan ko nalang kayo sa oras na makita kong mas corny ang ginagawa niyo sa'kin dahil sa pag-ibig." sambit naman ni Jayvee.
"No way!" sigaw nila
"Kayo ang bahala, aabangan ko nalang ang araw na maiinlove kayo at gagawa na kayo ng mga kakornihan. Sa oras na maging corny na kayo dahil sa pag-ibig paparinig ko itong record na ito patunay na kinain niyo ang mga pinagsasabi niyo. 'Di ba Kungju?" sambit nito at ngiting-ngiting lumingon kay Ren.
"Ewan ko sa inyo." natatawang sambit ni Ren
"Support me, My love." sambit ni Jayvee at nagpout pa.
"Sige na nga, My love." sabi ni Ren at kinurot ang mukha ni Jayvee. Napatayo naman ako dahil sa sobrang kalandian ng dalawa.
"Okay. I'm 3 out." sambit ko ng nakangiwi habang nakatingin sa kanila.
"4 out!" sambit ni Yuri.
"5 out!" sambit naman ni Yohan sabay kagat sa tinapay na hawak niya.
"6 out!" sambit naman ni Jiro at nilagay sa sink ang baso na hawak niya.
"7 out!" sambit naman ni Mark ng tumatawa.
*End of Flashback*
Tumingin akong muli sa salamin at namangha kung gaano ako kaganda sa suot kong wedding dress ngayon. Suot ko ang isang eleganteng white tube long gown na may design na diamonds sa bandang beywang at meron din itong emerald sa bandang laylayan ng damit. Kanina nga habang pinapakita sa'kin ito ay para bang ayokong suotin ng malaman ko kung gaano kamahal nito.
Naka-tirintas ang hanggang beywang kong buhok. Nilagyan naman ako ng light peach shade na make up na bumagay sa maputi kong balat. Gustong-gusto ko ang itsura ko ngayon.
I look like a princess now.
Bumukas ang pinto matapos may kumatok ng dalawang beses sa pintuan. Pumasok si Mom at Dad na parang konting-konti nalang ay iiyak na ang mga ito.
"Our precious daughter!" Bulalas ni Mom at niyakap ako
"Mom!"
For no reason I don't know what to say. Ganito ba ang nararamdaman ng mga taong ikakasal na? I'm speechless and I can't find the words I want to say.
Hindi ko malaman kung iiyak ba ako o magiging masaya? Mix emotions ang nararamdaman ko at hindi makapaniwala.
"Let's go, baka malate ka na sa kasal niyo ni Yuri, princess." sambit ni Dad at tumingin sa relo niya
"You will be Mrs. Yuri Hazlewood soon anak." sambit ni Mom na nagpangiti sa'kin.
Ang sarap pakinggan sa tenga.
Waah! Finally.
Yuri's Point Of View:
Nandito ako ngayon sa likod ng simbahan at nakatingin sa kawalan. Ilang minuto nalangay ikakasal na ako sa taong hindi ko naman mahal, samantalang ang taong mahal ko ay inaabot ang mga pangarap niya.
Alam kong updated siya sa buhay ko pero bakit wala siyang ginagawa? I called her many times pero naka-off lagi ang cellphone niya.
Is this really a goodbye?
Makukulong na ba talaga ako sa babaeng hindi ko naman mahal?
Sabi niya abutin ko daw ang mga pangarap ko, tulad ng pag-abot niya sa mga pangarap niya. But how can I reach my dream kung lumayo siya? She is my dream at sa sitwasyon ko ngayon ay hinding-hindi ko na siya maabot.
I tried to call her for the last time. It rings three times akala ko wala ng sasagot pero...
"Tangkad!" masayang sambit niya mula sa kanilang linya.
"Finally, Liit!" sambit ko kasabay ng pagtulo ng luha ko
"Why?"
"I just want to say na sana maabot mo ang mga pangarap mo, kahit hindi na ang mga pangarap ko." sambit ko at pinigilang mabasag ang boses ko.
"Why are you saying this, Yuri?" bakas ang pagkabigla at lungkot sa boses niya.
"Because I can't reach my dream anymore. I can't reach you anymore." sambit ko at hindi na napigilan ang paghikbi ko
"I can't understand you, Yuri? Natatakot na ako. What the hell is happening?" sambit niya sa kabilang linya at narinig kong ang paghikbi niya.
"Because starting today, hindi na kita mahihintay pa at hindi na ako magiging malaya pa."
"Pagod ka na ba?" may garagal sa boses niya
"Mr. Yuri Hazlewood it will start soon," tawag sakin ng isa sa wedding coordinator.
"No, it's not that. Hindi ako pagod at hinding-hindi ako mapapagod magmahal sayo." Muling sambit ko.
"Then, why are you saying this?" Sigaw na sambit niya sa kabilang linya.
"Because this is the last time that I can say how much I love you. I love you but I'm sorry because I'm getting married now to the one I don't love, wishing that you was her. I love you but goodbye Nicole." sambit ko at in-end na ang tawag kasabay ng walang humpay kong pag-iyak.
Pinunasan ko ang luha sa'king mukha saka naghanda para sa kasal. Naglalakad na ako papasok sa loob ng simbahan at maraming tumatakbo sa aking isipan.
'Tatanggapin ko na nga lang ba talaga ang kasal na pinilit sa'kin ng aking mga magulang at itutuloy ang kasal na inaabangan ng lahat o tatakas ako tulad ng ginawa ko noon?'
"Bro, pinag-iisipan mo pa ata kung tatakas ka o hindi."
Natigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang boses ni Baymin. Tanging ngiti lamang ang isinagot ko sa kanya.
"Kung ako sayo tatakas na ko." sambit naman ni Mark
"Pero face the consequences..." sambit naman ni Jiro at sumandal sa pader habang nasa bulsa ang mga kamay niya.
"Huwag niyo na nga guluhin pa ang isipan ni Yuri, mas pinahihirapan niyo lang siya." sambit ni Jayvee at tinapik ang aking balikat.
"Goodbye, being single." sambit ko sa kanila at pilit na ngumiti
"And goodbye, Nicole..." mahinang sambit ko sa sarili
Pumasok na ako sa simbahan at hindi na pinakinggan pa ang mga sinasabi nila. Labag man sa loob ko na pakasalan ang babaeng iyon ay ayaw ko namang pahiyain ang mga magulang ko. Ayokong atakihin na naman si Dad ng dahil sa'kin. Hinding-hindi ko na mapapatawad pa ang aking sarili kapag naulit iyon. Nakatayo na ako ngayon sa harap ng altar at hinihintay pumasok ang babaeng hindi sinisigaw ng aking puso.
Kieseyah’s Point Of View:
Narito na ako sa harap ng simbahan at hinihintay na magbukas ang pinto.
"Kie!" rinig kong sigaw ni Ren
"Finally, this is the day na matutupad na ang pangarap mong pakasalan ang bias mo." sambit ni Ren at niyakap ako ng mahigpit.
Ngumiti ako sa kanya dahil hanggang ngayon ay 'di ko maintindihan ang nararamdaman ko.
This is real! Kahit na arrange marriage lang ito at hindi ito ang kasal na ako mismo ang nagplano ang importante ikakasal na ako sa taong mahal ko, kaso hindi nga pala niya ako mahal.
"Oh? Bakit ka biglang sumimangot?" tanong ni Glyren sa'kin.
"I don't know what to feel. Mix emotion." pagsisinungaling ko at mahinang tumawa.
Marahil siguro ay hindi ko alam ang kalalabasan naming dalawa. Mamahalin niya rin ba ako pabalik o habang buhay akong aasa sa kanya? But that's not important right now, sa susunod ko na po-problemahin iyan.
"Smile my dearest bestfriend this is your day don't be sad. Sige doon na ako sa likod mag-iistart na." sambit niya at tinulungan ako ibaba ang aking belo.
"Sige," sambit ko at inayos ang sarili.
Huminga muna ako ng malalim saka sinenyasan sila na buksan ang pintuan.