Chapter 27.
ELIHA
"Lumayas ka sa aking palasyo!" Keg shouted.
"Oo, ako ay aalis na." Tumalikod ako at patuloy na naglakad papalabas. Si Kein ay wala rito sa palasyo pero hindi ko na siya hihintayin dahil marami na akong utang na loob sa kanya.
Nagulat ako nang may biglang dumagit sa damit ko. Pagkalingon ko sa itaas ay si Eliza lang pala. Pinipilit kong kumawala pero hindi ko kaya. Nang tingnan ko naman ang baba ay sobrang taas na ng babagsakan ko kaya nanahimik na lang ako.
Maya-maya pa ay ibinaba niya ako sa isang bintana. Ito ang bintana ng kwarto namin ni Keegan noon.
Nakita ko si Keegan at si Eliha na mahimbing na natutulog.
Sana all, joke.
Tumabi sa akin si Eliza. "Ang saya nila 'no?"
"Ano naman ngayon? Masaya na ako para sa kanila. At alam ko na gano'n ka rin dahil hinayaan mo na ang anak mo kay Keegan."
"Ano bang akala mo sa akin, Eliha? Tanga? Akala mo ba ay gano'n lang kadali sa akin ang lahat?"
"Ano bang ibig mong sabihin?! Tsaka bakit mo ako dinala rito?"
"Ipinakita ko sa 'yo ang mag-asawa para makaramdam ka ng malaking inggit."
"Hindi ako gano'n, Eliza."
"Ang gusto ko ay agawin mo si Keegan sa anak ko. Gusto ko kasi ng laro sa pagitan ninyong tatlo."
"Ang sama mo talaga! Gusto mo bang masaktan ang anak mo? Tsaka umaasa ka ba talaga na gagawin ko 'yun?"
"Alam mo naman siguro na mangkukulam ako 'di ba? Mayroon akong kakayahan na hulaan ang mangyayari sa inyong kasalukuyan. At sa huli, ang aking anak ay hindi rin naman para kay Keegan. Kaya bakit ko pa siya itatago kay Keegan?"
"Kung gano'n naman pala ay bakit ang tanga mo? Kung nakikita mo pala ang kasalukuyan ay bakit hindi mo nakita noon pa? Ginamit mo pa ang sumpa mo sa akin!'
"Wala akong nakita noon kaya ginawa ko 'yun. Tsaka kung may agawan mang magaganap ay ikaw pa rin ang may laban. Aasa ka ba kung sasabihin ko sa 'yo na minahal ka rin ni Keegan?"
"Ano bang sinasabi mo?! Ang mga katulad mo ay walang kakayahan para maramdaman ang nararamdaman niya!"
"Sa iyong sagot ay halatang umaasa ka pa. Alam mo ba na mayroon ka pang alas?"
"Hindi kita maintindihan. So ang ibig mong sabihin ay kami talaga ang magkakatuluyan ni Keegan? Gano'n ba? So kailangan ko siyang agawin? Para saan? Para saktan si Eliha? P'wede ko namang hintayin 'yung panahon na mapunta siya sa akin!"
"Kailan mo pa hihintayin? Kapag ba nanganak ka na?!"
"A-ano?!"
"Mayroong supling sa iyong tyan. Iyan ay anak ni Keegan. Samantalang ang anak ko namang si Eliha ay alam ko na simula pa lang ay hindi na magkakaroon ng anak. Tingnan mo, doon pa lang ay panalo ka na."
"Pero ayaw kong mang-agaw!"
"Sabagay, tama ka naman dahil lalo kang magiging kawawa."
Napahawak ako sa tyan ko. Totoo ba talaga ang sinasabi niya?
"Pumasok ka bilang isang kasambahay sa mga Vampyres," she ordered.
"Hindi ako uto-uto."
"Ayaw mo ba talaga na malaman ng lalaking mahal na mahal mo ang tungkol sa iyong dinadala na anak niya?!"
"Oo, lalayo na lang ako."
"Wala ka talagang isip, Eliha! Bawiin mo ang dapat na sa 'yo!"
"Maaaring madali na mang-agaw, pero hindi ko iyon talento. Ayaw kong makasakit ng katulad kong babae ng dahil lang sa nagmamahal ako. Kahit kailan ay walang nararapat na dahilan para mang-agaw. Oo, naranasan ko na ang lahat ng pain sa mundo ng mga tao at sa mundo niyo pero hindi ko hahayaan na madala ako ng emosyon ko para maging masama."
Pumalakpak siya. "Ikaw ang bahala, kawawa ka naman at ang magiging anak mo."
"Hindi kami magiging kawawa dahil hindi ko siya iiwan at hindi ko siya gagamitin para lang makasakit ng iba."
Tumalikod siya sa akin sabay sumakay sa tambo niya.
Nagulat ako dahil sumulpot sa tabi ko si Keg.
"H-haring K-Keg?!"
"Bumalik ka na sa palasyo."
"Pero bakit po? 'Di ba po ay pinalayas niyo na ako?"
"Oo nga pero nagbago ang aking isipan." Hinawakan niya ako sa kamay at bigla kaming naglaho. Nakita ko na lang na nasa palasyo na ulit kami.
"Eliha!" masayang sigaw ni Kein.
Lumapit ako sa kanya at kaagad ko siyang niyakap. "Saan ka pumunta?"
"Sa aking minamahal," he whispered.
"Talaga? Kailan mo siya ipakikilala sa akin?!"
"Sa palagay ko ay kapag maayos na ang lahat."
"Gano'n? Sayang naman! Huwag kang mag-alala, nirerespeto ko naman ang desisyon mo."
Ngumiti siya. Pero kumunot ang noo niya. "Buntis ka ba?!"
Nagulat ako sa sinabi niya at bigla akong napahawak sa aking tyan. Totoo ba talaga ang sinabi sa akin ni Eliza? Kung gano'n ay ako na ang pinakamasaya sa mundong ito.
"H-hindi ko alam. Pero 'yun ang sabi ni Eliza. Paano mo naman nalaman na buntis ako?"
"Naaamoy ko na mayroong supling sa loob ng iyong tyan. Huwag kang mag-alala, lalaki naman ang iyong tyan makalipas ang ilang araw kaya makikita mo rin."
"Talaga?! Salamat naman!"
"Kitang-kita ko sa mga mata mo ang ligaya. Tama ba ako na ang ama ng iyong supling ay si Keegan?"
"Oo."
"Matutuwa siya kapag nalaman niya na magkakaroon na siya ng anak!"
"Totoo naman 'yan pero paano si Eliha? Wala siyang alam sa nangyari sa amin ni Keegan. Ayaw kong masasaktan siya ng dahil sa akin at sa magiging anak namin ni Keegan."
"Pero mayroong karapatan si Keegan na malaman kung sino ang anak niya. Ayaw mo bang makilala ng iyong anak ang kanyang ama ng dahil lang sa nararamdaman ni Eliha?"
"Kung gano'n ang makakabuti ay 'yun ang gagawin ko."
"Sa tingin mo ba ay hindi nila 'yan malalaman kapag lumaki na ang iyong tyan?"
"Nandyan ka naman 'di ba?"
"Ano?! Huwag mong sabihin na ako ang papalabasin mong ama? Hindi ako lalaki!" natatawang sabi niya habang nakatakip ang isa niyang kamay sa kanyang bibig.
"Pumayag ka na!!"
"Ayaw ko!"
"Matitiis mo ba kami?"
"Hindi 'no! Oo na ako na ang magpapanggap na tatay ng iyong anak. Ako ang bahala, gusto ko na maging masaya ka."
Nagyakapan kaming dalawa.
Gusto kong makilala ni Keegan ang anak namin. Pero hindi pa sa ngayon.