MTMC 8
KIKITAIN ni Anton ang kaniyang investigator. Matagal niya ng pinapahanap ang babaeng matagal niya ng gustong makasama, desperado na siyang makita ito dahil ito ang ka una-unahang babae na nagmahal sa kaniya ng buong-buo na walang hinihinggi na kapalit. Pagmamahal na hindi matutumbasan ng kahit na sino.
Malayo pa lang siya ay na aninag niya ang tatlong lalaki na may hawak-hawak ang pamilyar na babae, kinikilala niya ang mga ito ngunit hindi niya malaman kung sino. Nilukob siya ng matinding kaba ng makilala ang sasakyan ni Carry. Kaagad niyang itinabi ang kaniyang sasakyan sa hindi kalayuan sa mga ito ng makita niyang si Carry nga ang pinakakagulohan ng mga lalaki. Walang ingay na dinampot niya ang lalaking na ka patong dito at pinagsusuntok niya.
“Paki-alamero ka ah!” Sambit ng isang lalaki at bumunot ito ng balisong. Sumugod ng suntok ang lalaking sinuntok niya kasabay ang lalaking may hawak kay Carry. Hinilagan niya ang suntok at kaagad na sinipa ng lalaking sumugod sa kaniya. Tinapunan niya ng tingin si Carry, nakita niya itong walang malay at may dugong lumalabas sa kaniyang bibig.
Damn!
Sinipa niya ang lalaking muling sumugod sa kaniya naglabas ito ng balisong, dinadamba siya nito ng saksak ngunit masyado siyang mabilis para mahilagan ang bawat galaw na ginawa nito. Sumugod pa ang dalawa na akmang sasaksakin siya ng sinalubong niya ito ng malakas na sipa at tinapik ang kamay ng lalaking may hawak ng balisong dahilan para lumipad ito paitaas. Bumulagta ang dalawang lalaki na sinipa niya habang siya naman ay balanse ang katawan na nakatukod ang kamay sa semento at ang isang paa niya ay naka baluktot habang ang isa naman ay nakaluhod sa semento.
Kaagad niyang na hilagan ang sipa ng kalaban at hinila ang paa nito kung saan babagsak ang balisong na bumanagsak.
“Ahhh!” Sigaw ng lalaki sa sakit ng tumarak sa kaniyang hita ang sariling balisong.
“May tatlong segundo kayo para iligtas ang mga sarili niyo!” Sigaw ni Anton. Nagmamadaling bumangon ang mga lalaking sinipa niya at timulungan ang lalaking may saksak ng balisong sa hita. Nagmamadali itong sumakay sa sasakyan at pinakatitigan ni Anton ang plate number ng sasakyan nito.
Nakaramdam siya ng pagod sa pakikipaglaban ngunit balewala iyon sa kaniya. Nagmamadaling nilapitan niya ang dalaga na walang malay na nakahiga sa damuhan.
“Hey! Carry, Carry! Wake up!” Marahan niyang inalog hindi ito na gising. Dinukot niya ang kaniyang cellphone sa bulsa para tawagan ang kaibigan ngunit walang signal ang kaniyang cellphone.
“Damn!” Hinubad niya ang kaniyang suot na jacket at itinakip sa katawan ng dalaga bago ito binuhat papasok sa kaniyang sasakyan, dahan-dahan niya itong inihiga sa kaniyang backseat bago mabilis na nilisan ang Lugar at dinala sa pinakamalapit na hospital.
Kaagad naman siyang nakarating sa hospital, may nurse naman na sumalubong sa kaniya na may dalang stretcher at kaagad niyang pinahiga doon ang walang malay na dalaga.
“Hangang dito na lang po kayo sir.” Napahilamos siya sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang dalawang kamay. Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman ng makita ang ka lagayan ng dalaga. Ilang linggo niya pa lang itong nakikilala, at ilang araw niya pa lang itong na kakasama pero ang gaan ng pakiramdam niya, kakaiba ang nararamdaman niya dito na para bang may kung ano sa dibdib niya na dapat niyang matuklasan o gawin. Naalala niya bigla si Zael kailangan nitong malaman ang nangyari sa asawa.
Sa kabilang banda naman ay naglilipit si Zael ng kaniyang mga papel, late na siya para sa date nilang mag-asawa hindi niya rin na sagot ang tawag nito dahil na iwan niya ang kaniyang phone ng magpatawag siya ng meeting kasama ang mga head ng bawat department. Iniisip niyang nag-tatampo na ito sa kaniya dahil ilang beses niya itong tinawagan ngunit hindi nito sinasagot ang kaniyang tawag.
Kaagad niyang dinampot ang kaniyang cellphone ng marinig ito.
Portalejo’s calling...
“What’s up?” Natigilan siya ng marinig ang sinabi ng kaibigan. Kaagad niyang ibinaba ng cellphone niya at nagmamadaling sumakay ng elevator nang makarating sa lobby nagmamadali siyang pumunta sa parking lot at sumakay sa kaniyang sasakyan papunta sa hospital kung saan dinala ng kaibigan ang kaniyang asawa. Halos paliparin niya ang kaniyang sasakyan sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya, kaya Wala bang 15 minutes ay na rating niya ang kinaruruunan nito. Halo-halong kaba ang kaniyang nararamdaman ng malaman na nasa hospital ang kaniyang asawa.
“Anton,” Nagmamadaling nilapitan niya ang kaibigan na nakaupo sa waiting area.
“What’s happen?!” Bakas sa mukha ni Anton ang pag-aalala hindi lang para kay Carry kundi sa maaring gawin ng kaibigan sa mga lalaking muntik ng baboyin ang asawa nito.
Inikuwento ni Anton ang lahat ng nakita niya kung anong muntik ng dalaga kung na huli pa siya ng kaunti mabuti na lang na e iligtas niya ito sa kamay ng mga lalaking halang ang kaluluwa. Matindin Galit ang pumuno sa puso ni Zael ng marinig ang kwento ng kaibigan, nag tangis ang kaniyang bagang dahil sa kaniyang nalaman.
Iniisip niyang nagtatampo ito sa kaniya kaya hindi siya nito na sasagot ngunit may hindi na pala siya alam na nangyayari dito. Galit ang na raramdaman niya sa kaniyang sarili dahil wala siyang na gawa para dito!
“Arghh!!” Sa galit ni Zael sa kaniyang sarili dahil wala siyang na gawa para iligtas ang kaniyang asawa. Wala siyang kwenta!
“Magbabayad sila! Putangina! Puta! Arrgh!!” Walang tigil sa pagsuntok sa pader ang ginawa ni Zael habang nakamasid lang si Anton isinandal niya ang kaniyang ulo sa malamig na pader. Hindi niya alam kung anong mayroon sa puso niya at ganito na lang ang pag-aalala niya para kay Carry.
“Tama na, wag mong sinasaktan ang sarili mo. Isipin mo ngayon ang ka ligtasan ng asawa mo, she need you.” Hinawakan niya sa balikat ang kaibigan ng kumalma na ito.
“I want to find those asshole!” Nag-aapoy sa galit na sambit ni Zael. Hindi niya papalampasin ang ginawa ng mga lalaking iyun sa kaniyang asawa. Magbabayad sila! Pagsisihan nila na isang Zael Alvarez ang binangga nila.
“Ako ng bahala.” Tumango si Zael.
Tinawagan ni Zael ang kaniyang tauhan para imbestigahan ang nangyari sa asawa, inutusan niya rin ang isa niya pang tauhan na hanapin ang plate number na sinabi ni Anton na sinakyan ng mga lalaki.
“Doc, how's my wife?” Sakto namang lumabas ang doctor ng matapos niyang tawagan ang mga contact niya.
“She’s stable now, Mister. She need a rest, a safe place and healthy environment. Wala namang ibang nangyari sa kaniya maliban sa mga pasa at galos na na tamo niya. Sa nangyari maaari siyang magkaroon ng matinding trauma, I suggest to consult a specialist. Kailangan pa namin siyang ma obserbahan,” Tumango siya sa sinabi ng doctor.
“Gawin niyo ang lahat ng magagawa niyo gumaling lang ang asawa ko.”
“Yes, sir. Ginagawa namin ang lahat, wag kayong mag-alala magiging maayos po ang asawa niyo. Excuse me,” Paalam ng doctor at muling bumalik sa loob na kinaruruunan ng asawa, sumunod siya sa loob para makita ang asawa. Kaagad niya itong nilapitan sa hospital bed na kinahihigaan nito. Wala pa ring malay. Nakita niya ang mga galos nito sa braso mayroon rin itong benda sa itaas ng kaliwang kilay nito.
“KAMUSTA ang pinapagawa ko sayo?” Tanong ni Katya sa kabilang linya. Kausap niya ang kaniyang tauhan na inutusan niyang gahasain si Carry.
[“Ma’am, magagawa na sana namin ang inuutos niyo kaso may naki-alam.”] Nag-apoy sa galit ang kaniyang ilong ng marinig ang sinabi nito. Isang babae lang ang inutos niya dito ngunit hindi pa magawang linisin!
“Sino naman ang savior ng malanding babae na iyun. Wag mong sabihin sa akin na si Zael dahil alam kung nasa opisina pa siya ng ganu'ng oras! Mga inutil!”
[“Ma’am, hindi po si Sir Zael si Sir Anton po.”]
“What?!!” Sa lahateba na man na pwedeng tumulong sa kaniya bakit si Anton pa?!
[“Magaling si Sir Anton sa pakikipaglaban kaya kahit tatlo kami hindi namin siya na talo,”]
“Mga walang silbi! Na sasayang ang pera ko sa pagbayad sa mga walang kwentang katulad niyo! Buwisit! Buwisit kayo sa buhay ko!” Galit na itinapon niya ang kaniyang cellphone.
Sinuswerte ka pa rin Carry! Pasalamat ka ‘yan lang ang sinapit mo!
NAUPO si Zael sa upuan na malapit sa kama ng asawa, maingat niyang hinawakan ang kamay nito. Ilang minuto ang tinagal na hinahaplos niya ang malambot nitong kamay habang naka-titig sa maamo nitong mukha.
“Hindi na ‘to, mauulit babe.” Hinalikan niya ang kamay nito.
“N-noo!” Sigaw ni Carry ng maramdaman niyang may humahalik sa kaniyang kamay. Malinaw ang isip niya na ginahasa sa kaniyang panaginip. Mabilis siyang napabalikwas sa kaniyang higaan ngunit hindi siya makagalaw ng maramdaman niya ang sakit sa kaniyang sikmura. Nilukob siya ng matinding takot, hindi panaginip ang kaniyang nakita.
“Wag mo ‘kong hahawakan! Layuan mo ‘ko! Ayaw ko na!” Umiiyak na sambit ni Carry at na nginginig ang mga kamay na niyakap sa kaniyang sarili. Hindi alam ni Zael kung ano ang kaniyang gagawin para pa kalmahin ang kaniyang asawa. Nakikita niya ang sobrang takot sa mukha nito. Hindi ito tumingin sa kaniya, takot na takot ito.
“Hey. Babe, babe... Calm down, it's me. Babe,” Nilapitan ni Zael ang asawa at niyakap ito ng mahigpit unti-unting kumakalma ang asawa ngunit pa tuloy ito sa pag-iyak, na ramdaman niyang gumanti ng yakap sa kaniya ang asawa habang humahagolhol ito sa kaniyang dibdib. Nadudurog ang puso niya na makikita itong nasa ganitong kalagayan.
“A-ang dumi-dumi ko na, Z-zael...” Mas lalong lumakas ang hagulhol ng asawa. Naikuyom niya ang kamao na nakayakap dito. She's not, hindi siya na galaw. Hindi siya madumi at hindi ko hahayaan na madumihan siya. Ito ang una at huli, sisiguradohin ko.
Naupo siya sa gilid ng kama ng asawa, pinakatitigan niya ang mukha nito na sunod-sunod na naghahabulan mga luha, umiling siya at tinuyo ang basang-basa nitong pisngi.
“Your not. Babe, wag mong isipin ‘yan dahil hindi iyan ang totoo.” Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi nito.
“I'm sorry. I'm sorry, wala ako sa tabi mo sa oras na kailangan mo ‘ko. Patawarin mo ‘ko babe, pangangko, hinding-hindi na ito mauulit. Magbabayad sila, pagbabayarin ko sila...” Muling niyakap ni Zael ang asawa, hinawakan niya ang dalawang kamay nito na nanginginig.
Tatlong araw na namalagi si Carry sa hospital, para masiguro ang kaniyang kaligtasan. Sa tatlong araw ay hindi ni Zael maiwan-iwan ang asawa. Naging magugulatin dahilan para umiyak ito, makarinig lang ng kaunting kaluskos ay umiiyak na, na nginginig at takot na takot ang buong sistema nito. Madalas rin itong magsalita habang na tutulog nagmamaka-awa at umiiyak.
Hindi niya kayang makitang nasasaktan at nahihirapan ang asawa, matinding trauma ang sinapit nito, naging matatakutin ito sa dilim. Hindi na lumalabas ng kwarto kapag sumapit na ang gabi, ayaw na rin nitong matulog na nakapatay ang ilaw.
Kasalukuyang nasa veranda si Zael ng kanilang silid, naka-alis siya sa tabi ng asawa ng makatulog na ito. Dinukot niya sa kaniyang bulsa ang kaniyang cellphone ng marinig niyang tumunog ito. ‘We found them, boss.’ Nakasulat sa mensahe na ipinadala sa kaniya ng kaniyang tauhan. Kaagad niya naman itong ni replyan at muli siyang bumalik sa kanilang silid. Dinaanan niya ang asawa na mahimbing na natutulog, dumiretso siya sa walk-in-closet niya at nag bihis.
Nag-suot siya ng itim na t-shirt at pinatungan niya ng black leather jacket, pinaresan niya ito ng itim na pa talon, itim na rubber shoes, nag-suot rin siya ng itim na sumbrero. A perfectly men in black outfit.
Mabilis ang kilos na lumabas siya ng kanilang silid ngunit bago niya pa maisara ang pinto tumama ang kaniyang paningin sa asawa na mahimbing na natutulog, sandali siyang napatitig dito bago tuluyang lumabas. Iiwan niya it ngunit tinitiyak niya ang kaligtasan nito. Kumuha siya ng ilang tao na magbabantay sa paligid ng kanilang bahay, mahigpit niyang pinag-uutos ba wag gagawa ng bagay na ikakatakot ng asawa.
Sumakay siya sa kaniyang sasakyan at mabilis na pinasibad pa tungo sa warehouse. Wala siyang ibang nararamdaman kundi galit at paghihiganti sa kaniyang dibdib. Bumaba siya sa kaniyang sa sasakyan ng makarating siya sa warehouse, sinalubong siya ni Michael na kaniyang secretary pagdating sa negosyo. Kanang-kamay pagdating sa mga operasyon.
“Boss, nasa loob ang isa sa pinapahanap mo,” Tinapunan niya ng nakakapatay ng tingin si Michael dahilan para mapalunok ito sa takot.
“Boss, na huli namin silang tatlo ang kaso pagkadating namin dito nanlaban ang dalawa kaya na uwi sila sa ilalim ng lupa. Malinis ang pagkakatrabaho ko boss, kaya sigurado akong hindi mangangamoy.”
“Where did you bring the fucking asshole?” Suminyas siya kay Michael na sigarilyo kaya nagmamadaling dinukot ni Michael ang kaniyang sigarilyo sa bulsa ng kaniyang pantalon, binigyan siya nito ng isang stick at sinindihan nito.
“Nasa itaas Boss, pinapagulpi ko dahil sobrang ingay.” Naglakad papasok sa ikalawang palapag si Zael habang himhithit ang kaniyang sigarilyo, kaagad niyang binuksan ang pintuan bumungad sa kaniya ang may katamtamang ilaw sa kinaruruunan ng kaniyang dalawang tauhan at ang lalaking nagtangka sa kaniyang asawa n
“Pakawalan niyo ‘ko! Anong kailangan niyo sa akin?! Putangina! Kalagan niyo ‘ko magpakalalaki kayo!” Sigaw ng lalaking naka gapos ang mga kamay sa likod ng upuan maging ang paa nito ay nakatali.
“Hoy! Dadak ka ng dadak daig mo pang babae! Manahimik ka kung ayaw mong madagdagan ang sakit ng katawan mo!” Tugon ng kaniyang tauhan at binusalan ng panyo sa bibig.
“Tanggalin niyo ‘yan!” Napatingin ito sa gawi niya ang mga ito na may ka diliman kaya hindi nito nakikita ang mukha niya, para lang siyang anino na nakatayo sa hindi kalayuan sa harap ng mga ito. Alam ng mga tauhan niya na siya ito kaya kaagad namang tinanggal ang busal sa bibig ng lalaki.
“Sino ka?! Anong kailangan mo sa akin?!” Matapang na tanong ng lalaki sa kaniya at hindi maalis-alis ang mga mata nito sa kaniya na para bang kinikilala siya.
Naglakad siya papunta sa mesa kung saan ang isang bote ng alak nag salin sa isang baso bago na upo sa black leather sofa. Inilagay niya sa ashtray ang sigarilyo niya.
“Sa dami ng babaeng pwede mong baboyin bakit asawa ko pa?” Bakas ang galit sa malamig na boses niya. “Sinong nag-utos sayo?” Humigpit pagkakahawak niya sa baso.
Hindi maintindihan ng lalaki ang sinasabi niya dahil hindi siya nito kilala at hindi nito alam na my asawa na ang babaeng pinapalinis sa kaniya ng kaniyang amo.
“Wala akong alam sa sinasabi mo! Pakawalan mo na ako wala kang mapapala sa akin!” Sigaw nito at panay ang pangpupumiglas.
“Magsalita ka na kung ayaw mong mamatay sa kina-uupuan mo!” Hinila ng tauhan niya ang buhok nito, matapang itong tumawa ng pagak na para bang hindi natatakot mamatay.
“Papatay kayo ng taong walang ka laban-laban? Hindi ‘yan gawain ng isang tunay na lalaki,” Binigyan ito ng malakas na suntok sa sikmura. “Aangal ka pa!?” Dinuraan nito ang mukha ng tauhan niya dahilan para mag-apoy ito sa galit ang sinampal ito ng ilang beses bago sinuntok. Namilipit sa sakit ang lalaki, kanina pa nila ito ginugulpi.
“Boss, tapusin na ba namin ‘to?” Uminom siya ng alak. “Kalagan niyo.” Laglag pangang nagkatitigan ang dalawa niyang tauhan, nagugulohan man ay sinunod nito ang utos niya.
“Boss, wag mong sabihin na pakakawalan mo?” Bulong sa kaniya ni Michael, tiningnan niya ito ng nakakapatay na tingin dahilan para mapayuko ito.
“Inuulit ko. Sinong nag-utos sayo?” Kalmadong tanong niya ngunit bagas ang galit. Nakatutok ang mata niya sa lalaki na hindi maganda ang kinikilos nito ng matangal ang tali. Mas napuno ng galit ang dibdib niya ng wala siyang naririnig na sagot mula dito kundi puro ngisi.
Inisang lagok niya ang alak na laman ng baso niya. Tumayo siya. “Sagot!!” Ibinato niya ang baso na hawak niya sa kaharap na pader, napalunok ang lalaki ng dumaan sa mukha niya ang basong lumilipad na ngayon ay pinong-pino na. Nahagip ng mata nito ang baril na nakasukbit sa bewang ng tauhan niya.
“Wala! Wala kayong mapapala, wala –” Siniko nito ang isang lalaki na nasa gilid nito at mabilis na binunot ang baril sa tagiliran ng tauhan niya at itinitutok sa kaniya, so bad. Mas mabilis siya dito, kaya ng akmang kakalabitin na nito ang katsilyo mabilis pa sa alas kwatro na binunot ang baril na nakasukbit sa kaniyang katawan at walang sabi-sabing binaril ito ng dalawang beses.
Inihipan niya ng dulo ng kaniyang baril na umuusok. “Iligit niyo ‘yan!” Kinuha niya ang sigarilyo na inilagay niya sa ashtray bago naglakad papalabas ng warehouse.
Sunod-sunod namang napalunok si Michael ng makita ang lalaki na naliligo sa sarili nitong dugo, dalawang bala ang tumama sa katawan nito, head shoot at isa sa pagkalalaki nito.
“Double head-shoot.” Nailing na sambit ni Michael. Suminyas siya sa dalawang tauhan na iligpit ang bangkay nito.
Sanay na siya sa kaniyang boss, hindi na ito bago sa kaniya. Hindi niya na mabilang kong ilang buhay na ang na tapos sa kamay ng kaniyang boss. Basta ang alam niya ay tama ang ginagawa nito base sa pinagdaanan nito. Masasabi niyang malaki ang pinagbago ng kilos nitong nakaraan ngunit wala pa rin itong pinagbago. Still a shooter.
BANDANG ala-ona na ng madaling araw naka-uwi si Zael sa kanilang bahay pagpasok niya pa lang sa kanilang bahay dahil dumaan muna siya sa isang bachelor’s bar. Mahigit kalahating oras lang ang tinagal niya dito bago mapag-desisyonan na umuwi sa asawa ng maisip niya na baka magising ito na wala siya sa tabi nito.
Dumiretso siya sa kusina at naghugas ng kaniyang kamay, kinuha niya ang mouthwash niya sa isang drawer at nagmumog. Kaagad rin siyang umakyat sa pagkatapos niyang linisin ang kaniyang sarili. Pagbukas niya ng kanilang silid wala sa kama ang kaniyang asawa, nasa sahig na rin ang lampshade. Mahihinang hikbi ang kaniyang naririnig dahilan para kabahan siya.
Damn!
Kaagad niyang binuksan ang ilaw sa loob ng kwarto nila. Damn! He forget it, pinatay niya ang ilaw ng makatulog na ang asawa. “Babe?” Mabilis niyang nilapitan ang asawa ng makita itong naka-upo sa isang sulok habang nakatakip sa kaniyang tenga habang takot na takot, kitang-kita niya iyon sa kilos ng asawa, punong-puno ng luha ang mukha nito.
Shit.
“Ahhh –Don’t! Don't! Leave me alone!” Sigaw nito ng hawakan niya sa balikat nagulat ito. Para bang na tauhan ito ng makita siya, bakas sa mukha nito ang sobrang takot, humagolhol ito at yumakap sa kaniyang binti. Naupo siya para magkatapat sila ng asawa, kaagad niya itong niyakap. Halatang kanina pa ito umiiyak, nanlalamig ang kamay nito tanda na sobra itong na takot.
“Shh, tahan na nandito na ako.” Hinalikan niya ito sa noo. “Halika,” Inalaayan niya itong makatayo at ipinaupo sa kama.
“Ayos ka lang? Anong nangyari?” Tunuyo niya nag basang mukha nito at hinaplos ang gusot nitong buhok. “I had a nightmare, again. I-I feel, it's really true. I'm scared. I-I –” Hindi ito makapagsalita ng maayos na dahil sa pag-iyak nito at takot na nararamdaman.
Hinawakan niya ang kamay nito. “Panaginip lang iyon, wag mo ng isipin. Isa pa kung ano man ang nasa panaginip mo, pinapangako ko na hinding-hindi mo iyon maranasan. Walang mananakit sayo at walang pwedeng manakit sayo nandito ako, iingatan at po-protektahan kita,” Seryosong ani niya na nakatitig sa mga mata ng asawa, malamlam itong nakatingin sa kaniya.
“A-ayaw ko na...” A tear drop from her eyes.