CHAPTER 7: Dean’s office

KYE

Halos bumuga ng apoy habang nasa dean’s office kami, nagbigay sila ng last warning sakanya. Napa ngisi naman ako, atleast kung hindi ko man nakuha ang hustisya sa pagnakaw niya sa bracelet ko ay mapapaalis ko naman siya dito sa school.

“ thank you for your help” ngumiti ang dean, iniwan ko na siya at biglang may bumangga saakin para matumba kami pero ung kamay niya nasa gitna ko. Tinignan ko kung sino, nanlaki ang mata ko si kylie na naka ngiti.

Itinulak ko siya, andaming naka tingin saamin. Mabuti na lang hindi nila nakita ang ginawa niya, nag ngitngit ang ngipin ko.

“ manyak?!! Totohanin natin para naman may silbi yang pagsusumbong mo” diin niyang sabi.

“ do you think magtatagal ka pa dito?!” ngisi kong sabi.

“ bilangin mo na ang araw mo dahil mapapatalsik ka dito” nag lakad na ako palayo, sa Inis ko naitapon ko ung mesa.

“ ohh chill” sabi ni toby.

“ sinasagad ako nong babaeng iyon, ill make sure na mapapaalis siya dito” inis kong sabi.

“ pare mali mo naman kasi, sinabi mo naman kasi minanyak ka eh hindi naman” sabi ni nate.

“ sino?”tanong ni toby.

“late kana sa balita, ung babaeng sabi mo na pwedeng pang future ayon pinapaalis ni kye dito” naka kunot ang noo ni toby.

“ napaka bastos?! Everytime na lang na mag kita kami? Alam mo ba kung saan ang tingin?!! Sa ari ko! At hindi lang isang beses kundi dalawang beses niyang dinakma ung ano ko!” natawa si nate ng napaka lakas, si toby naman hindi malaman ang itsura niya.

“ laptrip pare dinakma talaga??” tanong ni nate, seryoso akong naka tingin sakanya.

“ don’t tell me with matching pisil pa?” tanong niya uli, hindi ako umimik pero nakaramdam ako ng init sa ulo.

“ hahahahahha!!! Yon ang quality!!!” inirapan ko si nate at umupo pabagsak.

“ parang ang layo naman nong naka usap ko siya, nong time na iyon napaka bait niya at never na tumingin sa ibang parte ko” sabi ni toby.

“ baka ung sayo maliit toby tapos kay kye mataba kaya di kana tinignan” natatawang sabi ni nate.

Sinamaan siya ng tingin ni toby.

“ I think dapat hinayaan mo na lang at hindi mo na pinatulan kasi baka ilalala niya”

“ no.. I wont let that just skip, hindi naman sana mainit ang dugo ko sakanya kung hindi niya ninakaw ang bracelet ko… bigay ni chelsy iyon” sumeryoso na sila, si nate na tumatawa ay naging seryoso na. kapag tungkol kay chelsy kasi iba na.

“ napatunayan ba?” tanong ni toby.

“ negative ung finger print” sagot ko.,

“ hindi naman pala siya so hindi siya” sabi ni nate.

“ ung bracelet nasa house niya, nakuha sa bag niya kaya paanong hindi siya?? Siguro hindi nag match kasi pinunasan niya” hindi na sumagot si toby.

“ what if you give her another chance, mg iwasan kayo para iwas init ulo” sabi ni nate.

“ malabong mag iwasan kami lalo pat malapit na ang school fest” sagot ko.

“ hindi ko naman siya titirahin kung alam niyang lumugar at huwag maging manyak” dugtong ko.,

“ give her a chance, hindi natin siya tulad na mayaman. Once na pinatalsik siya malamang mahihirapang maka pasok sa school lalo pat may record kaya give her a chance” sabi ni toby, napa buga ako ng hangin.

“ okay… just one chance” sagot ko.

---

Pauwi na ako, sinundo ako ni manong. 7pm kasi natapos ang klase ko at dahil rush hour traffic. Napa tingin na lang ako sa labas ng may napansin ako, isang stuff toy sa department store. Sumasayaw sayaw ito at namimigay ng fliers, ung iba pinapansin siya tapos ung iba wala lang.

Tsk!!! Ang pangit ng sayaw niya, mayat maya ay may mga lalaking lumapit at pinag tri-tripan siya. Kinuha ung basket niya na pinag pasa-pasahan. Habol naman ito ng habol hanggang na out balance, pinagsisipa siya ng mga kalalakihan.

Natapos ang pagsisipa ng lumabas ang kasamahan niya sa department, pinaupo ito at inalis ung naka takip sa ulo niya na parte ng stuff toy. Hindi ko expected ung nakita ko, si kylie.

Bigla akong nakaramdam ng awa sakanya, naaalala ko ung tungkol sa buhay niya. Mahirap siguro lumaki na walang ama tapos may pumalit naman na nambubogbog, kanina ko lang nalaman dahil mas pina imbestigahan ko pa siya.

“ sir aandar na po” paalam ni manong.

“ okay” hindi naalis ang tingin ko sakanya.

Naka uwi na ako, nadatna ko si dad at mom na nanunuod ng television. Lumapit ako at bineso si mama, nag bless naman kay papa.

“ I heard na kinasuhan ka daw” walang balita na hindi pwedeng malaman ni papa lalo pat tungkol saakin.

“ I already settle that one dad” tumango siya.

“ tungkol saan? Bakit hindi ko alam?” tanong ni mama.

“ pumasok siya sa isang bahay na walang paalam” nanlaki ang mata ni mama.

“ what?!!! Kye kailan ka pa naging bastos?!” tanong ni mama, ang o. a ni mama.

“ mom may rason kaya ako pumasok doon” sagot ko.

“ reason without evidence, mabuti na lang may kapit tayo at hindi ka nakulong. Kung wala baka nasa kulungan ka, next time think first before you act dahil pwede kang madehado” tumango na lang ako, ayoko ng pahabain pa.

“ bakit ka ba kasi pumasok doon?” tanong ni mama.

“ she’s a thief”

“ thief?? Do you have evidence na siya? Napahiya ka nga sa presinto dahil negative ung taong pinagkamalan mo, kye dahil lang diyan sa walang kwentang bracelet na iyan muntik ka ng mapahamak?! Mabuti nga na hindi nag patigas ung sinabi mong magnanakaw!” bakit ganito na lang magalit si papa.

“ dad hindi basta—” pinalakihan ako ng mata ni mama, napa buga na lang ako ng hangin.

“ okay… soryy, hindi na mauulit” sabi ko.

“ always think na lang anak para hindi ka mapahamak, iyon ang ibig sabihin ng dad mo okay??” tumango ako.

“ ill go ahead, maaga pa ako bukas” tumango si mama at tinignan ko si papa na umupo na lang.