CHAPTER 6: Malas
KYLIE
Nakaka inis!!! Walang idinulot ung lalaking iyon kundi kamalasas, kung kailan naman may trabaho na tsaka naman siya susulpot.
“ paano na yan, hanap uli tayo ng work??” tanong ni jane, tumango ako.
“ makakahanap din tayo” sabi ko.
“ bukas mag libot uli tayo??”
“ oo, mag pa print kana ng maraming resume para bigyan lahat ng madaanan natin na hiring” sabi ko, kailangan kasi namin ni jane ng extang money. Hindi naman namin katulad si katie na mayaman, hindi rin naman kasi kaya ng parents namin na bayaran lahat ng kailangan namin.
Nag paalam na ako kasi uuwi daw si mama ng maaga, need din umuwi ni jane ng maaga habang si katie hindi namin alam kung nasaan.
“ ahhhhhhh!!!” sigaw ni mam, madali akong pumunta sa bahay. Nadatnan ko na binubogbog siya nong lalaki niya!
“ bwesit ka!!! Bitawan mo si mama!!!” pinaghahampas ko ng walis, nahuli niya ung walis ng bigla niya akong sinampal halos mabingi ako sa lakas.
“huwag…huwag ang anak ko, parang awa mo na” iyak na sabi ni mama.
“mamatay kana!!! Wala ka namang pakinabang saaamin!!” inis kong sabi, hinablot niya ako.
“ huwag… huwag si kylie” pagmamakaawa ni mama.
“ akala mo kung sino ka ah, alam mo bang kayang kaya kitang patayin ngayon” pagbabanta niya.
“ bitawan mo si kylie… pera ba ang kailangan mo?? Heto heto kunin mo” inilabas ni mama ang mga pera niya.
“ mamimigay ka naman pala, kailangan mo pang mabugbog” kinuha niya ang pera tsaka ako binitawan, niyakap ako ni mama.
“ sana hindi kana nangialam pa, nasaktan ka tuloy” tinignan ko si mama.
“ mama anong nagustuhan mo doon sa lalaking iyon?? Ma napaka layo ni papa sakanya”
“ huwag mong babanggitin ang ama mo, si tito ronald mo kahit ganun hindi niya ako ipinagpapalit” bwelta ni mama.
“ bakit ma pinagpaalit ka ba ni papa??!! Ma hiwalayan mo si tito ronald” hindi siya umimik, naiinis ako. Naiinis ako kung bakit ganito na lang si mama sakanya.
“ ipapa blotter ko siya” umiling si mama.
“ anak pagbigyan mo pa si tito kahit isang beses na lang” hindi ako maka paniwala sa narinig ko.
“ ma sinaktan ako!”
“ sorry sa ginawa niya, sorry anak pero please give him a chance. Please anak” nag ngitngit ang ngipin ko, ganito na ba ka martir si mama?
Inalis ko ang pagkakayakap niya, dismayado ko siyang tinignan. Nag lakad na lang ako papasok sa kwarto, ano nangyari sayo mama?? Bakit hindi mo na pinahahalagaan ang sarili mo? Papa sana gabayan mo si mama, simula ng nawala ka hindi na alam kung tama ba siya.
Nakatulog pala ako kakaiyak, tinignan ko ang oras ay hating gabi pa lang. lalabas sana ako para kumain pero may narinig ako, si mama.
“ sana sa susunod huwag mong sasaktan si kylie” mukhang umuwi nanaman dito yang bwesit na ronald na iyan.
“ hindi siya masasaktan kong alam niyang ilugar ang sarili niya” sagot naman niya
“ ako na ang humihingi ng sorry, hayaan na natin ang nangyari” napakuyom ang kamao ko, bakit ganun? Ako pa talaga ang masama?
“ hindi pa kasi siya nakaka moved sa ama niya” dagdag pa ni mama.
“ ama niyang pinabayaan kayo?!” sagot ni tito ronald, kumunot ang noo ko.
“ hindi niya alam, ang alam niya lang ay ang tungkol sa aksidente” sagot ni mama, ano ung hindi ko alam??
“ mas maganda sabihin mo ng malaman niya, baka magsisi siya sa sinabi niya na ang mas walang pakinabang ay ang ama niya at hindi ako tsaka baka hilingin niya din na mamatay na siya haha” natatawa pa siyang rinig ko.
“ darating tayo diyan, basta huwag mo siyang sasaktan please” pumunta ako sa kama at humiga, may tinatago si mama na kailangan kong malaman.
Lutang ako habang nasa school, mabuti na lang wala ung instructor namin. Bumuntong hininga ako at inilipat uli ang tingin, mmmm.. bakit ang taba naman non, itinaas ko ang tingin ko ng nanlaki ang mata ko. Siya nanaman??
Ang sama ng tingin niya saakin, hindi ko naman sinasadya na mapa tingin doon. Iniwas ko ang tingin ko, bigla namang dumating si jane.
“ school fest na!!!!” hindi ako excited
“ kailan daw?”p bagot kung tanong.
“ next week…gosh, kailangan nating mag hanap ng idadamit”
“ I got you” nap tingin kami kay katie.
“ solve na ang damit niyo dahil namili na ako kahapon pa” nag tinginan kami ni jane.
“ at eto na sila” ini abot ang tag isang paper bag saamin.
Agad na binuksan ni jane ung kanya, nanlaki ang mata ko…. Ayoko! Ayoko mag suot ng ganyan! Ibinalik ko kay katie.
“ ayoko… ayoko ng ganyang damit” sabi ko
“ hahaha! Ibang klase naman ung sayo” ibinalik saakin, tinignan ko ung laman…. Ahh eto keri lang kaysa ung kay jane.
“ gusto ko ito katie… thank you”
“ thank you”
“ sa bahay niyo na kylie tayo mag ayos” tumango ako, walang problema naman kay mama.
“ so anong meron at bakit ganyan ang mukha mo?” naka tingin sila saakin.
“ naiinis ako sa jowa ni mama, binugbog nanaman si mama” nalungkot sila.
“ ano balak mo?” tanong nila.
“ ipapakulong ko sana pero ayaw ni mama, bigyan ko pa daw ng isang pagkakataon” napailing si jane.
“ grabe naman si tita” sabi ni jane.
“ meron pa siyang hindi sinasabi saakin na tungkol kay papa”
“ tungkol saan?? Buhay siya?” tanong ni katie.
“ kung buhay bakit hindi siya bumalik saamin??” tanong ko.
“ yan ang alamin mo” sabi ni jane, iyon din ang kanina ko pang iniisip.
“ kylie tawag ka sa dean’s office” nagulat naman ako don, bakit naman? Anong meron?
Pumunta ako sa dean’s office at nakita ko ung lalaki nanamang iyon, ano nanaman ang issue nito.
“ maupo ka kylie” umupo ako.
“ may nagrereklamo sayo, hindi lang daw kasi isang beses ito kundi paultit ulit… ilang beses mo na daw minamanyak si mr. hulton, hindi pwede ang ganun dito sa school lalo pat pinapanatili natin ang magandang imahe ng school” what??!!!