CHAPTER 23: Engagement
KYLIE
“ bakit ka andito? Hindi ba dapat kasama ma mo si toby??” si mama.
“ may ginagawa ako mama” rason ko.
“ talaga ba?” tinignan niya ung mesa ko.
“ may problema ba?” tanong niya.
“ wala naman mama tinatamad lang ako, kaya naman niyang asikasuhin iyon na wala ako” tinignan niya ako.
“ kylie alam kong may gap parin tayo dahil sa nakaraan pero mama mo ako, pwede mo akong pagsabihan ng problema mo” naka tingin ako sakanya, tama siya. Kahit na okay kami may gap parin na ayoko ng magsabi sakanya, siguro ganun talaga na parang medyo lumayo ang loob ko sakanya.
“pwde kitang matulungan basta kaya ko” dagdag niya
“ I don’t want to get married” hindi siya naka imik.
“ ayaw mo o ayaw mo sa taong pakakasalan mo?” tumango ako
“ anak para naman sayo itong plano ng papa mo”
“ para ba talaga saakin o may rason kung bakit siya ang pinili niya” sagot ko
“ kung may rason man siya ay para din naman sayo, hindi kita matutulungan kapag ganyan. Mabuti sana kung ung ugali niya ay pangit doon papagitna ako” napa buga na lang ako ng hangin.
“ okay po” inopen ko na ung laptop ko at nag trabaho na.
“ hindi mo siya talaga pupuntahan?”
“ may trabaho ako ma, mamaya na lang kapag natapos ko na” hindi na siya umimik at umalis na, napa ngitngit ang ngipin ko sa inis.
Hindi ako talaga sumipot at nag trabaho na lang, anong oras na nga ay nag tra-trabaho parin ako. Ayokong matapos ang trabaho ko pero sa totoo lang trinabaho ko na ung trabaho ko bukas.
“ hello?”
“ yes pa, okay po…. Tapusin ko lang ito” tinatanong ako ni papa kung nag tra-trabaho pa ako, ayoko muna kasi umuwi.
Inayos ko na ang mga gamit ko, lumabas na ako sa office. Ayokong mag kotse ngayon kaya maglalakad muna ako.
Tahimik ung lugar, ang ganda mag lakad lakad. Napadpad naman ako sa may park, may mga naglalakad lakad parin pala kahit gabi na. Hindi naman madilim kasi bawat sulok ay may ilaw kaya kung mang nag tsutsupaan diyan ay kita.
May mga rumoronda din naman kaya safe tsaka ung iba nag jojogging, umupo ako at pinapanuod ung fountain.
“ ang lalim ng iniisip mo ah” pamilyar ung boses, tumingala ako at si kye.
“ kye”
“ kamusta?? “ umupo siya sa may tabi ko.
“ heto magpapakasal na”
“ dapat masaya ka pero bakit ganyan itsura mo?” ngumiti ako.
“ bakit ikaw? Bakit ganyan ang itsura mo?” tanong ko naman.
“ magpapakasal kasi ung kakilala ko, nakaka inis lang. Bigla biglang umaalis na walang paalam tapos uuwi para mag pakasal” nilingon ko siya
“ pasensya na, biglaan kasi. Ayaw lang kasi ni papa na masira uli kami lalo pat nakalaya si randy noon” tumango tango siya
“ pinag bawalan din ako mag phone para maka focus sa pag aaral” dagdag ko.
“ tungkol naman sa kasal, hindi ko gusto iyon”
“ sino bang magkakagusto kung hindi mo gusto ang pakakasalan mo” sabi naman niya.
“ pero wala akong magawa kye, ikaw ba may magagawa ka?” tinignan ko siya sa mata, huminga siya ng malalim at natagalan bago umimik.
“ wala…kylie hindi na kami tulad noon na kayaman, kinuha lahat nong lalaking iyon ang yaman namin at ngayon kailangan kong ipunta sa abroad si mama para ipa gamot” ano?!! Niloko sila ng dating asawa ni mama?!!
“ im selling our company for the sake of my mom, siya na lang ang meron ako kylie”
“ At tinatanong mo ako kung ano kaya ko, pasensya na pero wala. Wala akong magawa para maipag laban ka” kumirot ang puso ko.
“ kylie sorry pero mas kailangan ako ni mama at kung papipiliin ako, si mama ang pipiliin ko dahil naniniwala ako sa kasabihan na kung tayo talaga ay tayo parin ang magkakatuluyan” nalungkot ako pero naiintindihan ko siya
“ kung gagawa ako ng paraan para maialis kita sakanila, wala din akong maibibigay na magandang buhay kylie. Ayoko ng ganun, ayokong nahihirapan ang mga taong mahal ko kaya mas okay na mapunta ka sa taong kayang ibigay ang lahat”
“ sorry kung duwag ako pero mas iniisip ko ang kalagayan ng mama ko, sorry kylie” ngumiti ako ng tipid.
“ naiintindihan ko, kung ako din naman ganun ang gagawin ko. Konti na lang ang panahon na makakasama natin sila kaya hanggat kaya nating pahabain pa iyon ay gagawin natin” sagot ko, ngumiti siya.
“ I think hindi ka naman papabayaan ni toby, mabait siya at mukhang tumino naman na” tumango ako ng biglang tumulo ang luha ko.
“ heto nanaman ung luha ko, hindi alam kung kailan babagsak” pinahid ko pero patuloy parin sa pag patak, tinulungan ako sa pag pahid.
“ im still here if you need me, pasensya na talaga and you know naman na walang nag bago maski umalis ka” tumango ako.
“ hindi man tayo nabigyan ng mas mahabang panahon para saakin okay na iyon atleast nalaman mong mahal kita at hindi nagbago iyon hanggang ngayon, I love you kylie” napa kagat ako ng labi.
“I love you…. I love you” niyakap ko siya ng mahigpit, kahit ngayon lang lulubusin ko na.
ILang minuto din kaming nanatiling magkayakap hanggang sinabi na ni kye na kailangan ko ng umuwi dahil masyado ng malalim ang gabi.
“ hanggang dito na lang ako?” hinatid niya kasi ako hanggang saamin.
“ mmm.. thank you” ngumuti siya.
“ pasok kana, ingat palagi at huwag mo ng uulitin na maglalakad mag isa sa gabi” tumango ako.
“ sige na ikaw na mauna bago ako” utos ko sakanya, hindi na siya umangal at tumalikod na.
“ kye” tawag ko, nilingon ako
“ ingat ka”
“ I will” sagot niya, nag lakad na siya palayo.
Sana mabigyan pa tayo ng chance.