CHAPTER 22: Family
KYLIE
Halos lahat ng gusto kong malaman ay sinabi ni papa, hindi ko din masisi si mama dahil galit siya kay papa sa ginawa niya sakanya tapos itong taong mahal niya iniwan siya ng malaman na niloko siya at saakin ibinagsak ang galit niya.
“ bitawan niyo ako!!!” si mama.
“ mama” tawag ko, tumigil siya.
“ hi” bati naman ni papa.
“ demonyo!!! Pakawalan niyo ako!!!” galit na galit si mama, sinenyasan ni papa na pakawalan siya at agad agad niyang sinugod si papa.
Pinaghahampas niya, suntok, tadyak, sampal, sabunot lahat lahat na ginawa niya pero walang ginawa si papa kundi tanggapin. Tumulo na lang ang luha ko, naaawa ako sa ama ko. Walang tigil sa pananakit si mama, hindi ko na kayang makita pang ganito.
Lumapit ako sa lalaki at hinablot ung baril niya, itinulak ko si mama.
“ hindi ka pa ba tapos??!” tanong ko, pagod na pagod siya.
“ hindi pa!!!” sigaw niya.
“ eto kunin mo, barilin mo na kami para tapos na ang lahat!!!” ini abot ko sakanya ang baril.
“ dali na! Daliiiii naaaaaa!!!” hindi tumitigil sa pag tulo ang luha ko.
Hindi niya kaya at tumulo na ang luha niya.
“ sinubukan ko, sinubukan kong magkaroon ng maayos na pamliya, sinubukan kong mahalin ka pero hindi ko kaya. Sinubukan kong ibigay sayo ang kompleto na pamilya pero wala ding kwenta, ung taong pinili ko ipinag palit ako”
“ siya lang ang minahal ko at ng maka move on, dumating si randy. Si randy na nag bigay ng pagkakataong mag mahal uli ako, siya lang tumanggap saakin kahit ganito ang nangyari saakin” sabi ni mama.
“ kaya kitang tanggapin maski ano ka pa” sabi ni papa.
“ kahit ilang lalaki pa ang nagdaan sayo tatanggapin kita” dugtong niya.
“ sinungaling! Ang gusto mo lang saakin ay ang katawan ko!!” sagot ni mama.
“ kung katawan lang ang gusto ko sana kumuha na ako diyan sa tabi tabi pero hindi, wala akong ibang gusto kundi ikaw” hindi naka imik si mama.
“ come on, we can fix this…sorry sa ginawa ko pero kung bibigyan mo ako ng chance I can give you a happy family” sabi ni papa.
Lumapit si papa at kinuha ung baril kay mama, niyakap niya ito hanggang humagolhol na din si mama ng iyak. Andami niyang sinasabi at paulit ulit itong humihingi ng paumanhin.
“ kylie sorry andami kong nagawang mali at halos ikamatay mo na, sorry sorry talaga anak” ung tinawag niya akong anak doon pa lang parang bula na nawala ung sama ng loob ko sakanya.
Kahit ang laki ng sama ng loob mo sa magulang mo, mawawala din pala ito kapag bukas ang puso mo sa pagpapatatawad.
Mukhang ung pinapangarap ko na masaya na pamilya ay mangyayari na at mukhang pang forevee na, hindi man biglaan pero atleast alam mong pang matagalan na ito.
--
“ morning” ang bigat ng mata ko, inabot kami ng madaling araw sa pag uusap. Sinabi namin lahat ng sama ng loob at mga gustong mangyari, kung pagbubuoin ito iisa lang ang gusto namin ang maging buo na pamilya.
“ morning po”
“ By the way, aalis pala tayo bukas” kumunot ang noo ko.
“ aalis po? Saan tayo pupunta??” tanong ko.
“ abroad… doon ka mag aaral at doon na din tayo magsisimula para walang manggulo” sabi ni papa
“ okay na kay mama?” tanong ko.
“ siya ang nag sabi, sa dami ng nangyari sayo at dahil andiyan pa si randy I think tama ang desisyon niya” nalungkot ako.
“ babalik naman tayo kapag naka pag tapos kana” si mama.
Wala naman akong magawa kundi umuo na lang, hindi na ako pinalabas. Sila na ang bumili ng mga damit ko at mabilis naman na naipaayos ni papa ang papeles namin kaya okay ng makaalis bukas.
Ang bilis ng pangyayari, kahapon lang nagsisigawan kami pero ngayon paalis na kami. Hindi man lang ako naka pag paalam sakanila. Pinag bawalan kasi ako ni papa para na din sa proteksyon ko daw, maski si mama sumang ayon.
AFTER 5 YEARS
KYE
FLASH REPORT
“ Anak ni mr. Rico bowler engaged na sa anak ng kanyang kaibigan na si thomas rivera, napakuyom ang kamao ko. Anak ni thomas rivera ay si toby.
“ sir”
“ hindi niyo parin siya nahanap?” naitapon ko ung hawak kong remote.
Ung lalaking iyon, hindi ko napansin. Hindi ko napansin na kinukuha na pala ang pera namin, akala ko mabait siya at maganda ang intesyon pero kabaliktaran pala. Lahat pala ng ginawa niya ay parte ng plano niya!
Ung sinasabi kong lalaki ay ung dating asawa ng mama ni kylie na inasawa ni mama pero may madilim pala siyang intensyon at iyon ay kunin ang yaman namin. Mabuti na lang may naitabi pa si mama at itong hawak ko ngayon.
“ aalis ako”
Umuwi na ako dahil wala akong gana ngayon mag trabaho, tinignan ko si mama na naka tanaw sa malayo. She was depressed dahil sa ginawa sakanya, lumapit ako hinalikan ang noo niya.
“ lets get inside mom” umiling siya
“ waiting for your dad” napa kuyom ang kamao ko.
“ dad is dead mom” ngumiti at tumulo ang luha.
“ I want to join him already” hindi ko kinaya ung sinabi niyang iyon.
“ mom andito pa ako, kailangan pa kita” tinignan ako
“ mom I need you” niyakap ko siya.
“ always remember that I love you” sabi niya.
“ I lobe you too mom” pumasok na kami sa loob, inihatid ko na siya sa kwarto niya at hinintay na maka tulog siya bago ako umalis.
Mahanap ko lang iyon papatayin ko maski makulong ako! Pumunta ako sa kusina para mag luto, ako kasi nagluluto kapag sa pagkain ni mommy habang si manang ay sa paglilinis.
“Ahhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!” napatakbo ako at hinanap saan galing ang sigaw, sa kwarto ni mama.
Mabilis akong pumunta at nakita ko si mama na nasa sahig, binuhat ko agad at dinala sa hospital. Hindi ko napansin kanina pero duguan siya.